webnovel

Chapter 23: Most Painful Words

Althaea Cassidy's POV

Kagagaling ko lang din sa mall kasama si Gin. Namasyal kami pareho. Di ko ring inaasahan na may lumapit sa amin na isang babae na may edad na 15 pataas. Naalala ko pa ang sinabi niya.

"Ikaw po si MissThaea sa YTok napanood namin nakaraan? Mas maganda pa pala kayo sa personal bukod po sa maganda ang boses." masayang saad sa akin nito at napangiti naman ako sa sinabi niya.

"Gusto po sana magpa-sign sa inyo." saka may inabot siya sa akin na isang napakagandang notebook na maaaring laman tungkol sa kanyanf buhay.

Pagkatapos, may kinuha siyang phone at inimbitahan niya akong kuhanan kaming dalawa ng pictures. Si Gin ang kumuha. Three shots iyon.

"Thank you po. Sana magkita po ulit tayo."

Habang inalala ko ang nangyari kanina, napansin kong patungo na pala ako sa elevator. Humakbang kaagad ako. Pinindot ang 4th floor na kung saan naroon ang apartment na tinutuluyan ko.

Sa paghihintay na makarating respective building, bigla na lang tumunog ang phone ko. Tumatawag pala si Zen. Kaagad ko itong sinagot.

"Kamusta ka na wifey?" Magiliw niyang tanong.

"Heto pauwi pa lang. Gumala kasi kami ni Gin sa mall." saad ko at natigilan saglit sa harap ng elevator para kausapin siya. "Ikaw kamusta diyan? Baka pagod ka na."

"I am taking a rest at the moment because we have meeting a later."

Di ko maiwasan ang mag-alala kay Zen. Ramdam na ramdam ko ang nararamdaman niyang pagod. Pinipilit niya lang maging ok.

"I think you need to take a rest now. Next time na lang tayo mag-usap." sambit ko pero tinawanan niya lang ako.

"Don't worry about me, wifey. Mas gusto ko pa nang nakakausap kita nagpapahinga lang rito. Nakakainip."

Napairap na lang ako sa kawalan pero di naman niya napansin 'yon.

Hinayaan ko na siyang magpahinga kahit ayaw niya. Dahil, binababa ko na ang phone. Gusto kong makatulog na muna siya para makaipon na ng lakas.

KINABUKASAN. Maaga akong pumasok kasi nakatatlo na akong late nakaraan dahil sa nakasanayan kong oras doon sa Bicol. Kahit anong oras ako pumunta ng office, ayos lang.

Sa sobrang focus sa trabaho ko ngayon, di ko namalayan ang oras na malapit na pala ang 5PM.

"Mag-o-overtime ka ba now, bez?" tanong kaagad sa akin ng aking bestfriend.

Nilingon ko siya saglit, "Oo, why?"

"Kung gan'on mag-overtime na rin ako tutal ang dami ko pang tambak na gagawin at kailangan matapos bago ang due date." pahayag niya habang tinitignan ang mga layout na nagawa niya kung may mali sa designs at kulay na nilagay.

Pagkatapos niyon naging tahimik muli kami at nag-concentrate lang sa ginagawa. Sa sobrang pagkaaliw ko sa nobelang nabasa di ko namalayan na malapit ng sumapit ang ala-sais ng gabi.

Ako kasi ang assistant editor kaya lahat ng mga gagawin, maging sa proofreading or editing sa akin nakasalalay. Ibibigay ko na lang sa Editor Chief namin kapag maayos na dahil sila na ang mag-finalize for publishing ng libro.

Sobra akong nadala ng kwento. Nakakalungkot lang dahil ang babae ay naaksidente at nagkaroon ng amnesia. Lahat ng memories niya ay nawala at kahit buong pagkatao niya wala siyang ideya.

Maya-maya napansin kong nag-aayos na si Gin ng kanyang sarili.

"Wala ka pang balak umuwi diyan?" pagmamaktol na saad niya.

Nginitian ko lang siya saka sinara na ang computer, "Heto na po. Tinapos ko lanh kasi iyong dapat gawin ngayon para bukas konti na lang din." paliwanag ko sa kanya habang nagliligpit ng mga gamit. "Marami ring nakatambak na nobela dito sa akin na kailangan matapos at mai-submit na next week."

