webnovel

Vr Wars

2035 Kung saan ang mundo ay nasa makabagong antas pagdating sa teknolohiya. Dahil sa mga teknolohiya mas napapadali na ang mga trabaho. Katulong nila sa pang araw-araw na gawain sa bahay, sa pamayanan at iba pa dahil and 2035 ay tinatawag nang mga experto na “age of advance technology”. Dahil sa makapabagong pamamaraan nang teknolohiya maraming mga company ang nag sulputan sa buong mundo at isa dito ang realitech company. Sila ang pinaka sikat na kompanya sa buong mundo dahil sa technology nila na I.T.S. o Inevitable Tube System, isang makinaryang inililipat ang human body sa virtual system. Dahil dito maraming tao ang tumangkilik sa realitech at maraming kompanya ang nakipag negosasyon mas lalong nakilala ang realitech dahil ginagamit ang I.T.S. sa larangan nang mga laro katulad nang MMORPG, MOBA.

Chris_Jay_Pedra · Sci-fi
Not enough ratings
10 Chs

Chapter I.The beginning

Nasa itaas kami nang puno sa malawak na kagubatan nag hihintay nang kalaban. Tatlo kaming mag kakasama ang isa kong kakampi ay may hawak na baril, at katulad ko ay espada din ang dala ng isa saamin. Nag mamasasid-masid ang isa naming kasamahan para tingnan kung may papalapit na kalaban. Biglang itinaas na nang isa naming kasamahan ang kanyang kamay, hudyat para mag handa na kami.

"Mga kumag, malapit na sila"

Ikinasa na nang kasama ko ang kanyang baril kaya inilabas ko narin ang aking espada. Nakikita ko na ang isa naming kalaban ay may hawak na espada, at ang isa naman ay isang baril. Sumenyas ang isa kong kasamahan na sapag taas nang kanyang kamay ay lulundagan naming sila at papatayin. itinaas na nya ang kanyang kamay at sabay-sabay kaming lumundag sa mga kalaban. Ang kakampi ko na may baril ay duminstansya at kaming natitira ay sumugod patungo sa mga kalaban. Hinataw ko ang isa na may espada pero nasangga niya. Ngumiti sakin ang kalaban at biglang tumagilid ang paningin ko at bigla nalang ako natumba di namin namalayan na may kasamang sniper ang kalaban. Naputol ang kanang paa ko at tutulayan na ako ang kalaban nang biglang.

"Rapid fire!!"

Binaril nang kasamahan ko ang kalaban at umatras ang isa kong kakampi at napatay ang kalaban. 0-1 na ang score at umatras kami at tumakbo.

"BOBO mo di mo ginamit ng shield mo"

Galit na sinabi nang isa kong kakampi habang inaakay ako at ang isa naman ay nasalikod at nag babantay.

"Pasensya na baguhan palang ako dito, di ko alam kung kung pano gamitin ang shield."

Lumapit sakin ang isa kong kasamahan at tinapik ako at nagsalita.

"Pare isipin mo lang kung saan mo gustong palabasin ung shield at lalabas yan dun"

Habang nag uusap kami paakyat nang burol nakita kami nang kalaban dali-dali kami nag sipag handa. Habang ako ay paika-ika sinugod ko ang may espada sa kanila hiniwa ko sya pero nakagamit sya nang shield mawawalan nako nang balanse dahil matarik ang burol. Habang ang mga kasama ko ay busy sa sniper at ako naman ay nakikipag papalitan nang mga suntok, sipa, kasabay nang pag hataw nang espada kalaban. Nagulat ako nang biglang sumigaw ang kasama ko.

"Tinamaan ako pare "

Tumumba ang isa sa mga kakampi ko butas ang kanyang dibdib at may mga ibat-ibang kulay na likido ang lumalabas doon, at ang isa naman ay natamaan rin sa tiyan. Ako nalang ang natitira di ako makalaban nang maayos dahil sa putol ang isa kong paa, nang biglang binaril ako nang sniper pumikit nalang ako bigla at naisip ko shield at lumabas nga ito.

