webnovel

Ulan (ONE SHOT STORY)

"Ang ulan ay parang pag-ibig."

HellLuuvy · Teen
Not enough ratings
1 Chs

ULAN (ONE SHOT STORY)

Sabi nila, ang ulan ay parang pag-ibig pero hanggang ngayon 'di ko pa rin magets kung bakit nila kinukumpara ang ulan sa pag-ibig.

Ang labo naman!

"Rhey Ann, sasabay ka ba sa'kin? Total 'di naman ako masusundo ng magaling kong boyfriend. Atsaka, baka maabutan ka pa ng ulan." nginitian ko ang kaibigan kong si Ashley at umiling.

"Mauna ka na."

Napatingin naman ako sa labas ng room namin.

Uulan ba talaga? E, bakit tirik na tirik pa rin ang sikat ng araw.

Papalabas na ako ng campus ng biglang bumuhos ang napakalakas na ulan.

"Anak ng-!" sambit ko dahil nawala na 'yung tirik na tirik na araw kanina. Napalitan na ng makulimlim na langit at ng malakas na buhos ng ulan.

Kung minamalas ka nga naman. Naiwan ko pa 'yung payong ko sa bahay. Ano bang malay ko na uulan pala talaga ngayon? Ayaw na ayaw ko pa man din mabasa sa ulan lalo na mga kagamitan ko sa loob ng bag ko. Sana pala sumabay na lang ako sa kaibigan ko kanina. Kung alam ko lang talaga.

Mukhang wala na talaga akong choice kung 'di tumakbo na lang at magpakabasa sa ulan. Mahirap nang umuwi kung gagabihin pa ako.

Isa.

Dalawa.

Tatlo.

Patakbo na sana ako ng biglang may humawak sa balikat ko at pinayungan ako kahit na nakasilong pa rin naman ako.

"Hindi mo ba alam na tag-ulan ngayon? Mataas man ang sikat ng araw, kailangan magdala ka pa rin ng payong." sabi ng lalaking may hawak ng payong sabay nginitian ako.

Kinuha niya ang kamay ko upang ibigay sa akin ang payong atsaka tumakbo ito at sinugod ang ulan.

Nanatili akong nakatingin sa likuran niya. Hanggang ngayon nagproprocess pa rin sa utak ko ang nangyari. Hindi ko siya kilala pero binigay niya sa akin ang payong niya at hinayaan niya ang sarili niya na mabasa ng ulan.

Kaya napangiti na lang ako sa nangyari.

Ang ulan ay parang pag-ibig, na bigla-bigla na lang dumarating ng hindi mo inaasahan.

***

"Mukhang uulan ngayon." sabi ko sarili tulad ng nakaraan, napatingin na naman ako sa labas ng bintana ng room.

Oo nga. Ang laki ng dilim at medyo malakas ang hangin. Mukha ngang uulan at mukhang malakas ito.

Ilang linggo na rin ang lumipas ng may mag-abot sa akin ng payong. Lagi kong dala-dala ang payong niya at nagbabakasakali na baka isang araw makasalubong ko siya at makita para isauli sa kan'ya ang ibinigay nitong payong sa'kin.

Swerte na rin na dala ko 'to lagi ngayon. May panangga ako kung sakaling bumuhos ang malakas na ulan. Nasira kasi no'ng nakaraan 'yung payong ko at 'di pa ako nakakabili ng bago.

Papalabas na ako ng campus ng bumuhos na nga ang ulan. Ganito rin ang nangyari dati. Ang kaibahan lang ay may payong ako ngayon.

Kinuha ko na ang payong sa bag ko nang mahagip ng dalawang mata ko ang isang lalaki na mukhang nagbabalak tumakbo at susugurin ang malakas na ulan.

Hay, nandito na pala ang may-ari. Kailangan ko na ibalik ang payong na ito. Siguro panahon naman para ako ang tumakbo sa ilalim ng ulan kahit ayaw ko.

Tinabihan ko siya at hinawakan sa balikat sabay kinuha ang kamay niya para paghawakin ng payong.

"Medyo matagal na rin sa akin ang payong mo. Salamat nga pala rito." nginitian ko siya at akmang tatakbo ng hinawakan niya ako sa braso.

"Wala ka pa rin dalang payong? Sabi ko naman sayo 'di ba, magdala ka ng payong." tiningnan ko lang siya. Hindi naman kami magkaibigan at lalong hindi kami magkakilala pero bakit ganito ako kausapin ng lalaking 'to? 'Di porque't, pinahiraman na niya ako ng payong. Feeling close na, amp!

Nginitian niya ako atsaka pinayungan. "Share na lang tayo."

Hindi ko alam kung anong sumapi sa akin para makisalo nga sa payong niya. Pero ayos na rin siguro 'to para 'di ako mabasa.