Kakalabas ko pa lang ng elevator may nakita akong lalaki na nakatayo sa mismong apartment ko. Tila may hinihintay siya roon. Naglakad lamang ako papalapit sa aking apartment nang napansin kong pamilyar ang kanyang tindig, pananamit maging ang kulay ng kanyang balat.

Gulat na gulat akong nang makita ko pa siya ng malapitan, "Greige?"

Dinig niya kaagad dahilan para unti-unti siyang lumilingon sa akin. I didn't know where did he get my address. Wala akong ideya kung sinong tao ang magsasabi nito lalo na di ko pinapaalam sa parents ko maging kay Athena.

Alam na kaya niya ang buong katotohanan? Hindi na tuloy ako mapakali sa aking kinatatayuan.

"How did you know about my address here?" Ako na ang unang nagsalita kasi sobrang lakas na ng tibok ng aking puso dulot ng kaba.

Tintitigan niya ako ng isang mapait at walang kaemosyon-emosyong reaksyon.

"So, you are Athena's twin right?" sarkastiko niyang pahayag habang tinitignan nito ang aking kabuuan.

"Can you please answer my question first?" Giit ko sa kanya at nanatili gan'on ang expression ng mukha.

"Anyway, I hired a private investigator to look for you. I paid him 100, 000 in amount." Pagmamayabang pa niya.

Alam kong mas mayaman sila kaysa sa amin. Di na niya kailangan ipamukha sa akin 'yon.

"Why, di ba masaya ka na sa buhay mo ngayon? Bakit hinahanap mo pa ako?" He giggled with sarcasm that frustrated me.

Greige seems really more cold than what I have observed to him before. Mas mapanakit na siya ngayon. Walang empathy kang mararamdaman sa kanya ngayon kundi pagkamuhi.

"Do you think I'm happy after what you have done?" Nanlilisik ang mga niya dahilan para manginig ang buo kong katawan. "Magiging masaya pa rin ba ako matapos niyo akong gamitin at paglaruan? How pathetic you are!"

It hits my ego so my tears are starting to pour again on my face. I'm trying to calm myself still to fight against him. Di ako papayag na gaganituhin lang niya ako na hindi niya alam kung gaano ako nahirapan gawin lahat at kung paano ko gawing isantabi ang sariling kaligayahan just for the sake of my family.

Instead I hurt him back by saying bitter words, I simply apologized, "I am sorry."

"Wow. Ang kapal ng mukha para magawa niyo pang mag-sorry after done playing my feelings!" giit niya pa.

Ibang-iba na si Greige na nakikita ko ngayon. Hindi na siya 'yong lalaki na minahal ko noon. Siya 'yong tao na puno ng frustrations sa kanyang buhay. This is not my fault. This is not my intention to hurt him. I'm just did my part of being my parent's satisfied daughter.

"Ginamit niyo lang ako because of money and wealth isn't?" Muli niya pang ginigiit sa akin na mukha kaming pera na magkapatid.

Di ko na mapigilan ang inis sa kanya at nasampal ko siya. Namula ang kanang pisngi niya. Sumusobra na siyang pag-aalipusta sa aming kapatid. Wala siyang karapatan husgahan kami lalo pang di niya alam ang tunay na dahilan.

"How dare you say that to me?" I said in anger too. "How dare you judge my personality without knowing the reason behind!" I cried. "Hindi mo alam kung gaano kabigat sa akin gawin ang bagay na 'yon. Hindi mo alam kung gaano kahirap gampanan lahat lalo na sa pagiging girlfriend mo. Hindi mo rin alam kung gaano kasakit gawin ang mga bagay na 'yon. Reflect yourself."

Natahimik siya pagkatapos. Tinaboy ko siya palayo sa pintuan ng apartment para daanan ko.

Magsasalita na sana siya nang bigla nang bumukas ang pinto at kaagad akong pumasok. Diretso lang ako patungong kwarto at doon ko binuhos lahat ng aking nararamdaman.

Pagpasok ko ng trabaho, napansin ni Gin ang pamamaga ng aking mga mata. I told her the whole story and she was shocked after and disgusted.

"Dapat lang sa kanya 'yon. Wala siyang karapatan husgahan ka." She said still in a irritated voice.

