webnovel

Chapter Three

"Zek?"

Napalingon ako kung kanino galing ang boses.

Ianne...

She's here right now. At... itong kausap ko pangalan niya ay Zeck? with 'c' sa pangalan niya?

Hindi mapakali puso ko.

"Trixie... you're here..." rinig ko mula sa kanya. Nakatingin lang siya sa akin. Napatingin din siya sa kasama ko.

"I can explain, Ianne..." nagulat ako sa sinabi niya.

Magjowa ba sila?

Nakita kong napailing si Ianne na mukhang nadisappointed siya. Pagkatapos, tuluyan itong nagwalk-out. Mas lalo akong naguluhan sa sitwasyon ngayon.

"Magkakilala kayo?" tanong ko sa kanya.

Napatango siya pero kita kong mukhang hindi siya mapakali. "I am really sorry....", at tuluyang iniwan niya ako mag-isa na hindi niya ako sinagot.

I felt upset. Iniwan niya ako na paliwanag sa nangyari. That day was the last time I saw him. Lalo na si Ianne. After that night, hindi na nagpakita si Zeck sa akin. And about Ianne, tinuloy niya yung birthday party niya kahit pansin ko wala na talaga siya sa mood pero pinipilit niya lang talaga.

If I have a lot of courage to talk about it... maybe it happened. Pero hindi wala akong lakas na loob. All I can do is to watch her. Okay lang naman ako sa ganung paraan.

Hindi ko pa rin alam kung bakit nadisappointed si Trixie sa kanya. And so, nakita niya kami ni Zeck... bakit ganon reaksyon niya? Hindi ba siya nagseselos?

Okay. No. Enough, Trixie.

Masyado kang ilusyanada para mag-isip ng ganyan.

It's a been month nangyari yon at ito ang dahilan kung bakit lutang ako ngayon. "Trix, hindi 'yan inuutos ko sayo." nakatingin ng masama kapatid ko si Luigi.

See? I couldn't focus.

Binatukan pa nga ko ng kapatid ko sa sobrang lutang ng isip ko. Ang pinakamalala talaga, noong isang araw kada tao pumapasok ng bakery shop namin, naiimagine kong dumalaw si Ianne dito. Masyado na talaga akong ilusyanada. Alam ko naman na sobrang busy siya at diba nga may nangyari sa birthday party niya na nakita kami ni Zeck. Sa ganung reaksyon niya magpapakita pa ba siya sa akin? Parang ngang ako pa may kasalanan kung bakit disappointed siya kay Zeck. Wala naman ako ideya kundi pakiramdam ko boyfriend niya si Zeck? O magkaibigan lang sila?

Hays... Pero masyadong O.A. naman non kung ganun ang kanyang reaksyon.

"Trix, may naghahanap sayo." sabi ni Luigi habang busy siya sa kadadala ng karton sa storage room.

"Sino naman?"

"Busy ako, Trix. Pumunta ka na sa labas. Naghihintay siya." Pumunta na lang ako. Sino naman kaya yon? Ah! Si Bea to feeling ko. Siya lang nama-

Napatigil ako sa paglalakad. Yung katawan ko... parang hindi ko magalaw dahil. Nandito na naman siya.

"Hi..."

Ianne...

Pansin kong may dala pa siyang favorite kong bouquet ng sunflower. Alam kong hindi yon para sa akin. Expected ko naman yon... I don't know.

"Hello..." nahihiya kong sabi.

"Bakit nandito ka?"

Gusto ko tanungin siya nang deretsuhan na walang paligoy-ligoy bago ako umasa ngayon.

"I.... I came to see you..." she smiled at me and she give me this bouquet na hindi ko inexpect na para sa akin...

"Bakit?" tanong ko sa kanya na seryoso habang nakatingin sa bouquet.

"Why are you asking me that question rather than kamustahin mo 'ko?" natatawa niyang tanong sa akin.

She didn't get it kung ano ibig sabihin sa sinabi ko sa kanya and I find it weird....

Stop expecting yourself, self.

"I mean bakit mo ko binigyan nito?" just to be clear. It's unnecessary for me na bigyan ka ng bouquet out of nowhere without any events nangyayari ngayon.

Well... I'm curious... I need to be sure kung kailangan ko mag-expect or not. I need to know her intention. If not, this will hurt me again. Then, she requested na mag-usap kami in a quiet place. She said we need to talk something.