"Shield"

Nasangga ko ang bala nang sniper pero di ako nakailag sa may espada gumamit sya nang skill at hiniwa ako.

"Slash"

Hiniwa ako sa dalawa at tumalsik ang kalahati nang katawan ko at natalo kami.

[GAME OVER]

[Score 3-1]

Ito ang larong Vr Wars isang "combat warfare system" na kung saan nag lalabanlaban ang mga player para manalo at makakuha nang RP o reality points na pwede ipalit na tunay pera. Mas lalo itong nakilala dahil sa maraming tournament na ginagawa dito, at sa malalaking perang papremyo. Walang leveling system ang Vr Wars ang kailangan lang combat experience at matalinong pag iisip para manalo. May ibat-ibang mga class sa vr wars. Attacker ang tawag kung ang weapon mo ay sword, knuckle o helberg. Shooter naman ang tawag kapag ang gamit mong weapon ay riffle ibig sabihin ang baril mo pang ratra-tan, pero hiwalay dito ang class na sniper. Pwede mo itong pagsamahin bilang isang main-class at bilang isang sub-class, pero mahirap itong gawin dahil sa mental fatigue na mangyayari pero possible na magawa mo ito. Ang pinaka komon na sub class ay ang gunner. Ito ang pangalawa sa pinaka magaan sa mental stability. Pinaka default sub weapon ay ang knife madalas na gumagamit nito ay ang mga bigginer. Pero hindi kagaya nang attacker, shooter at sniper walang skill ang gunner at knife.

Dalawang araw nalang para sa unang pasukan pang 50 na laro ko na ito ng vr wars 4v4 ang standard na laban. kami ay red team at ang kabila ay blue team. Sa team namin ay may isang sniper dalawang shooter at isang attacker ang blue team naman ay tatlong shooter at isang sniper. Nag simula na ang laban na teleport kami sa kalahating kapatagan at ang kalahati naman ay burol. Mag camouflage kayo sabi nang isa naming kasamahan na sniper, pero wala akong camouflage. Habang nag aabang sa mataas na puno malapit sa kapatagan ang iba kong kasamahan ay kinausap ako nang kasama naming sniper gamit ang R.E.D. o Radio Earphone Device sa vr wars para long range communication.

"Anong pangalan mo"

Hindi pa ako nakakasagot nang may nakita akong naglalakad na tao sa may daan, isang itong shooter. At sinabi ng kausap kong sniper na maghanda.

"Humanada na kayo"

"Teka wag muna baka may kasama pa sya, wag muna tayo pa dalos dalos"

Pinigilan ko ang dalawa kong kasamahan dahil baka mangyari nanaman yung nakaraan. Tama nga ako, kasunod nga nito ang dalawa niyang kasamahang shooter.

Nakita nang sniper namin ang tatlong shooter at kinausap kami gamit ang R.E.D.

"Kayong attacker at dalawang shooter nakikita ko kayo ia-assist ko kayo"

"Ge ready na kami"

Binaril nang aming kasamahang sniper ang unang shooter at nabutas ang tagiliran nito. Naghanda ang kasamahan nyang shooter pero huli na ang lahat. Sinugod namin sya nang isa-isa. Ako ang nauna, binayo ko sya ng aking espada pero naka gamit sya ng shield. Ang hindi nya alam na nasa likod ko ang dalawa kong kakampi. Gumamit ng skill ang kakampi kong attacker sabay baril naman ng katabi nyang shooter.

"Slaaash"

"Shoot!!!!"

Napatay namin sya, [2-0] na ang score dalawa pa ang natitira. Sumilay sa aking labi ang ngiting tagunpay, dahil mukhang mananalo na ako ngayon at tuwang tuwa kami habang nakatayo sa pinaglabanan naming nang biglang.

"umalis ka dyan"

Tinulak ako nang kasama kong shooter at na pa dapa ako sa damuhan. Banaril sya nang kalaban naming shooter. Hindi nakita ng kasamahan naming sniper ang kalaban dahil nakatago sa puno ang shooter. Huli na ang lahat nang nakapag shield ang kasamahan naming shooter, dahil napatay na sya. Hindi ako makasugod dahil dalawang long range ang kalaban namin.

