webnovel

University Series: Athena Louise Sarxel

Athena Louise Sarxel, ang babaeng hinahangaan ng SU o Sarxel University. Sya ang cheerleader captain. Sya rin ang tinuturing na Campus Bitch Queen. Don't mess with her or you'll end up living in hell. Xyzrille Cameron Garcel, isang scholar pero hindi nerd. In fact ay marami ang nagkakagusto sa kanya at sya'y kilala rin sa SU. Pero focus si Xyzrille sa pag-aaral nya. Halos hindi nga sya updated sa mga bagong ganap sa paligid nya. What would happen if their world collide? Well, it can be a total chaos.

KillerInDuty · LGBT+
Not enough ratings
54 Chs

Chapter 34

Xyzrielle's PoV:

"Are you okay now?" Tanong ko sa babaeng nakayakap pa rin sa akin nang mahigpit hanggang ngayon.

Hindi ko maiwasang mag-alala kay Athena. Tumahan na rin sya sa kayang pag-iyak. I was relieved because of that.

"Y-Yeah. I'm quite o-okay now. Thanks for asking by the way." Nauutal nyang saad. Naririnig ko pa rin ang paghikbi nya na palatandaan na umiyak sya kanina.

"Ahm... Would you mind if I ask you kung takot ka ba sa dilim?" I asked. I really think na takot sya sa madilim na lugar kaya ganito na lang ang naging reaksyon nya sa nangyari.

Ilang sandali pa ang lumipas pero hindi pa rin sya sumasagot sa tanong ko.

"Kung ayaw mong sagutin, okay lang naman sa akin." I think, she's not yet ready to tell her reason to someone. And I respect her decision.

"Yes." Out of a sudden nyang saad. Anong yes? Pabitin naman ang babaeng 'to. Hmp. Ayaw na lang buoin 'yung pangugusap nya eh.

"Yes. Takot ako sa dilim—— I mean... err... let me rephrase that, I'm afraid of what's in the dark." Nararamdaman ko pa rin ang takot sa kanyang boses. I'm right kahit konti lang.

Tama nga naman sya. Hindi tayo takot sa dilim dahil ang totoo ay takot tayo kung ano ang nandoon. I understand her now.

"What if may multo na lang bigla na humila sayo? What if may devil na biglang lumabas out of nowhere lalo na at madilim? What if mawala ka?" Sunod-sunod nyang tanong.

"Ikaw nga ay devil eh. Natakot ba ako sayo?" Hindi ko namalayan na nagsalita na pala ako.. Natutop ko tuloy ng wala sa oras ang aking bibig. Ano ba naman kasing bungaga 'to? Napakatabil. Mapapahamak tuloy tayo nito.

Walang ano-anong kinagat ni Athena ang aking balikat. Napa aray ako hindi dahil masakit kung hindi dahil nagulat ako. Aba't, bampira na pala sya ngayon. Hindi man lang ako nainform.

"What did you say?! Argh. Damn you!" She yelled at me. I can feel na parang may imaginary dark aura na nakapalibot sa kanya.

Ang bilis talagang magbago ng mood nya.. Ang speed. Si flash ba sya ha?

Isip...

Isip...

Isip , Xyzrielle. Bahala ka. Malilintikan ka nyan kay Babyloves mo kapag hindi mo nagawan ng paraan 'yan.

*Ting*

Aha! Alam ko na!

"I mean it, Babyloves. You're a devil. My sexy little devil." Malambing kong turan.

Whoo. Mabuti talaga at mabilis ang response mo ngayon, brain. Nagfunction ka agad. Hindi lang pala puro asar ang alam mong gawin. Good job.

"Aish. Whatever." Mataray na turan ni Athena. I know na inikutan nya rin ako ng mata. Oh ha. Panalo ako ngayon sa aming dalawa Yey! Wala pala ang isang 'to eh. Pwe.

Maya-maya pa ay naging tahimik na ang paligid. Ang maririnig mo na lang ay ang ingay na nagmumula sa patak ng malakas na ulan. Sinimulan kong kapain ang aking bulsa para malaman kung nandoon ang cellphone kl at tama nga ako. Kinuha ko 'yon upang para man lang kami ng pansamantalang ilaw.

"Athena, may generator ba kayo rito?" Para naman magkaroon na ng ilaw dito. At hindi na sya makaramdam pa ng takot.

"Yes, why? And it's not Athena because it's Babyloves. Ilang beses ko bang kailangan na ipapaalala 'yun sayo?" Tumingin sya sa akin at nakita kong naakanguso sya.

My heart softened up. I'm flustered. Oh gosh. Ang cute nya! Pigilan nyo ako! Pupugpugin ko ng halik 'to, sige.

Kitang-kita ko ngayon ang maamo nyanh mukha na laging nantataray. Mababakas mo pa rin ang pagkamasungit kay Athena. Napakahaba ng kanyang pilikmata. Ang mga mata nito na para bang nilulunod ako sa karagatan. And her soft plumpy lips na hindi ako magsasawang halikan araw-araw.

"H-Hey, stop pouting. Baka mahalikan kita bigla riyan. Sige ka. Atsaka, saan nga pala nakalocate 'yung generator nyo?"

