webnovel

UNO (Tagalog)

Seryoso ang mukha ng lahat habang nasa conference room lalo na ng bigyan bawat isa ng folder na naglalaman ng panibagong assignment. Huminga muna ang lalakeng nasa harap na bahagyang may edad na ngunit matikas pa rin ang tindig. Nakasuot ito na itim na vest na nakapatong sa suot nitong putting amerikana. Ganoon din ang suot ng iba pang nasa loob ng silid. “Your folder contains the information we’ve got about Agent One who disappeared for almost ten years. That person has no identity and left no traces at all. We thought he’s dead but a source confirmed he’s still alive and still working on something. That’s why we have to know what happened to him and his reasons for not reporting in this office for those years we thought he’s dead.” Pagpapaliwanag ng lalake kasabay ang mga bulung-bulungan. Maya-maya’y nagtaas ng kamay ang isa sa mga nakaupo na nakikinig. “Yes, Agent 15?” Tawag ng lalakeng nakatayo sa nagtaas ang kamay. “Why do you need us all in this case, Michael?” Tanong nito na hindi na nag-abala pang tumayo. “Good question. The Greater Heights needs all of its agents in this case. Why? Dahil hawak ni Agent One ang data na naglalaman ng mahahalagang impormasyon patungkol sa ating lahat. Nung aktibo pa siya sa organisasyon, siya ay isa sa may access sa ating system. Nang mawala siya at ideklarang patay, hindi na binago ang ating system. Ngunit ngayong may impormasyong buhay siya, huli na para mabago pa ang lahat. Kaya kailangang maibalik siya at tinayaking walang nag-leak sa mga hawak niya. Dahil kapag nagkataon, mamimilgro hindi lamang ang mga buhay nating lahat kundi lahat ng mga taong malalapit sa ating buhay.” Pagpapaliwanag ng lalake. Kita ang pagkabalisa ng lahat. “Finding a missing person is the easiest thing a single agent can do, Michael.” Wika naman ng isang pang agent na nakaupo na sinang-ayunan naman ng marami. “Yes….unless wala na ang lahat ng source maging ang lahat ng may koneskyon kay Agent One.” Sagot ng lalake na ikinatahimik ng lahat. *********************************************** Basahin ang makabagong istorya na puno ng aksyon, misteryo, at pag-big. "UNO" sa panulat ni B.M. Cervantes Copyright by B.M. Cervantes All Rights Reserved 2020

Blessedy_Official1 · Action
Not enough ratings
36 Chs

First Impression

Lihim na napangiti si Caroline habang pinagmamasdan ang sarili mula sa hawak na salamin ng kanyang compressed powder.

Kabaligtaran sa bilin ni Kyel sa kanya, ang sinuot niya ay isang daster. Nagsalamin din siya at bahagyang ginulo ang buhok na tila isang manang. Manang na papasok sa isang magarang hotel.

Sa isiping iyon ay di niya mapigilan ang mapatawa lalo na nang sundan siya nang tingin ng mga tao mula pagpasok sa hotel hanggang sa mapalapit siya sa mga front desk officer ng hotel na tiningnan siya mula ulo hanggang paa.

"She's my wife." Mabilis na salo sa kanya ni Kyel nang makalapit ito sa kinaroonan niya na binigyan siya nang isang sakastikong ngiti kasabay ang matang nanlilisik.

"What are you wearing?" Bulong nito sa kanya na pilit ang ngiti sa harap ng mga staff ng hotel.

"What's the problem, honey?" Pang-aasar niya dito.

"You will ruin our mission." Matigas nitong wika at walang sabing binuhat siya.

"Hey!" Nanlalaki ang matang pigil niya dito ngunit malakas ito kaya magwala siya ay di pa rin naalis ang pagkakahawak nito sa kanya.

"It's our honeymoon!" Pahabol ng lalake sa mga hotel staff na napaawang na lang ang mga labi sa nasaksihan.

"Put me down!" Galit na singhal niya sa lalake nang ipasok siya nito sa isang silid sa hotel. Wala nang imik na ibinalandra siya ng lalake sa kama saka ibinato sa kanya ang isang box.

"Wear that." Balewala nitong wika habang nakaharap sa salamin habang inaayos ang damit nitong nagulo dahil sa pagbuhat sa kanya.

"I need to first know this mission, Agent 1. Pinapasabak mo ako sa laban ng wala akong sandata!" Giit niya dito.

Napabuga naman ito sa hangin saka inihagis sa kanya ang isang folder.

"Study that in 5 minutes then we're good to go." May awtoridad nitong wika nang tumunghay sa kanya.

"5 minutes?!" Napapantiskuhang ani niya dito.

"Timer starts now." Tila nang-aasar naman nitong ani na mukha ngang nag-set ng timer sa relo nito.

Inis namang binuklat niya ang folder at mabilis na binasa ang mga impormasyon doon. Ngunit di pa man siya nangangalahati sa binabasa ay nag-alarm na ang lalake at mabilis na kinuha ang hawak na folder mula sa kanya.

"Really?!" Inis na singhal niya dito.

"It's time you change that annoying outfit! I'll wait for you outside in 10 minutes." Balewala naman nitong wika saka siya iniwan sa silid.

"What kind of dress is this thing?!" Mabigat sa loob na sigaw ng kanyang utak habang nasa harap ng salamin. Napakaikli kasi ng silver dress na ito na sobrang hapit sa kanyang katawan. Napakababa din ng neckline nito kaya halos lumuwa na ang kanyang dibdib.

