webnovel

Chapter 5 : Whose that Girl?

Flashback

Tristan Jace's POV

"Babe, I'm on my way now. Hindi natapos ng maaga ang seminar namin sa kabilang school. Hindi kami natuloy diyan sa malapit na school; sa mismong pinapasukan ko. I'm so sorry." Sabi ko sa kaniya.

"Ok." Sabi niya.

"You still there?" - Ako

"Yes." - Siya

"Umuulan pa naman ngayon. May dala ka ba diyang payong?" - Ako

"No. I only have my purse." - Siya

"Basta sumilong ka muna ha. If you feel something wrong, nandiyan naman si manong, 'yung guard malapit sa school, okay? Ingat." - Ako

"Yeah, okay okay." - Siya

***

Napakalakas ng ulan pero, patuloy pa rin ako sa pagtakbo papuntang waiting area. Lagi na lang unexpected ang pag-ulan kapag magkikita kami.

Natatanaw ko na siya. Tinignan ko ang relo ko. She've waited me for about 15 minutes sa waiting area.

"Babe!" Sigaw ko at saka kumaway. "Thank you for waiting." Hahalikan at yayakapin ko sana siya ng bigla siyang umiwas.

"You're here now and you're late." - Siya

"I'm really really sorry. Ang hectic ng schedule namin these past few days. I'm so sorry. Punta muna tayo sa mall then doon na lang tayo mag-usap okay?" Hahawakan ko na ang kaniyang kamay ng bigla ulit siyang umiwas.

"B-babe, may problema ba?" Tanong ko sa kaniya. Kanina ko pa nararamdamang may mali sa salita, kilos, at pananamit niya pero hindi ko muna siya tinanong tungkol doon.

"That's why I chose to meet you here. I really want to say this for the past few days and I don't want to keep this for so long." - Siya

"W-what do you mean babe?" Kinakabahan na tanong ko.

Diretso siyang nakatingin sa mata ko at sinabing..."I'm breaking up with you."

"W-what are you saying babe?" - Garalgal na pagkakasabi ko kasabay ng luha na tumutulo sa aking mga mata. Natigilan ako ng ilang segundo habang nakatingin sa kaniya.

Ramdam ko na seryoso siya. Ramdam ko sa sa mga tingin pa lamang niya ay sukong suko na siya. Ramdam ko na sa bawat salita at kilos niya ay totoo siya.

"Goodbye Tristan." Biglang tumunog ang cellphone niya.

"A-ano bang problema babe? Bakit ka ba nagkakaganiyan? Sabihin mo, makikinig naman ako. Just please don't..." Hindi niya ako pinatigil sa pagsasalita.

"Tristan ano ba! I'm fucking tired okay! Aalis na ako. Nandiyan na ang inutusan niyang magsusundo sa akin. Bye!"

May tumigil na kotse at lumabas ang driver na may dalang payong.

"Siya pa rin ba ang dahilan?" - Ako

"Yes. It's always him."- Siya

"Wait..." Pagpipigil ko sa kaniya nang palapit na ang driver para sunduin siya kaya sinenyasan niya ito na huminto at bumalik sa kotse. "Now I know your reason why you want to break up with me. Why are you doing this to me? Why are you hurting me like this so much? I don't know how to end this. If you're happy with him, then, I'm letting you go. Mahal na mahal kita. Hindi porket pinakawalan kita ay wala na akong pakialam sa'yo. Hayaan mong ako ang maghatid sa'yo sa huling pagkakataon na makakasama kita."

Tumango na lamang siya. Inihatid ko siya upang pumasok sa kotse.

Pinunasan ko ang aking mukha. Pinipigilan ko ang pagtulo ng mga aking mga luha habang ang babaeng pinakamamahal ko ay unti-unting lumalayo at nawawala sa aking paningin. Nanlalabo ang aking mga mata kaya isinuot ko na ang aking salamin.

Biglang may lumapit na estudyante sa akin na basang basa at nakikisuyo na makipayong sa akin. Gusto kong mapag-isa. Tutal basa na rin siya kaya sinungitan ko na lang para lumayo siya sa akin.

Naglakad na ako palayo. Hindi kinaya ng konsensiya ko ang ginawa ko sa estudyante na nag-aaral sa school na pinapasukan ko. Nagtago muna ako sa malaking puno na malapit sa gate ng school at nakita ko na tumatakbo ang estudyante pagpasok sa gate. Basang basa na siya pero buti na lang at waterproof ang bag niya. Sinundan ko siya at nalaman ko kung saan ang building at room niya. Ibibigay ko na lang sa kaniya itong bitbit ko na para dapat sa babaeng mahal ko.