webnovel

Lagot

Tropang Past: Enchanted Adventure 5

Pagkakuha sa salamangkadong susi ay hinila na ni Arien ang prinsipe. Nagmamadali ang bawat nilang hakbang kung saan ang prinsipe ay wala ng magawa kundi umayon na lang.

Napatigil sila nang makaabot sa main door ng palasyo sapagkat doon ay tumambad ang pagkakabihag sa amang hari at reyna. Agad hinatak pabalik ng Dama sa loob upang humanap sana ng ibang ruta ang binatilyo. Ngunit ang prinsipe ay sumigaw dahilan para makita sila ng mga kalaban.

"Ama! Ina!"

"Di pa pala kayo nakakalayo. Lagot kayo ngayon sa akin.", ngisi ni Jomarie sabay bunsol sa reyna at bigay sa isang alagad na dala ng kanyang kasamang si Xerxes. "Dalhin mo yan sa kuta. Igapos at bantayan ng mabuti.", sabay kilos para habulin ang noo'y nagsimula ng kumaripas na dama at prinsipe.

"Hindi tayo pwedeng umalis. Bihag ng mga kalaban ang aking amang hari at inang reyna."

"Basta takbo lang nang takbo! Kailangan nating makalayo. Hindi pwedeng makuha ka din  nila.", madiin na sabi ng Dama habang hindi inaalis ang tingin sa direksyong tinatahak hawak hawak ang kamay ng prinsipe.

"Pero Dama..."

"Maaari bang tumahimik ka muna at ituon din ang isipan mo sa pagtakas? Wag mo ng dagdagan pa ang aalalahanin ng iyong mga magulang. Sundin na lang natin ang utos nilang ilayo ka at dalhin sa ligtas na lugar."

"Saan naman ang ligtas na lugar na tinutukoy mo? Saan ba tayo pupuntahan?"

"Hindi ko pa din alam! Tama na muna ang satsat sabi!"

At nakalabas na nga sila sa pamamagitan ng pagdaan sa likod na pinto. Ngunit doon naman pala ay nakasalubong na ang tusong si Jomarie.

"Hanggang diyan ka na lang Arien. Kayo ng prinsipe.", at lumabas na ang mga baraha sa pagitan ng mga daliri nito.

At may dinukot na kung ano sa suot na supot ang dama. Nang aktong titira na ang kalaban ay saka niya hinulog iyon para sumabog at lumikha ng makapal na usok para makatakas sila ng prinsipe.

Samantala, nilipad na ng mga Shokorot (mga alagad ni Xerxes na may katangian ng mga balang) ang hari at reyna at nagpatuloy na ang bakbakan.

"Kainis naman. Bakit sobrang dami ng mga ito.", reklamo ni Mary Anne.

"Oo nga. Paano ang hari at reyna?", si Melody.

"At sina Dama at prinsipe Renzo?", si Chona.