webnovel

Chapter 25: True Feelings

Kaagad na niyakap si Althaea ni Ginger nang makita 'to. "Hay salamat narito ka na, Bez. Kanina ka pa namin hinahanap at hinihintay. Saan ka ba galing na tao ka?"

"Diyan lang sa tabi-tabi." Maikli niyang sagot nang napansin niyang naglalalakad palapit sa kanya ang kakambal.

"Sabihin mo nagsolo nanaman kayo ni Zen." Pagbibiro pa nito kaya pilit na napangiti si Althaea.

"Finally you came, sis. Sobrang sabik pa naman akong yayain kang kumanta." Biglang singit na lang ni Althaea sa usapan.

Napansin ni Althaea ang di pagpansin ni Greige sa kanyang presensya kaya mas nawalan siyang gana para pagbigyan ang kanyang kakambal.

"Why don't you sing us a song?" Tanong pa nito.

"Sorry, Athena hindi ako makakanta ngayon." Walang ganang saad ni Althaea dahilan para mawala naman ang excitement sa mukha ni Athena.

"Why? Since I didn't here your beautiful voice for long. And this is our birthday celebration that's why we should be happy, right?"

"Pero, Athena wala talaga ako sa mood ngayon. I'm sorry." Mahinahon pa ring saad ni Althaea pero bakas sa mukha naman ni Althaea ang pagkadismaya.

Akala niya mapapakanta muli ang kakambal at sabay-sabay nilang i-enjoy ang kaarawan. Sa tingin niya, siya lang ang nasasabik sa kanilang dalawa.

"I think Althaea need to take a rest first, Althaea. Napagod lang siguro si wifey kakalakad sa dalampasigan." Sinalo na lang siya ng boyfriend pero hindi sapat iyong rason sa kanyang kakambal.

Alam na kasi ni Zen ang dahilan kung bakit. Napapansin niya na gaano ka-affected si Althaea kapag nakikita si Greige. Noon pa lang nasi-sense na rin niyang may kakaiba sa kanyang girlfriend. Masakit sa kanyang damdamin pero kailangan niya pa rin maging positibo.

Nagisisi ng husto si Zen sa naging desisyon nilang dalawa. Dapat pala hindi na lang siya pumayag. Dapat pala pinaglaban na lang niya iyong relationship nila noon ukol sa desisyon ng magulang nito. Dapat naging makasarili na lang siya. Eh di sana siya pa rin ang nilalaman ng puso ni Althaea at hindi si Greige. Hindi rin sana niya nakikitang nahihirapan ang kasintahan.

"Maupo na kami." sabi na lang ni Zen kay Althaea.

Sinimangutan sila nito at naglakad palayo sa kanila, "Whatever!"

"Itong babae na'to talaga. Gusto niya ipipilit ang gusto." giit ni Ginger sa tabi. "Nakakainis."

"Hey, brad!" Pagtukoy ni Xavier kay Zen. Nilingon siya nito kaagad. "Anong gusto mong kantahin? Ako na lang magsi-select?"

"Di na muna, Xav." Napatango na lang din si Xavier sa sinabi ng kaibigan.

"Kunawari lang 'yan si Zen na ayaw. Humuhugot na 'yan." Nagpipigil ng tawa si Rayver na sinunndan din ni Xavier.

"Mga baliw!" giit ni Zen. "Kailangan ko muna damayan ang girlfriend ko. Nagtampo ata sa'kin eh."

"Kaya naman pala. Sige, doon ka muna kay Thaea. Kami na muna...." Hindi natuloy ang sasabihin ni Rayver nang may biglang sumingit.

"May I have the songbook please?" Seryosong pahayag ni Greige at walang nagawa ang dalawa kundi ibigay muna ito sa kanya.

"Sure." Sagot na lang nina Xavier at Rayver.

"Thanks." saka bumalik kaagad sa pwesto niya si Greige.

Nagtinginan na lang ang dalawa bilang reaksyon matapos ibigay ang songbook.

Maya-maya lumabas sa screen ng videoke ang song title. "Only Love" by Trademarks.

"Naks naman Ray, favorite band ko 'yan eh." saad ni Xavier. "Pinakagusto kong song nila 'yong I Missed You Finally."

