webnovel

Napakahirap na Misyon

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Kapitan, ano ang aking misyon?" Pagkatapos nilang tuluyang makalayo mula sa Iron Blood City, si Duan Ling Tian ay hindi na mapigilan ang kanyang sarili na magtanong.

"Ang iyong misyon ay ang magdulot ng alitan sa pagitan ng Black Armor Army ng Crow Summit Kingdom at Lian Clan at ganap na kamuhian ang isa't isa panghabang-buhay." Habang si Yang Da ay dahan dahang nagsasalita, ang kanyang mga mata ay kumukurap.

Gayunpaman, sa kanyang puso, si Yang Da ay walang ibang magawa kundi ang mapabuntong-hininga. Sa nakalipas na mga taon, ang kanilang Iron Blood Army ay sinubukan nang sinubukan, nguit bumalik pa rin nang walang napala.

Kahit siya ay hindi alam kung bakit ang Kumander ay magbibigay ng ganoong klase ng misyon kay Dunan Ling Tian…

Ang misyon na ito ay imposibleng matapos ni Duan Ling Tian.

"Black Armor Army? Lian Clan?" Bahagyang napakunot ang noo ni Duan Ling Tian. "Kapitan, maaari mo bang ipaliwanag nang mabilis ang tungkol sa kanila?"

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com