Naiiling siya habang nagme-make up saka huminga ng malalim at kinuha ang heels na kasama sa ibinigay ni Kyel sa kanya.

"So you think I won't really follow the dress code?" Ani niya dito habang nakaangkla sa isang matipunong braso ng lalake habang binabagtas nila ang red carpet patungo sa malaking bulwagan ng hotel.

"Let's say, lagi lang akong may Plan B, babe. And it fits you well." Balewala nitong wika habang ang mga mata ay nakadako sa gawi ng kanyang dibdib na halos lumuwa na dahil sa suot.

"Dudukutin ko talaga ang mga mata mo pagkatapos nito!" Gigil na wika niya dito na lalong ikinalawak ng ngiti ng lalake.

"I just never thought na you have a great body." Pang-aasar pa nito nang muli siyang tingnan mula ulo hanggang paa.

"Stop..looking..at me." Mariin ngunit mahinang ani niya dito na pilit pa ring nakangiti dahil kasalukuyan na silang nakapasok sa bulwagan.

"Why? What's wrong?" Natatawa nitong pang-aasar pa sa kanya habang inaalalayan siya nito sa paglalakad.

Isang matalim na irap na lamang ang ibinigay niya dito habang nahagip ng mga mata ang kanilang puntirya ngayong gabi.

Kumalas siya sa pagkakahawak sa braso ni

Kyel saka tila isang runway model na rumarampang naglakad siya patungo sa kanilang target habang inaalis ang earpiece at mic na inilagay ni Kyel sa kanya. Kita niya ang pagdilim ng mukha ng lalake sa di kalayuan.

"Agent 34 removed her earpiece." Wika ng isang agent mula sa kabilang linya na malinaw na naririnig ni Kyel mula sa suot na earpiece.

"I know. Plan B tayo." Nagtatagis ang bagang na wika niya saka naglakad patungo sa bar habang ang mga mata ay nakasunod pa rin sa dalaga.

"What's your game, Caroline?" Bulong ni Kyel sa sarili ng makitang nakikipagtawanan ang dalaga sa kanilang target.

"Di ko akalain na makikita kita dito, Diana." Masayang wika ng kasayaw. Matapos niya kasing lapitan ito ay agad siya nitong iginiya sa gitna upang isayaw.

"Too busy sa work, Fred..kailangan ding mag-relax. I am glad I've found you." Nakangiti naman niyang ani.

"Well, I know you, sweetheart. I am sure there's something that you want. Hindi ka basta-basta na lang magpapakita sa harapan ko nang ganun ganun na lang." Nakangiti pa rin nitong wika saka hinapit ang kanya bewang palapit sa katawan nito saka siya kinintalan ng maliit na halik sa kanyang leeg.

"I miss you, Diana." Bulong nito sa kanya.

"Tell me what you want so that I can get what I want from you. You're so sexy." Muling bulong nito sa kanya.

"Honestly, I don't need anything from you, Fred. Nagkataon lang talaga na nakita kita. I am actually after Harris Denver. I want to get close to him." Pagsisinungaling niya dito na ang mga mata ay nasa gawi nang tinutukoy na lalake na abalang nakikipagusap sa mga katabing babae.

"A new client, huh? I am jealous." Biro nito.

"I am serious." Giit naman niya.

"Well, maybe I can help." Nakangiting ani ng lalake. Kahit nasa 40's na ito ay mababakas pa rin ang tikas at gandang lalake nito dahil sa maayos at disente nitong pananamit. Hindi mo akakalain na ito si Frederick Yuzon, ang lider ng isa sa pinakamalaking kartel ng droga sa bansa.

"Really? You know him?!" Kunwa'y gulat niyang wika.

"Ofcourse, sweetheart. He's one of my business partners." Pag-amin nito.

"Then introduce me to him." Ani niya.

Tumango naman ito saka muling inilapit ang mukha sa kanya.

"Sure. But give this first." Wika nito saka mabilis na sinakop ang kanyang mga labi.

"Excuse me." Mabilis na hinila ni Kyel ang braso niya palayo kay Fred.

"How dare you kiss my wife!" Galit na wika nito saka malakas na sinuntok si Fred.

"I am sorry, Fred." Paghingi ni Caroline ng paumanhin mula dito habang tinutulungan itong tumayo.

"You're married now?" Napapantiskuhang wika nito na pinagpapalitan ang tingin sa kanila ni Kyel habang napapalibutan na sila ng mga tauhan nito.

"He forced me, Fred. Please help me?" Pakiusap niya dito saka hinigpitan ang kapit sa mga braso nito.

"I am actually here, kasi I am trying to escape from him. That's why I am looking for Harris, his close friend. I will ask for help sana."Pagsusumamo niya dito kasabay ang pagpatak ng luha sa mga mata.

"What are you doing, honey? Come back to me, please?" Pagsusumamo din ni Kyel sa babae.

Wala sa usapan nila ang lahat ng ginagawa nito. Kung nais nitong sirain ang kanilang misyon ay hnding-hindi niya hahayaan mangyari iyon.

"Leave me alone!" Umiiyak sa singhal sa kanya ng babae habang mahigpit itong nakakapit sa braso ni Fred.

Isang matalim na tingin na lamang ang kanyang ibinigay sa babae nang wala siyang magawa nang pwersahan siyang ilabas ng mga tauhan ni

Fred at lalo pang nagtagis ang kanyang mga bagang ng masulyapan ang pagbibigay nito sa kanya ng isang mapang-asar na ngiti habang pinupunasan ang mga luha.