I felt nervous... tahimik lang ako sinusundan siya sa unahan. Natatakot ako. Natatakot ako na mag-expect, mahulog ulit, ma-inlove sa kanya dahil sa pagiging assumera ko. Ayoko mangyari ulit. Okay na ko. Okay na talaga ako. Okay na kong wala siya pero nanatili pa rin pagmamahal ko sa kanya.

Hanggang kailang kaya to matatapos?

Ngayon?

"We need to stop..." hindi ko mapigilan na sabihin sa kanya. Napansin kong napatigil din siya at humarap siya akin.

"Is there something wrong?" pag-alala niya. Mukhang lalapit siya pero lumayo ako dahil ayoko bigyan ito ng ibang meaning.

"You can say it right now." I said.

Napansin kong nanginginig ang kamay niya. Now I know hindi lang ako dito kinakabahan.

"What? Please talk, Ianne..."

"Ianne... It took..." kita kong sobra siya kinakabahan. Huminga siya ng malalim," It took you so long to have courage in our past... na sabihin sa akin mahal mo ako. And I know you will hate me so much after na sabihin ko sayo 'to..."

"I lied, Ianne."

"Ano?" I don't get it...

"I lied na sinabi ko sayo na wala akong nararamdaman sayo. Gusto kita pero sobrang wrong timing lang tala—"

I'm so disappointed right now.

Tinapon ko ang binigay niyang bouquet sa kanya. Hindi ko deserve na bigyan niya ko nito.

Sa taon na lumipas, puro kasinungalingan lang pala pinaniwalaan ko. Ang dami kong pagdudusa no'ng nakapagdesisyon na ako na bumitaw sa kanya. Yung sakit na naramdaman ko... hindi biro yon.

Oo. big deal yon para sa akin dahil wala na akong natirang pagmamahal sa sarili ko. Binigay ko sa kanya yon. Buong-buo... Walang naiwan para sa akin. Naging miserable buhay ko... hindi madaling hanapin sarili kong pagmamahal sa isang pitik lang. Tapos ganito?! Sasabihin niya lang kasinungalingan lang yon?

"Sana hindi mo na lang sinabi." Naiinis kong sabi sa kanya.

Okay na ko na hindi na tayo nagkikita pero... eto maririnig ko mula sa kanya? Paano ako makakamove-on? Ayoko. Ayoko na... Masyado na akong nasasaktan...

Kitang-kita ko sa reaksyon niya na gusto niya magpaliwanag sa akin pero wala akong narinig mula sa kanya. Nakatingin pa rin siya sa akin.

"Mayroon ka pang sasabihin?" iritang sabi ko sa kanya, "Hinihintay na ko ng kapatid ko sa bakery."

Ayoko na makita siya simula ngayon. Tahimik lang siya at wala akong narinig na sagot o kahit ano man salita mula sa kanya. Nagsimula na ako umalis.

"Do you still love me?" Napahinto ako sa sinabi niya.

Ano nga ba ang totoong nararamdaman mo, Trixie?

'Yes or No' lang ang sagot sa tanong ko pero bakit hindi masagot ngayon? Tama. Sobra akong disappointed sa kanya pero bakit... bakit ganito nararamdaman ko? Para saan 'tong disappointed ko? Dahil ba talaga sa nasaktan ako o dahil ngayon niya lang sinabi ang totoong nararamdaman niya para sa akin?

I told Bea about don habang nandito kami sa cafeteria umiinom ng kape. Tinanong niya ko kung ano sinagot ko.

"Wala akong sinabi. Iniwan ko siya mag-isa doon." kita kong napailing si Bea sa akin.

"Trix... naka-move on ka na ba talaga?"

"Ewan ko sayo, Bea. Sa tagal na hindi kami nagkita hindi pa ako nakakamove-on sa lagay na yon?"

"'Oo 'at 'Hindi' lang ang sagot, Trix. Bakit hindi mo masabi?"

Hindi ko rin alam...

Pero alam kong okay lang ako. Sanay na ako na wala siya. Siguro sapat na ang dahilan yon para kay Ianne yung sagot ko sa tanong niya.

"Trixie... mahal mo pa rin ba siya?"

