webnovel

Wedding Ring (Original)

Every fairytale has its ending. And in every ending, there's a wedding, and uh, a baby. But mine was different, it begins with how everything ends. A wedding. My name is Bryan. And I met the most beautiful, graceful and enamoring woman with exquisitely shaped features I have ever seen in my entire life. Just like how piercing and fiercely her eyes are, my mind was easily subdued, my heart instantly surrendered and simply pointed her. But what makes her contrastive is her title. She's called the "TIGER WOMAN OF ASIA". She's not a mafia member nor justice seeker but rather the most successful businesswoman on her young age in leading and expanding their prestigious and well-known corporation around the world. But I’m just a young man who never had a girlfriend, was new to his newly founded restaurant and thought that his life was meant for his dreams alone. And my fate got entangled with her when she proposed---- no, ordered me to marry her. For real. But the moment our baby was brought into this world, she left it in my care and vanished without a farewell. Now, how can I face a new chapter of my life being a newbie father of this adorable baby girl, a husband to a cold-hearted and dominant woman, stranger to a new and whole different lifestyle, and prisoner of family rules in this luxurious and enormous villa? Does the wedding ring symbolize only as an ownership of a claimant or is it beyond that line that none of us have ever crossed before?

IAMLARRAINE · Realistic
Not enough ratings
13 Chs

Chapter II.5: Being Bold is an Honest Act

"Honey, pwede ba tayo umupo dito? Baka madumihan natin yung sopa." She says, inspecting the quality of the Poltrona Frau Kennedee sofa, its dove-grey color blends intimately with the glistening wooden floor, various outdoor and exotic plants, transcendence objects and the flourishing nature that overall showcase the outrageous luxury of the outdoor living area.

Wally sat comfortably on one of those hand-stitched leather sofas just across her, placing both arms at the top of the back rest and brushing aside his wife's worry.

"Relaks ka lang dyan, malakas tayo kay Sir kaya naman walang bawal-bawal satin." He showed off, grabbed a delectable cupcake from the plates of dessert lying in the centered AK47 opera fire pit table, savoring the taste and the feeling of being in upper-class.

"Délicieux." He remarks and rolls his eyes upward.

"Honey, talaga bang si Sir Bryan ang nagmamay-ari ng buong bahay at lupain na ito? Jusko, lampas limang libo ang kayang tumira dito at magtirik ng mumunting kabahayan, meron ba talaga nito sa Pilipinas?" Nabibighaning sinabi ni Shirley habang ipinapasyal ang mata sa buong paligid.

Karaniwang nasa gitna sila ng malawak na outdoor garden kung saan nakatanim ang iba't-ibang klase ng halaman at bulaklak, lokal man o inangkat sa ibang bansa, kumikinang ang bawat halaman marahil sa malusog ito at busog sa pag-aalaga at pagmamahal.

Wala namang bakod na nakaharang sa paligid nito kaya kahit nakaupo ka man ay makikita mo ang kalawakan ng buong villa.

(A/N: Outdoor garden style: Landscape lighting for the garden, Phytolaca American in landscape design || Credits to its site || Source link as reference: https://yandex.com/collections/card/58888bd5051d7f1d72520da7/)

"Honey, welcome to the world of yeyemenin." Wally proudly answers.

"May sapa rin dito, hindi kalayuan sa villa na 'to." He demonstrates in between of devouring the sweets, Shirley's eyes even more sparkled trying hard to extend her visions like an eagle, disregarding the mouth-watering, edible gems at her back.

"Talaga? Pero bakit hindi nakikita dito?" She tried to walk away but Wally instantly took an action.

"Oy, oy, oy." Pagpigil nya, he catches her arm and pulled her back to their place.

Shirley obeyed him as she sits down beside him, finally embracing the privilege of being "malakas sa Boss".

"Hindi talaga makikita yan dito, kailangan mo pang sumakay ng sasakyan. At saka alam mo ba, ang sarap ng mga pagkain dito, nakakatikim kami ng mga pang five-star hotel na putahe," Wally serves her, giving her a handful of cookies and cupcakes as if that would make her stop from roaming carelessly.