Naging palaisipan rin kay Zen ang lyrics ng kanta na 'yon. Sa kanyang palagay, maaaring kay Althaea pinaparinig ang awitin at hindi sa kakambal nitong si Athena. Ngayon, alam na niyang kapwa may feelings si Greige at Althaea sa isa't isa. Dine-deny lang iyon sa kanya ng girlfriend dahil iniinisip na masasaktan siya. Kahit di naman nito sabihin ang totoo masasaktan pa rin siya at may labis na panghihinayang sa nagawa niyang desisyon noon na payagan si Althaea na magpanggap. Walang choice naman siya noon dahil hindi pwedeng sariling kaligayahan lang niya ang iisipin. Magulang iyon ni Althaea at hindi maaaring tanggihan lalo na dahil sa kumpanya na 'yon nakapagtapos sila ng pag-aaral.

Ramdam ni Althaea ang song na 'yon kaya naman sunud-sunod lang ang pag-inom niya ng juice at pagkain ng isang dessert na nakalatag sa kanilang table.

But only love can say

Try again or walk away

But I believe for you and me

The sun will shine one day

Tagos na tagos sa damdamin ng dalaga ang awitin na 'yon. Pinipigilan niya lang talaga ang dapat niyang maramdaman dahil ayaw niyang mahalata siya ng mga narito lalo na ng kanyang kapatid na si Athena at kasintahang si Zen.

Saglit lang na sinulyapan ni Althaea si Greige pero biglang lumakas ang tibok ng puso niya. Masasabing matindi ang epekto ng presenya ng binata sa kanya. Hindi niya namalayan nakatitig din sa kanya si Zen.

Nagsisi talaga siya na pumayag sa desisyon. Kung tumanggi sila noon, siya pa rin pipiliin at mamahalin ni Althaea. Hindi na sana pa ito nasasaktan.

Habang kumakanta si Greige, napatitig rin siya sa gawi ng dalaga at nahuli niya itong nakatitig sa kanya at nakatitig rin dito ang boyfriend. Umaasa siya na mamahalin rin siya ng dalaga katulad ng sa kanya. Si Althaea lang ang tunay na nagpatibok talaga ng kanyang puso na halos mabaliw na siya kakahabol sa dalaga at kapag di niya ito nakakasama at nakakausap. Sa ganitong paraan, natunghayan niya na sobrang mahal talaga ni Greige si Althea. Naghahangad pa rin siyang mapasakanya ang dalaga balang araw.

Maya-maya nagsalita na rin si Zen para ibigay kay Althaea ang regalo sa kaarawan nito. Gusto niyang isuprpresa ang dalaga.

"Thaea, can we go outside for a minute?" sambit nito na nakahawak sa braso ng kasintahan.

Hinayaan lang ito ni Althaea sapagkat magkarelasyon pa rin sila at karapatan nila 'yon.

"Why?" Nagtatakang tanong ng dalaga.

"Hmm, I want you to be stay by my side alone. Can we?"

Mabilis tumango si Althaea at hinayaan niya ang sarili magpahatak kay Zen.

Biglang naagaw ang atensyon ni Greige sa kanila na mas ikinakirot ng kanyajg puso na dapat siya ang makakagawa niyon kay Althaea. Kaya, pagkatapos niyang awitin ang song na kinakanta niya pa kanina ay inabot na lang niya ang mic kina Rayver at Xavier.

"Saan pupunta 'yong dalawa?" Tanong ni Rayver kay Ginger nang makitang lumabas sina Althaea at Troezen.

Narinig iyon ni Greige pero kunwari na lang na kay Athena siya naka-focus. Kasalukuyan siya nitong kinakausap pero go with the flow lang ang binata kahit sobrang selos na siya sa boyfriend ni Althaea.

"Hindi ko alam pero hayaan natin muna sila saka malay mo may ginagawa silang romantic scene doon." sagot ni Ginger na mas lalong ikinainis pa ni Greige.

