webnovel

1st

"Yvanna Stella Gaumond!"

"Present, ma'am!"

"Hayop, di ko pa natatapos painting ko," bulong saakin ng bestfriend kong bading na si Cristopher Villanueva.

Tiningnan ko siya, "Ano ba kaseng ginawa mo kagabi? Ba't di mo tinapos?"

Ngumisi siya, "Pumunta ko Casa de Amigos. Naghahanap ako fafi tas 'yon uminom,"

Inirapan ko siya, "Yan. Inom pa, tae ka." Tumawa ako. "Mas maraming fafi sa Club Echelon, gaga. Sino ba kasama mo kagabi?" Tanong ko habang inaayos gamit ko dahil dismissed na ang klase.

"Sila Haniezyn at Shanley."

Nanlaki mata ko, "Mga gago, di man lang nag-aya!"

Inirapan ako ng bading, "Siraulo, nag-aya kami. Ayaw mo sumama kase tatapusin mo painting mo,"

Tumayo ako, "Tara na nga, sunduin natin si Haniezyn sa school niya. Tatawagan ko lang si Shanley,"

Tumayo na din si Cris at sabay kaming lumabas ng classroom. Nasa Fine Arts building kami. Papunta sa cafeteria kung saan kami magkikita ni Shanley. Tinawagan ko naman na siya at sinabing don kami magkikita.

"Sayang talaga di ka nag Psychology, gusto mo 'yon diba?" Sabi ko kay Cris.

"Jusko, bakla. Fine Arts gusto ng magulang ko kase mababantayan mo 'ko. Alam mo naman, taga Eden ako. Ikaw nga, gusto mo mag-legal management pero di ka pinayagan eh." Aniya.

"Gago, walang personalan! Atsaka, mahilig din naman ako sa arts ah? Okay narin 'yon,"

Nakarating na kami sa cafeteria at nakita ko si Shanley na may kausap na lalaki. Tumaas kilay ko. Sino kaya 'yon? She barely talk to boys. Man hater 'yon eh.

Papunta na kami sakanya nung umalis 'yong lalaki at tumayo na rin siya para salubungin kami.

"Hoy, sino 'yon?" tanong ko sakanya.

"Classmate ko sa oral communication. Nacontact niyo na ba pinsan ko? Di ko matawagan eh,"

"Di pa, hintay nalang tayo sa labas. Malapit naman na dismissal niya eh." Sabi ko and when I looked at the time, it's already 3:40pm. 4pm dismissal non eh.

"Tara, ilakad nalang natin papuntang Matina Town Square tas tawid nalang tayo para makasakay tayo ng tricycle sa may AdDU," Sabi ni Cris. Tumango nalang ako at nagsimulang maglakad.

"Punta tayo SM Ecoland? Bibili ako materials eh," Tumango lang silang dalawa at tinawagan si Haniezyn.

Malapit na kami sa Matina Town Square nung may nakabangga akong lalaki, "Omg! Sorry!"

"Be careful, miss." Ani ng lalaki at nagpatuloy maglakad kasama ng mga barkada niya.

"Luh, pogi yung nakabangga mo ah," Sinisiko ako ni Cris. "Taga MAPUA pa! Engineering!"

"Landi mo, umayos ka nga," sabi ko sakanya.

"Sabi sainyo dito na tayo nakain sa MTS eh, daming taga MAPUA dito na fafi!" sabi ni Cris.

"Umayos ka, bakla, may maayos na pagkain sa UM, dito pa sa MTS gusto mo?" tumawa ako at nagsimulang tumawid.

"Mas masarap naman kasi dito, our eyes and tummy would be full everyday," Sabi niya. Tumawa nalang kami.

Sumakay na kami sa may tricycle at sinabing sa may St. John Paul II College lang kami. Malapit lang naman talaga, kaso tinatamad kaming maglakad kaya bahala na yung syete pesos.

Bumaba na kami ng tricycle at nakita naming nakatayo si Haniezyn sa may gate ng school, Nakapang-nursing na uniform.

"Hoy! Di ka namin ma-contact!" sabi ko kaagad sakanya.

"Siguro may klase ako 'no?" sabay irap niya. "By the way, do you have an extra shirt? Ako lang naka-uniform eh,"

Tumawa lang kami. Naka-civilian lang kase kami sa school namin unlike sa pinapasukan niyang school na kailangang mag uniform. Well, diyan naman talaga kami nag Senior High. Lumipat lang. Meanwhile Haniezyn, napaka loyal.

"Btw, SM muna tayo. I'm hungry," Ani Shanley. Tumango naman kami at dumeretso sa may Trust kung saan mayroong mga nakaparada na tricycle.

Nung makarating kami sa SM, pumunta kami sa McDonalds, tas dumeretso na kami doon sa usual spot namin kasi wala naman masyadong pumupuntang tao doon dahil nasa pinaka-likod.