"Saan ka ba nakatira? Hatid na lang kita para 'di ka mabasa ng ulan."

Hala! Ni hindi pa nga niya alam ang pangalan ko pero tinatanong na niya kung ano ang address ko? Ayos lang ba siya?

Nasa matinong kaisipan pa naman ako kaya wala akong balak sabihin sa kan'ya kung saan ako nakatira.

"Ah kasi, hindi pa ako uuwi. May bibilhin pa ako sa mall kaya 'wag ka na mag-abala."

"E 'di samahan na lang kita sa mall. May bibilhin din ako."

Ano ba 'yan. Wala akong nagawa kung 'di pumayag sa alok niya. Nagpunta ako sa mall kasama ang lalaking hindi ko naman kilala. Magagastusan pa 'ko nito kasi bibili pa ako ng bagay na hindi ko naman talaga dapat bibilhin.

"Ayan ayos na! Gusto mong kumain muna? Samahan mo naman ako. Nagugutom na ako, e."

Tiningnan ko lang siya. Kakain ako kasama siya? Kahit 'di ko siya kilala? Pero ano naman? Nasa mall na nga ako kasama siya kanina pa 'di ba? Mukha naman siyang mabait. Hindi naman siguro siya gagawa ng masama.

Tumango ako at sumama na sa kan'ya para kumain kaya ngumiti naman siya ng kay lapad.

Natapos na kaming kumain pero patuloy pa rin ang pagbuhos ng ulan. Wala na ba 'yang katapusan?

"Maulan pa rin. Atsaka late na kaya ihahatid na lang kita pauwi. Delikado na, e."

Napatingin ako sa kan'ya. Delikado? Oo delikado na nga. Pero parang delikado rin na hayaan kong ihatid ako ng lalaking ito. Lalo na at 'di ko pa rin siya kilala.

"Hindi ako masamang tao kaya 'wag kang mag-alala." dagdag pa niya.

Hindi ko siya kilala. Pero parang may nagsasabi sa akin na magtiwala ako sa kan'ya. Kaya ayun na nga lang ang ginawa ko. Ang magtiwala.

Hinatid niya ako at nakarating naman kami sa bahay ng walang nangyayaring 'di maganda. Mabait siya at sa sandaling kasama ko siya ay gumaan agad ang loob ko sa kan'ya.

"Salamat sa paghatid. Salamat din sa pagpayong. At sa pagsama na rin mall. Naghihintay na ang taxi mo. Ingat ka." nginitian ko siya atsaka kinawayan.

"Salamat din sa pagsama at pagtitiwala." tumalikod ako ng magsalita ulit siya. "Goodnight, Rhey Ann."

Rhey Ann? Paano niya nalaman ang pangalan ko? Tatanungin ko pa sana siya pero umandar na ang taxi na sinasakyan niya.

Sa halip na matakot ay napangiti na lang ako. Atsaka ko Lang narealize ay nasa akin na naman ang payong niya.

Ang ulan ay parang pag-ibig, minsan nagbibigay ng senyales kapag parating na.

***

"Ate! May naghahanap sayo."

"Sino raw?" tanong ko sa kapatid kong lalaki.

"Hari daw."

Hari? Wala akong kilalang Hari.

Lumabas ako ng bahay at nakita ko na naman siya.

'Yung lalaki.

"Hi."

"So, Hari pala ang pangalan mo?" sabi ko sa kan'ya habang nakacross arm.

Nguniti naman siya. "Samahan mo naman ako. Please?"

Kapag kaharap ko 'tong lalaking 'to hindi na talaga gumagana ang utak ko. 'Di ko alam pero napa-oo na lang ako.

Tumambay lang kami sa park. Nagkwentuhan. Naglaro na parang mga bata.

Ang pagtambay at paglabas namin ay nasundan pa. Isa, dalawa, tatlo, apat, lima at maraming beses na kaming lumalabas. Nakakatext at madalas din niya akong tawagan. Minsan dinadalaw niya ako sa bahay.

Ang dating magaan na loob ko sa kan'ya ay lalo pang gumaan. Sa tuwing nakakasama ko siya ay lagi rin akong masaya.

"Paano mo nga pala ako nakilala?" nakaupo kami sa ilalim ng puno ng maisip kong tanungin siya.

"Kilala ka kasi ng kakilala ko."

Napatango na lang ako at 'di na nagtanong pa. Baka ka-schoolmate siguro.

Napatingala ako ng may pumatak na tubig sa mukha ko. Kaya inilahad ko ang kamay ko. Umaambon. Uulan na naman.

Tumayo ako para magsun dance. Para akong baliw na ginagaya ang napanood kong pelikula na ang bida ay sina Sarah at John Lloyd.

Narinig ko naman ang tawa ni Hari. "Itigil mo 'yan. Walang mangyayari d'yan at 'di naman totoo 'yan. Kung uulan, uulan talaga."

