webnovel

Trying Again (Tagalog)

Nabigo ka na ba sa pag-ibig? Nawalan ng pag-asa magmahal muli? Hindi madaling umibig muli lalo na pag nasaktan ng sobra. Andyan ang takot na baka masaktan lamang muli pero hindi nito matatalo ang saya na mararamdaman sa muling pag-ibig. Subaybayan ang muling pagsubok ni Risa sa pag-ibig na muli niyang nakita kay Lance na kamukha ng dati niyang kasintahan na umiibig naman sa kanyang ate na si Liza o makikita niya ito sa iba. Photo by Artem Kim on Unsplash

wickedwinter · Teen
Not enough ratings
69 Chs

Twelve Days of Christmas

"Ano?! si Keith?" gulat na gulat na tanong ko doon sa babae.

Mukha din naman na nagulat siya sa sinagot ko kasi nanlaki ang mata niya at bigla siyang napaatras kaya napatakip agad ako ng bibig. Nagpanic siya at biglang napasabi, "Hm, pasensya na miss. Hindi mo ba siya kilala?"

"Ahh," sagot ko ng mahina at pautal-utal, "Ano, kasi?, ahh,"

Hindi ko na talaga alam ang isasagot ko sa kanya nang biglang sumingit si Aya, "Ahh, miss, kaano-ano po ba kayo ni Keith?"

"Naku, pasensya na hindi pala ako nagpakilala," napahiya niyang sagot, hinawakan niya ang kanyang buhok, "Ako nga pala si Angelie Gomez, girlfriend niya ako."

"What?" sabi ko sa utak ko. Nabigla talaga ako sobra pero patuloy pa din siya sa pagsasalita. Mukhang nahihiya pa nga siya, kasi medyo namumula yung pisngi niya, "Wala kasi kaming usapan na magkita kaso gusto ko siyang surpresahin sa unang araw niya. Tinetext ko siya kaso hindi siya nagrereply."

"Palabas na siguro yun miss," sabi ni Mia, napatingin ako sa kanya, poker face siya, "Sasali ata ulit siya sa basketball diba Risa?" nilingon pa niya ako.

May emphasis talaga yung ulit sa pagkakasabi ni Mia kaya medyo napangiti na awkward si Miss Angelie. Nginitian ko din siya ng pilit, "Oo nga miss, antayin mo na lang siya. Aalis na kami, may pupuntahan pa kasi ako."

At dali-dali ko ng hinila sina Aya at Mia. Hindi ko na inantay pang makasagot yung si miss. Kahit noong nakalayo na kami sa kanya, windang pa din ako dahil dun sa narinig ko. Hindi ako makapaniwala. Mukhang yung dalawa kong kasama hindi din makapaniwala kasi hindi sila umimik hanggang hindi pa kami nakapasok ng 7 11.

"Sino ba talaga yun?" tanong ni Aya habang kumukuha ng hotdog.

"Oo nga," sunod namani ni Mia, "Kilala mo Risa?"

"Haller," kumuha na din ako ng hotdog, "Kung kayo nga hindi niyo kilala ako pa eh mas chikadora kayo sakin."

Tuloy pa din kami sa pagkwekwentuhan tungkol dun sa babae kanina hanggang sa nakaupo na kami. Nabigla lang ako sa tanong ni Aya, "Okay ka lang ba Risa?"

"Ha?" ang una kong reaction kahit alam ko sa sarili ko kung ano ang tinutukoy niya. Tapos nag-ahh na lang ako na kunwari nagets ko na, "Oo naman. Hindi ba kaya nga umalis siya para sa ibang babae."

Hindi na ulit nakapagtanong yung dalawa. Kahit anong pilit ko pa din sa sarili ko, alam kong nasaktan ako dahil iba pala yung naririnig mo lang sa kwentuhan o makita sa facebook, mas masakit pala yung makita mo sa personal.

Dahil mukhang alam nung dalawa yung nararamdaman ko, hinatid nila ako sa lessons ko. Touch nga ako kasi true friend ko talaga silang dalawa.

Well lumipas ang ilang linggo at medyo bumalik na ako sa katinuan dahil sinunod ko ang payo ng mga kaibigan ko na iwasan na lang muna si Stan kasi for sure lagi niyang kasama ang magaling niyang girlfriend at yung Keith na may bago ng girlfriend.

P.E. time namin ngayon at kasabay namin ang section a kaya hindi ko naiwasan na hindi siya makita. Pareho-pareho lang kami ng itsura ng p.e. uniform, white shirt with the school logo at brown long shorts. Soccer ang game namin ngayon kaya nasa soccer field. Medyo hapon na kaya hindi na masyado mainit pero mainit pa din. Gulo ko.

"Risa," tawag sa akin ni Aya, "Excited ka na ba sa Christmas Ball natin?"

