webnovel

Chapter Three

[]Ultra Curse

†Chapter Three

—————

Agad kong pinindot ang play button, Friday night, ito ang isa sa mga hilig kong gawin pagkatapos ng mahaba at nakakapagod na araw— ang maglaro. Kahit papaano ay naiibsan ang stress na dulot sa akin ng mundo sa tulong ng laro.

8:15

[Set C]

george_gee : game na

yanyan : lag ako

yanyan : dba kasali c eds

magicapple : hi

drinksoda_rivero : tara sa forest

Nagsimula akong mag type, at agad na isinend ang mensahe ko sa aking mga kalaro.

cisco : game na, hanggang 9 lang ako

Masyado akong naaliw sa pakikipaglaro, inabot na kami ng 10 at saka lang natapos. Wizard Farmers ay isang laro na kung saan pupunta sa gubat o pulo ang mga players para makahanap ng monsters at matalo upang makuha ang abilities at treasures nila, sa tulong nito ay mas napapabilis ang pag level up ng manlalaro.

Nag-inat ako at humikab, nakita ko ang sobre sa tabi ng aking keyboard, napapatungan ng aking panyo, kinuha ko ito at binasa.

Saka ko lang nakita ang nasa likod nito, isang link para sa kung saang website. Itinipa ko sa keyboard ang mga salita at agad na nagtungo sa site na nakasaad sa papel.

Ultra Curse

Starts at 10:10 pm

Nataranta ako nang makita ko ang oras— 10:17 na!

Wala akong natanggap na bagong sorbre o letter, hindi ko alam na ngayon pala ang game. Pinindot ko agad ang link pero may lumalabas na error.

[Put on your headphones, and connect to the given source : PurpleHeidi]

Please, try again.

Ginawa ko ang nakasaad sa computer, agad akong kumonek sa sinasabing source, hindi ko alam kung saan nagmula iyon pero baka parte rin ito ng pagsasaayos ng game.

Nang pinindot ko ang join button ay isang matinis na tunog ang bumalot sa aking tainga. Napapikit ako sa hapdi.

Pagmulat ko ay may nakita akong mukha.

"Pang-ilan na ʼyan? 47? Ah— 45!" saad sa akin ng isang babae, tumalikod din agad siya at nagpatuloy na kausapin ang isa pang babae.

Tumingala ako at nakita na nasa loob kami ng malaking hukay, maraming tao, mga kabataan, hindi ko sila kilala. Ano ba ʼto? Panaginip? Nananaginip ata ako, nakatulog ba ako habang naglalaro?

Biglang may isang lalaking sumulpot sa aking tabi.

"Excuse me, anong meron? Sino kayo? " tanong ko, kahit na pakiramdam ko ay hindi tama ang pagkakasambit ko ng mga salita.

Tumingin ito sa akin at inayos ang buhok niya. "Hindi ka ba naabisuhan? We are players too. Nasa game na tayo! "

Nasa game na tayo.

Nasa game kami?

Isang liwanag na kulay dilaw ang nakita namin sa langit. May mga salitang nabuo mula rito.

"Welcome players, you are currently inside the pit. "

Napatingin ako sa paligid, ang dami namin!

"Kinakailangan ninyong makalabas sa pit bago pa ito magsara, maaring bumuo ng samahan o ʼdi kayaʼy duo. Magsasara ang pit sa loob ng dalawampu't limang minuto. "

Nawala na ang tinig ng babae, isang hourglass naman ang lumabas sa langit, nagsimula nang bumuhos ang buhangin pababa, doon na nagsigalawan ang mga tao sa loob ng hukay.

Nataranta ako at parang uod na inasinan dahil hindi ko alam ang gagawin.

"Farah itataas ka namin, then siya, tapos kami naman ni Dane, " wika ng lalaki sa isang babae, ihinagis nila ang babae palabas sa hukay, hindi ko alam kung gaano siya kagaan dahil parang hindi nahirapan ang mga lalaki, isinunod nila ang isa pang lalaki at doon na silang nagsimulang umakyat, hinila ng naunang babae at lalaki ang mga kamay nila.

[Players, 42, 53, 36, 37, success. ]

Sunod-sunod ang paglabas ng mga salita.

[Players 17, 23, 19, success. ]

[Players 29, 30, 32, success. ]

Puro grupo ang mga unang nakalalabas sa pit, paano akong mag-isa lang? Maililibing ako rito nang buhay!

Napakamot ako sa batok. "Imposibleng makalabas ako rito, " bulong ko sa sarili.