Hindi talaga ako tatantanan ni Bea kung hindi ko mabigay ang hinihingi nyang sagot galing sa akin...

"Hindi..." I lied. Uminom na lang ng kape at tumingin sa labas.

Hindi ko talaga alam isasagot ko sa kanya. 'Yan lang ang maaring kong isagot sa ngayon. Hindi ko alam kung...hanggang kailan ko itatanggi tong nararamdaman ko kay Ianne sa lahat ng tao?

Inaamin kong meron... meron pa rin. Pero tapos na ako para magpanggap sa lahat na nakamove on na ako. Mahal ko siya... ngunit ang totoo... 'hindi' ang sinagot ko sa tanong ni Ianne kanina.

Sinabi ko yon sa harap niya at iniwan ko siya mag-isa. Yan ang totoo. Alam kong hindi na katulad ng dati ang pagmamahal ko sa kanya ngayon. Ayokong i-risk yung maliit na porsiyento para ibigay ko yung pagmamahal sa kanya kung ibibigay naman sa akin ay wala? Mas magiging unfair yon sa kanya kung 'Oo ' ang sinagot ko. Hindi ko kaya magsinungaling sa sarili ko. Hindi mawawala feelings ko pero alam kong kumukupas na tong pagmamahal ko kay Ianne.

Alam kong matagal ko na rin siya minamahal. Ilang taon na rin... kulang na lang magcelebrate ako ng anniversary dahil nanatili pa rin tong feelings ko sa kanya. Pero pakiramdam ko unti-unti na ko bumibitaw. Kaya sobrang disappointed ako nung inamin ni Ianne sa akin na hindi niya sinabi ang totoo sa akin dati. Para saan pa niya sinaba yon sa akin, wala rin naman ako magagawa dahil hindi na talaga pwedeng ibalik sa dati?

'Sana hindi mo na lang sinabi'

I meant it what I've said last year. It wouldn't change everything because it was too late for us to be together.

Matagal ko na tinaga sa puso ko na hindi na ako babalik sa kanya kapag ganito mangyayari sa amin ni Ianne. Hindi na ako babalik sa kanya dahil hindi na ako masaya sa nararamdaman ko.Hindi na ako masaya kapag nakikita siya. Lagi na lang nasasaktan nang dahil sa kanya.

Pero papaano mawala tong pagmamahal ko sa kanya? Alam ko... alam ko kaya kong tanggapin na hindi kami para sa isa't isa pero ang hirap, e. Ang hirap bumitaw. Sobrang minahal ko siya..

Pinapasok ko siya sa mundo na siya lang. Siya lang nandon kaya nagkanda letse-letse na buhay ko. Nawalan ako ng mga kaibigan dahil sa kanya ako nakatuon. Yon na siguro pinaka-nireregret ko.

Tama bang ganitong pagmamahal na binigay ko sa kanya hanggang ngayon? O... mali to?

Hindi ko na alam... Sinubukan kong tanggapin na hindi kami para sa isa't isa pero parang pakiramdam kong sinasaktan ko lang sarili ko dahil mahal ko pa rin siya. Kahit pinipigilan ko, hindi ko kayang ialis siya sa puso ko nang ganun lang. Mahal ko siya. Minahal ko siya kaysa sa sarili ko kaya sumuko na ako. Hinayaan ko na lang sarili ko na mahalin siya hanggang mawalan ng pagmamahal.

Gusto ko lang naman na mahalin niya ako pero bakit hindi niya sinabi ang totoo sa umpisa?

Napabuntong hininga na lang ako.

"Siya pa rin iniisip mo?" nagulat ako sa sinabi ni Bea habang naggrill siya ng pork chop. Niyaya ko kasi siya magsangyeopsal dahil na-sstress ako.

"H-ha? Hindi ah!" palusot ko at kinuha ko yung grilled pork chop gamit ang kamay ko.

Gulat akong pinigilan niya ang kamay ko.

Kita ko rin sa mukha na nagulat din siya, "I-ikaw... may tinidor ka naman ba't di mo gamitin?" umiwas siya ng tingin at nagpatuloy siya sa pag-ggrill.

"Ang sarap..." sabi ko kahit tamad na tamad ako ngumuya.

Nawawalan ako ng gana.

"Si Ianne ba?" Rinig kong sabi niya pero natawa na lang ako para hindi na niya ako sermonan.