"Dali, tikman mo ang pagkain na gawa sa ginto."

Upon smelling the aroma, her eyes bulged in excitement, saliva dripping in her mouth, devouring the pieces, one after another. She has never tasted anything like this before and that made her look like a ravenous bear after its hibernation.

"Sarap noh? Si Sir Bryan nagluto nyan. Sa lahat ng natikman ko na pagkain, sa kanya lang yung kakaiba at hinding-hindi mo makakalimutan kahit isang beses mo palang natitikman. Ganun sya kalupit!" Pagmamalaki ni Wally na parang anak nya ang kanilang amo.

Shirley was about to say something but she nearly chokes and Wally rescued her right away with the fresh and cool water.

"Dahan-dahan kasi, andami nyan o." Paalala nya sa asawa na nakakarecover na.

"Na-imagine ko kasi sya Honey eh, aba ay pagkagwapong bata, mestizo at ang tangkad pa. Kahit sino atang makakakita sa kanya ay mabubulunan na lang kahit walang kinakain." Kinikilig na sinabi ni Shirley ngunit hindi ikinatuwa ni Wally.

"Akala ko ba ako lang ang gwapo sa paningin mo?" Tampo nya, tiningnan naman sya ni Shirley at nag-iba ang anyo nito sabay palo sa braso nya.

"Aruy!" Himas ni Wally sa kanyang braso. "Bakit ba? Pwede ka namang sumang-ayon eh."

"Sinungaling ka eh! Bakit ang sabi mo Manager ka? Na nagtatrabaho ka sa isang malaki at sikat na kompanya tapos... tapos..." Mangiyak-ngiyak na sinabi ni Shirley na para bang nabale-wala ang maayos nilang pagsasama kanina at bumalik sa pinaka puno't dulo ng pagsugod nya, kaagad naman syang inamo ni Wally.

"Patawad na mahal. Hindi ko sinasadya, masyado kasing confidential itong trabaho ko kaya kailangan kong pagtakpan." Pagsisiwalat nya.

"Meron ka pa bang hindi sinasabi sakin? Sige, sabihin mo na kung gusto mong mapatawad kita ng husto at maibalik ang tiwala ko kung hindi hihiwalayan na talaga kita at maghahanap ako ng asawang kaya akong pagkatiwalaan." Pagbabanta nito.

"Mahal naman… wag ganyan." Lumuhod sya sa kanya habang nagmamakaawa.

"Alam mo namang ikaw lang ang mahal ko at may mga bagay talaga na hindi ko pwedeng ipaalam, sana naman maunawaan mo." Iyak nito.

*Clatter*

"Nakakaintindi ba sya ng Ingles?" Malakas na nilapag ni Arnold ang mga papel sa mesa na ikinagulat nila, agad-agad silang napatayo sa kaba. Hindi kasi nila napansin ang pagdating nito at ganun rin sina Bryan sa likod nito na may tapal na sa pisngi.

Napangiwi si Shirley nang dahil sa kagagawan nya kanina, ngayon ay nadumihan nya ang malinis at mala-anghel na mukha nito.

"Ahh, highschool graduate naman po ang asawa ko. Basta wag malalim." Mabilis na tugon ni Wally, kailangan nyang mag-ingat sa sasabihin lalo na't nanganganib ang kanyang kontrata.

Dahil sa pangyayaring ito, may posibilidad na matanggal na sya sa trabaho at lihim nyang pinagdadasal na sana ay ambunan sya ng kapiranggot na bulong ng langit.

"Mabuti, hindi ako mahilig magpaulit-ulit nang mga sasabihin." Tiningnan nya ng matalim si Shirley na halata namang nakaramdam ng kaba at takot.

"Hindi lahat ng bagay na may kaugnayan sa trabaho ay dapat ipaalam sayo Misis, marahil ay wala kang alam sa employee's agreement pero hindi yun dahilan para humantong pa sa ganito." Pangangaral nito na may pagkainis sa kanyang tono

"I can read the contract of Wally in front of you but in exchange—I.WILL.FIRE.HIM."

