webnovel

Way Back Time

Bata pa lamang tayo nang tayo'y magkita pero hindi natin alam ang pangalan nang isa't isa. Nangako tayong mag kikita muli at bubuksan ang time capsule na ibinaon natin sa tapat ng Puno ng Balete. Ngunit pano? Hindi na kita ma alala at maaaring hindi mo narin ako na aalala. Mag kikita pa kaya tayo?

peachy_scape30 · Realistic
Not enough ratings
4 Chs

Lunch Break

Hindi nako nakapakinig sa sinasabi Ng prof dahil di mawala sa isip ko ang tungkol sa pamilya ni Shayna. Gusto kong malaman kung anong meron sa pamilya nya at bakit tila walang nakaka alam tungkol sa pamilya nya.

Diko namalayang tumunog na ang bell na hudyat na lunch break na. Nakatulala parin ako at malalim ang iniisip.

*DEBORAH'S POV*

Ano kayang problema nun ni Zayan, kanina pa sya wala sa sarili.

"Shayna may baon ka?" tanong ko sa kanya.

"Oo meron, Tara sa cafeteria dun nalang tayo kumain". Sagot naman ni Shayna saken.

"Zayan ikaw? Sama kaba?" Tinanong namin si Zayan pero parang hindi nya kami naririnig. Ano bang problema nya?

"Zayan!" Sinigawan ni Shayna si Zayan na ikinagulat naman ni Zayan.

"Ha? lunch naba? may baon kayo?" tanong ni Zayan sa amin.

"Oo meron, sa cafeteria na tayo kumain" sagot naman ni Shayna sa kanya.

Habang nag lalakad kami papunta sa Cafeteria ay tahimik parin si Zayan. Di ko na matiis ang katahimikan nya kaya naman tinanong ko sya.

"Huy, what's your problema ba? Kanina kapa ganyan nakaka worry kanaman"

Nagka tinginan si Shayna at Zayan sa tanong ko.

"Shayna, bakit nga ba hindi mo pinapakilala samin ang pamilya mo?" Straightforward na tanong ni Zayan kay Shayna.

"h-huh? wala n-namang importante s-sa pamilya ko" Nauutal na sagot ni Shayna.

"Mauna na kayo sa cafeteria may naiwan pala ako sa bag ko" Sunod na sinabi ni Shayna. At bigla syang tumkbo pabalik sa classroom namin.

Bakit ganun reaksyon nya? ano namang masama kung mag tanong kami sa pamilya nya?

"Tara na nagugutom nako" Sabi ko kay Zayan.

Nag lakad na kami papuntang cafeteria at hinintay nalang namin si Shayna.

*SHAYNA'S POV*

Hingal na hingal ako dahil tumakbo ako pabalik sa classroom namin. Bakit kinukulit parin nila ako tungkol sa pamilya ko? Dapat ba sabihin ko na sa kanila ang tungkol sa pamilya ko? Baka layuan nila ako. Dibale na, iiwas nalang ako sa usapang pamilya.

Pumunta nako sa cafeteria para kumain.

"Uy Shayna! Here!" Sigaw ni Deborah saken habang kumakaway.

"Pasensya na, naiwanan ko wallet ko sa bag"

sagot ko sa kanila.

"By the way anong ulam nyo?" Tanong ni Deborah samin

"Eto nag baon ako ng adobo luto ni mama to, tikman nyo, masarap to. Dabest adobo to!" Pagmamalaking sagot ni Zayan

Agad namang tinikman ni Deborah ang adobo na luto ng mama ni Zayan.

"Hmmmm sarap nga, penge pa ha" Sabi ni Deborah.

Tumikim din ako ng adobo na baon ni Zayan. Bakit parang familiar yung lasa? Kakaiba ang lasa nya sa lahat ng adobong natikman ko. Pero parang natikman kona to noon pero diko matandaan!

"Ansarap naman, parang familiar sakin yung lasa neto" Sabi ko kay Zayan.

"Talaga? Walang katulad ang adobo ni mama. Family recipe kasi namin yan, wala yang katulad kahit sa internet." Tugon ni Zayan saken.

