webnovel

Li Zhong

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Ke Er, papasok ako mula sa harapan at doon ko aasikasuhin ang pitong lobo. Habang kinukuha ko ang atensyon nila, umatake ka mula sa likuran at asikasuhin mo yung tatlo sa likod."

Habang nakangiti sa dalaga, lumipad si Duan Ling Tian.

Spirit Serpent Movement Technique!

Direkta siyang tumawid upang makarating sa mga mababangis na lobo, kinukuha ang atensyon ng sampung mababangis na lobo.

Ang dalagang may maselang pigura ay bahagyang nanginig, huminga nang malalim at pinagngalit ang ngipin habang pinipigilan niya ang takot sa kaniyang dibdib, lumipad at nagtungo sa likod ng sampung lobo.

Sword Drawing Arts!

Sinimulan na ni Duan Ling Tian ang kaniyang atake.

Whoosh!

Ang kinang ng violet sword ay nagningning bago mabilis na nawala.

Putchi!

Isang mabangis na lobo ang umalulong bago bumagsak sa lupa habang tumalsik mula rito isang haligi ng dugo.

Ang amoy ng dugo ay naging dahilan upang ang mga mata ng natitirang siyam na lobo ay maging pulang-pula.

Ang anim na mababangis na lobo na nasa harapan ay inilabas ang kanilang mga pangil nang sunggaban nila si Duan Ling Tian.

Spirit Serpent Movement Technique!

Ang katawan ni Duan Ling Tian ay flexible katulad ng isang spirit serpent; ang kanyang mga paa ay mabilis na tumapak habang buong kahusayan niyang sinasalag ang mga sunggab ng mga mababangis na loob, tila nakikipaglaro lamang sa kanila.

Kada hampas ng kaniyang Violet Meteorite Flexible Sword, kumukuha ito ng buhay ng isang mabangis na lobo.

Pagkatapos ng ilang sandali, ang lahat ng mababangis na lobo na sumunggab sa kaniya ay namatay.

Sa kabilang banda.

Ang dalaga ay sa wakas nagkaroon ng sapat na tapang, pinipigilan ang tatlong lobo mula sa likuran.

Sword Drawing Arts!

Whoosh!

Isang kinang mula sa Violet sword ang lumitaw.

Agad na ang isa sa mga lobo na sumunggab sa kaniya ay nahiwa ang lalamunan, at ang mainit na dugo ng lobo ay tumalsik sa kaniyang buong mukha.

Ang makapit na amoy ng dugo ay naging dahilan para ang bumaliktad ang sikmura ng dalaga.

"Mag-iingat ka!"

Nang mapansin ang dalawa pang lobo na susunggab patungo sa dalaga na puno ng takot at hindi makagalaw, kumilos agad si Duan Ling Tian.

Whoosh!

Ang dalawang mabangis na lobo ay napatay gamit lamang ang isang sword strike.

Hindi na kayang magtiis pa ng dalaga, sinuka ang kaniyang inalmusal at ang kaniyang mukha ay namutla.

"Hmm?"

Tila may napansin, agad na nagdilim ang ekspresyon ni Duan Ling Tian.

Takbo!

Walang alinlangan, hinila ni Duan Ling Tian ang dalaga patungo sa kaniyang bisig bago lumipad pataas sa isang malapit na puno,

Spirit Serpent Movement Technique!

Gumapang siya paikot sa puno bilang spirit serpent hanggang sa dumating siya sa tuktok ng puno.

Howl!

Howl!

...

Sa oras na ito, malapit sa mga bangkay ng sampung mababangis na hayop ay may iba pang grupo ng mga lobo, at ang kanilang bilang ay patuloy na dumarami.

Ang mga alulong ng mga lobo ay puno ng galit.

Habang nakatingin sa paligid na puno ng mga lobo, nagsimulang mabalisa si Duan Ling Tian.

Hawak-hawak ang dalaga sa kaniyang bisig, tumalo siya patungo sa isa pang puno.

Gamit ang mga puno bilang daan, nagpatuloy siya.

Biglang isang papalapit na iyak ng isang agila ang narinig.

Agad na itinaas ni Duan Ling Tian ang kaniyang ulo, malabong nakikita ang isang itim na pigura na dumadagit pababa.

Ang pakay nito ay siya at si Ke Er!

"Hindi maganda ito!"

Nagdilim ang eskpresyon ni Duan Ling Tian.

"Ke Er, ayos kana ba?"

Sumunod ay tumingin siya sa dalagang nasa yakap niya.

Magaang tumango ang dalaga.

"Tumayo ka rito at huuwag kang kikilos."