Kaagad namang napayuko si Shirley at maaari nang magbagsak ng pinipigilang luha sa kanyang mga mata, hindi man sya ganun kagaling sa ingles ngunit alam nya ang mga basic and used words.

"Patawad po. Patawad po. Humihingi po ko ng kapatawaran." Paulit-ulit nyang sinasabi.

"Sir Arnold naman, hindi nyo na kailangan pang takutin si Shirley." Nahihiyang sinabi ni Wally.

"Tumahimik ka, may icing ka pa sa pisngi!" Suway sa kanya nito na nagpatikom sa kanyang bibig at pasimpleng pinahid ang pisngi sabay sinipsip ang nakuhang cream.

Mabait mang tingnan si Arnold sa pangkaraniwan na panahon ngunit pagdating sa mga ganitong insidente ay nag-iiba ang aura na pumapaligid sa kanya kaya naman masasabi mo kung ano ang estado nya sa pamamahay na ito.

"Hanggang sa mga oras ba na 'to ay damdamin pa rin ng asawa mo ang bukang-bibig mo? Hindi mo ba alam na sa nangyari ngayon ay maaari na kitang tanggalin sa trabaho?" Buong tapang nyang sinabi ito sa kanila habang nananahimik lamang si Bryan sa likod nya, aminado ang mag-asawa sa maaaring mangyari ngunit hindi pa sumasagi sa kanilang isipan ang ganitong posibilidad.

"Papssss." Paghingi ng saklolo ni Wally kay Bryan. "Paps, please."

Agad-agad naman syang hinarangan ni Arnold. "Asking for a help won't help you at all. Paano kung mapahamak si Sir Bryan lalo na ang kanilang anak dahil sa kapabayaan mo? Sa tingin mo ba ay may boses ka sa buong household upang ipagtanggol ang iyong sarili? Sabi nga nila, carelessness is inexcusable and merits the inevitable sequence." Pangangaral nito.

Lumapit silang dalawa kay Arnold habang nakaluhod at nagmamakaawa. "Patawad po at hindi na mauulit." Ang mga salitang tanging lumalabas sa kanila kasama ng mga luha.

"Huwag nyo po syang tanggalin sa trabaho, ako po ang may kasalanan at hindi ang asawa ko. Madali po kong nakinig sa sinasabi ng iba at hindi sa damdamin ng asawa ko kaya madali akong nadala sa mga naririnig ko lamang. Wala po syang kinalaman kaya parusahan nyo po ko kahit ano po, gagawin ko." Lumuhod sya ng may matinding pagdadalamhati.

"Kahit ano?" Usisa ni Arnold, isang malaking pagkakamali na alam ni Shirley ay hinding-hindi na nya maibabalik.

"Opo, opo kahit ano, gagawin ko po." Buong loob nyang pagsang-ayon.

"Mahal, hindi mo kailangang sabihin yan." Pagpigil ni Wally.

"Wallyyyy." Arnold calls and warns him not to take it any further, eventually, that held his tongue from resistance.

Arnold pressed his lips together and swallowed multiple times with a bothered face before he finally released his voice.

"Kung ganun, mangako ka na kailanman ay hinding-hindi mo na ipaparamdam kay Wally na mas matimbang pa ang mga sinasabi ng iba kaysa sa pagmamahal nya sayo, na hindi mo sya sasaktan, mamahalin mo sya ng lubusan, na walang hinihinging kapalit, walang panghihinala at higit sa lahat buo ang tiwala." Arnold states seriously at mistulang pari na nangunguna sa kanilang exchanging of vows.

Totoo ba ang kanilang narinig?

Nagpalitan naman ng tingin sina Wally at Shirley dahil umaasa sila sa mabigat na kondisyon.

"'Di nga?" Usisa ni Wally na puno ng pagtataka.

"O e'di hindi. Madali akong kausap." Akmang mag-iimpake na sana ng mga papeles si Arnold ngunit pinigilan sya ni Shirley.