"wag ka ngang tanga kung tunay to patay kana sana "

Sabi sakin nang isa kong kakampi shooter habang binabaril ang kalaban. Pero di na kinaya nang shield nya dahil sa dami nang balang tumatama dito. Napatay rin sya, dali-dali akong umatras para makapagtago.

Habang nag tatago napaisip ako sa sinabi sakin nang isa naming shooter, at parang nabigyan nya ako nang lakas nang loob. Hindi naman talaga to tunay kaya gagawin ko ang lahat bago ako mapatay. Na contact ako nang kasama kong sniper at sinabi nya sakin kung ano ang gagawin ko.

"ok attacker lure mo sila sa kapatagan para maasinta ko sila nang maayos"

"lure?"

Nagalit sakin ang sniper at napamura.

"T*****A! pare passunudin mo sa kapatagan"

"Ahhh yun pala meaning nun ok.Pero hindi ko sila kaya parehas silang long range"

"Kaya nga andito ako "

Wala na akong magagawa kundi sumunod nalang sa sniper kong kakampi. Pumunta ako malapit sa patag na lugar nang may biglang may nag paputok. Tumakbo ako nang tumakbo at nakapunta ako sa pwesto kung saan kitang-kita ako ng kasamahan kong sniper. 2-2 na ang score nang nasa bangin na ako at humarap ako sa shooter at sniper.

"wala kanang matatakbuhan"

"walang kwentang attacker nang iiwan nang kakampi hahaha"

Nang sinabi nya ang mga Salita na yun nagalit ako at nahihiya sa sarili ko. Totoo naman yun pero hindi na ngayon mabilis akong sumugod sa dalawang pero binabaril ako. Gumamit ako nang shield para makailang pero may dumadaplis na bala sa balikat at paa ko. Nang malapit na ako sa kanila gumamit ako nang skill.

"Slash"

Pinatama ko sa lupa para makalikha nang usok at alikabok. Hindi nila ako makita dahil sa alikabok na ginawa. Lumabas ang isang shooter sa usok pero ang hindi nila alam naga-antay lang nang timing ang kasama kong sniper. Binaril nang kasama kong sniper ang shooter at tinaman sa ulo.

"Headshot tumama ulit "

Habang ako naman ay pa zigzag na tumatakbo para makailag. Unti unting nawawala ang alikabok at nagulat ang sniper dahil nakita nya nalang na nakahandusay na ang kasamahan nya . Nang lumingon sya nakakita ako nang pagkakataon na makalapit sa kanya. hiniwa ko sya pero nakagamit sya nang shield at umatras sya.

"Bobong kakampi to"

Sinasabi nang sniper habang umatras at binabaril ako, nang biglang isang mabilis na ilaw ang naaaninag nya sa bandang kaliwa. Biglang naputol ang kalwiang paa nya at napatumba. Pilit na tuma-tayo ang shooter para barilin ako.

"Pagkakataon muna attacker!"

Dali dali akong tumakbo papunta sa sniper pero walang humpay ang pag baril nya sakin. Malapit na masira ang shield ko isang metro nalang ang distansya ko sa kalaban. Nabasag na ang shield ko at tinamaan ang kanang braso ko at napuruhan. Nang makalapit ako sa kalaban yumuko ako at gumamit nang skill pataas.

"Slashhhhhh"

"Grahhhhhhhhhhhhhh"

Hiniwa ko sya sa baba pataas naputol ang braso nya at tumalsik ito habang hawak-hawak ang baril nya. Habang ako ay di magalaw ang kanang braso ko sa mga tama ng bala. Punong-puno din ako nang galos sa katawan. Sa sobrang tuwa ko itinaas ko ang espada ko at sumigaw nang napaka lakas.

"Woahhhhhhhh"

"Nice one, good game attacker"

Sabi sakin nang kasamahan kong sniper habang papunta sya sakin. Tinapik nya ako sa likuran at napatumba ako dahil di na kaya nang katawan ko.

"Galing nang ginawa mo cool mo dun, ma save game nga to hahahah"

Umupo sa tabi ko ang sniper at sinabi sakin habang ako naman ay di makapaniwala na nanalo kami.