"Kayo na umorder," sabi ko kay Shanley at Cris at binigay na namin 'yong pera namin. Nung umalis na sila, I noticed someone just beside our table. Naka-MAPUA na shirt with a word "Engineering" printed on it.

"Pst, isn't that the guy whom I bumped in to?" tanong ko.

"Huh? Sino?" nagtatakang tanong ni Haniezyn.

Natawa nalang ako, "De, tanga ko. Wala ka pa pala non," sabi ko.

Tumango lang siya nang napansin kong parang may hinahanap siya sa bag niya. "Hoy, hinahanap mo?"

"Notes," tipid niyang sagot. Tumango na lang ako. Gutom to, sigurado.

Inaayos ko yung bag ko nang dumating na sila Shanley at Cris na dala ang mga pagkain namin. "Pst, tingnan niyo sa gilid niyo," sabi ko sakanila.

"Bakit?" sabay lingon nilang dalawa, tas sabay ngumisi. "Yan yung nakabangga mo kanina diba?" Tanong ni Cris. Tumango ako.

"Fafi talaga," Sabi niya. Nagulat nalang kami ng nilakasan niya boses niya at sinabing, "Pogi talaga ng mga nag-Engineering!"

Napalingon tuloy sila saamin! Tae talaga ng bading na to. Mabilis na tinuro ni Shanley si Cris. Tumawa lang naman si Cris.

"Di mo ba bet 'yung nakabangga mo, Yva? Pogi kaya," Ani Cris.

"Di ah! Di ko nga kilala yan eh,"

"Ah, gusto mo hingiin ko ng number at pangalan niya?" sabay tawa ni Cris.

"Tumigil nga kayo, kain na tayo. Nagugutom na talaga ko," sabi ni Haniezyn.

Nag-dasal na kami at nagsimulang kumain ng napansin naming papunta sa likod namin 'yung isang lalaki galing sa grupo nila. Washing area kasi yun eh.

"Hingiin kaya natin facebook nila?" Sabi ni Cris.

"Tumigil ka na nga! Umayos ka, napaka-kulit mo," sabi ko. Siraulo talaga.

Di pa kami natapos kumain ng umalis na yung grupo ng mga Engineering students. Feeling ko maga-arcade pa yon sa may Annex eh.

"Sayang, 'di natin nahinge 'yong number, kahit yung nakabangga mo lang kanina, Yva." Sambit ni Shanley, isa pa 'to.

"'Kala ko ba man hater ka?"

"Excemption 'yon, pogi eh." ngumisi siya. Umiling nalang ako.

"Mga baliw, samahan niyo 'ko national bookstore, ah? Kailangan ko bumili materials eh." sabi ko.

Tumango lang naman mga magagaling kong kaibigan.

Mag-5:20pm na nung naisipan naming tumayo na at pumunta 'don sa bookstore. Pag-yuko ko, may nakita kong papel na naka-fold. I got curious, kaya kinuha ko at binasa ang nakalagay.

Isaac Gabriel Cardinal

09** *** ****

MAPUA - Engineering

"Hoy, ano yan?" Tanong sa'kin ni Shanley na katabi ko lang at sinilip 'yung papel.

"Hala, gago! Kaya pala napunta 'yong lalaki sa likod kanina?"

"Aba, para-paraan ah. Effective pagpaparinig ko," sabay tawa ni Cris.

Nilagay ko nalang sa bulsa ko 'yong papel, "Tumigil na nga kayo, tara na sa NBS," sabi ko at lumabas na kami ng McDo.

7PM nung nakauwi na kami. Nasa dining table sila mommy at daddy, kumakain ng dinner. I kissed them both sa cheeks.

"Hello, dear. Kumain ka na ba?" Tanong ni mommy.

"Yes, my. Kasama ko po friends ko," Tumango lang naman siya.

"Yva, do you have anything to do on Saturday? You have a training. And I'm thinking about giving you Colt Paterson Revolver as a gift after you trained for Eagle Essence. Is that okay with you?"

"Dad, I badly want that 6 inch derringer. Have you found someone who is selling it? I was told that it's sold out already,"

"Let's talk about that after you trained for Eagle Essence." sabi ni mommy.

"Yup, I'll go upstairs na. May gagawin pa 'ko eh. Goodnight mom and dad," sabi ko and kissed them both sa cheeks again.

Umakyat nako papunta sa kwarto ko pagkatapos.

Agad akong nagpalit ng damit at pinagpatuloy yung homeworks ko nung may tumunog sa laptop ko na galing sa facebook.

Pag-click ko, may nag-friend request.

Isaac Cardinal sent you a friend request.

Luh? how the heck did he knew my facebook account when he doesn't even know my name in the first place?

Agad kong inaccept friend request niya, and to my surprise, he sent me a message.

Isaac Cardinal

Hi. Nahulog mo ID mo.

--------

thanks.