webnovel

SIMULA

"Lei, pwede na ba kitang ligawan?" nakangiting tanong ng binatang si Triton sa kaharap niyang dalaga.

Nangungusap naman ang mga mata ng dalaga na napatingin sa kanya.

"Triton, sorry."

"Sorry? Para saan?" naguguluhang tanong ng binata sa kanya.

"Sorry kasi hindi na puwede." napayuko naman siya nang sabihin niya iyon.

"P-paanong hindi na puwede, Lei? Akala ko ba puwede na kitang ligawan ngayong eighteen ka na?" nagkaroon naman ng dalawang guhit sa noo si Triton nang muli niyang tanungin ang dalaga.

"Lei, please tell me the reason kung bakit hindi na kita puwedeng ligawan. May nagawa ba akong mali? Nagkulang ba ako? Ano, Lei? Sabihin mo sa akin." nagmamakaawang saad nito.

"Triton, wala kang nagawang mali. At higit sa lahat hindi ka rin nagkulang." pinipigilan ni Lei ang kanyang mga luha na huwag bumagsak ngunit taksil ang mga ito at nagsilandas sila sa kanyang pisngi.

Nataranta naman ang binata kaya agad itong lumapit sa kanya at pinunasan ang kanyang basang pisngi.

"Kung wala akong nagawang mali at hindi ako nagkulang sa'yo. Bakit hindi na puwede, Lei?" mahinahong tanong nito sa kanya.

Walang lumabas na mga salita sa kanyang bibig at patuloy pa rin siya sa pag-iyak.

"Bakit ka umiiyak, Lei?"

Inangat naman niya ang kanyang ulo at tiningnan niya ng mabuti ang binata.

"Sorry, Triton. Sana mapatawad mo ako. I'm so sorry." saad niya habang tumutulo ang kanyang mga luha na nakatingin sa mga mata ng binata.

Agad namang nakuha ni Triton ang ibig sabihin ng dalaga sa paghingi nito ng sorry sa kanya.

"Bakit may iba na ba?" tanong ng binata sa kanya.

Makikita mo sa mga mata ni Triton ang sakit na nararamdaman niya nang tumango ang dalaga sa kanya.

"I'm sorry, Triton."

©BlackPhoenixxxx