webnovel

Untuned Melody: Make Her Heart Beat Again

"I was a good singer back then. I sing from my heart because someone taught me that way. Someone first believed in me. He was once the reason why I'd continue to sing, but we can't predict things to happen. He left me without a single word and as the time goes by, slowly, a beautiful tuned melody turned into a monotonous melody...." ----- MJ "It's just that, I cannot tell her the truth. Ayaw kong makita kung anong magiging reaksyon niya sa oras na malaman niya yung totoo. Ayaw kong maulit yung nangyari saakin dati kay Joy--- Yung babaeng una kong minahal, 7 years ago." ----- Louie "You've been wanting to join the band 7 years ago, but I never allowed you to do so. It's not like hindi ko gusto, it's just that ayaw kong suwayin ang utos nina mama't papa. Noong una kitang pinakilala sa kanila, akala ko approve ka sa kanila, but I was wrong. Very wrong. Kasi nung umalis ka, doon sinabi nina papa saakin na hindi ka nila gusto. " -----Joy "I'm sorry. I'm really really sorry that I caused you pain back then, I'm so sorry na nararamdaman mo ang mga bagay na ito ngayon. Please, forgive me..." -----Luke

Bluesundae20 · General
Not enough ratings
45 Chs

Courtship

MJ's POV

"Ang bongga niyo naman kanina babae! Sana ganyan din kami ni Seph huhuhu" Pagdradrama ni Carla saakin.

"Oo best! Ang taray! Though nakakagulat yung ginawa niyang panunulak saakin kanina pero tignan mo ng naman yung resulta nun, ang bongga!" Sabi pa ni Ben.

Sa mga nagtatanong kung paano nasali si Ben dito, kaibigan siya ni Carla. Kilala ko na siya dati nung 4th year high school ako pero dahil nga sa hindi ako pala-kibo, eh di kami masyadong naging close. Ngayon lang dahil wala nang masasamang aura na nakapaligid saakin.

Hindi ko na lang sila pinansing dalawa dahil hindi ko naman alam kung anong sasabihin ko sakanila. Kasi hanggang ngayon, medyo nahihiya pa rin ako sa nangyari kanina sa classroom.

Nasa cafeteria kami ngayon at nagmemerienda. Wala na kasi kaming klase ngayon at napagdesisyunan naming magmeryenda muna bago umuwi.

Ini-enjoy ko yung meryenda ko nang biglang may umupo sa harap ko. Natahimik naman yung dalawa kong kasama na kanina ay busy sa pagdadaldalan.

In-angat ko yung mukha ko at nakangiting Louie ang nakita ko.

"Hi.." Bati niya. Sira talaga to hanggang kailan.

"Hello." Tugon ko sakanya.

"Enjoying your snacks, uh?" He said while roaming his eyes sa mga pagkaing binili ko.

"Sort of. What brings you here?" Pag-iiba ko dahil mahahalata pa na matakaw ako sa pagkain.

"Huwag kang mag-alala, kahit matakaw ka, mahal pa rin kita. " Sabi niya. Bigla namang nasamid yung dalawa kong kasama at tiningnan ako ni Carla na nakangiting aso.

"Whatever, so what brings you here nga, I'm sure hindi mo ko pupuntahin nang dahil lang dyan diba?"

"Eto naman. Hindi, nagpunta ako dito para ipaalam sayo na ihahatid kita sainyo ngayon. " Tumaas naman yung kilay ko sa kanya.

"Last time I checked, hindi naman ako baldado, may sakit or whatever, so bakit mo ko ihahatid?" Naguguluhang tanong ko sakanya.

Nagulat ako nang biglang umubo si Carla at nagpapadyak si Ben sa ground. Seriously? What's with these two? Mga adik ba sila?

"Ayy ang ate natin, naiwan na naman ata ang utak sa kung saan man!" Sabi ni Ben.

"Sinabi mo pa! Si ate girl, parang internet connection dito sa pinas, napakaslow at loading parati! Tsk!" Sinang-ayunan naman ito ni Carla.

