webnovel

Chapter 11

General Kayato's POV

Tatlong araw na ang nakakaraan pero simula nang makatulog si April ay hindi pa ito gumigising. Tatlong araw na rin kaming nasa byahe.

"Ilang araw pa ba tayo babyahe bago maka rating sa headquarters?" tanong nang isa sa mga kasamahan ni General Gomez.

Hindi rin namin inaasahan na maraming mga zombies ang haharang sa amin sa daan, marami rami narin ang nabawas sa amin at hindi namin iyun inaasahan. Ngayon ay nasa gubat kami na part, pumasok kami sa gubat para wala masyadong walkers ang makakasalubong namin.

"Kamusta na kaya ang pamilya natin?" tanong pa ng isa.

Lahat kami dito ay may pamilya pa, hindi namin alam kung nasa maayos ba sila na lagay o kung ano na ang nang yari sa kanila.

"General!" napa tingin kami ni Gen.Gomez sa tumawag. Si Razer ito, siya ang nag babantay kay April sa loob ng bus na dala namin.

"What is it?" tanong ko sa kaniya. Sumaludo ito sa amin ni Gen.Gomez at ganun din kami sa kaniya.

"Sir, Ms.April Night is awake.." sabi nito. Ngunit may kakaiba sa kaniya. Para itong kinakabahan. Hindi ko nalang siya pinansin at mabilis na tumakbo papuntang bus. Hindi pa ako nakaka tapak sa bus ay may naririnig ako na kalampag.

Dali dali akong pumasok sa bus dahil sa kaba. Sa pagpasok ko ay dahan dahan akong nag lakad papunta sa dulo ng bus. Hinanda ko rin ang sarili ko sa maaaring mang yari.

"April?" tawag ko sa kaniya. Hindi parin matigil ang kalapag na tunog.

"Grrr.." I know that sound.

Mabilis akong lumapit sa kinaruruonan ni April.

"April..."

Third Person's POV

"Boss andito na po ang bangkay ni April Night."

"Mabuti.. mabuti... gawin niyo na kaagad ang pagsalin ng chemical sa katawan niya." yumuko muna ang lalaki bago ito umalis.

Hindi kalaunan ay tumayo na ang lalaki na ang namumuno sa kahangalan na ito. Sa isang laboratoryo ay may mga kakaibang chemical ang ginawaga, mga kagamitan na kakaiba at may isang napaka laking glass na pabilog, na may lamang tubig at naka paloob rin doon ang batang Night, walang saplot at wala nang kabuhay buhay.

May mga nakaka kabit sa kaniya na mga wires at kung ano ano pa. May mga naka puting lab gown ang naka palibot sa kaniya at may ginawang experimento.

"Sir.. naikabit na po namin sa kaniya ang XZ wires na pagdadaluyan ng chemical papunta sa katawan niya." sabi ng isang babae na naka lab gown.

"Magaling, ngayon ang chemical naman." tumango ang babae saka lumapit muli sa glass. May kinuha itong injection at tinurok sa isang wire na naka kunikta sa puso at utak ng dalaga.

May malaking monitor rin ang nasa loob ng lab makikita doon ang kalagayan ng dalaga. Ilang minuto pa ay walang nag babago sa monitor. Kamuntikan na silang nawalan ng pag asa hanggang sa maka rinig sila ng isang beep sound at nasundan pa ito.

Nabuhayan ang mukha ng lalaki ng makita ang pagbabago sa monitor.

"TAGUMPAY!! TAGUMPAY!! HAHAHAHAHAHAHAH!!!"