webnovel

Virgin Series 1: [Playfully Virgin]

Danyan · Realistic
Not enough ratings
2 Chs

CHAPTER TWO:

VS1: PLAYFULLY VIRGIN

CHAPTER 2:

"What do you think about this dress? Bagay ba sa akin?" agad kong tanong kay Lawrence, ipinakita ko sa kanya ang red dress na hawak ko.

"That dress? Really?" maarteng tugon nito, pinagkunutan niya rin ako nang noo. Konti nalang talaga iisipin ko nang bakla ito. "Kung iyan lang din naman ang bibilhin mo, edi sana nag-panty at bra ka na lang."

I just rolled my eyes. Ano bang masama sa pagsusuot nang gan'ong damit? Strappless iyon at kita ang aking likod kung sakaling suotin ko. Mahabaan iyon at may hiwa naman sa may hita palihis.

"Duh, kapag sinuot ko ito, mag-aala-Catriona Gray ako." Natawa ako sa sariling sinabi. Malayo naman kasi iyon sa sinuot ni Catriona.

"Catriona wears non-revealing dress. Ang kapareho lang niyang hawak mo sa suot ni Catriona ay yung hiwang iyan, ngayon paano ka mag-aala-Catriona?"

Umiiling akong binalik iyon sa lagayan. Dati na naman siyang ganito sa akin, no'ng bata pa kami pero bakit nakaka-panibago yata ngayon? Siguri ay dahil narin sa tagal naming nagkahiwalay kaya nasanay na akong walang nangangaelam sa mga gustuhin ko.

'Then die with me, incase.'

Napapikit ako nang mariin nang tila marinig ko na naman ang boses niyang sinabi iyon. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit nagkaganito ako sa simpleng 'pangungusap' na iyon, hindi naman ako ganito dati. Hindi ako nagbibigay nang malisya sa kung ano man ang sabihin nang tao sa akin. Pero bakit parang iba yung ngayon? Bakit iba ang nararamdaman ko 'pagdating sa kanya?

'Asteria, look sampung taon kayong hindi nagkita niyang kaibigan mo. Baka naninibago ka lang sa mga kinikilos niya, huwag mong bigyan nang malisya ang nga iyon,' suway ko sa aking sarili.

"How about this one? I think mas bagay ang ganito sa'yo." Pinakita niya sa akin ang isang kulay pulang dress. Mahaba iyon at siguradong mag-aala-Maria Clara ako kapag iyon ang aking suot.

Pinagtaasan ko siya nang kilay. "Really? Iyan ang isusuot mo sa akin? E, dinaig ko pa niyan ang lola ko sa pagka-Maria Clara kapag iyan ang isinuot ko," agad kong reklamo.

"Bagay naman sa'yo e," pagmamatigas nito.

Sa ginawa niya ay nakaisip ako nang dahilan para asarin siya. Kinuha ko ang isang revealing dress, siniguro kong masyadong revealing ang nakuha ko na kapag isinuot ko ay lilitaw ang aking tinatago.

"E, kung ito na lang kaya?" Nakangisi ko iyong pinakita sa kanya.

"What the fuck, what kind of clothes is that?" gulat niyang tanong, pinigilan ko ang matawa sa naging reaction niya. "No, you're not gonna wear that fucking clothes," dugtong pa nito habang pinaliliit ang mata.

"Why? Sayang maganda pa naman ang design."

"Asteria." Gumalaw ang adams apple nito. "You're not gonna wear that fucking clothes," pag-uulit niya ngunit sa pagkakataong ito ay may diin na ang bawat salita.

"Bakit nga e," kunwaring nagtatampo kong tanong.

"Wearing that clothes is like seducing someone, Asteria." Deretso siyang tumingin sa aking mga mata.

"Why? Naaakit ka?" walang kagatol-gatol kong tanong sa kanya.

Umigting ang panga nito, isang masamang tingin ang natanggap ko mula sa kanya. Buti na lang ay walang tao malapit sa amin kundi ay pagtitinginan na kami dito dahil sa kakaibang usapan namin.

Naramdaman ko ang paghinga niya nang malalim, tila ngayon lang niya na-realize ang lahat.

"Hindi ka kaakit-akit, Asteria," sinabi niya ang katagang iyon nang hindi tumitingin sa aking mga mata.

Lalo pa akong natawa sa sarili ko nang may bagong kapilyuhan akong naisip. Maaaring hindi siya sanay sa gagawin ko pero gagawin ko pa rin. Kaibigan ko naman siya, matagal nga lang nawalay. But still, gusto kong ipakita sa kanya ang mga pagbabago ko, including this.

Unti-unti kong nilapit ang mukha ko sa kanya habang nakakagat-labi. "Ikaw hindi naaakit, pero yung nakabukol diyan sa pantalon mo, mukhang iba ang sinasabi."

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at bigla na lang akong napahalakhak nang bigla siyang kumislot.

"What the fuck, Asteria," mahinang sigaw nito, nanggigigil. "Kasama ba talaga sa pagbabago mo ang pagiging manyak?" inis na tanong nito. "You're unbelievable."