Dito sa school namin may Christmas Ball na studyante mismo ang nagpprepare, parang christmas party na din kaso buong school.

"Eh?" sagot ko sa kanya habang nag-aayos ng tali ng buhok ko, "Bakit naman? Para ngang last year hindi ako umattend."

"Umattend ka kaya," singit ni Mia habang naglalakad papunta samin, namumula na siya sa sobrang init, "Pinilit ka namin pati ni Stan."

Bigling nagtilian yung mga babae naming kaklase pati na syempre yung sa section a. Si Aya naman ang unang nagcomment, "Speaking of the devil."

Tapos na kasing maglaro kaming mga girls kaya boys naman. As usual, si Stan ang tinitilian ng mga babae. Dinig na dinig pa nga namin ang mga comment nila at isa na ito, "Grabe! Mas gwapo talaga si Stan pag basang pawis."

Pero may bagong umugaw ng spotlight kay Stan at yun ay si Keith na puring puri din ng mga girls. Syempre may sariling fans din si Lance. Matalino, sporty at part pa ng student council.

Ako naman poker face. Wala na akong pakialam sa kanila pero hindi mawala sa isip ko yung pinag-usapan namin nila Aya kanina, yung Christmas Ball. Yan kasi yung mga time na umalis ng school si Keith. Second year pa lang kami. Alam ko medyo bata pa ako para sa seryosohang relasyon pero siya talaga ang first love ko eversince first year pa lang kami.

Pinakilala siya sa akin ni Stan kasi hindi kami magkaklase noong first year at sila naman ang magkaklase ni Keith. Simula noon naging part na din siya ng buhay ko. Kaming tatlo ang laging magkasama. Mga patapos ng first year saka namin naging kabarkada sina Dan at Aya.

Dahil best friend ko si Stan sa kanya ko unang inamin na gusto ko si Keith. Sabi pa nga niya sa akin noon, tutulungan niya ako at gusto din naman daw ako ni Keith. Kaya ayun, simula noong inamin ko kay Stan, mas madalas na kami na lang ni Keith ang magkasama sa galaan.

Ganoon ang nangyari hanggang sa nagsecond year na kami. At mas lalo pa akong natuwa ng naging magkakaklase kaming tatlo. Hindi na kami mapaghiwalay, lagi na din ako nanonood ng practice nila ng basketball pag wala akong piano lessons. Lagi din nila akong sinusundo sa piano lessons ko. Nung una, silang dalawa pa pero ng natagal si Keith na lang.

Mas lalo kaming naging malapit sa isa't-isa.

Yun din ang time na nagka-interes si Stan sa ibang babae. Nagsimula na siyang manligaw. Nagpanic ako nung una, lagi pa nga ako nagrereklamo kay Keith na hindi na ako ang priority ni Stan, natatawa lang naman siya sa akin.

Pero dumating sa time na sinisiraan ko yung mga babaeng nagugustuhan siya. Akala ko nga magagalit sa akin si Stan pero hindi dahil sinasabi pa din niya sa akin palagi na ako pa din ang mas importante sa kanya. Syempre natuwa ako dahil wala akong kaagaw kay Stan pero hindi ko inakala na pag-aawayan namin yun ni Keith.

"Ano ka ba Risa?" sigaw niya sa akin ng pagalit, nasa may gym kami, "Hindi ka ba titigil sa ginagawa mo?"

"Wala naman akong ginagawa ah," mariing tanggi ko sa kanya.

"Anong wala?" tanong pa niya, "Halata naman sa mga kinikilos mo."

Hindi ko kayang makipag-away sa kanya kaya magwawalk-out na sana ako kaso pinigilan niya ako, "Ganun mo ba kagusto si Stan?"

Nagulat ako sa tanong niya at natawa din dahil siya talaga ang gusto ko. Mukhang nainis siya, "Bakit ka natatawa?"

"Pano naman kasi," tawa pa din ako ng tawa, "Kuya lang ang tingin ko kay Stan."

"Ganito," humarap ako sa kanya at mukhang naguguluhan siya, "Sa madaling sabi parang may brother complex lang ako. Kasi simula pagkabata namin, kami lang dalawa palagi."

"So anong point mo?" tanong ni Keith sa akin habang ang twalya niya sa balikat.

"Bakit ba kasi ang slow mo?" napabuntong hininga ako, "Hindi si Stan ang gusto ko, kundi ikaw."

Nagulat si Keith sa sinabi ko at nagulat din ako kaya dali-dali akong nagtatakbo palayo. Dun nagsimula ang 'kami'.

Naging smooth ang relationship naming dalawa at alam kong mahal na mahal ko siya kaya hindi ko inaasahan na makikipaghiwalay siya sa akin. Malapit din mag Christmas Ball noon, super excited ako kasi first Christmas party namin as lovers. I even picked out a gift for him.

