webnovel

Sisterets

Tropang Past: Enchanted Adventure 2

Patuloy ang bakbakan. Kapwa nalalagasan ang bawat kampo.

"Arien, umalis ka na at gawin ang misyon. Itakas mo na din si Prinsipe Renzo.", utos ni reyna Annie.

"Opo mahal na reyna.", tugon ni Arien.

Sa pagbalikwas niya ay nakaharang pala sa kanya si Jomarie. Agad siyang sinakal nito.

"Sa tingin mo ba'y makakatakas ka pa? Hindi na. Isasama kita sa mga..." Putol ng salamangkerong bihasa sa mga baraha dahil bumalabag siya bunsod ng isang malakas na pagtirang gawa ng tatlong magkakapatid -- si Chona, Mary Anne at Melody.

"Tumakas ka na Dama Arien. Kami na ang bahala sa pangahas na ito.", ani Chona.

Agad namang kumaripas ng takbo si Arien at nagtungo sa silid ng prinsipe Renzo.

Lalapitan na sana ng tatlo si Jomarie ngunit may mga umaatake biglang mga Eklaboo. Ngunit maagap naman ang tatlo at agad nilang napasabog ang mga iyon sa magkakasunod lamang na hampas ng kanilang mga mahiwagang pamaypay.

Tapos ay nasipatan ni Melody na sinundan ni Jomarie si Arien kaya walang anu nyang hinagis ang kanyang pamaypay ala boomerang. Tinamaan ang inasinta niya at tumumba. Tapos ay agad niyang pinuntahan pagkabalik ng armas.

Patuloy naman sa pakikipaglaban sina Chona at Mary Anne. Nagtalikuran sila nang mapabagsak ang ilang mga Eklaboo.

"Kaunti na lamang sila. Ganto ang gawin natin.", si Mary Anne.

"Sige ano yon?"

"Dito ka sa loob at protektahan ang mahal na hari at reyna. Lalabas ako dahil mas madami doon. Para mahanap ko din si ama."

"Walang kaso. Kayang-kaya ko ang mga ito."

Tumakbo na nga palabas si Mary Anne. Si Chona naman ay inihagis pataas ang sandata sabay inunat ang mga kamay kung saan ang pamaypay ay bumukas saka mabilis na umiikot sa ere patungo sa mga direksyong ituro ng kamay niya. At iyon ang nagpabagsak sa mga Eklaboo sa loob ng palasyo.

Pagbalik sa kamay niya ng sandata ay tumingin sya sa hari at reyna at ngumiting nagpagpag ng mga kamay. Pero bigla ding naglaho ang kanyang ngiti nang masipatan ang kalagayan ni Melody sa kamay ni Jomarie.

Halos magpalitan ng tira ang dalawa. At bumabalibag kapwa sila sa kanilang mga malalakas na tira. Bagay na inis na inis si Jomarie dahil batid niyang nakakalayo na si Arien.

Next chapter