[Game over 4-2 red team wins]

[Teleporting in 10 secs]

Habang nag hihintay na ma teleport tinanong ako nang sniper kung ano ang pangalan ko.

"Attacker ano name mo"

"Cj"

"Ahh cj ba gusto moba simali sa team ko balak ko kasi gumawa kahit na medyo duwag ka may kakayahan ka"

Natuwa ako sa sinabi nya sakin, nung papayag na sana ako bigla nalang nawala sya sa paningin ko at na teleport na kami.

[Teleport]

Ahhh di ko manlang natanong kung pano ako makakasali sa team nya. 1:00 na nang umaga gustong ko na sanang makatulog, pero nakakapanhinayang dahil may may nag invite sakin sumali nang team. Habang nag iisip unti-unting pumikit ang mata ko at nakatulog napala ako nang di ko namamalayan.

"Kuya !,umaga na may pasok ka pa"

Lunes unang pasukan na sobra akong puyat sa kakalaro nang vr wars. Tumayo na ako at naligo pag katapos ay kumain na ako. Biglang sumulpot ang kapatid ko na si joy. Kinukuha niya ang palaman para sa baon niyang tinapay at umalis para na pumasok. Parehas kami nang pinapasukan na school, pero lagi nyang kasabay ang mga kaklase nya.

"Alis nako kuya"

Habang ako naman ay kumakain at binabasa kung pano laruin ang Vr Wars. Maraming lumabas kung sino gumawa at mga katangian nang laro. Ang nakalagay lang kung pano laruin ay "Gawin mo kung ano ginagawa mo sa tunay na mundo". Nakita ko din duon ang ibat ibang kailangan na items sa Vr Wars ito ay ang bomb, static device, smoke screen, flash bang, camouflage jacket, at marami pang iba . Tinignan ko ang oras at biglang nalang ako nagising dahil 6:40 na, 7:15 ang pasok pasa sa entrance ceremony.

"Patay malalate payata ako sa unang pasukan, Ma! alis nako"

Tumatakbo ako papunta sa eskwelahan. Nang biglang may nakabangga akong isang estudyante na nag babasa nang libro.

"ahh aw sorry!"

Parehas kami natumba at dali-dali ako tumayo at nag pag-pag nang damit. Tumingin ako sa baba. Isang babae na may pagka-Ube ang buhok at itim na mata ana nakabangga ko.

"Ahhh sorry talaga di ko sinasadya"

Tunilungan ko ang babae para tumayo at naisip ko ang oras. Yumuko ako at himingi nang tawad at dali-dali tumakbo papunta sa school. Habang tumatakbo iniisip ko yung uniform nang babae parehas ng uniform sa school ko. Nakarating nako sa school at tapos na ang ceremony hinanap ko nalang ung room ko. 11-B pala ako, at pumunta na ko sa room. Habang papunta ako may tumatawag nang pangalan ko isa syang lalake at tumatakbo sya papunta saakin.

"Cj!, hintayin mo ko"

Si Kenneth pala ka-klase ko simula grade-8. Pumasok na kami sa room, ganon parin ang ginagawa sa unang araw ng pasukan. Daladalan doon daldalan dito, kumustahan doon kumustahan dito, at mari pang bagay na tipikal na ginagawa ng mga estudyante sa unang araw ng pasok. Hinihintay ko na lang ang uwian para makapaglaro V.R. Wars na. Nag umpisa na ang klase at umupo na ang lahat. Nag Salita na ang homeroom teacher namin na may bagong kaming kaklase.

"Class meron kayo bagong makakasama ngayong taon na to, pasok ka na."

Bumukas ang pinto at may pumasok na babae, hindi isa syang magandang babae. Mahaba ang buhok nya at kulay ube ito. Dahan-dahan lumapit sa harap ang babae at nag pakilala sa klase.

"Ako nga pala si Kim Emphere, ikinagagaglak ko kayo makilala."

Grabe tinitignan sya nang buong klase. Tuwang-tuwa yung mga lalake sa dulo, at nag bubulungan ang mga bababe.

