webnovel

UNO (Tagalog)

Seryoso ang mukha ng lahat habang nasa conference room lalo na ng bigyan bawat isa ng folder na naglalaman ng panibagong assignment. Huminga muna ang lalakeng nasa harap na bahagyang may edad na ngunit matikas pa rin ang tindig. Nakasuot ito na itim na vest na nakapatong sa suot nitong putting amerikana. Ganoon din ang suot ng iba pang nasa loob ng silid. “Your folder contains the information we’ve got about Agent One who disappeared for almost ten years. That person has no identity and left no traces at all. We thought he’s dead but a source confirmed he’s still alive and still working on something. That’s why we have to know what happened to him and his reasons for not reporting in this office for those years we thought he’s dead.” Pagpapaliwanag ng lalake kasabay ang mga bulung-bulungan. Maya-maya’y nagtaas ng kamay ang isa sa mga nakaupo na nakikinig. “Yes, Agent 15?” Tawag ng lalakeng nakatayo sa nagtaas ang kamay. “Why do you need us all in this case, Michael?” Tanong nito na hindi na nag-abala pang tumayo. “Good question. The Greater Heights needs all of its agents in this case. Why? Dahil hawak ni Agent One ang data na naglalaman ng mahahalagang impormasyon patungkol sa ating lahat. Nung aktibo pa siya sa organisasyon, siya ay isa sa may access sa ating system. Nang mawala siya at ideklarang patay, hindi na binago ang ating system. Ngunit ngayong may impormasyong buhay siya, huli na para mabago pa ang lahat. Kaya kailangang maibalik siya at tinayaking walang nag-leak sa mga hawak niya. Dahil kapag nagkataon, mamimilgro hindi lamang ang mga buhay nating lahat kundi lahat ng mga taong malalapit sa ating buhay.” Pagpapaliwanag ng lalake. Kita ang pagkabalisa ng lahat. “Finding a missing person is the easiest thing a single agent can do, Michael.” Wika naman ng isang pang agent na nakaupo na sinang-ayunan naman ng marami. “Yes….unless wala na ang lahat ng source maging ang lahat ng may koneskyon kay Agent One.” Sagot ng lalake na ikinatahimik ng lahat. *********************************************** Basahin ang makabagong istorya na puno ng aksyon, misteryo, at pag-big. "UNO" sa panulat ni B.M. Cervantes Copyright by B.M. Cervantes All Rights Reserved 2020

Blessedy_Official1 · Action
Not enough ratings
36 Chs

Stay Alive

Ang malakas na alarm na pumuno sa headquarters ang muling nagpanumbalik kay Kyel mula sa pag-iisip ng malalim maging sa pagkabalisa niya dahil sa kasalukuyan ay alam niyang nasa operating room si Caroline.

Mabilis niyang ikinasa ang baril ng makita ang iba pang agents na kinuha rin ang mga baril. Mula sa bintana nang gusali ay makikita ang napakaraming sasakyan at motorsiklo na nakapalibot ngayon sa gusali. Nagbabaan doon ang mga armadong mga tao na nkbonet.

Agad silang dumiretcho sa conference hall.

"Right now, we're on the maximum security. They wanted Agent 34. We will now allow it." Paunang wika ni Michael.

"Once, we open the door, the fight begins. Get ready. Agent 1, 2, & 3, kayo bahala magdala kay Agent 34 sa Safe House 65. Kami na ang bahalang magpatagal ng oras para makaalis kayo."Utos ni Michael.

Tumango naman siya at sabay-sabay silang dali-daling nagtungo sa laboratoryo kung saan ay makikita ang may malay nang dalaga. Halatang di pa ito dumaan sa operasyon.

"Let's go." Wika niya at bago pa ito makapagsalita ay agad na niya itong binuhat. Kasama sina Marcus at Allen ay patakbo nilang tinahak ang underground tunnel hanggang sa marating ang dulo nito na may hagdan pataas.

