webnovel

Chapter 8(Thinking of someone)

Isang malaking hamon para kay arriane ang araw araw na pagharap sa kanyang mga papers work,menu at kung ano ano pang problema at kailangan niya sa kanyang restaurant.Ilang buwan na rin matapos ang kanyang restaurant opening ay mas nakikita niya ang paglago at pagdami ng kanilang mga costumers.Bukod kasi sa masarap at affordable ang kanilang mga pagkain ay mayroon kasing twist ang bawat pagkain na inihahanda nila kung kaya talaga namang apat na buwan pa lamang ay kuha na niya agad ang kanyang binitawang puhunan.Minsan na nga lamang sila magkausap ng ate monica niya dahil palagi siyang subsob sa kanyang negosyo.Ayaw niya kasing iasa sa kanyang mga staff ang pamamahala ng kanyang restaurant dahil mas mapapaganda iyon kapag lahat ay siya talaga ang gumagawa at namamalakad.Simula kasi sa pamimili` ng mga fresh meat, fresh seafood at veggies ay siya talaga ang gumagawa. Maaga pa nga siyang pumupunta ng mga palengke para makapaghanap siya ng mas class na mga seafoods.Pagdating naman niya ay siya pa din ang namamahala sa kanyang mga tauhan kung papaano mg entertain ng kanilang mga costumer ng mas tama.Sa pagkain naman ay may araw sila ng menu na dapat lang nila e serve sa ganung araw.Halimbawa non ay ang unli seafoods ay weekend lamang nila ginagawa, kada araw din ay iba iba ang kanilang menu kaya hindi talaga magsasawa ang kanilang costumers, depende nalang kung gusto talaga ng costumer nila ang ibang food.Naging mabuti din siya sa kanyang mga staff upang mas maging masipag ang mga ito at mas ererespeto siya bilang boss kahit mas bata siya sa mga ito.Kaya halos nga doon na niya nagugol ang araw araw niya at pag sunday lang sila nakakapag bonding ng kanyang anak.

Habang nagpapahinga at nakaupo sa kanyang couch ay napapaisip siya.Napakalaki kasi ng pinagbago niya simula noong nagkaanak siya.Akala niya nga ay hindi niya magagawa ang mga bagay na kagaya nito ngayon dahil nga sa sobrang katigasan ng kanyang ulo.Mabuti na lamang at hindi sumuko ang ate monica niya sa kanya kaya heto siya ngayon.Napabuntong hininga siya saka pumikit at isinandal ang pagod`na katawan.Ngunit bigla na lamang nagflashback sa kanyang isipan ang isang emahe na kaylan man ay hindi niya nakalimutan.Si Nathaniel Cruz ang lalakeng kanyang minahal at pinag alayan ng kanyang pagkababae ngunit wala na siyang balita sa binata simula noong may nangyari sa kanila.Hindi niya alam kung nasaan na ito dahil parang bula itong nawala.

"Nasaan na kaya siya?"wala sa sariling wika niya habang nakapikit.Minsan kahit gaano siya ka busy sa kanyang mga ginagawa ay hindi niya talaga maiwasang isipin ang binata at mas lalo lamang siyang nasasaktan dahil sa mga isiping iyon.Minsan pa nga ay napapaiyak siya ngunit mas pinipili niyang magpakatatag para sa kanyang nag iisang anak.

"sino?"Bigla siyang napadilat kasabay ng pag ayos ng kanyang upo ng may magsalita sa kanyang harapan.

"Sino yung nasaan na?" muli ay inulit ng kapatid niya ang sinabi niya kanikanina lang dahil hindi parin siya nakasagot.

"huh??!! ba't andito ka ate!?'"iniba niya ang usapan upang maiwas ang atensiyon nito sa sinabi niya kanina.Bakit ba naman kasi hindi man lamang ito kumatok.

"aba!!bawal na ba ako bumisita sa napakasipag kung kapatid".?Taas kilay nitong sabi.

"hindi naman sa ganun ate, eh syempre diba busy ka naman saka weekdays ngayon kaya nakapagtataka naman kung bakit andito ka."Pagod na sagot niya rito.