Habang ibinababa ang dalaga, bahagyang nanlamig ang mga tingin ni Duan Ling Tian.

Spirit Serpent Movement Technique!

Gamit ang mga sanga ng puno bilang lupa, ginamit niya ito upang makalipad pataas upang makita ang itim na pigurang dumadagit pababa.

Ang iyak ng agila ay papalapit sa sandaling iyon.

Ang itim na agila ay may mga pakpak na parang mga ulap, ang mata nito ay nagalalabas ng mabilis at mabangis na tingin habang dumadagit ito patungo kay Duan Ling Tian. Sa ilalim ng nakakapasong araw, ang pares ng mga kuko nito ay tila kumikinang nang may matalas na kintab.

"Mamatay ka na!"

Ang puso ni Duan Ling Tian ay tahimik na parang tubig at may malamig na tingin sa mga kuko ng agila.

Sword Drawing Arts!

Whoosh!

Walang pigil na humiwa ang Violet Meteorite Flexible Sword.

Ang masakit sa tengang iyak ng agila ang maririnig, may bakas ng tinis.

"Damn, sobrang bilis non."

May pagkamanghang ekspresyon si Duan Ling Tian dahil ang Violet Meteorite Flexible Sword na pinanhiwa niya patungo sa agila ay nahiwa lamang ang isa sa mga kuko nito.

Whoosh!

Nagngangalit ang agila, pinapagaspas ang pakpak nito habang pabalik ito upang muling umatake.

Kahit na tinuhog ni Duan Ling Tian ang Violet Meteorite Flexible Sword sa dibdib nito,bago ito mamatay, hindi pa rin ito nagsikap upang ihampas ang kanang pakpak patungo sa dibdib ni Duan Ling Tian, na lumikha ng masakit sa taingang alulong.

Greater Teleportation!

Walang alinlangan, pinaikot ni Duan Ling Tian ang kaniyang defensive martial skill!

Bang!

Humampas ang malaking pakpak sa dibdib ni Duan Ling Tian.

Nanginig ang katawan ni Duan Ling Tian at ang kaniyang lalamunan ay naglasang matamis, at dumura siya ng dugo.

Bagaman ang Greater Teleportation ay sinalag ang halos lahat ng pwersa at ginamit ang pwersa ng teleportation upang itapon ang katawan ng agila sa malayo, ang laman-loob ni Duan Ling Tian ay bahagyang napinsala.

"Ang lakas ng agilang ito ay hindi mababa kaysa sa akin, maaaring ikumpara sa isang martial artist na nasa ikasiyam na antas ng Body Tempering stage.

Nabigla si Duan Ling Tian.

"Young Master, ayos ka lang, hindi ba?"

Ang dalaga ay bahagyang naging maayos na. Tumapak siya sa sanga ng kahoy at lumipad patungo sa kinarooonan ni Duan Ling Tian.

"Young master, may pinsala ka!"

Nang mapansin niya ang bakas ng dugo sa gilid ng labi no Duan Ling Tian, ang eskpresyon ng dalaga ay nagdilim.

"Ayos lang, kaunting pinsala lamang ito."

Umiling si Duan Ling Tian. Ang kaniyang puso ay bahagyang kumibit nang maisip niya ito.

Ang isang taong martial artist ay kailangan tumaas ang stage of cultivation ng martial skill upang magamit ang kanilang lakas.

Ngunit ang mga hayop katulad ng agila na mga ibong nangingibabaw sa food chain, na nakatira sa kalikasan na patibayan ng malalakas, matagal na nilang pinagmatigas ang kanilang mga sarili upang makakalap ng mga paraan upang magamit ang kanilang buong lakas.

Punitin nang buhay ang isang tigre o leopardo, sapilitang humuli ng phyton, lahat iyon ay posible.

Ang paraan ng pag-atake ng agila kanina kay Duan Ling Tian, pagdating sa lakas ay maikukumpara sa Mastery Stage high grade Profound Rank offensive martial skill na pinapakita ng isang martial artist na nasa ikawalong antas ng Body Tempering stage!

Sa kabuting palad, napatay ito ni Duan Ling Tian sa tamang oras, dahilan para ito ay mawalan ng sapat na lakas para magpatuloy sa atake.

Kung hindi ay siguradong malala ang pinsalang matatamo ni Duan Ling Tian!

"Young Master, lahat ng ito ay dahil walang kwenta si Ke Er."

Ang mga mata ng dalaga ay basa ng luha.

"Anong sinasabi mo? Ang aking Ke Er ay napakatapang, pinatay ang isang lobo sa kaniyang unang atake… Dahan-dahanin mo lamang, hindi mo mamamadali ito."