"Pangako po, hinding-hindi na 'to mauulit." Mas lalong bumagsak ang mga mabibigat na luha sa mata niya at nagmamarka sa mga mata ang paghihinagpis at pagsisisi.

Tumayo sya at humarap kay Wally na may ngiti sa kanyang mga labi.

"Wally, hinding-hindi ko na hahayaan na matibag ang ating pagmamahalan ng ano mang unos. Pangako yan." Madamdamin na sinabi ni Shirley sa kanyang asawa.

"Mahal ko…" Ang tanging lumabas lamang sa mga bibig ni Wally, napuno ang ere ng mga puso habang napapikit na lamang si Arnold sa ginagawa ng dalawa.

'Parehas kami ni Bryan, malamang pati sya nakokornihan sa dalawang 'to.' Ito ang nasa isip ni Arnold kaya naman tiningnan nya ito upang makakuha ng karamay.

"Beau travail." Bulong ni Bryan, hindi man nya naintindihan ang ibig sabihin nun ay aminado naman syang magkaiba sila ng pananaw sa ngayon.

"Isa pa," Arnold clears his throat to get their attention and stop the cringey virus. "kung masasampal mo ang sarili ng sampung beses dahil sa sugat na natamo ng aming Master ay maaari ka naming patawarin at hindi matatanggal sa trabaho ang iyong asawa." Arnold orders firmly and finally, halata namang napakilos si Bryan, marahil ay sa pagkabigla ngunit nanatili sya sa kinakatayuan.

Naputol ang malagkit na pagtitinginan ng dalawa at nataranta naman si Wally. Sabi nga nila, hindi nagtatagal ang masasayang panahon, the general rule, rain comes after sunny days.

"Sir Arnold, parang, parang hindi naman po ata tama na—"

"Kahit kailan hindi ko nagawang saktan ang aming mga anak at ganun din ang sarili ko," Singit ni Shirley na desidido sa gagawin. "ngunit mahal kita, Wally. Ang bawat pagkakamali ay may kapalit na parusa." Maramdaming inilunsad ni Shirley kay Wally ng may pagmamahal sa kanyang mga mata at saka ipinikit muna ang kanyang mga mata.

'Isa pa talaga, maduduwal na ko hindi lang sa isip, sa salita at sa gawa.' Arnold says to himself.

"Sabi nyo nga po, hindi sa lahat ng panahon, damdamin ang pinapairal ngunit sa mga oras na 'to, pwedeng mong pagsabayin parehas ang isipan at damdamin." Itinaas na nya ang kanyang kamay at bago pa man dumampi ito sa kanyang mga pisngi ay may narinig na syang palakpak na nagpamulat nang kanyang mga mata.

*Clap* *Clap* "Clap*

Pinapaligiran sila ng mga tao sa loob ng villa at pinapalakpakan, gayun din si Bryan na may mga ngiti sa kanyang labi.

Anong ibig sabihin nito? Ang tanging natanong ni Shirley sa sarili.

"Na-capture mo lahat yun?" Sigaw ni Arnold sa likod nya.

"Yesh Boss, naka-HD pa!" Sagot ng isang lalaki na may hawak-hawak ng videocam.

"Yan ang bago mong contract. Ni-renew lang namin." Seryosong pag-iimporma ni Arnold.

"So, ayos ba, Wally?" Baling ni Arnold kay Wally na halatang naalimpungatan sa isang masamang panaginip. "Ngayon, hindi ka na matatakot sa asawa mo." Akbay ni Arnold kay Wally na napatawa rin. "Muntik na kong maduwal, alam mo ba yun? Apir tayo!"

"Ha! Grabe Kuya Arnold, akala ko talaga papaalisin nyo na ko." Buntong-hininga ni Wally, hawak ang kanyang dibdib na akala mo ay lalabas ang kanyang puso.

Arnold upraises his arm and slaps Wally's palm that made him flinch and freeze. He looked at his palm, to Wally's and to the touched foods in the table.

