webnovel

Unnamed

"Payapa ang paligid, simoy ng hangin na kay lamig.

Dampi ng kanyang kamay sa aking braso,

Boses mong mala-anghel at mukha mong perpekto.

Isa pala itong----

Uyy Joy! Balita ko ikaw ang pambato natin sa darating na patimpalak para sa pagtula. Ano ayos na ba?

"Hindi ko na naituloy ang aking pag kakabisa dahil sa kaklase kong si Emmie"

H-hindi pa nga e, tyaka kinakabahan ako kasi unang beses ko palang sasali sa mga gan'to.

"Ayoko munang isipin yung contest, kinakabahan kasi ako habang papalapit."

Good morning class! Nag enjoy ba kayo sa weekend niyo?"Pagbati samin ng aming guro"

"Hindi ko namalayan kanyang pagdating, tila lutang pa rin ako sa kaka-isip sa contest."

Alam niyo bang kalahati nalang ang natitirang tao dito sa mundo."Panimula ng aming guro"

"'Hindi ko lubosang naunawaan ang kanya nais ipahiwatig kayat ako'y nakinig na lamang sa mga sasabihin niya."

Alam ba ninyo na ang araw-araw ninyong kasama at nakaka-usap ay hindi tao?"dugtong pa nito.

"Sir hindi po namin kayo maintindihan."Sabi ng kaklase kung si Emmie.

Oo nga sir ipaliwanag mo po."Dugtong naman ni Rick.

"Isa-isa nang nagsitanungan ang mga kaklase ko, siguro dahil na din sa pagtataka o 'di din nila naiintindihan."

Well class, tatanungin ko kayo. May nagawa na ba kayong kasalanan? Ikaw Joy, ano ang kasalanan na iyong ginawa?

"Pagka dinig ko ng pangalan ko ay tumayo ako agad."

Sir nung ninakawan ko po si mama at tyaka noong nag sinungaling po ako sa kanya.

"Madami akong nadinig na bulong-bulongan, yung iba sa kanila ay mga kaibigan ko pa mismo. Hinayaan ko nalang sila, hindi ko nalang pinansin yung mga sinasabe nila."

"Sus kababaeng tao eh mag nanakaw pala"

"Wag na tayong sumama sa kanya".

"Ilan lamang 'yan sa mga nadinig ko mula sa kanila. Mahihina subalit sapat na para malaman kong ako'y kanilang linilibak."

Ano naman ngayon yung mabuting ginawa mo?."tanong ulit ni sir.

"Hindi na ako nag atubili sa pag sagot."

Inamin ko po ito kay mama at pinaliwanag ko sa kanya kung bakit ko nagawa iyon. Humingi po ako nang tawad at nangakong hindi ko na uulitin.

"Parang maluluha ako, hindi ko sukat akalain na maiintindihan ko ng ganoon kadali ang topic ni sir."

See class, masama ang magnakaw alam kong alam niyo 'yon. Ngunit sa tindi ng pangangailangan ng tao nakakagawa tayo ng masama, pero kahit anong bait mo may maririnig ka parin na mga masasakit! Yung iba kaibigan mo pa! So class ngayong henerasyon dapat marunong kang maging asal hayop, kailangan mong matutong lumaban o mas kailangan mong makipag plastikan para hindi ka masaktan."saad ni sir.

Okay class, that's all for today, goodbye class.