webnovel

Ang Lakas Ng 1000 Ancient Horned Dragon!

Editor: LiberReverieGroup

Matapos niyang maiwasan ang atake ni Zi Shang at naalis sa mataas na tapakan, noong una ay nais ni Duan Ling Tian ang gamitin ang kanyang buong lakas upang atakehin ang hangin at gamitin ang paglaban ng hangin upang gumawa ng paraan upang siya'y maitulak ng hangin pabalik sa mataas na tapakan. Ito ay dahil mayroon ditong Flight Prohibiting Formation na pinipigilan siya na lumipad.

Subalit, napagtanto niya sa loob ng ilang pagsubok na ang hangin sa paligid ay walang kahit kaunting panlalaban. Kumalat ang kanyang enerhiya at naglaho na parang bula. Ito ay para bang nabaon ito sa maraming bulak at tila hindi ito nagamit noong una palamang. Kahit pagsabog, pati na rin ang tunog ng hangin ay kahit kaunti ay hindi marinig.

"Ano ang nangyayari?!" Matindi ang gulat ni Duan Ling Tian, at dahil dito ay hinalungkat niya ang mga alaala sa kanyang isipan tungkol sa sikretong kayamanan ng Martial Emperor.

Sa wakas, nagawa niyang malaman ang kasagutan

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com