webnovel

Chapter 18: Lunch Time

Althaea Cassidy POV

KINABUKASAN. Nakabalik na rin ako sa work. Sariwa pa rin sa akin ang mga naganap nitong nakaraang araw. Ang pagiging malambing at maalalahanin ni Greige at sa nararamdaman na selos ni Zen.

Kaya't di ko namalayan nagsasalita pala si Terylene.

"Ma'am!" Nabalik ako sa ulirat nang tawagin muli niya ako. "Are you listening po?"

"Ano nga ulit 'yon?" Nalilito ko tuloy na tanong.

"Hay nako, Ma'am. Ok na po ba talaga kayo? Kasi kundi pa, hindi muna kita papayagan pang magtrabaho dito.

"Ayos na ako Tery." paliwanag ko.

"Sigurado?"

"Oo..." muli kong sagot.

"Baka malalim nanaman ang iniisip mo? Kung si Sir Greige man 'yan nako...." dagdag pa niya.

"Hindi siya." Pagsisiungaling ko na lang dahil ayaw kong ipaalam kahit kanino ang tungkol sa feelings ko para sa kanya maliban lang kay Ginger.

"Eh kung gan'on, sino?"

May pagkatsismosa talaga ang isang 'to.

"Nevermind." Pagkatapos, di na ako nagsalita pa.

Hindi na rin siya umimik dahil alam na niya kapag ganito ang reaksyon ko. Sa sobrang abala namin sa trabaho, di ko na pala namalayan na lunchbreak na pala namin.

Nakalimutan ko rin dalhan mg pagkain si Greige. Lagot ako doon. Mag-aapoy nanaman 'yon sa galit at magtatalo nanaman kami.

Sa sobrang tutok na sa ginagawa ko, hindi namalayang mag-aalas onse na pala. May naririnig akong kumakatok sa labas ng mini office. Laking gulat kong si Greige iyon at may dala na ring pagkain.

Ipinagbuksan ko siya ng pinto at naagaw niyon ang pansin ni Terylene. Nanlaki kanyang mga mata at di mapakali.

"Hi, Sir Greige. How sweet na nagdala ka pa ng foods para kay Ma'am Athena at nagpunta rito." bungad ni Terylene habang nagpapalitan ang kanyang tingin sa akin at kay Greige. "Siya nga po pala iiwanan ko muna kayong dalawa here. Sa dining area na lang ako kakain." Kasabay ng pagtayo na nito sa kanyang inuupuan at nagmamadaling lumabas ng opisina. Ang babaing iyon talaga, tzk.

''Actually, nakasalubong ko si Yaya Helena at saktong pagdating ko nakasalubong niya ako. Kaya, ako na lang magpresinta na dalhin ito sayo." sabi niya saka sabay-sabay kaming umupo.

"Dapat nga ako magdadala ng lunch sa office niyo?" Tanong ko sa kanya at bigla niya akong hinawakan sa palad.

"You don't need to do that. Mapapagod ka lang. Simula ngayon ako na ang pupunta rito para makapag-usap tayong dalawa." Paliwanag niya sa akin habang seryoso lamang kami nakatitig sa isa't isa.

Pero nagpumilit pa akong nangatwiran sa kanya, "Ako pa rin dapat magdadala sayo ng foods."

"No. Ayaw na kitang mapagod pa. Hayaan mo na lang ako na lang ang gumawa.

Mahigit dalawang oras siyang tumambay sa office namin at napagalitan ko oa nga siya pero di ako nakaubra sa kanya. Stubborn.

Sa mga sumunod pang mga araw, may dala ulit siyang pagkain pero nakabalot pa ito sa paperbag at halatang binili niya ito sa labas. Nalalanghap ko na ang ulam habang naglalakad siya palapit sa mesa.

"Saan mo binili 'yang mga pagkain natin?" Tanong ko sa kanya at nilapitan ito para tulungang ilabas ang mga pagkain.

Marami-rami ang mga ito at may pang-desert pa. Dalawa lang kami kakain pero sobra ang binili niya.

Ang ibang prutas binigay ko kay Terylene para kainin niya kasabay ng pagdala ko na ring pagkain na hindi naming naubos. Pinaabot ko iyon kay Ate Daisy.

"Di ba magagalit ang Papa mo?" Tanong ko kaagad dahilan para lingunin niya ako habang kumakain ng mansanas.

"No. Hindi ko naman sinasabi sa kanya kung saan ako pumunta during lunch break." Di pansin sa kanya ang pag-alala na baka pagalitan siya ng kanyang ama.

Relax lang si Greige nang sabihin niya 'yon sa akin at ako naman ang nag-aalala nito sa kanya.

Sa aming pag-uusap hindi ko namalayan na mag-a-alas dos na pala ng hapon. Kaagad ko siyang sinabihan at nginisian niya lang ako.

"Relax, ok? Huwag mo akong problemahin, mi cielo. I can handle this."

