webnovel

Kawawa

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Napansin ni King Qian ang kawalan ng kahinahunan ni Ye Feng. Ang kaniyang mga mata ay nagliwanag nang siya ay magtanong, "Ano? Kilala mo siya?"

Nang makuha niya ang larawan mula kay Ye Mu Bai, hindi niya inasahan na mahahanap niya ang tao sa larawan, paano pa kaya ang maghiganti sa kaniya.

Gayunpaman, nang si Ye Feng ay mawalan ng kahinahunan nang makita niya ang larawan na nahulog sa lupa, napagtanto niya na baka kilala ni Ye Feng ang tao sa larawan.

'Ang Ye Feng na ito ay talagang parang aking pampaswerte,' sabi ni King Qian sa kaniyang sarili.

Pinakalma ni Ye Feng ang kaniyang sarili pagkatapos huminga nang malalim. Nang marinig niya ang katanungan ni King Qian, nagtanong siya sa gulat, "Fourth Imperial Highness, hindi ba't ito ang larawan ni Duan Ling Tian, ang Interim Advisor ng Situ Clan?"

Base sa mga salita ni King Qian, napagtanto niya na hindi pa kailanman nakita ni King Qian si Duan Ling Tian dati.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com