webnovel

01. Famous? Someone who doesn't know I exist

17 Years later

CORA POV

"Yazz naka ready kana ba?" Tanong sa akin ni Tita Solenn kaya napatango nalang ako sa kanya. Well pauwi na kami sa pilipinas. Ugh! After 2 Years finally makakauwi narin ako. Nagsasawa na ako dito sa states. Namimiss ko na din kasi ang ilang mga memories na naranasan ko sa Pilipinas. At saka siya.. Ugh bat ko pa inalala yun?, I miss my Besty yin lang siya lang.

"Yes." Simpleng sabi ko sabay tingin sa cellphone ko. Tinext ko si Lhirel At masaya kong ibinalita ang pagdating ko sa pinas

Ako nga pala si Yasszerine Cora Wilson! You can call me Yasszerine. I only allowed for my family to call me Cora. Why? Simple, I don't want others to call me that name gusto ko kasi parents ko lang tatawag sa akin nun or my Dad should I say. Pansin niyo sa apilyedo ko right? Yes Half french ako. Cause my daddy is from france. Mag Ge- Grade Twelve na ako this Year at doon ako mag aaral sa KeithSandra Vancelo academy. Known kasi yan as most famous School sa Pilipinas.

We are also known as the most Richest family all over the world! Yeah mayaman kami. E ano naman ngayon? Gaya lang naman ako ng ibang tao na gustong mamuhay ng tahimik pero di ko magawa. Why? Kasi nga Sikat ako

Yes Im famous! Kahit saan man ako pumunta dahil sa ganda ko na pangmodelo. Uhuh Im a model. In Philipines and france. At lagi akong lumalabas sa commercials *wink. Sounds like I'm bragging right? Sorry na. Ngayon lang naman eh

My Daddy, Conrado Wilson is The most Famous Bussiness Man, slash Ceo, slash Owner of Wilson Company Rights or Much known as WCR

Actually may kambal ako. Kambal na lalaki. Si Carlo Gio Wilson. Pero nasa Pilipinas siya. So ako lang talaga ang nasa states

Ok back to my story. Syempre masaya ako dahil uuwi na ako sa Pilipinas.

***

"Si Yasszerine!" Sigaw yan ng isang reposrter kaya dahan dahan ko nang isinuot yung shades ko para sa nakaaksilaw na flash ng camera na aaligid sa akin. Nasa Pilipinas na kasi kami at oo sinalubing nga kami ng mga reporters

Pinagkakaguluhan na ako ng mga tao sa suot kong Maong shorts and white spaghetti tops at inibabawan ko ng white jacket na ternong terno. At White boots na abot hanggang Itaas ng tuhod

Kasama ko si tita na naka Dress ng White at tinapalan niya ng manipis na jacket at boots na hanggang itaas din ng tuhid. Ganun naman talaga eh.

Inilabas ko ang phone ko at Tatawagan si Lhirel para ibalita na nadito na ako sa Pilipinas nang

"Ouch!" Isang malakas na linataya ko. Ang sakit!

"Bakit ba si ka tumitigin sa dinadaanan mo" Napahina ang boses ko nang marealize ko na di panget ang bumunggo sakin.

"Hey" mahinang lintaya ko. K napahiya ako doon. Bat ang gwapo niya?

Nagulat nalang ako nang may tinapik ako ni Tita. Napatingin ako kay kuyang bumunggo sakin

"Ahm Miss sorry nga pala. Heto yung phone mo oh" sabi niya sabay abot sa akin nung phone kong Iphone II

May hitsura siya. But not my type. Mas marami pang lalaking mas gwapo sa kanya. Pero gwapo siya

"Ah eh Sorry den" Pangiti ngiti kong sabi sa kanya

"Uy Raphael! Ang tagal mo! Baka nagagalit na sina Tito Vance at Tita Eliesha sa atin!" sigaw nung kasama niyang may malapad na balikat at gwapo din. Napatanggal ako ng salamin para maaninag ko siya. Saglit akong napatigil nang makita ko ang mukha niya. Parang may Spark? Something na di ko maintindihan