Kino-control na lang talaga niya ang emosyon nararamdaman. Ayaw niya gumawa ng gulo dahil kaarawan ito ng babaing pinakamamahal niya. Sa totoo lang, gusto na niya talaga agawin si Althaea kay Troezen pero di niya pwede gawin 'yon. Kailangan lang niya maghintay pa rin at magtiis, gumawa ng diskarte kung paano niya makukuha ang dalaga. Ganito niya kasi kamahal si Althaea at kapag nagmahal talaga siya kinukuha niya 'yon. Ginagawan niya talaga ng paraan.

"Althaea, may ibibigay ako sa'yo." saad ni Troezen saka kinuha ang kamay ng dalaga at may sinuot siyang bracelet sa braso nito.

"Wow, ang ganda Zen. Saan mo 'to binili?" Nakangiting sambit ni Althaea at sandaling nawala ang kalungkutan na kanyang nararamdaman.

"Secret." Napanguso ang dalaga dahil may pa-secret pang nalalaman si Troezen.

Gusto lang naman niya malaman kung saan kinuha ng kanyang kasintahan ang regalo nito sa kanya. Pero, wala na rin siyang balak tanungin pa ulit ito. Sa halip, niyakap na lang niya ito at nagpasalamat.

Pagsapit ng alas-nuwebe ng gabi, hindi mapakali si Althaea sa kanyang higaan. Hirap siyang makatulog dahil sa mga tumatakbo sa kanyang isip.

Nagsuot muna siya ng sweater bago inisipan na lumabas. Balak niyang pumunta muli sa dalampasigan para magpalipas ng oras.

Ilang segundo pa may nakarinig siyang pamilyar na boses sa kanyang likod.

"Ang lamig na dito sa labas. Bakit narito ka pa?" Tanong nito saka tumabi ito sa kanya.

"Hindi ako makatulog." maikling sagot ng dalaga.

Ayaw niyang titigan ang binata sa mukha nito dahil baka mas lumakas nanaman lalo ang tibok ng puso niya. Pero may bahagi sa kanyang isip na masaya siya na makausap si Greige na tanging sila na dalawa lang.

"Parehas pala tayo." Kasabay ng pagsulyap ng binata kay Althaea. "It's coincidence we are only two here. Thanks to destiny that gives us to talk to each other again. Kung alam mo lang kung gaano ako kasabik na makausap ka na tayo lang."

Napalunok si Althaea sa kanyang narinig. Bumilis nanaman ang tibok ng kanyang puso. Hindi siya mapakali at halos di-makagalaw sa kanyang kinuupuan.

"By the way, I have a gift for you." saka muling napalingon si Althaea kay Greige nang iabot sa kanya ang munting regalo.

"Necklace." Bulong ng dalaga.

"Yes and I only give it to you because you're very special to me, Althaea." Malambing na saad ni Greige saka niya sinuot ito sa dalaga at naglapit ang kanilang mga mukha pero kaagad na lumayo si Althaea.

"Thank you."

Gumaan ang pakiramdam ng binata nang makita niya kung gaano nagustuhan ito ng dalaga.

"I think there will be no chance to give that to you but thanks, we are here." Tumingin si Greige sa kawalan saka muling sumulyap kay Althaea at mas nilapit pa niya ang sarili rito. "I am so much thankful for this opportunity too because you are more important to me Cassidy than anything and I really love you more than you think." saad nito dahilan para maestatwa ang dalaga sa kanyang kinauupuan.

"Kung gusto mo, we will escape and go far away. We gonna start a new life together." Kasabay ang paghawak ng binata sa kamay ng dalaga.

Iniwaksi lamang 'yon ni Althaea. "Ano pinagsassbi mong tatakas tayo? Nahihibang ka na, Greige. Mabuti pa matulog ka na rin."

Akmang tatayo na si Althaea nang pigilan siya ni Greige.

"Please, Cassidy." Pagsusumamo pa nito.

"Nababaliw ka na talaga!" Nakangising pahayag ni Althaea.

"Yes. I am crazy about you. You didn't know how much I feel na pilit na tinataboy mo ako palayo." giit naman ni Greige.

"I have to go now."

Kumuha ng lakas ang dalaga para makatayo at di na rin siya magawang pigilan pa ng binata. Hindi siya papayag sa gustong mangyari nito. Kahit masakit sa kanya malayo kay Greige, ayos lang basta wala silang problema magkapatid at hindi na masaktan pa si Troezen na walang ginawa kundi ang mahalin rin siya.

