webnovel

First Day Of School

June

First day of school, maagang nagising ang mga kabataang magsisipasok sa unang araw ng klase. Kasama na rito sina Blake, Lyka at Tammi. Tulad ng nakasanayan dinaanan ni Lyka si Tammi at Blake para sabay-sabay na sila pumunta ng school. Magkalapit lang kasi ang bahay ng dalawa habang siya naman ay nasa bandang dulo ng kanilang sitio malapit sa palayan at ilog. Tumunghay siya sa may kawayang bakod ng bahay nila Tammi at binati ang Nanay ni Tammi na nagwawalis.

"Magandang umaga Inang." bati niya, lumingon ito at ngumiti ng makita siya.

"Magandang umaga din sayo. Abay napakaganda mo naman ijah." anito

"Si Inang talaga palabiro." aniyang biglang namula "Si Tammi po?" tanong niya

"Hay naku, nandun pa sa loob, kay bagal talagang kumilos eh." sagot nit "Tammi! magmadali ka na nakakahiya sa kaibigan mo." tawag nito kay Tammi

"Nandyan na po nagsasapatos na lang." sagot nito sa loob ng bahay. Napailing siya. Maya-maya'y lumabas na ito at lumapit sa Ina at humalik sa pisngi nito.

"Alis na kami Ma." anito saka tumingin sa kanya "Tara." anito at sabay silang naglakad papunta sa bahay nila Blake na dadaanan din nila papunta ng school sakto namang palabas na din ito ng kahoy na gate nila. Ngumiti itong bumati sa kanila.

"Hello guys, kumusta naman ang gwapo natin ah" anitong pansin kay Tammi at sa kanya.

"Siyempre first day eh." sagot ni Tammi sabay kindat at ngumiti ng malapad

"Kaya i-cherish mo na yang look niya Blake, kasi hanggang first day lang yan bukas unggoy nanaman yan." pabirong turan niya

"Hay grabe siya" anito na kunwari nasaktan sa sinabi ni Lyka "Di baleng unggoy di naman pandak." pang aasar nito

"Sinong pandak?" aniya saka kunwari tumayo ng matangkad

"Lyka? Lyka! wag ka maupo! Tumayo ka di kita makita!" dagdag biro pa nito, sinuntok niya ng mahina sa tiyan ito at nagtawanan sila.

Saka naman tumunog ang gate sa tapat ng bahay nila Blake. Lumabas mula doon ang isang gwapong binatilyo. Lumingon silang tatlo. Ang binatilyong ito ay naka-uniform din tulad nila. Malinis at naka-ayos ang buhok nito. Tulad ni Tammi matangkad din ito at chinito. Maputi nga lang ito dahil mixed race ang parents. Ngumiti ito ng makita sila.

"Kumusta?" anito, patakbong lumapit si Tammi at nag high five dito.

"Okay lang Pre, ikaw ang kumusta? Marami ka bang dalang pasalubong?" banat nito, binatukan siya ni Lyka

"Ikaw kakakita mo lang sa tao buraot na agad ang naisip mo." saway niya at tumingin sa lalake

"As you see okay naman kami. Buti hindi ka nalate ng uwi this time." aniya

"Oo nga eh, pumayag kasi si Dad na ihatid ako ni Ate gamit ang kotse niya kahapon kaya nakahabol ako." anito umakbay naman si Tammi dito

"O siya tara na baka malate tayo." aya nito at nag umpisa na silang maglakad.

7:30 ng umaga ang pasok nila. Naglalakad lamang sila dahil malapit lang naman ang eskwelahan sa kanila. Nasa sentro ito ng kanilang barangay. Sila naman ay nakatira sa dulong sitio malapit sa mga taniman at palaisdaan. Pero kahit na ganoon karamihan ng mga may kaya o may sinasabi sa buhay ay nakatira banda sa sitio nila. Kasama na ang pamilya nila Stan, Tammi at Blake.

Si Stan ay anak ng mag asawang may negosyo sa Maynila na Grocery at Hardware. Si Tammi naman ay anak ng mag asawang may palaisdaan ng Hito at Tilapia at may pwesto ng tindahan ng isda sa palengke. Si Blake naman ay anak ng OFW. Nurse sa UK ang Nanay niya at Assistant Chef naman ang Tatay. Si Lyka naman ang anak ng magsasaka sa pinakadulo ng sitio na tinatawag nila na tumana. Palayan at mga tanim na gulay at saging ang kabuhayan ng magulang nito.

Nag-iisang anak si Lyka. Nagkaroon kasi ng kumplikasyon ang Nanay niya noon. Kaya hindi na siya nasundan. Si Blake naman ay may kapatid na lalaki na mas bata sa kanya ng limang taon, si Blaze. Si Tammi naman ay may kapatid din na mas matanda sa kanya, si Tommy. Si Stan naman ay bunso sa tatlong magkakapatid. Si Stacey ang panganay at sa Maynila nag-aaral ng College. At si Stam ang pangalawa na kasing edad ni Tommy graduating naman sa Senior High. Silang apat naman ay pare-parehong Grade 9.

