webnovel

Buksan

Tropang Past: Enchanted Adventure 8

Nagising na din si Dama Arien. Ngunit hindi na muna niya ginising ang mahal na prinsipe na sa wari niya ay lubhang napagod.

Sa pagbangon niya ay minasdan niyang mabuti ang paligid. At naglakadlakad. Ginamit niya ang kapangyarihan niya upang bigyan ng anyo ang lugar. Tinipon nya ang mga maliliit na bato at paikot na pinagpapatong sa isang banda. At iyon ang nagsilbing balon ng tubig. Pinalaki din niya ang ilang halaman at naging malulusog na puno. Madami pa siyang ginawa na labis na kinaganda ng isla.

Tapos ay naupo siya sa itaas ng batong kanina'y nagsilbi niyang pahingaan. Doon siya ay taimtim na nagnilay. Nililipad ng hangin ang kanyang buhok at suot.

Ilang minuto o oras din siya sa ginagawa bago magising si prinsipe Renzo na laking napaatras pa nang makita sya.

"Ano'ng ginagawa ni Dama? Kinakausap na naman ba niya ang bathalang Edel?"

Tapos ay nakita nito na tinaas ni Dama Arien ang mga kamay niya na nakadaop parang nananalangin.

"Bathalang Edel, nagsusumamo ako. Para sa kaharian ng Ventreo at nang buong lupain ng Postalex na nasa panganib at nangangambang mapasakamay ng mga kalaban, hinihiling ko ng buong kababaang loob ang inyong paggabay at pagtulong sa akin na matupad ang aking misyon. Tulutan niyo nawa ako mahabaging bathala na mahanap ang kinaroroonan ng mga tinutukoy na sugo ng propesiya. Tulungan niyo akong maipon sila at masanay para maging ganap na tagapagligtas ng ating daigdig. Tulungan niyo ako upang maibalik ang balanse ng mundo. Basbasan niyo ako at ang mahal na prinsipe sa paglalakbay namin sa mundo ng mga tao na isasagawa din po namin sa lalong madaling panahon."

At nagbukas na ng mata ang Dama. Tumambad sa kanya ang prinsipe. Nakangiti ito.

"Kanina ka pa ba gising?"

"Medyo. At sa tingin ko kailangan na nating humayo. Tara na Dama. Maglakbay na tayo bago pa biglang maabutan na naman nung habol nang habol sa atin."

"Mabuti pa nga. Sobrang tuso pa naman ng hayop na Jomarie na yon."

Bumaba na sa bato ang Dama. Tumapat siya sa mga puno. Kinuha ang susi sa kanyang supot at tinapat iyon sa pagitan ng mga puno.

"Mahiwagang susi ng Postalex, buksan mo ang lagusan patungong mundo ng mga tao!"

Next chapter