"Ahhh Kaya pala! Napaka sarap, sa susunod mag baon ka uli neto ha!" Sabi ni Deborah.

Pinag patuloy namin ang pagkain namin at nang matapos kami ay nag lakad lakad muna kami sa loob ng campus.

Habang nag lalakad kami ay iniisip ko kung saan ko natikman ang adobong iyon.

*Shayna's Childhood Flashback*

-Year 2006-

"Daddy can I go outside?" tinanong ko ang daddy ko. Bagong lipat lang kami sa baranggay na ito. Ang pamilya namin ay nagmamay-ari nang Zebero Cosmoline, ang pinaka malaking kumpanya sa bansang ito. Na bankrupt ang kumpanya namin at naka utang kami nang malaking halaga sa isa pang kumpanya. Ngunit sa kasamaang palad ay hindi na namin ito kayang bayaran kaya naman ay nag tago kami sa maliit na baranggay na ito. Iniingatan naming huwag kaming makilala nang kung sino man dahil Kung mapag alaman na Kami ang may ari nang Zebero Cosmoline ay ipapakulong nila ang Daddy at mommy ko at maiiwan akong mag isa.

"No you can't honey. Stay inside and don't let them know your identity, is it clear?" Sagot sakin ng daddy ko. Binilinan nya ako na huwag sasabihin kahit kanino man ang pangalan ko at kung anong meron sa pamilya ko. Kaya naman hindi nya ako pinayagang umalis Ng bahay.

Malapit nang mag tanghalian ngunit Wala pa rin kaming pagkain. Busy sila mommy at daddy sa pag aayos ng mga gamit at wala na rin ang yaya namin.

Sumilip ako sa bintana at natanaw ko na may mga batang nag lalaro. Madami sila at nainggit ako. Lumabas ako nang walang paalam dahil alam konaman na kahit magpa alam ako ay hindi ako papayagan. Pag labas ko ng gate ay biglang napatingin sakin ang mga batang naglalaro.

"Hello" binati ako nang isang batang lalaki.

"Bago ka lang ba dito?" Sabi pa nya

"Oo, kakalipat lang namin kanina" sagot ko sa kanya.

"Anong pangalan mo?" Tinanong nya ako at Di ako umimik. Hindi ko pwedeng sabihin ang pangalan ko. Naka tingin lang ako sa kanya at sya naman ay naka ngiting nag aantay ng isasagot ko. Papasok na Sana ule ako ng gate nang bigla syang nag salita.

"Gusto moba sumali?" Napa lingon ako ule at ngumiti. Hindi na nya tinanong pa ang pangalan ko. Naglaro kami nang mga larong ngayon kolang nalaman. Dahil nga mayaman kami ay nasanay ako sa mga mamahaling laruan at wala akong kalaro.

Hindi ko alam kung paano laruin ang patintero at tumbang preso pero tinuruan nila ako. Napaka saya nang araw nato para sakin. Ngayon lang ako nagkaron ng tunay na kalaro.

Pumatak ang oras nang tanghalian at tinawag na sila nang mga magulang nila.

Uuwi na sana ako nang bigla akong ipakilala nang batang ito sa nanay nya.

"Mama may bago tayong kapit bahay, kakalipat lang nila kanina" sigaw nya sa nanay nya na naka tanaw sa bintana.

"Ah talaga ba? Kumain kana ba iha?" Tanong nya saken nang may ngiti sa labi.

Nahihiya ako pero nagugutom na talaga ako. Wala pa din pagkain sa bahay namin.

"Hindi pa po" Sabi ko. Kaya naman inimbitahan na nila ako sa kanila.

Sa hapag ay talaga namang kitang kita na Mahal na mahal ng aleng ito ang anak nya.

"Ambango naman ng niluto mo nay! Ayan ba yung special adobo mo?" Sabik na sabik na tugon ng batang lalaki sa nanay nya

"Syempre, araw araw special para sa nag iisa Kong anak" sagot sa kanya ng kanyang ina

Sana ganun din samin, madalas si yaya lang ang nag luluto para sa amin okaya naman ay kakain nalang sa restaurant. Hindi kopa natikman ang luto ng nanay ko. Masaya din pala mamuhay nang simple kesa sa mayaman.