Pare-pareho silang nasa first section. At dating gawi, tabi sila ni Blake sa row 3 sa bay ng mga girls. Si Stan at Tammi naman sa likod naupo sa bay ng mga boys dahil nga sa height ng dalawa hindi sila pwede sa bandang harap o gitna.

Nag umpisa ang first subject. Nagpakilala. Nag elect ng class officers sa bawat subject. At as usual nagsasalitan lang si Blake, Jenny at Sasha sa pwesto ng Muse. Silang tatlo kasi ang pinakamagaganda sa klase. Si Stan, Tammi at si Lyka naman ang nagsasalitan naman sa President at Vice President. Last subject nila ang adviser nila na si Mrs. Macoy sa subject na Home Economics at nag-elect ng class officers ng section nila. President muli si Stan, Si Tammi ang Vice-President at si Lyka ang Secretary. Si Blake, as usual, Muse.

"Lyka, pwedeng daan tayo sa may tuhog-tuhog. Medyo nagugutom na ako eh." aya ni Tammi

"Sige." sang-ayon nito "Nagugutom na din ako eh" anito,

"Asan na ba si Stan?" tanong nito.

"Nasa loob pa." sagot niya sabay nguso sa loob ng classroom kung nasaan si Stan. Umakbay si Tammi sa kanya bago tinawag si Stan.

"Stan!" tawag nito, napalingon si Stan na inaayos ang huling upuan na nakakalat "Sama ka? kain tayo" aya nito, naglalakad naman palabas ng classroom si Stan "Dadaan kami ni Lyka sa tuhog-tuhog nagugutom na ako eh." dagdag pa nito. Tumango naman si Stan at iniabot ang susi ng classroom kay Lyka. Kinuha naman niya yun at muling ikinabit sa ID niya.

"Sige." sagot nito at tumingin sa kamay ni Tammi na naka-akbay kay Lyka "Tsk, maawa ka naman dyan kay Lyka liit-liit na dinadaganan mo pa." pabiro nitong sabi at inalis nito ang braso ni Tammi na naka-akbay sa kanya.

"Aw" nasabi na lang nito "Eh di sayo na lang ako aakbay. Okay ba?" anito sabay akbay kay Stan natatawa si Stan na tinapi ang kamay ni Tammi. Inalis naman ni Tammi ang pagkaka-akbay at nag aya na "Ano tayo na?" tanong nito. Tumango naman ang dalawa at pinauna na maglakad si Tammi, ng napahinto si Lyka.

"Si Blake?" tanong ni Lyka. Huminto maglakad ang dalawa

"Baka nauna na, wala na siya sa loob paglabas ko kanina." sagot ni Tammi. Si Tammi kasi ang naunang lumabas sa kanila ni Stan kasi kinausap pa sila ng Adviser nila.

"Ganun ba." aniya "okay" dagdag niya saka sumunod na sa dalawa.

Pagdating nila sa Tuhog-Tuhog Ni Tonio ay nandun na nga itong si Blake kasama si Sasha at Jenny. Gutom na gutom na daw kasi siya kaya nauna na siya sa kanila. Nag umpisa na tumusok ng hotdog, kikiam, fishball at squidball si Tammi. Puros tagbi-bente pesos ito. Si Lyka naman ay dalawang hotdog, squidball at kikiam ang kinukuha. Si Stan naman ay kwek-kwek, hotdog at fried isaw ang napagtripan. Naupo sila sa table sa may bandang gilid ng kalsada. Bumili naman si Blake ng palamig para sa kanila apat.

"Grabe ang gutom ko, mas nakakagutom pala kapag wala ginagawa." ani Tammi habang nilalantakan ang mga mga tinuhog niyang pagkain.

"Mukha nga eh." ani Stan "Halatang-halata sa dami ng pagkain mo oh. Ano yan lahat tigbe-bente?" pabirong tanong nito, tiningnan ni Tammi ang pagkain niya at ngumiti

"Oo he he he ganun talaga kapag malaki. Malaki din kumain." sagot nito sabay flex ng muscles niya nagtawanan sila

"Ang sabihin mo matakaw ka lang talaga." pabirong sabi din ni Lyka

"Ay ako lang ba?" sagot nito "Ikaw nga tingnan mo dala-dalawang hotdog yang nasa baso mo, may kikiam at squidball pa." pang aasar din nito sa kanya. Plastic cup kasi ang lalagyan ng tuhog-tuhog.

