webnovel

Unpredicted Stories

maligue · Realistic
Not enough ratings
30 Chs

-HEART FOR RANSOM- 3

HEART FOR RANSOM

Part 3

"Manong, sundan nyo po yung itim na kotseng kakaalis lang," utos ko kay manong driver ng sinasakyan kong taxi.

Sa sobrang curious ko sa mga nakita, kaagad akong nagdesisyong sundan siya. Hindi kasi ako kumbinsidong "clubbing" lang ang gagawin niya.

Mahigit limang minuto ang lumipas ng tumigil ang sasakyan sa isang club. Kaagad din akong pumara nang makita siyang papasok na.

"Pleasure's Inn, where your fantasies come into life," basa ko sa pangalan ng club. Napataas ako ng kilay, ganitong club pala ang hilig niya.

Sumalubong sa akin ang makapal na usok ng sigarilyo pagpasok. Halos mapapikit din ako sa nakakahilong kulay ng mga ilaw. Kaagad kong hinanap si Cassius.

At ang pakay ko, nakakandong sa isang lalaki habang nakikipaglampungan! Kumpirmadong bakla nga ang maskuladong nilalang na si Cassius!

Napangisi ako. Humanda ka sa akin. Lumapit ako sa pwesto nila.

"C-cassius? What is the meaning of this?," kunwaring nagulat kong tanong.

Napaayos naman siya nang makita ako.

"What are you doing here? Sinusundan mo ba ako?!," singhal niya sa akin na parang walang ginagawang kababalaghan.

Nagtaas ako ng kilay. "Bakit? Wala na ba akong karapatang sundan ang boyfriend ko?!," sigaw ko pabalik sa kanya.

Napatingin siya sa boyfriend niya. "B-baby? That's ---", napangiti ako nang umiwas ang lalaki.

"Cassie? Who is she? Is that true?," seryosong tanong no'ng lalaki.

Sumabat ako. "Cassie? The f*ck! I'm going to tell this to your father", sabay walkout.

At tulad ng inaasahan, sinundan ako ni bakla.

"No, you're not! Tell him or else..," banta niya.

"Or else? Sino ba sa atin ang may itinatago?," nakita kong namutla siya.

Hindi siya nakasagot.

"Break up with him and date me instead," utos ko sa kanya.

"What? No!", nandidiring sagot niya.

"Then babye! Kita nalang tayo sa bahay kaharap ang daddy mo," sabi ko at akmang aalis na.

"Fine! Fine!", sukong sagot niya.

Napangiti ako. "Gumagabi na. Mabuti pa, umuwi na tayo."

Sinundan ko siya papunta sa sasakyan niya. Nang akmang sasakay na siya, pinigilan ko.

"Hindi mo ba ako pagbubuksan ng pinto?," tanong ko.

"Mandiri kang babae ka. Ano ako? Prince charming mo?," siya.

"Tito Paulo," simpleng sagot ko. Wala na siyang nagawa kundi pagbuksan ako.

Tahimik siya sa buong biyahe at kaagad na bumaba nang makarating kami.

Nang paakyat na siya, hinigit ko ang kamay niya.

"Good night, boyfriend," sabay halik sa pisngi niya. Inirapan niya lang ako at pinahid ang pisngi gamit ang kamay.

One point for Miyaka.

------

Update every saturday