Mabilis na binuksan ni Allen ang pinto at bumulaga ang napakarami pa rin mga nakabonet na mga lalaki. Alam nilang walang saysay ang gagawin nilang panlalaban dahil sa dami ng mga ito.

Napilitan siyang ibaba si Caroline at isuko ang kanilang mga armas.

Napaawang ang bibig niya nang mabilis na kinuha ni Caroline ang baril na ibinaba niya at malakas na hinampas nito ang kanyang ulo. Sa lakas nang ginawa nitong paghampas sa kanyang ulo ay agad na dumilim ang kanyang paningin at siya ay napaluhod. Pilit niyang iniangat ang ulo upang pagmasdan ang magandang mukha ng babae. Ang mga mata niya ay nagtatanong.

Agad naman sinugod ng mga lalake sina Allen at Marcus ngunit dahil sa sobrang dami ng mga ito ay wala ring nagawa ang mga ito. Halos di na makagalaw ang mga ito at nakahandusay sa lupa dahil sa bugbog na inabot habang umaalingawngaw sa di kalayuan ang mga putukan at pagsabog.

"Let's go." Rinig niyang utos ni Caroline sa mga lalaki saka siya binuhat ng mga ito at isinakay.

Nakaposas ang kanyang mga kamay at paa sa SUV habang nakaupo sa tapat niya si Caroline. Tiim ang bagang na hinara niya ito habang umaandar ang sasakyan.

"What's your plan now?" Mapait na tanong niya dito.

Blangko lamang ang ekspresyon sa mukha ng babae at tumitig sa kanya saka ngumisi.

"Just wait." Matipid nito wika. Bago pa niya mahulaan ang ggwin nito ay mabilis na hinagis sa kanya nito ang susi ng mga posas niya at agad nitong sinugod ang driver ng sasakyan at binalian ng leeg saka ito ang humawak ng manibela. Dali-dali naman siyang naupo sa tabi nito nang maaalis na niya ang posas.

"So?" Tanong niya sa babaeng pinpalipad na sa bilis ang sasakyan. Ngayo'y tila nabunutan ng tinik ang kanyang dibdib.

"We have to swim." Balewala nitong ani na ibinangga ang sasakyan sa tulay kasabay ang pagbulusok nila sa malalim na tubig ng ilog. Dahil masama ang panahon ay tinangay sila ng rumaragasang tubig.

Agad na ipinulupot ni Caroline ang mga braso sa leeg ni Kyel habang tinatangay sila ng tubig habang pilit na sinasabayan ng lalake ang agos upang di sila lumubog.

"I have to keep you safe, Kyel!" Halos pasigaw nang ani ni Caroline sa pagitan nang pakikipaglaban ng kanilang katawan sa malakas na agos.

"I am keeping you safe!" Natatawa niyang ani dahil tila kabaligtaran ang nangyayari dahil halos di na makakampay ang babae kaya ang isang braso niya ay mahigpit na hawak ang bewang nito.

"You have to stay alive...like before." Wika ng dalaga na nag-aalalang tumingin sa kanya dahil malapit na sila sa dulo kung saan pababang bubulusok na ang tubig.

"We will stay alive." Paninigurado naman niya sa babae.

"Hold me tight." Matigas na utos niya dito kasabay nang paghapit niya sa katawan ng babae palapit sa kanya. Pilit namang nilaban ng babae ang malakas na pagragasa ng tubig upang mapalapit sa kanya saka mahigpit nitong ipinulupot ang mga braso sa kanyang leeg.

"Just don't let go, baby." Utos niya dito saka sila parehong napayakap nang mahigpit sa isa't isa ang tuluyan na silang tangayin ng rumaragasang tubig pababa mula sa napakataas na talon. Bago pa man tuluyang magdilim ang kanyang paningin ay may bahagi na naman nang kanyang nakaraan ang muling nanumbalik.