"Atleast hindi tagbe-bente yan. Tingnan mo yung sa iyo ang dami." depensa niya "Di na ako magtataka kapag na empacho ka." dugtong pa niya

"Eh di inamin mo din na matakaw ka rin." anito nagtawanan na sila

"Oo na matakaw na kayong dalawa. Okay na? Pwede na tayo kumain?" sali ni Blake, tumango naman sila at kumain na pero pabiro pa ring nag duduruan ng stick si Lyka at Tammi. Natatawa lang na pinapanood sila ni Stan at Blake. Nang maubos nila ang pagkain ay saka na sila naglakad na umuwi dala-dala ang palamig. Masaya silang nagbibiruan habang naglalakad. Ganito sila noon hanggang ngayon. Sama-sama pumapasok sa school at sama-samang umuuwi.

Naunang nakauwi si Blake at Stan dahil nasa bukana lang naman ang mga bahay nito. Si Tammi at Lyka naman ang magkasabay na naglakad papunta ng dulo ng sitio. Hinatid pa kasi ni Tammi si Lyka sa kanila. Iyon kasi ang mahigpit na bilin ng Papa niya. Huwag hahayaang mag isa umuuwi si Lyka lalo na sa hapon.

Inaanak kasi ng Papa niya si Lyka at bilang Ninong ay parang anak na ang turing nito sa dalagita. Kaya naman sobrang close nilang dalawa dahil parang kuya na din siya nito. Iisang taon lamang sila ipinanganak pero mas matanda siya sa buwan kay Lyka. March siya at December naman si Lyka. Si Blake naman January si Stan ay September. Hinatid niya sa Lyka hanggang sa labas ng kawayang bakod ng bahay nito.

"Uuwi na ako." paalam nito.

"Pumasok ka muna baka may handang meryenda si Nanay." aya niya, umiling ito

"Huwag na busog na busog pa ako." anito saka tumalikod na "Uwi na ako." paalam ulit nito at umalis na. Pumasok na din siya.

"Andito na po ako." ani Lyka pagpasok niya ng bahay. Agad sumalubong ang mga alaga nilang aso na sina chu-chi at cha-cha.

"Buti naman. Magmeryenda ka muna may pritong saging diyan sa mesa." sagot ng nanay niya.

"Busog pa po ako Nay, kumain kami nila Tammi sa tuhog-tuhog." aniya habang papanhik sa taas ng bahay para magbihis sa kwarto niya.

"Ganun ba." ani ng Nanay niya "O sige isama ko na lamang ito sa meryenda nila Tatay mo." anito

"Sige po Nay." sagot niya at pumasok na sa silid.

Saka naman dumating ang Tatay niya galing sa taniman kasama ang tatlong trabahador. May mga dala itong produkto na ibabagsak ng Nanay niya bukas sa palengke. May Talong, Sitaw, Kalabasa, dilaw na Luya, Kamote at Petsay. Puro tag iisang sako ito.

"Abay ang dami niyong naani" natutuwang bigkas ng Nanay ni Lyka. Napangiti ang Tatay niya at mga trabahador.

"Magandang hapon po Aling Miling." bati ng mga trabahador " Marami pa nga po doon pero bukas pa maaring anihin sabi ni Manong." dagdag pa nito

"Ganun ba naku tiyak na matutuwa ang mga suki ko sa palengke." ani ng Nanay ni Lyka "Hali kayo at magmeryenda ng makapagpahinga muna kayo bago umuwi." dagdag pa nito at saka inaya sila papasok sa loob ng bahay.

Pritong saging, mainit na kape at suman ang meryenda na inihain ng Nanay ni Lyka sa kanyang Ama at trabahador. Simple lang ang bahay nila Lyka. Gawa ito sa kahoy at amakan. Ang sahig nila ang tanging sementado. Ang tatlong baitang na hagdan nila paakyat sa itaas kung nasaan ang mga silid ay gawa sa kawayan. Ang sahig din sa itaas ay gawa din sa kawayan. Ang silong nila ang pinaka-imbakan nila ng mga aning palay at gulay. Ang bubong nila ay gawa sa anahaw.

Ang labas naman ng bahay sa harap ay hitik sa mga halamang namumulaklak. May mga puno din silang mangga, kaimito santol at lansones na nagbibigay ng lilim sa tanghali. Sa gilid ng bahay nila sa kanan nandoon ang balkon nila na madalas tambayan ng Tatay niya habang nakatingin sa palayan. Sa may bandang likod naman ay ang sarili nilang poso at labahan. Nandon din ang sampayan nila at iba pang tanim na gulay hanggang doon sa kabilang gilid ng bahay. Masipag ang mga magulang ni Lyka. Ang lupang tinitirhan nila ay ang ipinamana ng Lolo niya ng mag asawa ang Tatay niya. Tumana ang tawag ng Lolo niya sa lupain na yun. Palibhasa ang Tatay niya ang panganay at hindi nakatapos kaya ito ang pinamanahan ng lupa.

Pagkatapos magmeryenda ay nagpaalam na ang mga trabahador na aalis na. Nagpahinga naman ang Tatay niya sa sala at nanood ng TV. Nilinis naman ng Nanay niya ang pinagkainan at nag umpisa na maghanda ng hapunan.