"Masarap tong luto mo. Hindi suno-" napatigil ako sa pagkuha ng lettuce para ibalit sa pork chop na ilalagay ko sana. Tumingin ako sa kanya at nilagay ko muna ito sa plato ko.

"Hindi ka pa talaga nakaka-move-on." Napailing na lang siya.

Hindi naman kadali magmove-on, e. Akala niya isang iglap lang mawawala na to? Tss.

"Oo. Hindi pa!" iritang sabi ko. Masarap na sana tong niluto niya pero nawalan ako ng gana.

Sinamaan ko siya ng tingin, "Hindi pa? Baka hindi mo na lang matanggap?"

"Tanggap ko na. Okay?" tinaasan ko siya ng kilay.

"Talaga ba?" natatawa niyang tanong sa akin.

"Oo. Tanggap. ko." Pagkukumbinsi ko sa kanya. Sana naman ma-convince kita, Bea. Hirap mo paniwalaan sa lahat ng kasinungalingan na sinasabi ko.

Napailing siya, "Hindi, Trix. Hindi mo matanggap, e. Ilang beses mo na sinasabi na tanggap mo na hindi kayo para sa isa't isa. Ilang taon na rin na mahal mo pa rin siya. Hindi mo kaya kasi... pinili mong ipagpatuloy nararamdaman mo sa kanya." Napatigil ako at tumingin sa kanya.

Natahimik ako sa sinabi niya. Para ako natusukan ng kutsilyo sa puso ko sa mga sinabi ni Bea.

Tama ka na naman, Beatrice.

"She asked me if I still love her pero nagconfess siya na nagsinungaling siya na hindi niya ako mahal... Ilang taon ako nasasaktan...", hindi ko na mapigilan pagbuhos ng luha ko, "Ako ang nakasaksi ng mga naging karelasyon niya pero bakit hindi niya ako pinili? Sinabi ko naman ah! Sinabi ko naman na mahal ko siya. Bakit ganon?!" naiiyak kong sabi ko.

"Na-disappointed ka na hindi ikaw pinili niya. I see." Nakaramdam ako ng pagpunas sa pisngi ko.

Kita kong pinunasan niya gamit ang handkerchief niya.

"Do you think deserve niya pagmamahal mo sa kanya? Kasi sa tingin ko, hindi niya deserve. She lied her feelings towards you. Pinili niyang saktan ka. It means hindi niya kayang panindigan nararamdaman niya sayo."

"Bakit ang sakit mo magsalita?!" napahagulgol ako.

Nakakainis ka, Bea.

Lagi ka na naman tama.

"Kung papakinggan mo ko o hindi, it's up to you. Nandito lang naman ako sa tabi mo." ngumiti siya sa akin.

"Kahit sobra ka nang tanga." tinawan lang ako. Wow!

Nagulat ako sa pinakahuli niyang sinabi.

"Okay na sana. Na-comfort mo na ako, e. Lalo lang ako nabwiset. Thank you ha?" sarcastic kong sabi sa kanya at sinamaan ako ng tingin.

Napaisip ako.... lagi siyang nandyan kapag malungkot ako. She always try to make me happy. Lalo na pagdating sa amin ni Ianne... nandyan pa rin siya para magbigay ng payo kahit hindi ko sinusunod. Natatawa na lang ako kasi kahit alam niyang sobrang tanga ko sa pag-ibig... Hindi siya nagsasawang pakinggan ako.

"Swerte ng magiging boyfriend mo, Bea." nagtaka siya sa sinabi ko.

"You never fail to make me happy and feel loved each and everyday as your bestfriend." seryoso sabi ko sa kanya.

Tinitigan niya lang ako. May problema ba ako sa mukha?

"Maganda ba ako?" biro ko sa kanya at inirapan niya lang ako.

"Oo. kaya wag mo kong tinitigan. Nakaka-" alam ko na yang linyahan niya sa pinakahuli kaya sinubo ko yung binalot kong lettuce saka grilled pork chops sa bibig niya para manahimik siya.

I am so grateful to have her.

~•~

To be continued...

Like it ? Add to library!

Don't forget to leave some votes and comment in my story.

if you have time, follow my social accounts below:

wattpad: @itsleava

This story is also available in Wattpad!

itsleavacreators' thoughts