"ok need to go" sabi niya kasabay ang pag alis niya. Ay alis na siya? Babye mr pogi see you soon

Malungkot akong tumuloy sa paglalakad ko

"Ang Gwapo ng naka bangga mo Cora. Lucky mo today huh. Raphael daw ang name" Napangiti ako sa sinabi ni Tita. At the same time napakunot noo den

"Saka Yung tumawag doon sa lalaki. Nahihiwagaan ako sa kanya e" sabi ko kay Tita kaya napatingin sa akin si tita. Ass in tinitigan niya ako

"Tita Solenn?" Nakakunot noong tanong ko. Yung titig niya kasi. Parang kinikilatis niya talaga ako

"Wala Parang magkamukha kasi kayo nung Tumawag dun sa kay Mr Raphael"

"Really?" Nagtatakang taning ko kaya napatangi siya

"Parang ikaw lang. Pero lalaki nga lang" sabi ko kaya nagkibit bakikat lang ako. Kamukha ko? Baka namamalikmata lang si Tita. Saka sabi nila sa buhay ng tao mag 9 tayong kamukha

"Sana makilala ko siya" dagdag niya

"Oo nga e. Ano kayang name ni Kuya" nanghihinayang na sabi ko kaya sabay kaming nagkibit balikat sabay alis

***

Sumakay na ako sa Kotse namin saka ko tinaggal ulet yung shades ko namiss ko rin ang pilipinas. 2 years din akong namalagi sa states hays.

Maya maya pa ay nasilayan ko ang malaking mall. Robinson Kumbaga. Napakatagal ng mall na to at hanggang ngayon ay buhay paren. At hanggang ngayon at nakakaramdam parin ako ng hiwaga tuwing pumupunta o dumadaan na kami dyan. Parang nakapunta na ako dyang noon pa. Tinanong ko si mama kung pumupunta kami dyan nung bata pa ako or baby. Pero ang sabi niya hindi at nagmove lang kasi sa pilipinas nung High school na ako. Pero di ko parin maintindihan

Matagal akong napatitig sa mall hanggang sa di ko na yun matanaw dahil napakalayo na niya

Napahawak ako sa Cellphone ko at nagpost sa Epbi. Opo Epbi! Wala kayong paki kung low class pero mas maganda sa epbi e hahaha. Saka sa epbi ako sumikat kaya ayun! Akalain mo yun? Gumawa lang ako ng epbi account ko at nagselca nung High school na ako umabot agad ng million likes. At nagkaroon na ako ng libo libong followers at stalker.

What's Happening To me?

Ganyan lang kasimple ang status ko pero 5 segundo pa lamang at daan daan ng naglikes at comments

Ni recheck ko naman yun para tignan ang mga vomments nila

What's Happening To me?

625 likes. 245 Comments. 65 Shares

View all comments

CutIeleah

Baka dyan ka talag nakatira? Or pinanganak?

Sheyshey

Baka may sakit ka nyan?

Secret

Baka nakalunok ka lang ng pusa hays ayun!

J€j€m0π

€0usszzz.. B@k@ M@¥ k!π@lαmαπ ¥απ sα παkαrααπ m¤

Gwapokoh

Wag kang magkakasakit miss Yaz mamahalin pa kita😉

Napairap nalang ako. Wala namang kwenta yung mga comments nila. Lalo na yung huli. Ang laswa ng name ah tsk! Akala mo kung gwapo. Syempre gwapo e portrayer ba naman si Daniel Padilla. Aba! Uso na pala ang RP ah tsk! Saka yung isa masyadong jejemon! Ang sakit sa mata!

"Ma'am Nandito na po tayo" napadako ang tingin ko sa driver namin na kakasabi lang ng katagang yun. Alngan namang di siya ang nagsabi.

Bumaba na yung diver namin at pinagbuksan ako ng pinto.

Agad naman aking lumabas sabay sabi ng

"thanks" saka ngumiti kaunti. Ngumiti naman din yung driver namin saka pinababa din si tita.