"You know what girls, you should visit your doctors as soon as possible, kasi ako yung natatakot sa inyo eh! Kung ano-anong pinagsasabi ninyo dyan!"

Sabi ko sakanila. Umiling naman sila at sabay-sabay na sinabing,

"No.. Ikaw ang dapat na magpacheck-up sa doctor. Kaloka ka girl! Napakaslow mo talaga!" Sabi naman ni Carla. Hindi ko nalang sila pinansin at tinignan ulit si Louie.

"Hmm. So bakit mo nga ako ihahatid?" Tanong ko ulit sa kanya.

"Hindi ba simula ngayon, at this moment, liligawan na kita? Nakalimutan mo na ba?" Sabi niya. Napa-make face naman ako. Stupid me, bakit ko nakalimutan yun?

"Ahh. Okay." yan na lang ang sinabi ko.

After naming kumain ay hinatid na nga ako ni Louie sa bahay namin. Habang pauwi kami ay hindi ko mapigilang di mailang. Everything's new for me. Gosh.

"Naiilang ka no?" Out of nowhere na tanong niya.

"Ha?"

"Naiilang ka siguro kasi iba tong pakiramdam sayo diba? Sorry kasi parang nabigla ka ata sa mga nangyayari. " Sabi niya.

"Hindi naman sa ganoon, siguro parang naninibago pa ako sa mga nangyayari, pero carry lang naman" Carry? Ano ba yan! Nahahawa na ata ako sa kaartehan nila Carla at Ben!

"Hmm. Sige, sabi mo eh." Sabi niya.

Ilang minuto pa ay nakarating na kami sa may gate ng bahay namin..

"Oh, andito na tayo, salamat sa paghatid." sabi ko na lang. Pero nagulat ako sa bigla niyang ginawa

*Ding dong*

Geez, pinindot niya ang dingdong ng gate namin ay siyempre, magtataka sila mama kung bakit nagdoorbell pa ako.

"Louie, anong plano mong gawin?" I started to get panic na. Gosh

"Hahaha. Relax.." Sabi niya sabay ngiti saakin.

Magsasalita pa sana ako nang biglang bumukas ang gate at iniluwa nito si Mama

"MJ, anak bakit ka pa nagdoorbell? Hindi mo ba nadala ang spare key mo?" Takang tanong ni mama. Hindi niya pa napapansin na kasama ko si Louie.

"Uhm, it's not that ma, it's hmm...." Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sakanya.

"Hi po Ma'am. Good afternoon po." bati ni Louie.

"Oh hi, Louie. Hinatid mo ba si MJ? Naku, ang bait mo naman." Sabi ni mama. Kinakabahan ako na hindi ko alam. Geez!

"Opo, pero may iba pa pong rason kung bakit nandito po ako." Mukhang nagets na ni mama ang gustong ipahiwatig ni Louie kaya pinapasok niya na kami.

Umupo kami sa sofa at maya-maya pa ay, bumaba na si papa.

Napatingin si papa kay mama at sinenyasan niya kami. Tumingin saamin si papa. Yung tingin na matalim, na manginginig ka sa kaba.

"So. What brings you here, young man?" Panimula ni Papa. Ayan na.

"Sir, I am here to personally ask your permission to court your daughter. I won't promise you sir na hindi siya iiyak, pero as long as nandito ako, I will do my very best to make her happy. So please allow me to do so, sir." Napanganga ako sa sinabi niya. Tinignan siya ni papa ng seryoso. Ito na nga bang sinasabi ko eh!

"Sa oras na saktan mo ang anak ko, you better hide wherever you want, young man. Tandaan mo yan" Sabi niya.

"Yes po sir..But I'll make sure na it will not happen." Sabi ni Louie.

Nagulat ako nang biglang istretch ni Papa yung kamay niya kay Louie at iniabot naman ito ni Louie at nagshake hands sila. Pero mas nagulat ako nang biglang ngumiti si papa kay Louie at sinabing,,

"Approved."

Goosebumps.