Mukhang 'di nga effective ang ginawa ko kasi unti-unti ng lumalakas ang buhos ng ulan.

Nilapitan ko siya at at hinila ang kamay niya. Niyaya ko na siyang umalis sa ilalim ng puno kasi mababasa lang lalo kami pero sa halip na tumayo ay hinili niya ang kamay ko kaya napaupo ako sa damuhan pero 'di naman ako nasaktan.

"Sira ka ba? Tara na at mababasa na talaga tayo."

"Hayaan mo na." balewalang sagot niya atsaka sumandal sa balikat ko na ikinagulat ko. Ang kamay ko ay 'di pa rin niya binibitawan at basang basa na rin kami sa ulan.

Kaya wala na akong nagawa kung 'di hayaan siya. Ayan na naman ang mabilis na tibok ng puso ko dahil lagi na lang niya pinapatibok ng ganito 'yung puso ko.

Ang ulan ay parang pag-ibig, pwede mong madamdaman pero hindi mo pwedeng pigilan.

***

"Umuulan na naman. Ano? Dating gawi?"

"Sugod na!" masayang sabi ko kan'ya atsaka tumakbo para magpaulan.

Hinabol naman niya ako na para kaming mga bata na naglalaro sa ilalim ng ulan sa may park.

Matagal ko na rin nakakasama 'tong si Hari. Nagising na lang ako isang araw na mahal ko na siya.

Ngayon, naiintindihan ko na kung bakit nila kinukumpara ang ulan sa pag-ibig. Kasi tulad ng ulan ang pag-ibig, dumating ng hindi mo inaasahan, nagbigay ng senyales na nagkakagusto ka na pala sa isang tao. Kaya ang ulan ay parang pag-ibig, na kaya mong maramdaman pero hindi mo na magagawang pigilan pa ang nararamdaman mong pagmamahal sa kan'ya.

Gan'yan na gan'yan ang nararamdaman ko kay Hari. Minahal ko siya kasabay ng pagmamahal ko sa ulan dahil sa ulan kaya kami nagkakilala.

Kasalakuyan pa kaming nag-eenjoy sa pagligo ng ulan ni Hari ng bigla na lang itong huminto at nawala.

"Ano ba 'yan! Tumili na ang ulan. Kung kailan nag-eenjoy na o." reklamo ko.

Ngumiti naman siya at lumapit sa akin. Tinanggal niya at inipit sa likod ng tenga ko ang mga buhok na nakaharang sa mukha ko.

Magsasalita sana siya ng may tumawag sa kan'ya kaya parehas kaming napalingon sa tumawag sa kan'ya.

"Hari, sabi na e, nandito ka lang pala." lumapit siya at hinalikan si Hari na ikinagulat ko.

Humarap siya sa akin at ngumiti. "Oh hello, Rhey Ann. Kunin ko muna 'tong boyfriend ko ah."

"B-boyfriend?" halos utal na sagot ko sa kan'ya.

"Oo, siya 'yung tinutukoy ko sayo na boyfriend ko. Mabuti nga at close na kayo kasi sabi niya sa akin makikipagkaibigan daw siya sayo kasi kaibigan kita. Paimpress din kasi 'tong magaling kong boyfriend e." biro niya at tumawa pa.

Si Ashley, boyfriend pala si Hari. Siya pala ang boyfriend niya na tinutukoy ng kaibigan ko. Ang sakit. Parang hinihiwa ngayon ang puso ko sa sobrang sakit.

Tiningnan ko si Hari at nakatingin din siya sa akin. "Rhey Ann..."

"Sige na. Kunin mo na 'tong boyfriend mo. Enjoy kayo kung saan man kayo pupunta ah? Una na ako." pinilit kong ngumiti para hindi nila mahalata ang sobrang sakit na nararamdaman ko.

Sobrang sakit. Bakit ngayon ko lang nalaman 'to? At bakit 'di ko man lang natanong sa kaibigan ko kung anong pangalan ng boyfriend niya na makikilala ko raw balang-araw.

[Flashback]

"Kaibigan mo 'ko pero 'di mo man lang pinapakilala sa'kin kung sino ba talaga 'yung boyfriend mo."

"Makikilala mo rin siya someday, not now but soon."

[End of Flashback]

Ang tanga-tanga mo naman Rhey Ann!

Bakit ngayon pa?

Bakit ngayon pa kung kailan nararamdaman ko 'yung sobrang kasiyahan kapag kasama ko siya?

Bakit ngayon lang?

Bakit ngayon pa?

Oo nga at parang ulan talaga ang pag-ibig.

Kung kailan nag-eenjoy ka nang maligo sa ulan atsaka naman ito titila.

Sana hindi na lang umulan noon at baka sakaling hindi ko siya minamahal ng ganito ngayon.

The End.