Sa gym din nangyari yun. Nagpaantay siyang matapos ang praktis nila. Hinding hindi ko makakalimutan ang expression niya ng araw na yun at ang sinabi niya sa akin, "Thank you sa pag-intay."

"Wala yun. Gusto ko din naman na sabay tayong umuwi," sagot ko sa kanya ng with super saya mood.

Palabas na kami ng gym nung tumigil siya, "Hmm, Risa, may sasabihin nga pala ako sayo."

Napalingon ako sa kanya at nagulat ako nung nakita kong nakatungo siya. Kinabahan kaagad ako. "Ano yun?"

"Matagal ko na sanang gustong sabihin sayo to Risa," tumigil siya ng sandali, "Pwede bang layuan mo na ako?"

Hindi siya tumingin sa akin. At syempre nabigla ako, "Ha? Nagbibiro ka ba Keith? Anong problema? Baka naman pwede pa nating ayusin to."

Nilapitan ko siya at hinawakan ang kamay niya. Halos mangiyak na ako noon. Binitawan niya ang kamay ko at nagsalita, "Hindi ko na kaya, Risa. Nasasakal na ako sayo. Ang bilis mo magselos. Lahat ng babaeng lalapitan ko o di kaya kakausapin ko, aayawin mo. Hindi ako kagaya ni Stan na kayang itolerate ang mga ginagawa mo."

"Bakit ngayon mo lang sinabi?" laking gulat ko sa mga sinabi niya, tuluyang umiyak na ako, "Kaya kong magbago Keith. Magbabago ako kung gusto mo, wag mo lang akong iwan."

Pero iniwan pa din niya ako. Bago pa man matapos ang second year, nagtransfer na siya ng school ng wala manlang pasabi. Hindi ko siya macontact, phone man o kahit puntahan ko sa kanila. Sobrang depress ako nung Christmas ball.

So yun yung story namin ni Keith na pilit ko pa din kinakalimutan.

"Risa?" tawag sa akin ni Mia kaya bigla akong nawala sa aking pagmuni-muni.

"Ha?" tingin agad ako sa kanya, "Bakit? Anong sabi niyo?"

"Halatang may sariling mundo," wika ni Aya habang nagpapaypay, "Sabi namin, anong balak mo ngayon sa Christmas ball ngayong part ka ng committee?"

Yep. You guys heard it right, part ako ng committee. Actually, hindi naman ako yung presidente ng klase namin, si Dan talaga yun kahit wala sa itsura niya kaso nga lang. Isang malaking kaso, required na pumili ng isa pang hindi officer ng klase at hindi ko alam sa kukote ng lalaking yun at ako ang pinili.

Napaupo tuloy ako dun sa damuhan, "Ano pa nga bang magagawa ko? Edi magiging utusan ko si Dan." Sabay evil laugh pati tuloy sina Mia napatawa din.

"Mukhang okay ka na ah," pansin ni Aya at sumang-ayon naman si Mia na tumabi na din sa akin.

"Syempre naman," sagot ko sa kanila kahit alam kong hindi pa naman talaga. Mas madaling lokohin ang iba kung pati sarili mo niloloko mo din. Ganyan ako ngayon, hindi ko kayang sabihin na sobrang sakit, hindi ko na ata kaya.

Natapos din ang P.E. namin at ang iba pang subjects, gusto ko na sanang umuwi kaso hinigit ako ni Dan, "Akala mo makakatakas ka sa akin Risa? Kilala kaya kita."

Hila-hila o pwede din kala-kaladkad ako ni Dan papuntang student council conference room, "May meeting pa tayo. Hindi pwedeng ako lang. Lagi ka na lang walang ginagawa."

"Anong walang ginagawa?" reklamo ko sa kanya, mababatukan ko na tong lalaking to, "Busy kaya ako palagi."

"Busy?" tanong niya with matching tingin pa sa akin ng masama, "Busy your face. Lagi ka namang tulog."

"Che, hindi naman palagi," palusot ko pa at nakarating na din kami sa room. Pagdating namin medyo puno na kaya sa likod na kami napaupo. Wala na akong nagawa kaya naglabas na din ako ng ballpen at notebook. Nagbuntong hininga pa ako at nalaglag ang ballpen ko. Tamad na tamad akong kunin yung ballpen pero dahil hindi naman babalik sa akin ng kusa inabot ko na din ng kamay ko kaso pagkuha ko kamay ng lalaki ang nahawakan ko. Bigla naman tumugtog yung twelve days of christmas, yun kasi ang theme this Christmas Ball, talk about awkward. Pagtingala ko siya pala.

I'm so tired, but I'm thankful. Thanks for reading! Drop a comment or vote.

wickedwintercreators' thoughts