"aba.. ikaw babae ka huh.. hindu porke't may sarili ka nang restaurant eh wala ka narin oras sa amin ng pamangkin ko."animo'y nagtatampong wika nito.

"ate, hindi naman sa ganun.. busy lang talaga ako.. isa pa maya maya lang andito na si Niel galing school kaya nagpapahinga lang muna ako.. alam mo naman iyong pamangkin mo napakakulit."

"weeehhhh??!! di nga?? o baka naman iniisip mo yung sinasabi mo kanina?"panunukso nito sa kanya na ikinamula ng kanyang pisngi.

"Hay naku si ate monica talaga.. "wala na akong oras para sa ganyan ate, isa pa sapat na saakin si niel."seryusong sagot niya.

"Bakit hindi ba pumasok sa isip mo na magkaroon ng sariling pamilya,, ang dami mo ngang manliligaw eh, kaya baka isa sa kanila ay mapusuan mo".tuloy parin ang pangungulit nito.

"Naku ate ang bata ko pa para diyan, saka remember kung may dapat man na magkaroon ng pamilya sa ating dalawa ay hindi ako kundi ikaw..Napangiwi siya, alalahanin.. malapit ka nang mawala sa kalendaryo."Natatawang biro niya sa kapatid.

"Sabi ko na nga ba eh.. ako na naman ang babalikan ng pangungulit ko.."kunyari ay naiinis na sagot nito sa kanya.

"kasi naman ate dapat mag asawa kana kasi mahirap na kung hindi ka magkaanak.. syempre mas magiging masaya ako kung makikita kitang masaya sa magiging pamilya mo."sumeryuso siya at maging ito ay naging seryuso din.

"Mahirap kasi maghanap ng lalakeng mamahalin tayo.. alam mo na.."may pait sa boses nito habang sinasabi iyon.

Hindi naman kasi niya masisisi ang kanyang kapatid dahil kung tutuusin ay ilang beses narin naman itong nasaktan kaya nga parang nadadala ito.

"hay naku arriane, sabi ko na nga ba eh saakin na naman ang bagsak ng usapan natin, naku huwag na nga nating pag usapan iyan eh sasama lang ang mga loob natin.,"Iwinasiwas pa nito ang dalawang kamay upang pigilin siya sa anu pa mang sasabihin niya.

"okay..natatawang tumango na lamang siya.

"siya nga pala kaya talaga ako pumunta dito ay dahil gusto ko sana ayain kayong magnanay na magswimming tayo sa batangas.. kahit ngayong weekend lang dahil wala ka na yatang oras sa anak mo eh."may pagtatampong sabi nito.Gusto nga naman sana niyang umayaw pero tama naman talaga ang kapatid niya wala naman talaga na siyang oras sa anak niya at maging sa kapatid niya.Minsan nga pag umuuwi siya ay tulog na ang mga ito kung kaya talagang kahit kwentuhan ay hindi na nila nagagawang magkapatid.

"Sige ate.. para mapaghandaan ko yan para maayos ko ang mga kailangan dito habang wala ako."aniya.

"Naku kalimutan mo muna ang trabaho huh`h habang nasa outing tayo.. maawa ka naman sa sarili mo arriane, parang pinapatay mo naman na yata niyan ang sarili mo."dagdag pa nito.

"opo kamahalan."nakangiting sagot niya.

"oh siya,, aalis na ako.. dumaan lang talaga ako rito para masabihan ka.. ayuko namang text lang sabihin sayo dahil baka hindi ka na naman pumayag."inikot pa nito ang dalawang mata saka tumawa.Napatawa narin siya sa ginawa ng kapatid.

Palibhasa kasi ay alam na alam nito ang kanyang taktika pagdating sa galaan.

