webnovel

Chapter 26 I Wish...

KAHIT inaantok pa ako, tumayo na ako at sumabay sa agahan. Actually, meryenda na siyang maituturing. Pasado alas diyes na. Sa hapag naroon si Vyra at Kuya Liam. Sinangag, sunny side-up at ham ang nakahanda.

Nagtataka akong tumingin sa dalawa. "Sino nagluto? Ang alam ko wala ang mga katulong?"

Tinuro lang ni Vyra si Kuya Liam.

"Himala, ang aga mo yata? Wala naman kayong pasok, di ba? Huwag mong sabihin na may pupuntahan ka na naman?" tanong ni Kuya Liam.

"Shut up po." Naupo na lang ako sa pwesto ko at pinaghain ang sarili.

Mayamaya, isang nakakabinging sigaw ng dalawang lalaki ang gumulantang sa buong kabahayan.

"Ano iyon?" Tumingin sa direksyon ng hagdan si Vyra. "Nasa iisang kwarto ba ang dalawang iyon? Like they woke up with– you know? I mean, bakit sabay yata silang sumigaw?" tanong ni Vyra.

"It's already past ten. What is Nico doing?" tanong naman ni Kuya Liam.

"Hay naku," pasimpleng sabi ko. "Wala pa naman ang mga katulong. Maghahanap na naman ng pagbubuntunan ng galit iyan si Kuya."

Tahimik kong tinuon ang atensyon sa kinakain ko. Hindi ko alam kung anong histura ko ngayon, but at the back of my mind, I am grinning. I am looking forward to those guys' reaction after nila ako pagkaisahan kagabi.

Habang pinagtatawanan ko ang dalawang lalaking iyon sa likod ng isip ko, ramdam ko ang mga nakakatakot na tingin ni Kuya Liam sa akin. Nilamig ako bigla. And I feel like I can't swallow my food.

"Liam, bakit parang palihim mong nilalatigo iyang kapatid mo?" tanong ni Vyra na hindi pinansin ni Kuya.

"Masyado kang pahalata, alam mo ba iyon? Ash?"

Ilang beses akong lumunok. Ito na nga bang sinasabi ko. Walang nakakaligtas kay Kuya Liam.

"Akala mo ba, hindi malalaman ng Kuya Nico mo na ikaw ang may gawa noon kapag gumising ka ng maaga? Tandaan mo, may dalawang klase ng criminal. Ang makitid ang utak na criminal, bumabalik sa crime scene para hindi mapaghalataan kahit alam na, na siya ang primary suspect. Ang isa naman, bumabalik para hangaan ang masterpiece ng krimen na ginawa niya."

Sa totoo lang, hindi ako sanay na pure tagalog kung manermon si Kuya Liam. Nakakadugo ng ilong.

"In your case, you're the first one. Idiot."

I look at him. Tinuloy niya na ang pagkain niya. Ako na walang mag-counter sa mga sinabi niya, uminom lang ng juice. "Hai hai, Metante Liam."

"Ashene Lei Castro!"

Oopsie, mukhang si Ken yata ang unang naka-recover sa ginawa ko.

Nasa hagdan siya at diretso ang matalim niyang tingin sa akin. Nakasuot lang siya ng robe at bumababa ng hagdan, still not leaving my gaze. Hindi ako papatalo, kaya nakipagtalasan din ako ng tingin. Ni hindi niya man lang yata napapansin na kasama ko sa hapag sina Vyra at Kuya Liam.

Namumula ang mukha niya. Obviously, dahil sa galit. Pati ang mga braso niya dahil sa hapdi.

"Look what you've done, Ash! You will be responsible for this," asik niya.

Ang kapal ng mukha niya, sobra. Well, I will keep my cool and play safe as much as possible. Magalit siya hanggang sa mag-walk out siya. Hindi siya welcome dito in the first place!

"Paano mo naman nasabi na ako ang may gawa niyan sa iyo?" tanong ko at kumain ng isang subo ng sinigang.

"Ash, matalino ka."

Nagsimula siyang maglakad papunta sa likod ko. Ramdam ko ang pagtaas ng balahibo ko nang hawakan niya ang sandalan ng upuan ko.