"Don't let go, baby." Lumuluhang ani ni Kyel habang hawak ang isang braso ni Caroline. Kasalukuyang nakalambitin ang babae sa matarik na bangin at tanging ang kanyang pagkakahawak lamang dito ang pumipigil upang hindi ito tuluyang mahulog.

"Let me go. Stop loving me, Kyel. I betrayed you." Umiiyak ding wika ng dalaga.

"You just did what you think will save your family, Caroline. Alam kong mahal mo ko. Naramdaman ko 'yun, Caroline. Please.." Pakiusap niya dito na pinatatag ang pagkakahawak sa babae habang patuloy ang pagpatak na masaganang luha sa kanyang mata.

"No. Lahat nang pinakita ko sa'yo ay di totoo. Kaya bitawan mo na ako! Ang kamatayan ang kabayaran sa lahat ng kasalanan ko!" Singhal ni Caroline sa lalake na pilit inaalis ang pagkakahawak sa kanya.

Alam ni Kyel na ilang sandali pa ay di na niya matatagalan pa ang paghawak sa babae at iyon ang lubos na dumudurog sa kanyang puso.

"Let..me..go!" Bulyaw nito sa kanya habang masagang luha din ang pumupuno sa mga mata nito.

"Nooo!!!" Sigaw niya na ginamit pa ang isang kamay upang maingat ang babae.

"Kyel, listen to me..You have to stay alive." Gumagaralgal ngunit mahinahon nitong wika saka sapilitang hinila ang mga kamay mula sa pagkakahawak niya.

"Caroline!!!" May paghihinapis na sigaw niya nang tuluyan na niyang mabitawan ang babae at bumulusok na ang katawan nito pababa mula sa matarik na bangin.

Tila wala sa sariling dumaus-os siya sa gilid ng bangin upang makita kung saan nahulog ang babae at maisalba ito bagama't marami na rin siyang tama ng baril sa katawan. Halos pagsakluban siya nang langit at lupa nang makitang nakabulagta ang duguan at walang buhay na katawan ng babae. Maging siya'y nagdilim na rin ang paningin. Ipinikit niya ang mata at idinalanging sanay hindi na niya maimulat ang mga iyon.

"Kyel!" Ang paulit-ulit na pagtawag sa kanyang pangalan ang nagpamulat sa mata ni Kyel. Bumungad sa kanya ang nag-aalalang mukha ni Caroline at agad niyang mariing hinalikan ang labi nito. Lihim siyang napangiti nang hindi ito nanlaban at hiyaan na lamang siya.

"We have to go!" Balisang wika nito nang palayain na niya ang labi ng babae saka ito tumayo ngunit agad niyang nahila ito palapit sa kanya at niyakap ito nang mahigpit.

"Promise, Caroline, you will not let go of me again." May pagsusumamong wika nito.

"We already let go of each other Kyel five years ago. What's wrong with you?!" Galit na wika nang babae sabay tulak sa dibdib niya.

"You let go of me, but I never let go of you." Matigas niyang wika.

Napapantiskuhan namang muling humarap ang babae sa kanya.

"This is not the time, Kyel, to talk about our personal issues. We have to go!" Pag-iwas sa kanya nang babae ngunit mabilis niya itong nalapitan.

"Tandaan mo na kahit kailan hindi ko isinuko ang pagmamahal ko sa'yo, Caroline. Ikaw ang sumuko. At ngayon, binibigyan kita nang isa pang pagkakataon." Matatag niyang wika dito saka pwersahan niyang hinapit ang bewang nito palapit sa kanyang katawan. Nakipaglaban naman ng titigan sa kanya ang babae saka ngumisi.

"Hindi kita masasagot, Kyel. Only Caroline can answer that." Makahulugan naman nitong wika saka siya muling itinulak palayo.

"I am not Caroline." Muling saad ng babae.