Sa kabilang banda naman ay tahimik na nakatayo si Nathaniel habang nakamasid sa kabilang bahay.Nasa taas kasi siya ng terrace kung saan nakaharap rito ang bahay ng dating magkapatid na santañez kung saan muntik na niyang maging nobya si monica santañez ngunit hindi niya alam kung bakit bigla na lamang ito hindi ngparamdam sa kanya.Akala nga niya ay doon pa nakatira ang mga ito ngunit napagtanto niyang matagal na itong wala doon.. halos limang taon na rin naman pala.Ayaw naman niyang magtanong pa sa tiyahin niya at baka mag isip pa ito ng masama.Sabagay hindi naman talaga niya maitatangging hanggang ngayon ay kinukulit parin siya ng kanyang konsensiya dahil sa nagawa niya sa bunsong kapatid ni monica santañez, kahit sa america siya ay palagj niya iyong pinagsisihan kung bakit nagpadala siya ng tukso sa batang iyon.

"Siguro mas lumala pa ang pagiging karengkeng ng batang iyon kung mas tama bang term iyon para kay arriane santañez.Masyado lang kasi siyang lasing noon, at kahit man ayaw niyang gawin sa dalagita iyon ay ito naman ang gumawa ng paraan para may mangyari sa kanya.Kaya nga sa sobrang takot niya na baka makasuhan siya ng rape ay agad siyang bumalik ng US kinabukasan.

Napapailing na lamang siya at nanghihinayang para sa kinabukasan ng batang iyon.Pero gaya nga ng ibang pangyayari ay past is past ika nga kaya kakalimutan na niya iyon dahil matagal naman ng wala siyang balita sa mga ito at isa pa ay parang balewala naman sa dalagita ang nangyari sa kanila.Kaya heto siya ngayon at nagbabalik pinas upang sundan ang babaeng gusto niyang makasama niya habang buhay at hindi talaga siya nagkamali dahil heto nga ito nasa labas ng gate ng bahay ng kanyang tiyahin at bumababa sa bago nitong kotse habang napakaseksi sa suot nitong short and fitted dress habang kita ang clevage nito kung kaya patakbo siyang bumaba ng bahay upang salubungin ang nobya.Agad itong humalik sa kanyang lips kahit pa nasa paligid lamang nila ang kanyang pinsan na si melvin at iba pang pinsan nila.

"hi sweetheart".malambing nitong bati saka mahigpit na yumakap sa kanya kung kaya gumanti narin siya nang yakap dito.Kung hindi pa nga umubo ang pinsan niya ay hindi pa sila maghihiwalay.

"Are you available this coming saturday sweetheart?"kapagdakay tanong nito ng makaupo na sila sa sofa habang nanatili paring magkayakap sa isat isa.

"Im always available sweet.. diba nga kahit busyvako lagi naman akong may time saiyo."malambing niyang sagot rito.

"Why?"dagdag pa niya.

"uhm ano kasi may event kasi kami sa isang resort sa batangas eh mismo gaganapin sa tabi ng baybayin sa isang sikat na resort sa batangas kung kaya gusto ko sana magpasama saiyo para naman after ng event eh pwede na tayong mag stay doon kahit two days lang diba para makapagbonding naman tayo..""mas lalo pa nito pinalambing ang boses.

"sure."walang kagatol gatol na sagot niya.

"really??"yes thank you sweet.. masayang wika nito saka mas lalong yumakap sa kanya.

Iyon ang mas minahal niya sa girlfriend niya, masyado kasi itong malambing sa kanya kahit pa minsan ay nag aaway sila dahil sa pagiging selosa nito ngunit normal lamang iyon sa isang nagmamahalan.Kagaya nga noong nakaraang linggo ay matindi ang away nilang dalawa dahil pinagselosan nito ang crew ng isang resto kung saan sila kumain dahil lamang sa nginitian niya ito matapos maeserved ang kanilang pagkain.Kung kaya siguro ngayon ay bumabawi ito sa kanya dahil ganun naman talaga ang kanyang nobya, bumabawi sa kanya tuwing nag aaway sila dahil sa pagiging selosa nito.Maraming bagay man silang hindi napagkakasunduan ngunit nananatili silang dalawa na matatag sa isa't isa kung kaya gusto na niya itong ayain mgapakasal dahil hindi naman na siya bumabata.Iyon nga lamang ay kung gusto na ba nitong tumira ng US dahil naroon ang kanyang mga negosya na iniwan sa kanya ng kanyang mga magulang.

"