[Player 13, success. ]

Iyon ang pinaka unang nag-iisang player na nakalabas!

"Uy, wala kang balak lumabas? "

Napalingon ako sa isang babaeng maikli ang buhok. "Ako? Paano ako makakalabas? Eh mag-isa lang ako, tsaka game ʼto may second round panigurado, magre-resurrect naman or restart. "

Napahagalpak siya ng tawa. "Anong restart? Engot ka ba? This is real life! Totoo ʼto! Kapag namatay ka sa game hindi ko alam kung anong mangyayari sa first body mo. Kailangan mong mabuhay. "

[15 minutes left. ]

Hinila niya ako palapit. "Tulungan mo akong makaakyat, tapos isusunod kita. Gets? "

"Ano ka? Baka iwan mo ʼko! Alam ko na ʼto, tra-traydurin mo ʼko noh? "

"Walang oras para magduda. "

Inayos niya ang kamay ko at pinagpatong, itinapak niya ang isang paa rito. "Ayusin mo ha, " wika niya.

Kasabay ng pagtalon niya ay buong lakas ko siyang ihinagis, parang mababali ang mga buto ko sa kamay sa bigat niya!

Hindi siya tuluyang nakalabas sa pit, pero nasa gilid na siya ay nahihirapang makaakyat.

"Kaya mo ʼyan! " sigaw ko, kapag hindi siya nakalabas ay lagot ako rito.

[Player 72, success.]

Nang makaakyat siya ay nagbunyi ako, pero nawala ang saya ko nang matapos ang ilang minuto ay hindi ko na siya nakita.

"Anak ng—! "

[3 minutes left. ]

May iilan pang players sa loob ng pit, at isa na ako roon, nagkaroon ng butas sa gilid ng hukay at nagsimula nang bumuhos ang kulay grey na bagay.

Pamilyar ito pero wala akong oras para masabi kung ano iyon, lumabas ang ulo ng babae kanina na tinulungan ko, nagladlad siya ng lubid at agad ko itong inabot.

Ginamit ko ito para makaakyat pero para akong hinihila ng likido na inilabas ng mismong hukay.

"Shit! Semento! " sigaw ng isang lalaki.

Hinila ko ang lubid para makataas.

[10 seconds. ]

Nang makaakyat ako ay nagsimula nang nag count down mula 5 seconds.

[Player 45, success. ]

Ako ang player 45.

[Player 16 and 67, success. ]

Agad na napuno ng sigaw ng takot ang buong lugar, tuluyan nang napuno ng semento ang hukay at naubos na ang buhangin na nasa loob ng hourglass.

[67 out of 75 players, success. ]

May isang kulay itim na bilog ang lumabas mula sa kung saan, may malalaki ito ang makintab na mga mata pero wala akong nakikitang bibig o ilong na labasan ng hangin.

"Lahat ng natirang players ay pumunta sa bawat room na nakalaan sa inyo. Simula na ang pagsasaayos ng inyong sariling avatar. "

Naglaho rin ito agad.

Kagaya ng iba ay pumunta ako sa sinasabing room, kahit na tent lang talaga ito at hindi kwarto. Luminga linga ako para hanapin ang babaeng tumulong sa akin pero hindi ko na ito nakita, hindi man lang ako nakapag pasalamat.

Umupo ako sa silya at isinuot ang mistulang salamin, may nagsilabasang materyales sa harap ng mata ko, kaunti lang ito pero siguro ay sapat na.

Sa gilid ay may nakasulat na mga deskripsiyon.

[Name : Player45

Type : Anti-element

Class : C7

Ability : guns]

Ni katiting ay wala akong naintindihan. Anong ibig sabihin ng C7? Pangalan ata ʼyon ng kalsada eh. At saka anong anti-element?

Pinindot ko ang salamin na nasa harap ko na nagsisilbing keyboard.

[Pick your suitʼs material. ]

Pinili ko ang metal at armor, matapos noon ay agad na bumigat ang pakiramdam ko. Napatingin ako sa deskripsiyon ng character ko sa gilid.

[Name : Player45

Type : Anti-element

Class : C3

Ability : 700 bullets]

Nabago ang type, class at ability ko, pinindot ko muli ang salamin at hinubad ang eyeglasses. Tumayo ako at doon nakita ang sarili sa salamin.

Balot ako ng armor, mula ulo hanggang paa, at sa taas ng ulo ko ay may mga salitang nakasulat.

[Player 45 (gun user) ]