"Alam mo, ipapaalala ko lang ulit, sampung taon kang nawala at madami nang nagbago. And it's not kamanyakan, I'm just saying," I paused, "bumubukol na iyang alaga mo sa usapan natin."

Napamura siya nang malutong dahil sa sinabi ko, agad rin siyang tumalikod sa akin at mabilis na naglakad papalayo. Mabilis din akong sumunod sa kanya, wala kaming pakaelam pareho kung magmukha pa kaming mga bata na naghahabulan dito sa mall.

Saan ba kasi siya pupunta?

"Seriously, Asteria? Susunod ka talaga?" nagtatakang tanong nito. Kahit ako ay nagtaka rin sa tanong niyang iyon.

"S-saan ka ba pupunta?" Hindi ko alam kung bakit sa pagkakataong ito ay nakaramdam ako nang kaunting hiya, na-realize ko kasi na nasa tapat na kami nang men's comfort room. "A-anong gagawin mo d'yan?"

"Isn't it obvious?"

"Don't tell me, d'yan ka magso-solo? Sa mall's com---"

"Damn. Asteria, I'm not cheap, aayusin ko lang ang pants ko. Kung ano-ano na ang iniisip mo," inis na usal nito.

Natahimik ako, nasobrahan yata ako sa pang-aasar sa kanya at sa huli ay ako ang napahiya. Nakayuko akong lumakad papalayo sa men's comfort room, pinagtitinginan na rin kasi ako nang mga lalaki do'n. Akala siguro nila binobosohan ko sila, in their fucking dreams.

Naglibot-libot muna ako habang hinihintay si Lawrence, pumunta rin ako sa WOF kung saan maraming bata ang naglalaro kasama ang pamilya nila, hindi lang iyon may mga couple rin na naglalambingan habang sabay na nilalaro ang bawat nando'n.

Pilit kong inalis sa aking isipan ang ginawa ko kay Lawrence kanina lang, kung kanina ay tawa ako nang tawa ngayon ay para akong isang makahiya na ano mang oras ay titiklop kapag dumating siya. Ano kayang iisipin niya sa akin ngayon? Iniisip niya kaya na may karanasan na ako kaya ganito ako ka-bulgar kahit sa kanya?

"Teka, kilala kita a?" Huminto sa harapan ko ang dalawang babae, hindi ko sila kilala kahit ang pagmumukha nila ay hindi ko mayandaang nakita ko na. Sa tantiya ko ang mga nasa eighteen lang ang edad nila.

Luminga-linga ako sa paligid para masiguro kung ako ba ang kausap nito o ibang tao. Mahirap na at baka magkamali na naman ako. Nang wala naman akong makita ay pinagtaasan ko siya nang kilay, sigurado akong, ako ang kausap niya. Matalim ang tingin nila sa akin na para bang may nagawa akong malaking kasalanan.

"Oo, ikaw nga 'yon. Ikaw 'yong malanding lapit nang lapit sa boyfriend ko," sa tono nang pananalita niya ay para siyang sigurado na ako ang babaeng tinutukoy niya.

'Ako ba iyon? Sino naman ang boyfriend nito na nilandi ko daw?'

"Ako ba ang kausap niyo?" tanong ko, kahit sigurado namang ako iyon.

"Sino pa ba ang nakikita mong malandi dito bukod sa'yo?"

Aba, sino ba ang mga ito? Akala mo mga teens kung mang-eskandalo. Dito talaga sa mall?

"Ikaw." Pinagtaasan ko siya nang kilay, akala siguro nito ay magpapatalo ako sa kanya.

"Bhe, palaban o, hindi niya yata alam na malandi siya, ipaalam mo nga," panunulsol nang kaibigan niya. Kaya naman pala matapang, may resbak.

How dare you." Halos manlisik na ang kanyang mata dahil sa sinabi ko, hindi niya siguro inaasahan ang pagmamaldita ko.

"Una, hindi ko kayo kilala. Pangalawa, aminado akong malandi ako, ikaw humarap ka sa salamin, aminado ka bang eskandalosa at isip-bata ka? Panghuli, hindi ko kilala ang boyfriend mo, kahit nga iyang pagmumukha mo hindi ko maalalang nakita ko na."

"Sigurado kang hindi mo kilala si Mark, ang boyfriend ko?" pangungulit nito. Hindi ba siya marunong maka-intindi nang tagalog?

"Sa dami nang lalaking lumapit sa akin para makipagkilala hindi ko na matandaan ang ilan sa kanila," buong pagmamalaki kong tugon. "So, kung nakita mo man ako na kasama nang boyfriend mo, bakit hindi siya ang tanungin at eskandaluhin mo kung sino sa aming dalawa ang lumapit. I'm not cheap para lumapit sa boyfriend mo."

Tinalikuran ko siya nang mapansin kong natahimik silang pareho. At bago pa man uminit ang ulo ko ay ako na ang lalayo.