Pinagaan ni Duan Ling Tian ang kaniyang loob.

Bahagyang tumango ang dalaga, ang malinaw niyang mga mata ay naglalabas ng matatag na ekspresyon.

Matapos kumunsumo ng isnag grade nine Gold Injury Pill, dinala ni Duan Ling Tian si Ke er at nagpatuloy nang mabagal sa lupa.

Nang umalis siya sa Li family sa Fresh Breeze Town, binigyan ni Grand Elder Huo si Duan Ling Tian ng ilang grade nine Gold Injury Pill.

Sumunod ay sa kabuuuan ng kanilang paglalakbay, napansin ni Duan Ling Tian na ang dalaga ay tila nakumpleto ang isang metamorphosis sa ilang sandali. Kahit na pumatay ng tigre o leopardo, ang kaniyang ekspresyon magbabago lamang ng kaunti, wala ng pagsusuka dahil sa pandidiri tulad dati.

Ang katatagan ng dalaga ay naging dahilan upang malugod si Duan Ling Tian, ngunit ito rin ay nagpapasakit sa kaniyang puso.

"Young Master, puro hamog roon."

Tumingin ang dalaga sa harapan.

Ang gubat ilang daang metro ang layo ay nababalot ng puting hamog, tila nakasuot ng misteryosong maskara.

Ito ang eksaktong dahilan kung paano nakukha ng Misty Forest ang pangalan nito.

"Marahil iyon ang tagong lugar ng Misty Forest, ang lgar kung saan gumagala ang mga mababangis na hayop."

Dinala ni Duan Ling Tian at ng dalaga ang kanilang nasamsam at naglakad sa parehong daan katulad ng dati.

Nang madaanan nila ang lugar kung saan namatay ang mga lobo, napansin nila na wala na ang mga bangkay ng mga lobo, nag-iwan lamang ng tuyong dugo ng lobo.

Siguro ay ang grupo ng mga lobo ang may gawa nito.

Habang nakasakay sa kabayo pabalik, ang araw ay pababa na nang ang magkasintahan ay sa wakas makabalik sa Auora City.

Matapos asikasuhin ang kanilang nasamsam sa Aurora City, ipinagpalit nila para sa 1,300+ na pilak, ang magkasintahan ay bumalik sa Li Clan Estate.

Nang nasa harap na ng mga mata nila ang pangunahing pinto ng Li Clan, isang masungit na sigaw ang narinig mula sa kanilang likuran.

"Duan Ling Tian!"

Itinigil ni Duan Ling Tian ang kaniyang mga hakbang.

Nakilala niya ang nagmamay-ari ng boses.

Si Li Xiao.

Hindi niya inaasahang pupunta pa rin si Li Xiao at gagawa ng gulo.

Mabagal na tumalikod, nakita ni Duan Ling Tian si Li Xiao na nakatayo ng hindi kalayuan. Sa tabi niya ay isa pang binata na nasa labingwalo ang edad.

Ang itsura ng binata ay tila kapreha ni Li Xiao.

"Kapatid, siya si Duan Ling Tian. Tulungan mo akong turuan siya ng leksyon," sabi ni Li Xiao sa binatang nasa tabi niya.

Matapos marinig ang kaniyang sinabi, kuminang ang mga tingin ni Duan Ling Tian nang mahulaan niya kung sino ang binata.

Isang beses ay narinig niya kay Li Shi shi ang tungkol sa kaniya. May kapatid si Li Xiao na naging disipulo ng inner court sa Clan Martial Meet isang taon na ang nakalilipas.

Si Li Zhong, kasalukuyang labingwalong taong gulang, nakatuntong sa Core Formation Stage tatlong buwan na ang nakararaan.

"Ang tawagin kang basura ay talagang mali; ngayon naman ay hindi mo kayang tumalo ng isang bata. Hindi ka ba nahihiya?"

Hindi manlang tumingin kahit kaunti si Li Zhong sa kaniyang nakababatang kapatid.

Nahihiyang ngumiti na lamang si Li Xiao.

"Ikaw ang bumugbog sa nakababata kong kapatid?"

Malamig na tuumingin si Li Zhong kay Duan Ling Tian na may pagsang-ayon

"Kung anuman ang sinabi niya."

Nagkibit balikat si Duan Ling Tian.

"Bagaman isang basura si Li Xiao, siya pa rin ay aking nakababatang kapatid. Ang pagbugbog mo sa kaniya ay nagbigay din ng kahihiyan sa akin. Hindi mo ba naiisip na kailangan mo akong bigyan ng eksplenasyon?"

