webnovel

Chapter Four

\

\\

...

Si Susan Rodriguez ay dumating ng Pilipinas galing Amerika. Dalawa lang ang rason niya kung bakit siya bumalik. Una, ang pangalagaan ang negosyo na naiwan ng kanyang mga magulang. Pangalawa, ang makipagtuos kay Dona Clarissa. Dati siyang nobya ni Enrico. At may anak sila ni Enrico na ang pangalan ay Carmen.

Nagkilala sila ni Greg sa Maynila. Sinangkapan siya ni Susan para makaganti kina Enrico at Clarissa. At nagtatagisan na ngayon sa yaman ang dalawang maimpluwensyang pamilya. Pero, nagbago ang pananaw ni Greg nang nakilala niya si Carmen. Malaki ang pagkakahawig ni Carmen kay Claribelle, ang nasira niyang asawa. At nagalit naman si Susan nang nalaman niya na mayroon nabubuong pagtitinginan kina Carmen at Greg. Sinabihan ni Susan ang kanyang anak na itatawil niya ito kung pilit siya magpakasal kay Greg. Pero, nais pa rin ni Carmen na magpakasal kay Greg.

Umuwi ng Amerika si Susan dahil wala na siyang magawa sa disisyon ng kanyang anak. Nang nagpakasal sina Greg at Carmen, dumalo sa kasal nila ang mag-asawang Enrico at Clarissa. Tinangap ni Enrico si Carmen bilang kanyang anak. Samantala, wala na sila narinig na balita tungkol kay Susan Rodriguez.

\

\\

...

-END-