Sanay na ako sa ganitong eksena, sa dami ba namang babae na nagselos sa akin dahil lang nilingon ako nang mga boyfriend nila, mapapaaway talaga ako. Minsan nga ay bigla na lang may sasabunot sa akin na para bang kasalanan ko ang paglapit nang boyfriend nila sa akin.

Kasalanan ko bang pinanganak akong maganda? At kung talagang mahal naman sila nang boyfriend nila kahit ano pang pang-aakit ko hindi nila ako lilingunin. Because real man knows women's worth.

"You're unbelievable." Halos mapatalon ako nang biglang sumulpot sa tabi ko si Lawrence, hindi ko man lang namalayan na tapos na pala siya sa ginawa niya.

"Nakaraos kana?" nagulat ako sa sarili kong tanong, hindi ko akalain na sa nangyari kanina ay masasabi ko pa iyon sa harap niya. "I mean, ayos kana?" pagtatama ko pa sa sarili kong kamalian.

"Yeah, I'm fine." tanging turan nito. "Pero ikaw ang mukhang hindi okay, I heard you conversation with that girl, mukhang madaming galit sa'yo dahil sa lalaki."

"Sanay na ako sa gano'n."

Pakiramdam ko ang huminto ang oras, tila may dumaan na anghel sa pagitan naming dalawa. Nagpapakiramdaman kung sino ang unang babasag nang katahimikan sa ganitong pagkakataon.

Gusto kong magsalita ngunit nagkaroon ako nang hiya na baka sa pagbukas nang bibig ko ay kamanyakan na naman ang masabi ko sa kanya.

Bakit sa kanya pa ako nahiya? Kung sa ibang tao ay nakayanan kong maging bulgar bakit pagdating sa lalaking ito na kaibigan ko pa no'n ay tumitiklop ang bibig ko.

'It can't be real, Asteria. Ilabas mo ang ka-kapalan nang mukha mo ngayon.'

"I want to know you better. Gusto kong makilala ang bagong ikaw, I missed a lot of things about you. It's seems like it's just our first meet."

Literal akong napahinto sa sinabi niya, mahinahon ngunit may halong lungkot ang bawat salitang binitawan niya.

Kahit hindi niya sabihin alam kong sobrang naninibago siya sa mga kinikilos ko. I've grown up, hindi na ako yung batang Asteria na kilala niya. I mean, gano'n parin naman ako pero marami nang bago, maaaring hindi niya naiintindihan ang iba do'n.

"Gano'n parin naman ako, Lawrence, ito lang naman ang ugali ko na hindi mo nakita dati but believe me, gano'n parin ako."

Huminga ito nang malalim at malamyang tumingin sa akin. "I see. But please, be careful, it might lead you in danger." he surrendered. "Here." Inabot niya sa akin ang isang paper bag.

Pinagkunutan ko siya nang noo, nagdadalawang isip kung aabutin ko ba iyon o ano. Tinitigan ko lang iyon at hindi inaabot.

"It's just a dress." he scratched his head. "That was the dress you picked first, a while ago."

Nanlaki ang mata ko, dinaig ko pa ang 'cheetah' sa sobrang bilis nang kilos ko, kinuha ko sa kanya ang paper bag at tinignan ang laman niyon.

Napamaang ako nang makita ko sa loob no'n ang red dress na hawak ko kanina. Naluluha ko siyang tinignan.

"Akala ko ayaw mo akong mag-suot nang ganito?" I suddenly asked.

"Mas ayaw kong wala kang suotin sa gathering ninyo. Besides, I'll go with you." Ngumiti siya na para bang sigurado siyang makakasama sa akin.

"Wait, what? I mean, puro babae kami do'n atsaka, baka marami kang gawain."

"I'll cancel all my appointments for the next day." Napakagat-labi ako sa narinig, pinipigilan ang sariling mangiti.

"No, you're not going to cancel all your appointments, I can handle myself," mariin kong saad.

"I already did." Nagtiim-bagang ito. "Now, choose, sasama ako o sasama?"

Napabuntong-hininga ako sa turan niya, pinapili pa ako kung pareho lang din naman ang choices. Pinanliitan ko rin siya nang mata.

"K, fine. As if naman may magagawa pa ako." Inerapan ko siya.

"Good. May bibilhin kapa? Gusto ko nang umuwi, pagod rin kasi ako," halata naman sa boses niya ang pagod.

"Saan ka napagod?" Binigyan ko siya nang makahulugang tingin. "Sabi na e, sabi na may ginawa ka sa com---"

"Fuck, Asteria. Nag-uumpisa na naman iyang bibig mo," iritableng suway nito sa akin.

"Sabi ko nga mananahimik na lang ako, huwag kang guilty," mapang-asar kong sabi.

Hinatid na niya ako sa Cafeina para kunin ang kotse ko. Bago siya mawala sa paningin ko ay kung ano-ano munang habilin ang ginawa niya. Huminga nalang ako nang malalim bago sumakay sa aking kotse at pinaharurot iyon.

Agad akong napangiti nang maalala ko ang mukha ni Lawrence, he changed a lot. Natutuwa akong makita siyang muli, I felt safe again.

Hope you enjoy♥️

Danyancreators' thoughts