Ang init dito. Tinanggal ko yung jacket ko reavealing my beautiful skin. Saka ako napadako ng tingin sa kanang balikat ko. Yung peklat na di ko maintindihan kung saan ko nakuha!

Ang ganda ng House, ay masion to be exact. Dito pala tumitira ang kambal kong yun. Nasaan nanaman kaya yun. Wala kasi daw kasi siya dito e

Maya maYa pa ay naramdaman kong nandito na si tita at tinanggal din yung jacket niya and also reavealing her beautiful skin. Aba syempre like tita like pamankin tsk *smirk

"Ang ganda naman ng mansion. Nagustuhan mo Cora Right?" Napatango nalang ako sa sinabi ni Tita saka ako pumasok sa bahay

***

"Yes Tita ako na ang bahala"

"Opo"

"Magiingat ako"

"Oo lalayo ako sa reporters trust me"

"kasama ko mga body guards"

"ok bye"

Napailing ako saka ko nilagay sa sling bag ko yung cellphone ko. Nasa Mall kasi ako, Yeah yung mall na sinasabi ko sa kanya. Bibili kasi ang ng mga School Supplies. Kasi nga duhh sa susunod na araw na ang pasukan namin. Kaasar kasi yung kambal ko di man lang ako samahan psh! Walang kwentang kapatid talaga!

At heto namang si Tita, todo ang bilin sa akin. Ginawa pa akong baby. I know sikat ako pero gusto ko rin ng time sa sarili.

Shh lang ha? Pero wala akong kasamang bodyguard hahaha ayoko nga! Sagabal lang sila sa pamimili ko no.

"Ayun naman pala ang department store e" sambit ko sarili ko saka ako pumasok sa loob

**

"Papel, notebooks, ballpens, lapis, eraser, bag of course, liquid erase, ahm ano paba?" pagbibilang ko sa mga hawak hawak kong supplies. Iniisip ko ano pa nga bang kulang. Tsk nakaka stress hanggang dito stress parin ang beauty ko ugh

"Ahh!" Bulyaw ko nang matuba ako at nagkalat ang mga gamit na nabili ko sa baba.

"Yan kasi! Di tumitingin sa dinadaanan! E sa tanga ba naman. Di namalayan ang gwapong dumadaan" Halos masuka ako sa taong nagsabi nun. Inis kong iniangat ang ulo ko para makita ang mahanging hampas lupang nagbunggo nanga, sinabihan pa ako ng masama!

Siya nanaman?

Suya yun yung lalaking tumawag kay Raphael. And again nakaramdam nanaman ako ng kakaibang kaba

Ano to?

Di ko pinansin ang nararamdaman ko at inis na binalinagn siya at dinuro duro pa

"Hoy ikaw lalaki! Di naman kasi mangyayari yun kung di ka nakatutok dyan sa Cellphone mo habang naglalakad! Wala ka palang modo no? Nakita mong natumba ang babae. Dapat tinutulungan!" inis na sambit ko. Jusko kalma lang Cora magtimpi ka sa gagong yan err!

"Wow lang ha?! Ikaw tutulungan ko? Ikaw naman ang may kasalanan kaya ka natumba e. E nasa mall ka! MALL! tapos naka suot suot ka ng shades? Diba naman tanga?" Grrr! Kumukulo talaga ang dugo't laman ko lalaling to ang sarap niyang kitilin!

Magsasalita na sana ako nang bigla niyang inilapat sa bunganga ko ang hintuturo nia kaya napatigil ako

"Wag ka nang magsalita. Ang baho ng bunganga mo e" napanganga ako habang tinititigan siyang naglalakad palayo. Nakanganga kong tinanggal ang salamin ko. Like Seriously? Di ba niya kilala ang binabangga niya?!

Sino ba siya?! At bakit ganito ang nararamdaman ko sa kanya? Bwiset na lalaki yan! Tandaan mo magkikita tayong Hambog ka!

________________________