Mahal ko pa rin siya pero hindi ibig sabihin niyon di ko ipagtatanggol ang sarili ko sa kanya. I will not low my pride that hits my ego. I love him but I will not tolerate his actions.

"Mahal ko pa rin siya bez. Walang nabago sa aking nararamdaman para sa kanya." dagdag ko pa. "Kaya't mas nasaktan pa ako sa mga sinabi niya."

Matapos ang office hour nagtungo kami sa isang grocery para bumili ng kailangan. Madali lang din kaya kaagad akong nakauwi gayundin si Ginger.

Natigilan ako sa paglalakad nang makita ko siya ulit, "What are you doing here?"

Bigla na lang naging maakmo ang kanyang mukha, "Can we talk, please?"

"Wala na tayong dapat pag-usapan pa kaya umalis ka na!" Naiinis ko pa ring pahayag sa kanya.

Akala niya gan'on lang kadali maghilom. Kung sa kanya ok lang lahat, sa akin hindi.

Tinalikuran ko siya pero hinawakan niya ako sa braso. Binitawan agad ako.

"Can you give me a chance to explain my side?"

Kahapon para na siyang leon na lalapain niya ako ngayon naging tupa na.

"I just want to apologize of what I've said last night."

"I'm not interested anymore. You may now go." Pagtataboy ko sa kanya palayo pero kaagad niyang hinawakan ang aking braso dahilan para muli nanamang bumilis ang tibok ng puso ko.

"Cassidy." I frowned.

"Don't use my second name." I argue.

"No. I have to. Wala kang magagawa kapag gusto kong itawag na Cassidy."

He is really stubborn and weird.

"Bitawan mo na rin ako." Pakiusap ko sa kanya pero mas nilapit pa ang mukha niya sa akin kaya nagawa kong tumagilid ng tingin.

"Di kita bibitawan hangga't di mo ako pakikinggan."

Malakas ko siyang tinulak palayo pero nagawa pa rin niyang lumapit sa akin.

"Ok, fine. But I just want to say I love you." Natigilan ako at hindi natuloy ang pagpasok sa apartment dahil narinig.

Muli nanamang bumilis ang heartbeat at di makagalaw sa kinatatayuan.

"You're crazy." Bulong ko.

"Yeah, I'm crazy inlove with you."

"Akong nakain mo at nasabi mo 'yan matapos husgahan ang buong pagkatao ko? Hibang nga talaga." sarkastiko kong tugon.

"I have realized that I was wrong. Dapat di ko nasabi 'yon. I really affected by my emotions because of what happened. I have also realized of what said last night.." Sunud-sunod niyang pahayag. "However, I love you very much Cassidy. Akala ko para kay Athena ang nararamdaman ko ngayon pero para sa'yo pala kasi may naramdaman akong kakaiba sayo that I compared of what I am feeling for your twin. Ngayon, nalaman kong may kakambal siya at ikaw 'yon. Pinahanap talaga kita to see you again."

Nanghina ako sa mga nasabi niya pero kailangan kong pigilan ang nararamdaman for him. Di ito ang tamang gawin. Mahal siya ng kapatid ko. Ayaw kong masaktan si Athena.

"Can you forgive me now? So that we can start a new life together." I startled of what he said but I sarcastically replied to him.

"You hear what you're saying?"

"Yes. Alam ko ang sinasabi ko. I want you to be with me and share life together."

"You have a girlfriend and she is my sister. So please stop this now?"

Saka ko na siya nagawang talikuran. I cried. I hurt. Kahit gusto ko na siyang yakapin dahil nag-sorry na siya di ko pa rin magawa dahil iniisip ko pa rin ang nararamdaman ng aking kakambal.



Sa tuwing uuwi ako ng trabaho parati ko na siyang naaabutan sa harapan ng aking apartment. Nagso-sorry pa rin siya at sinusuyo niya akong sumama sa kanya. May araw na nagpapadala siya ng pagkain sa mukha at gabi. Kung minsan bulaklak at love letter.

Lumipas ang dalawang linggo di na rin siya nagpapadala dahil wala akong response for him. Nasasaktan at nalulungkot ako ngunit kailangan ko itong gawin. Ayaw kong may masirang relasyon dahil sa akin.