"Please stay, Cas. Don't leave me here." Kasabay ng pagpigil muli sa kanya nito.

Nakakapit muli ang braso ni Althaea kay Greige.

"No, Greige. Hindi ito tamang gawin. You have your own life and same as mine. Do not hurt my sister's feelings again."

Pagkatapos niyon, bumitaw na siya sa pagkakahawak ng binata at tumakbo palayo sa kanyang kinaroroonan kanina.

Hinihingal siya habang patuloy pa rin sa paghikbi. Ang hirap kapag lalayuan ang taong mahal mo dahil hindi siya para sa'yo at pagmamay-ari siya ng iba lalo pa ng kakambal niya.

Habang binabaybay ni Althaea ang daan pabalik sa hotel, laking gulat niya at tumigil sa paghikbi nang makita si Troezen sa kanyang harapan.

"Hubby?"

"Alam ko na, Althaea. My hunches confirmed tonight."

Hindi maintindihan ni Althaea ang ibig sabihin ng kasintahan niya dahil pre-occupied na masyado ang kanyang isip sa mga bagay.

"I knew already, Althaea na siya na ang mahal mo at hindi ako."

"Anong sinasabi mo, hubby?" Nagmamaang-maangang tugon ng dalaga.

"Nakumpirma na lahat ng hinala ko ngayong gabi nang makita ko gaano ka affected pagdating sa lalaking 'yon."

Nanatili pa rin seryoso ang binata at nagpipigil na rin ito ilabas ang kanyang luha.

"Mahal mo na siya di ba? Bakit di mo na lang aminin sa akin ang totoo, Althaea? Kasi mas lalo lang ako nasasaktan eh."

"I am sorry, Zen di ko sinasadya at hindi ko rin ko alam na magkikita kami sa dalampasigan."

Sinusubukan pa rin magpaliwanag ni Althaea para pagtakpan pa ang totoo pero huli na ang lahat.

"Don't apologize, Althaea. I know it's my fault too that I should not allow you to pretend as your sister."

"Kasalanan ko rin, Zen."

"No. Hindi mo kasalanan, ok? Dapat di na lang ako pumayag eh di sana ako pa rin. Sana ako pa rin ang mahal mo at hindi siya. Hindi ka rin sana nasasaktan ng ganito dahil ipnaubaya mo siya sa kakambal mo." Hindi na rin napigilan ng binata ang mapaluha sa kanyang nararamdaman.

Masakit pero kailangan na niya tanggapin ang katotohanan. Hindi na mababago pa 'yon.

"Pansin ko kung paano ka tumitig sa kanya at kung paano ka nasasaktan kapag nasa kapatid mo ang atensyon niya."

"I am sorry, hubby. Ak!." Humihikbing saad pa rin ni Althaea.

"It's ok pero di naman ako aalis para iwanan ka, narito ako para samahan pa rin ka bilang isang kaibigan."

"Pero Zen."

"Huwag mo akong intindihin, Althaea. Narito pa rin ako sa tabi kahit hindi na ako magpapatibok niyan." Pagtukoy nito sa puso ng dalaga. "Masaya pa naman ako para sayo. Ayos pa rin sa'kin."

"Pero..."

Sinaway na siya ng binata, "Sshhh, tama na. Ok na." Niyakap na lang siya nito nang napakahigpit kasabay muli ang paghagulgol ng dalaga.

"Pero..."

"I said it's ok. Don't worry about me."

Pagkatapos niyon, inihatid ni Troezen si Althaea sa silid nito saka nagpaalam na muna sila sa isa't isa.

Kahit mabigat sa loob ng binata ang kanyang natuklasan mas pinili niya pa rin mas matatag lalo pa nakikita niyang nasasaktan si Althaea. Kailangan din siya nito kaya mas maigi maging positibo pa rin siya.

Ang pagmamahal hindi lamang nasusukat sa kung may relasyon o wala, kundi sa pagkakaroon pa rin ng pagpapahalaga at pag-unawa sa bawat isa.