"Greige, di naman ako sumasang-ayon nang dahil sa akin eh mapapabayaan mo ang trabaho." paliwanag ko sa kanya nang maayos dahil ayaw ko na ako ang magiging dahilan.

Mahal namin ang isa't isa pero di ako pumapayag na isantabi ang trabaho kahit kailangan dahil lamang sa relasyon na mayroon kami. Hindi na bata pa para di maging responsable.

Nakaramdam ako ng frustrations sa sinabi niya at napansin niya 'yon.

"Galit ka ba, mi cielo?" Mas nilapit pa niya ang mukha sa akin para tignan talaga ako kung nagagalit nga ba.

Hindi ko siya nilingon at sinagot. Napabuntong-hininga siya.

"Galit ka nga. But here. I just don't want to stress more our lives. Bata pa natin magkakaroon na kaagad wrinkles ang mga mukha."

Aba, idadahilan niya pa talaga 'yon? Sa halip na makipagtalo, idinala ko siya sa garden namin. Gusto kong makalanghap ng fresh air.

"Are you still mad, mi cielo?" Malumanay niyang saad.

"Ok na ako. Ayaw ko nang magkaroon ng miunderstanding sa ating dalawa nang dahil lamang sa simpleng bagay." I heavily sighed after.

Greige is smiling right now as I say it to him.

"You really change a lot, mi cielo. You are matured woman now unlike before."

It suck me up as he stated. I can't move almost the reason I try to fake a smile on him. Nakikita niya ako bilang si Althaea hindi si Athena.

"Is there any problem with that?" Napansin niyang lumayo ako sa kanya ng kaunti.

I can't stand this anymore. Sobrang sakit lang na isipin na nagmamahal ka ng taong di mo tunay na pag-aaari. Nagpapanggap bilang si Athena na kahit ayaw ginagawa mo, pero ipinagpapatuloy pa rin dahil gusto mo pa rin maisakatuparan ang plano para sa iyong magulang, sa kumpanya at maging sa kapatid mo.

"Bakit ka biglang lumayo?" Binigyan ko tuloy siya ng hint para magtanong.

"Medyo mainit kasi ang panahon eh!" Pagdadahilan ko na lang sa kanya na hindi makatingin.

Kitang-kita ko sa aking peripheral vision ang unti-unti niyang paglapit sa akin upang magdikit ang aming mga balat.

"Weh, hindi ako naniniwala! Naiilang ka lang siguro."

Hindi ako nakaimik niyon sa kanya dahil di pa rin nawawala sa isip ko ang mga bagay na gumugulo sa akin.

"I love you, mi cielo." Dinig kong sabi niya sa akin dahilan para magulat ako at napatitig sa kanya.

Sobrang lapit na pala ang mukha namin nang lingunin ko siya. Natutulala ako ng sobra. Bumibilis nanaman ang tibok ng aking puso at di ko magawang ikurap agad ang mga mata.

"I love you so much. Ginagawa ko na ang lahat para manatili lamang tayo ng ganito." sabi pa niya at maya-maya hinila ko siya sa isang lugar na puro bulaklak ang napapaligiran dito.

Nakatanim ang roses and tulips at nakahanay ang mga ito. Masaya ko silang tinititigan.

"I don't have an idea na mahilig ka sa ganyang klaseng flowers." Dinig kong saad niya habang tahimik na pinagmamasdan ang mga bulaklak. "You didn't tell me."

"Sorry, if I didn't tell you." I lied.

Lilingon na sana ako sa kanan nang bigla siyang lumitaw sa aking harapan. Hinawakan niya ako sa mukha matapos niyakap ako ng napakahigpit.

"It's ok but the importance is I love you, Athena. Hayaan mo next tims pipitas ako diyan at ibibigay ko sayo." sabi niya habang nakayakap pa rin kami sa isa't isa.

Napapangiti naman ako at mga ilang sandali pa ay humiwalay kami. Nakatingin siya ng diretso hanggang sa nilalapit niya ang mukha sa akin. Ilan segundo na lang, sobrang lapit na hanggang sa napapikit na lang ako kasabay maramdaman ang pagdampi ng labi ni Greige sa labi ko.

Patuloy lamang ako sa pag-respond sa kanyang mga halik. Matapos niyon, hinatid na rin niya ako pabalik ng office bago nagpaalam na babalik siya ng office.

Sumunod na araw, naging gawi na ni Greige pumunta ng office para makita ako. Minsan, siya nagpipresinta magdala ng pagkain namin dito at kung minsan sa labas siya bumibili na pinaiiwas ko rin sa kanya.

"It's not safe na bumili parati ng pagkain sa labas." Paninita ko sa kanya pero di niya lang 'yon pinansin.

"Don't worry, mi cielo. It's safe to our health. I bought those from exclusive restaurant at hindi sa basta-bastang kainan lang. You get that?" Napatango na lang ako bilang sagot.

Di talaga siya nagpapatalo kaya tumigil na rin ako.