Pero ang siste ay hindi man lang nakinig sa akin at pinagpatuloy pa ang pag-nguso nya. Mas lalo din syang nagpacute. Well kung tatanungin nyo sa akin kung effective ba, then ang sagot ko ay yes! Super effective. Grr.

"So, hindi ko sinunod ang utos mo... Nasaan na ang sinasabi mong kiss? Wala ka bang isang salita?" Susmaryosep! Talagang sineryoso nya 'yung banta ko ah. Matigas pala ang ulo nya. Well, wala namang malambot eh.

Pero duh. May isang salita ako noh. Kaya ginawa ko ang sinabi ko kanina.

Mabilis kong ipinagdampi ang aming labi at hinalikan sya. Nagbawi din ako pagkatapos. It's just a smack. Hindi naman na bago sa aming dalawa ang ganitong eksena. Yung *ehem* pagkikiss. Ako kasi lagi nag-iinitiate. Addict na ba ako non? Siguro, tapos sa kanya.

"What?! Ayun na 'yon? Eh dampi lang kung matatawag ang ginawa mo, Xyzrielle! I want more!" Parang bata nitong saad. Jusko. May split personality ba 'tong si Arts ha?

She's craving for my kiss. Most especially, a kiss with tongue.

"Diba I told that we should kiss more of-" Hindi na natapos ni Athena ang kanyang balak na sasabihin nang mapatingin sya sa pinagmumulan ng ilaw. Ang screen ng cellphone ko.

Oh shoot. At picture pa pala namin ang lockscreen ko. Oh well, sabi naman nya ay wag kong palitan 'yun pati na rin 'yung wallpaper eh.

"Ang cute naman natin dyan." Nakangiti nyang sabi.

I can't help myself but to smile too dahil na rin sa aking nakikita. Ang genuine ng smile nya. Nakakatuwa. She should smile more often. Bawas-bawas muna sa pagkamasungit at pagkamataray nya.

Nang magsawa si Athena ay naisipan nyang buksan ang cellphone ko. Nakita ko kung paano nangunot ang kanyang noo. Hmm.... Bakit naman kaya? Baka trip nya lang gawin.

"Bakit may password na 'to? Dati ay wala ah. Anong passcode mo?" Nakangunot-noo nitong tanong sa akin. Bakit nya alam? Ay shungeks, kinuha nya nga pala ang cellphone ko dati. Nawala sa isip ko.

"Ah... eh... ano... for safety purposes lang kaya may ganyan." Sagot ko.

Atsaka sinuggest din kasi sa akin 'yan ni Margarette nang nakita nyang walang password ang cellphone ko. Paano raw kapag nadekwat bigla, edi madali lang maka-access 'yung magnanakaw sa cellphone ko.

"Sus. Palusot ba 'yan? Sa susunod ay galingan mo ha. Isa lang naman ang rason kung bakit naglalagay ng password ang isang tao. May tinatago sya. Don't tell me, may ibang babae ka bukod sa akin?!" Nagngingitngit na turan nito sa akin.

Napapitlag ako dahil sa sinabi nya. Mukhang ayaw nyang maniwala sa akin. Nagsasabi lang naman ako ng totoo huhuhu. Pero...

Ano raw?

Tama ba ang narinig ko?

May babae ako???

What the duck?!

Bakit babae lang? Pwede namang babae at lalaki ang kabit. Haler~ wala pa sa isip ko ang magjowa pa ng isa noh. Hindi ako two-timer. Duh. Three timer lang. Just kidding.

Kung si Athena nga ay nahihirapan akong intindihin pero nakeri ko naman, paano pa kaya 'yung iba?

"Hala! Wala noh! Atsaka, may babyloves na ako na ang pangalan ay Athena Louise Sarxel." Malambing kong saad at umiling-iling pa.

Nakita ko kung paano lumambot ang kanyang expression. Parang natuwa sya sa sinabi ko.

"Are you sure na ako lang ang babyloves mo?" Paninigurado nya.

I smiled. Oo naman. Ikaw lang ang babyloves ko kasi 'yung iba ay love, babe, at honey ang tawag ko. Chos.

"I'm 101% percent sure. Oh ayan, may pasobra dahil special ka. Tara na nga. Pumunta na tayo roon sa place ng generator nyo." Hinila ko na sya pagkaatapos long sabihin 'yan. Hindi ko na tinignan pa ang kanyang naging reaksyon.

Si Athena ang nauuna dahil sya ang may alam kung nasaan ang generator nila. Naramdaman kong hinawakan nya ang aking kamay ng mahigpit. And so I returned the favor.

Our fingers are intertwined habang naglalakad kami. There's no spaces in between. I'm so happy. I don't know why. Baka nagiging abnormal na naman ako.

Nang makarating na kami roon ay pinahawak ko muna sa kanya ang aking cellphone at in-on ang flashlight.

I tried na buksan ito ngunit hindi gumana. I tried again and again pero hindi pa rin talaga 'to gumagana. Baka may sira kaya ayaw bumukas.

"Let me try that." Presinta nya so I let her be.

Pero katulad lang din ng sa akin ang nangyari. Ayaw nitong magstart. Kaya napagdesisyunan namin na iistop na ang pagtatry.

"Let's go in my room." She said in a sleepy voice and yawned. Mukhang inaantok na ata ang Babyloves ko at nagyayaya na.