Umismid si Li Zhong.

Sa kalooban niya, bahagya siyang nagulat.

Narinig niya sa kaniyang kapatid na kahit si Li Yuan ay hindi kayang tapatan ang binatang ito.

Ang binatang ito ay labing-anim na taon lamang.

Ang isang labing-anim na taong gulang na nasa ikawalong antas ng Body Tempering stage na disipulo ng pangunahing clan ay isang bagay na hindi kulang ang Li Clan.

Ngunit walang makakayang talunin si Li Yuan.

"Kung hindi mali ang hula ko, bilang isang labingwalong taong gulang na disipulo ng inner court, lalahok ka sa Clan Martial Meet kalahating buwan mula ngayon… Kung gusto mong tulungan ang nakababata mong kapatid at turuan ako ng leksyon, hindi mo kailangang maging sabik," nanliit ang mga mata ni Duan Ling Tian nang sabihin niya ito nang normal.

Ang Martial Meet ng Li Clan ay ang entablado para sa batang henerasyon.

Ang mga disipulo ng Li Clan na nasa edad labing-anim hanggang labingwalo, kahit sila ay mga disipulo ng inner o outer court ay maaaring lumahok.

"Kapatid, huwag kang makinig sa kaniya; pinapatagal lamang niya dahil may balak siya," mabilis na sabi ni Li Xiao.

Direkta sa punto si Duan Ling Tian, habang nakatingin kay Li Zhong at mabagal na sinabi, "Tama ka, pinapatagal ko. Inaamin kong hindi kita matatapatan sa ngayon, ngunit sa loob ng kalahating buwan, hindi natin alam kung sino ang matatalo."

"Interesado, tunay na napakainterasado… Kung nasa ikawalong antas ka ng Body Tempering stage, sa loob ng kalahating buwan ay makakatuntong ka sa ikasiyam na antas. Gusto kong makita kung saan ka huhugot ng lakas para labanan ako kalahating buwan mula ngayon!"

Nanliit at naging linya ang mga mata ni Li Zhong, walang respetong tumatawa nang umikot at umalis.

"Kapatid!"

Balisa si Li Xiao.

Nang mapansin ang malamig na mga tingin ni Duan Ling Tian, bahagyang takot ang ekspresyon ni Li Xiao. Mabilis niyang hinabol si Li Zhong at umalis.

"Ang Li Zhong na ito ay katulad nga ng sinabi ni Li Shi shi, matindi ang pagkahumaling sa martial arts."

Bahagyang ngumiti si Duan Ling Tian.

"Young Master, paano mo nalaman?" tanong ng dalagang nasa tabi niya.

"Ang itsura ng aking Ke Er ay tulad ng isang bulaklak, ngunit hindi talaga siya tumingin. Kung hindi siya nahuhumaling sa martial arts, ano siya?"

Tumawa ng malakas si Duan Ling Tian.

"Young Master, inaasar mo na naman ako."

Agad na namula ang dalaga.

"Sige, umuwi na tayo. Huwag nating paghintayin si ina nang matagal.

Nang oras na umuwi si Duan Ling Tian at Ke Er.

Sa pamilihang-kalakalan ng Aurora City.

"Ang Clan Martial Meet ng tatlong dakilang clan ay malapit nang magsimula, at ang lahat ng Body Tempering Pills ay naubos na, napakamalas!

Bumubulong sa kaniyang sarili, isang binatang nasa labing-anim at nakasuot ng binurdang kasuotan ang naglakad at pumasok sa medicine store sa ilalim ng mga tingin ng dalawang bantay na nasa katamtamang edad.

"Young Master Xiao."

Nang mapansin ang taong dumating, ang mukha ng manager ay puno ng ngiti.

May tatlong collosi sa Aurora City, ito ay ang Li Clan, Lin Clan at ang Xiao Clan.

Agad niyang nakilala ang taong iyon. Ito nga ay walang-iba kundi ang bunsong anak na lalaki ng Patriarch ng Xiao Clan.

"Manager, bigyan ninyo ako ng tatlong set ng medicinal materials upang makagawa ng Body Tempering Pills," sabi ng binatang nakasuot ng binurdang kasuotan sa manager.

Magaang ngumiti ang manager at mabagal na nagtanong, "Young Master Xiao, mayroon akong bagong grupo ng mga medicinal liquid dito. Ang epekto nito ay tulad ng Body Tempering Pill, ngunit ang abilidad nito na pabilisin ang cultivation ay doble kung ikukumpara sa Body Tempering Pill. Interesado ka ba?"

Next chapter