"This prank? Only you can pull this. I remember the first time you did this when we were in the hotel."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya kaya mabilis akong tumayo, hinarap siya at tinakpan ang bibig niya. It is not something to bring up.

Bukod sa isang malaking kahihiyan iyon sa buhay ko, for pete's sake uulitin ko, we are no longer together! So why reminisce? This jerk is so shameless!

"Ashene Lei Castro! Your heartless sister, how– oh! Am I interrupting something?"

I look at Kuya Nico with gritted teeth. Sana mapansin niya na hindi nakakatuwa ang mga sinasabi niya.

Nakasuot rin siya ng robe, pulang pula ang balat at prenteng nakaupo sa dulo ng mesa.

"Go on. Don't mind me. I am just a passerby. But let me watch a little longer."

Natauhan ako sa sinabi niya. Pagtingin ko kay Ken, tinatakpan ko pa rin hanggang ngayon ang bibig niya at ang lapit-lapit ng mukha ko sa kanya. Kung wala lang siguro ang kamay ko, magkadikit na ngayon ang mga labi namin. Agad ko iyon inalis.

"Ang boring mo naman, Sis. Kung ako sa iyo, sinasakal ko na iyan."

"Nico!" sigaw ni Kuya Liam mula sa second floor.

Hindi ko man lang napansin na tapos na sila kumain at umalis na. I am so occupied with this jerk and that freaking memory he just mentioned.

Hmp! Buti nga kay Kuya Nico, siya naman ngayon ang pagagalitan. I smirked at Kuya Nico and I send a message to him through that smirk saying, "lagot ka. Wala kang allowance." But the next words of Kuya Liam surprised the hell out of me.

"Iniistorbo mo iyang dalawa. Umalis na nga kami ni Elvyra. Give them some private time."

"I hate them," I mumbled.

"Ok, ito na. Aalis na," balik na sigaw ni Kuya Nico.

Nakatingin lang ako sa kanya habang naglalakad siya palayo. Gusto kong sabihin na mali ang iniisip nila. At isa pa, why are they leaving me with this jerk? Hindi ba nila naalala na minsan na akong umiyak na parang baliw dahil sa gagong ito?

"I want a niece!" sigaw ulit ni Kuya Liam bago umalingawngaw ang tunog ng pagsara ng pinto.

Nanahimik ang buong paligid. Naiiyak na rin ako sa mga nangyayari. Alam nila na wala na kami ni Ken, kaya ano itong mga pinagsasasabi nila? Mukhang mas kampi pa sila kay Ken. They are being unfair!

First, si Vyra, ngayon naman si Ken. Ano na lang ako sa kanila? Burden? Just say so!

I know I am acting like an immature spoiled brat whose toys are taken away from me, pero kasi…

"Hey, you heard Kuya Liam. He wants a niece."

John Kenneth Guzman.

This is all his fault. Nagmumukhang ako ang may kasalanan sa harap ng mga kapatid ko when this jerk is around. Mas pipiliin nila na paniwalaan siya kaysa sa akin.

"Get lost," madiin kong sabi.

Naiinis ako. Alam kong maliit lang na bagay ito pero naiinis ako. Mababaw na kung mababaw. Walang kwenta kung walang kwenta. Pero kapag si Kenneth ang dahilan, kumukulo ang dugo ko kahit simpleng bagay lang.

Bakit nga ba? Bakit para yatang masyado kong binibigyan ng importansya ang mga bagay na may kinalaman kay Ken? Dapat ignore na lang ako, di ba? Wala na akong pakialam, pero bakit? Dahil ba sa sinabi niya kagabi?

Hindi!

Hindi dapat ako nagpapadala sa mga sweet words nya. Masasaktan lang ako.

Kailangan kong lumayo sa kanya. Ayaw ko siyang makita. Hindi ko namalayan, narito na ako sa kwarto ko at inaalala lahat ng masasayang araw na kasama ko si Ken. Hindi ko rin namalayan na umiiyak ulit ako at binubulong sa hangin ang mga katagang "sana, kami na lang ulit."