"Alright, let's eat na." It stopped me for awhile. I forgot to pray so I lift my hands that make him wondering. "Nakalimutan ko palang i-mention we need to pray before eating."

He followed me after and closed his eyes. A few minutes have passed the prayer has done.

"I don't know na religious ka na rin pala...." Napapaisip pa rin siya naging kilos ko this time.

I knew that a prayer is not my sister's vocabulary. They're both same with my parents. I almost thought that they are Atheist because they never mention God on their lips. I only learned about God from my Yaya Helena. Her family is religious.

"Yeah. It means you didn't know me so well." sagot ko habang nagsisimula na kaming kumain.

"Siguro dahil marami pa akong nadidiskubre sa iyo na di ko alam for the past few years in a relationship." Nanatili pa rin siyang nagtataka mga bagay na napapansin niya sa akin.

Sa mga nagdaang araw pa ay nanatili ang ganitong set up namin hanggang sa niyaya naman ako ni Greige kumain sa isang exclusive restaurant. Di kalayuan ito sa mansion. Sa loob lamang ng pitong minuto nakarating kaagad ako.

Pagkarating ko roon, kinaway niya kaagad ako para ituro ang kinatoroonan niya.

"Kanina ka pa ba?" Tanong ko saka umupo.

"Nope. It is just five minutes before you arrived."

Pagkatapos, nag-order na rin kami ng makakain. Sobrang gutom na talaga ako.

"Wala pa rin talaga tatalo sa lutong bahay." Kaagad kong kumento habang nilalasap ang pagkaing binili namin.

"Di ba ito iyong gusto mo? Kumakain sa ganitong place?" Napapaisip niyang tanong.

"Yeah dati not now. I have changed some of my perspectives already." Convincing that I am still Athena in front of him.

"I see. But, I like your changes." He agreed so I breath heavily after. "Di na ikaw iyong dati dahilan ng pagtatalo natin madalas. Mas minahal ko ang Athena ngayon."

He smiled and pinched my nose. I beamed back on him just to make things deeply inside are alright.

"You too." I added.

"Because of you, mi cielo." He touched my hands tightly while we have eating yet the dishes we ordered.

"Paano kung....." Di natuloy pa ang sasabihin nang tinawag niya ang waiter para umorder kami ng fruit salad.

Pagkatapos naming kumain dumako kami sa park upang doon muna magpalipas. Pagsapit ng ala-una nagpaalam na kami sa isa't isa bumalik na sa kani-kanilang trabaho.

Pagkarating ko ng office tanong kaagad nagmumula kay Terylene ang bumungad sa akin.

"How's your date?" Kinikilig niyang saad. "Sana all may ka-date." Nginisian ko lang siya.

"Ayos naman. Pero di maiwasan pa rin ang mga bagay na kinasanayan ko na talaga." Seryoso kong pahayag at siya bahagya ding sumeryoso.

Ramdam din niya ang pinagdadaanan ko sa ngayon. Saksi rin siya sa lahat ng mga plano at sakripisyong ginagawa ko.

"I feel you, Ma'am. Sobrang magkaiba ang personality niyo ng kakambal mo." sabi niya.

Pagkatapos niyon di na ako kumibo pa at ipinagpatuloy ang naiwang gawain kanina dito sa office. Di kp pwedeng iasa lahat ito kay Terylene may ibang trabaho ring naka-line up sa kanya at nahihiya akong utusan siya.

Pagsapit ng 5:00 PM, senyas na tapos na ang office hours. Nag-aasikaso na si Terylene ng kanyang sarili habang ako ay abala pa rin sa ginagawa ko.

"Ma'am..." Tawag niya sa akin at lumingon ako. "Balak ko po sana mag-leave bukas para dahil may pupuntahan ang buong family for a vacation." Pahayag niya at di ako nag-atubili pang pigilan siya.

Hinahayaan ko muna siyang makasama ang kanyang pamilya. Gusto ko maranasan niya iyon na hindi ko pa nararanasan sa buong buhay ko.

"Sure, how many days or weeks?" Natawa siya dahil nabanggit ko ang "weeks."

"Grabe naman po kayo, Ma'am. Mga three days lang." Tumango kaagad ako.

"Thank you. I am glad that you are one of my lady boss here."

Nang makaalis na si Terylene, pinagpatuloy ko muli ang mga ginagawa ko hanggang sa sumapit na ang 6:30 ng gabi. Narinig ko rin ang mga boses ng parents ko na kararating lang.

Mga ilang minuto biglang tinawag ako ni Yaya Helena.

"Ma'am Althaea, pinatatawag ka ng iyong magulang sa dining room." Kaagad niyang saad sa akin.

"Sige po, susunod na ako." Magalang kong tugon.

Pagpunta ko ng kusina napansin kong seryosong nag-uusap sila hanggang sa napansin nila ang presensya ko.

"Siguro ka na ba, honey na sasabihin natin sa kanya?" Dinig kong tanong ni Mom na dahilan para kumunot ang aking noo at magtaka sa aking narinig.

"What is it, Dad?"