Akala ko tumigil na siya nang may narinig akong alarm sa pintuan ng apartment. Napahilamos ako ng mukha at diretsong nagtungo sa sa salas. Di ko tinignan kung sino dahil alam ko nang si Greige pero hindi pala kundi si Zen.

Nagulat ako nang siya ang bumungad sa akin.

"Kakarating mo lang ba galing Pampangga?" Tanong ko sa kanya pagkatapos niya akong hinalikan sa pisngi.

"Oo eh at dumiretso kaagad ako dito. Sobrang na-missed kasi kita." Napangiti pa rin ako sa paglalambing niya.

"Dapat nagpahinga ka na lang muna sa condo mo. May time pa naman para makapag-usap tayong dalawa."

"Ayos lang wifey. Makita lang kita naaalis na kaagad pagod ko." Naupo si Zen sa sofa at binuksan ang T.V.

Hindi ko na alam kung ano aking gagawin matapos magkita kami ni Greige. Nanumbalik ang feelings ko for him. Naaawa naman ako kay Zen. Wala siyang ginawa kundi mahalin ako.

"Uy, wifey. Natulala ka diyan." Nabalik lang ako sa ulirat nang magsalita si Zen.

"Ah wala naman. Iniisip ko lang 'yong tungkol sa trabaho. Tambak din kasi eh." Pagsisinungaling ko na lang kahit nabawasan na ang gagawin ko sa office.

"Mabuti pa manood na lang tayo ng movie. Maupo ka dito." Sinunod ko lang si Zen at nanood nga kami ng pelikula.

Maya-maya napansin konv nakatulog rin siya. Tahimik ko siya tinititigan. Hindi ko maiwasan makaramdam ng awa sa kanya.





Madalas ulit sinusundo ako ni Zen pagkagaling namin sa work. Ngayon nagkayayaan ang buong banda na gumimik dahil wala kaming pasok bukas. Sabado kasi.

Nagtungo kami sa isang resto bar at sabi ni Kuya Rayver inimbitahan kami ng manager nito. Villa Grill Restobar ang isa dinadayo ng karamihan lalo ng mga dayuhan.

Matapos ang kantahan namin muli kaming bumalik sa aming pwesto. Mga ilang sandali naiihi na ako kaya kaagad munang nagpaalam sa kanila.

"Samahan na kita." alok ni Zen pero tumanggi ako.

"Sandali lang naman ako eh saka malapit lang naman ang C.R." turo ko sa kanyang direksyon patungong comfort room at sa wakas napapayag ko na siya.

"Basta mag-ingat ka lang at bilisan mo. Alam mo naman maraming siraulo dito."

Pagkatapos niyon dumiretso na akong C.R. umuhi at kaunting retouch sa mukha, pag-ayos ng sarili. Dahil mamaya kasi muli kaming kakanta kaya dapat maayos pa rin ang itsura ko.

Palabas na sana ako ng comfort room nang may lalaking humarang sa aking daraanan. Nagulat ako nang makita ko siya.

"Greige! Ano ginagawa mo rito?" Gulat at nagtatakang tanong ko.

Hindi ko alam kung paano siya nakapunta rito. Sinusundan niya ba talaga ako?

"I don't have an idea that you are working here." saad niya at tinititigan akong seryoso. "Ito ba ang pangarap mong buhay, Cas? Ilalayo kita rito basta sumama ka lang sa akin."

"Nahihibang ka na. Di mo na alam ang sinasabi mo." giit ko sa kanya at balak na siyang iwanan subalit bigla niyang hinawakan ang kanang braso ko.

"Masaya ako sa buhay ko. Walang gulo at problema. Malaya akonb nagagawa ang gusto ko." naiinis kong pahayag.

Wala siyang karapatan pangunahan ang buhay ko. Hindi niya ako responsibilidad.

"I don't you so stay away from me." I said in calm but in a serious tone.

"I need someone like you in my life. You makes me happy too. So I'm begging you to come back and I will give everything you want." Pakiusap niya pero di ako nagpatinag at marahas kong piniglas ang nakakapit niyang braso sa akin.

May sarili na kaming buhay at di na niya mababago 'yon. Kahit gustuhin ko man hindi na maaari. Gusto ko siyang yakapin, di na rin pwede dahil sa iba siya nakalaan. Ayaw ko ng maulit pang magtangka na mag-suicide si Athena. Di ko na kakayanin na mangyari 'yon nang dahil lamang sa sarili kong nararamdaman.