"Wally." He breathes out and instantly detach himself from him, Wally scratched the back of his head and laughed awkwardly.

"Sorry Boss, malinis naman laway ko." He defended at napailing na lang si Arnold.

"Wally! Pwede ka na pala talagang tanggalin sa trabaho at mag artista na lang no?" Asar ni Jose.

"Wag naman! Mas magaling pa rin ako sa barilan." Tawa ni Wally na parang walang nangyari habang naiwan sa kawalan ang kanyang asawa na iniintindi pa ang nangyayari.

"Galing talaga ni Sir Bryan pagdating sa ganito. Biruin mo sya nakaisip."

Sa kalagitnaan ng kanilang katuwaan ay hindi nila napansin ang nakatulalang Bryan sa kawalan, nawawala ang kanyang mga mata na pawang hinigop sya ng isang black hole sa kalawakan.

Nung una ay hindi nya naisip na may dating rin pala sa kanya ang plano na 'to, ang pakay lamang nya ay magkaayos sina Wally at Shirley pero sa tuwing nagbibitaw si Shirley ng mga madamdaming salita… ay unti-unting namamanhid ang kanyang paa at kamay hanggang sa tuluyang kumikirot ang maliit na bagay sa kanyang dibdib.

"Naku, kung si Sir Arnold nakaisip nyan, malamang world war X na ang nangyari." Paolo says.

Inakbayan ni Arnold si Paolo sa balikat.

"Ahh, malinis na ba kamay nyo, Sir?" Paninigurado ni Paolo.

"Mukhang kailangan natin i-review yung kontrata mo, iho."

"Ha-ha-ha, joke lang Boss. Eto naman hindi mabiro." Tangi nyang nasambit.

"Sir Bryan?" Kinaway-kaway ni Jose ang kanyang kamay sa mukha ni Bryan na kasalukuyan pang nawawala sa sarili ngunit pagkaraan ng ilang segundo ay napailing na lang.

"Bakit?" Mabilis nyang pagpapanggap upang ilihim ang mga hindi kanais-nais na saloobin.

Shirley just watched them with confusion at the same time hurt, seeing her husband laughing when just few moments ago, he was about to cry and profess how much he loves her.

Kakabawi palang ni Bryan sa kanyang sarili ng marinig nya ang iyak ni Shirley. "Pinaglalaruan nyo lang ba ko? Ha? Wally?"

Napatigil ang iba sa pagtawa at kalokohan, samantalang dali-daling lumapit si Wally kay Shirley upang amuin 'to.

"Sir Bryan has something to say." Arnold declares as he looks toward Bryan's direction.

Bryan was surprised and all he could say was, "Ha?".

That wasn't part of the plan at all.

Arnold nodded and gestured that the final step was his.

Napakamot na lamang ng ulo si Bryan dahil wala naman syang alam sa mga ganitong sitwasyon, ang tanging gusto lamang nya ay malaman ng isa't-isa ang nararamdaman nila nang sa ganun ay hindi na ito maulit pa.

"Ahh…" He steps up as he tries to find the right words to say.

"Ahmm, Ate Shirley, gusto lang namin ipaalam na marangal na nagtatrabaho si Wally para sa inyo kaya naman hindi rin makatarungan sa parte nya na pag-hinalaan mo sya at mas manaig ang pagdududa. And ah…" He hesitates.

Bryan clenched his cold fingers and make a fist.

His heart is thumping hard, trying to hurt himself.

The words.

He wanted to say it.

He just realized that.

"Ma-swerte kayo parehas sa isa't-isa." I looked down at my trembling fingers. "I… I think—I think what both of you made this far was because you wanted to be together and that's what all matters." Word just flew out of his mouth as if a spilling water he cannot hold. "As long as both of you are willing", He closed his eyes. "everything is a piece of cake. Just don't be afraid, if you have something to say, go ahead and be bold, it is better to struggle in fitting each other's needs than", He opened his eyes, bit the insides of his mouth and looked at them deeply.

"sleeping every night with a troubled heart."