"Salamat Kim, umupo ka sa bandang dulo nang line 3."

Habang nag lalakad papunta sa line 3 di ko namamalayan tinititigan ko napala siya. Ang mga mata nya may pagka violet ang kulay. Dumaan sya sa harap ko at umupo. Akala ko sa anime lang talaga nangyayare ang ganitong eksena. Inumpisahan na nang homeroom teacher namin ang klase nang biglang nag vibrate ung cellphone ko. Sinilip ko saglit at number lanag ang naka rehistro sa aking cellphone.

"Cj ako si Glenn ung kasama mo na sniper nung nakaraan araw.

Buti nalang nakita ko yung number mo sa profile mo sa laro.

Good news iisa lang tayo nang school na pinapasukan. Mataas lang ako

nang isang grade sayo. Mag kita tayo malapit sa hallway sa building B."

Habang binabasa ko ang message nasita ako nang homeroom teacher namin at pinagalitan ako. Iniisip ko kung sino ang lalake nayun at nag hintay nalang ako na mag dismiss ang klase.

[Class Dismiss]

Nang matapos na ang klase lumabas kaagad ako nang room para pumunta sa building B. Habang papunta nakita ko ang bago kong kakase na si kim. May hinugot sya sa bulsa nya at di nya na malayan na nalaglag ang wallet nya. Dali-dali ako pumunta para pulutin at ibigay sakanya ito. Pag tingin ko sa wallet isang card ang napansin ko dahil may nakalagay na V.R. Wars. Tinawag ko sya at binigay ko ang wallet nya.

"Kim wallet ko nalaglag."

Lumingon sakin si kim at kinapa ang bulsa nya at nagulat sya na wala nga ang wallet nya.

"Yah oo nga wala nga dito."

Lumapit ako sa kanya para ibigay ang wallet.

"Eto ohh buti nalang nakita ko kung iba yun baka kung anon a nangyari dyan."

"Ahhh ganun ba salamat nang marami."

Matapos syang magpasalamat ngumiti sya sakin at nag lakad na paalis

"Sige alis nako Cj"

Natutuwa ako pero natandaan ko bigla na kaya nga pala ako nandito para puntahan ang lalaking nang invite sakin. Nag-lakad na ulit ako, papunta na ako sa hallway nang may tumawag saakin na isang lalake na matangkad. Nang lumapit ako nakita ko ang isang sikat na varsity player sa school, si Glenn nang basketball team.

"Ikaw ba si cj?"

"Oo, teka ikaw si Glenn Nazar nang basketball team?"

"Oo, pero tahimik kalang na naglalaro ako nang V.R. Wars ahh."

Isa sa pinaka sikat sa school Glenn Nazar. Marami na syang na ambag sa school. Sya lang naman ang vice captain nang basketball team at marami na silang napanalo na laro. Pero di ko inaasahan na kahit isang famous na tao sa school ay naglalaro nang din V.R. Wars habang nag uusap kami inaya na ako ni glenn na sumali sa team nya.

"Gusto mo ba sumali sa gagawin ko na team?"

Di na ako nag dalawang isip pa at sumali na ako sa team nya.

"Oo naman!!Pero kulang pa tayo nang dalawang member sa team. Paano tayo makakahanap nang iba pang member glenn"

"Edi mag laro tayo mamayang gabi."

"Sige ba gusto kung lumakas."

Habang nag uusap kami kung ano ang gagawin naming para makahanap nang iba pang member, nakita ko ang bago kong kaklase na dumaan sa hallway. Parang tiningnan nya kami naalala ko tuloy ang card na nakita ko sa wallet nya. Para saan kaya yun bakit wala ako nun. Tinanong ko si glenn kung meron bang card na kailangan sa V.R. Wars.

"Glenn may card ba na kailangan sa V.R. Wars?"

Tanong ko sa kanya habang nag uusap kami napaisip sya sa tanong ko at parang wala naman syang alam.

"Parang wala naman bakit?"

"Wala lang."

Kung ganun para saan kaya ang card nayun. Siguro nag lalaro rin yun nang V.R. Wars. Pero iniisip ko parin kung ano kaya yun.