"Impossible 'yang mga iniisip mo Greige. May boyfriend ako at may girlfriend ka si Athena kaya itigil mo na 'tong kahibangan mo." I tried to clarified all things to him so that he can realize his wrong thoughts.

Hinawakan niya ako sa magkabilang-balikat at pumikit, "Ngayon, gusto kong marinig sa'yo ang isang sagot. Ititigil ko na 'to at hahayaan na kita."

I stared directly on his eyes. "Now tell me that you don't love me."

I can't move and my eyes can't blink too because of his expression.

"Hindi kita mahal."

Pagkasabi niyon biglang may narinig ako isang pamilyar na boses at may inaaawit ito. Si Zen. Kumakanta siya. Kasabay nito, ang unti-unting pagbitaw ni Greige sa akin at naglakad siya palayo sa kinaruroonan ko.

Bigla na lang napunta sa chorus ang awitin.



I want you to stay, never go away from me

Stay forever

But now, now that you're gone

All I can do is pray for you

To be here beside me again



Yes, I really want you to stay but we can't. It hurts me to see you leaving now. My tears will start to pour again but I control it. They will notice that I've cried.

Afterwards, I walk alone towards the place where my friends are. However, I heard Zen is speaking right now and it makes me to bewilder on him. He already see me standing here. A few seconds he speak.

"I dedicated that song to my girlfriend." Turo niya sa aking kinaroroonan.

Peke akong ngumiti sa mga taong lumingon sa akin.

"All I thought we would never see each other again but she was here. I am thankful to God for answering my prayers because how I missed and loved her." Napaluha siya sa kanyang sinabi kaya nakaramdam nanaman ako ng awa kay Zen. "I want my girlfriend to stay beside me forever."

Marami pang sinambit si Zen. Hindi ko na kayang pakinggan iyon but I have no choice dahil nasa harap ako ng ibang tao pati ng mga kaibigan ko. Ayaw ko ring mapahiya si Zen.

Maya-maya nagsipalakpakan ang lahat at lumapit sa akin si Zen at niyakap niya ako nang napakahigpit. Naghiyawan ang mga tao roon.

"Go, Troezen!" sigaw nina Kuya Rayver and Xavier subalit naging neutral lang si Gin dahil alam niya ang lahat ang tungkol sa pinagdadaanan ko.

Matapos ang aming aktibidad napagdesisyon na naming umuwi. Hinatid muna ako ni Zen sa apartment ko habang sina Kuya Xavier and Rayver ang naghatid naman kay Bez.

"Did you enjoy tonight?" tanong sa akin ni Zen at naamoy ko ang beer sa kanyang hininga.

"Yes. Super na-enjoy ako. Nakapagtanggal man lang ng stress sa work." Pagsisinungaling ko na naman sa kanya.

Wala akong choice kundi gawin ito kaysa masaktan ko naman siya. Ayaw ko siya makitang gan'on dahil di niya deserve.

"Ok, good. Pasok ka na sa loob." sabi niya.

"Ikaw?"

Ayaw ko na rin siya payagan umuwi mag-isa. Gabing-gabi na kasi.

"Ano akin?" Nalilito niyang tanong.

"Dito ka na lang muna matulog at bukas ka na lang umuwi."

"Why?" Dami naman niyang tanong.

"Malalim na ang gabi. Di na safe." Paliwanag ko sa kanya at napatango na rin siya sa sinabi ko.

"Matulog ka na lang diyan sa sofa." Dagdag ko pa.

"Sige. Ikaw matulog ka na rin." sabi niya habang pahiga na siya para matulog. "Goodnight na."

"Goodnight too."

Isang linggo nang lumipas matapos ang huling araw na pagkikita namin ni Greige. Parang ang bigat sa pakiramdam ang naging desisyon ko pero iyon naman ang kailangan. Hindi ko pwede ipilit ang isang bagay na may mga taong masasaktan at mabibigo.

Lalabas na sana ako ng kwarto nang biglang tumunog ang cellphone ko at bumungad sa akin ang numero ni Athena na nakarehistro sa screen.

Sinagot ko ito kaagad, "Hello?"