webnovel

Chapter 16

Triton's Point of View

Noong araw na nakatanggap ako ng mensahe at mga litrato namin ni Shania habang naghahalikan sa isang hindi kilalang tao ay na balot ako ng takot. Kagaya na lamang ngayon.

Paano kung malaman ni Lei?

Paano kung makarating sa kanya ang mga litrato na iyon?

May mukha pa ba akong ihaharap sa kanya pag nalaman niya?

Okupado ang isip ko habang papasok ako ngayon sa eskwelahan. Inaalala ko kasi kung anong pwede kong sabihin kay Lei kapag magtatanong siya mamaya. Alam ko na ngayon ay nakita na siguro nito ang litrato namin ni Shania na naghahalikan. Iyon kasi ang huling mensahe na natanggap ko sa nagpadala ng mga litrato sa akin kahapon.

Pagpasok ko sa school gate ay natigil naman ako sa paglalakad ng isang kamay ang pumulupot sa braso ko kaya tiningnan ko kung sino ito.

May matamis na ngiti sa kanyang mga labi habang nakatingin ito ngayon sa akin.

"Good morning!" bati nito.

Inalis ko naman ang kamay niya na nakapulupot sa akin at lumayo ako sa kanya.

"What are you doing?" inis na tanong ko sa kanya. Mamaya may makakita na naman sa amin at kunan kami ng litrato.

Umiling lang naman ito bilang sagot sa tanong ko.

Napaiiling na lamang ako sa inasta niya kaya naman pinagpatuloy ko na lamang ang paglalakad. Hindi na ako nagulat nang sumabay ito sa akin.

"How's Lei?" rinig na tanong nito sa akin. "wala ba siyang tinatanong sa'yo?"

Napaisip naman ako sa tanong niya. Naalala ko tuloy ang biglaang pagtawag sa akin ni Lei kahapon. Iyon ang unang beses na tinawagan niya ako kaya naman sobrang lakas ng kabog nag dibdib ko nang makita ko ang pangalan niya sa screen ng cellphone ko.

"Lei? This is the first time you call me. Are you okay? What's wrong?" kinakabahan na tanong ko sa kanya sa kabilang linya.

Nakita na niya kaya ang litrato namin ni Shania kaya naman napatawag siya?

"Nothing."

"Nothing? Come on, Lei. Tell me. Did something happened?"

Please, Lei sabihin mo sa akin na walang nangyari, na hindi mo pa nakita ang litrato namin ni Shania habang naghahalikan.

Ilang segundo pa ang lumipas pero wala akong narinig na sagot mula sa kanya kaya naman ako na ang nagsalita.

"Lei?" pagkasabi ko iyon ay pinatay na nito ang tawag kaya naman agad kong pinindot ang message at nagsimula ng magtipa ng aking sasabihin sa kanya.

"Triton?" napalingon naman ako sa katabi ko nang marinig ko ang boses niya. "Are you okay? Bigla ka na lang tumahimik." dagdag nito.

"I'm okay." maiksing sagot ko sa kanya at naglakad na paakyat ng hagdan.

Habang paakyat kaming dalawa sa hagdan ay walang nagsasalita sa amin hanggang sa makarinig kami ng mga sigaw mula sa taas kaya naman nagkatinginan kaming dalawa. Boses iyon ni Lei.

"Hindi lang kita kakalbuhin. Tatanggalan kita ng ulo! Sabihin mo nga sa akin, sinadya mo akong banggain kanina dahil narinig mo iyong sinasabi ko, no?"

"No! Stop! Ang sakit na ng anit ko!"

"Sino ang kaaway niya?" tanong ko kay Shania nang makarinig ako ng boses ng lalaki.

"I don't know."

Agad naman akong tumakbo patungo kung saan nagmumula ang ingay at sumunod naman sa akin si Shania.

Natigilan ako at si Shania nang makita namin si Lei na may sinasabunutang lalaki.

Sino ang lalaking iyon?

Nakatalikod kasi ang lalaki sa amin kaya hindi ko makita ang mukha nito.

"Hindi ako titigil hanggat hindi ka nakakalbo!" sigaw ni Lei sa kaharap nitong lalaki at akmang hihilain na naman nito ang buhok ng lalaki nang mapatingin siya sa gawi ko at nakita kong nagulat siya kaya naman agad niyang binitawan ang buhok ng lalaking nasa harap nito.

"Buti naman at binitawan mo na ang buhok ko?" rinig kong sambit ng lalaking kaharap nito habang nag-aayos ito ng buhok.

"Lei, who is he?" tanong ko sa kanya habang nakatingin ako sa kanyang mga mata.

Hindi naman ako sinagot ni Lei at tiningnan lamang niya ang lalaking kaharap nito.

Sino ba kasi ang lalaking ito at hindi na ako makapaghintay na makita ang mukha na.

"I'm Damon Sy." napatingin naman ako sa mukha ng lalaking sinasabunutan kanina ni Lei at ngayon ay humarap na ito sa akin. "Lei's fia-"

"Friend. Yes, he's my friend." napatingin naman ako kay Lei habang nakatingin ito sa katabi niyang Damon daw ang pangalan.

"Magkaibigan kayo?" paninigurado ko at saka tiningnan muli si Damon.

"Oo, simula pagkabata magkaibigan na kami ni Lei. Hindi ba Lei?" naikuyom ko naman ang kamay ko nang makita ko ang kamay ni Damon na umakbay sa balikat ni Lei.

"Ah, oo." pagsang-ayon ni Lei sa kanya.

Don't touch her! She's mine! Gusto kong isigaw ang mga katagang iyan sa mukha ni Damon pero pinigilan ko ang sarili ko.

"Bakit parang hindi ko siya kilala, Lei? Hindi mo siya nabanggit sa akin." liningon ko naman ang nasa tabi ko. Si Shania.

Anong ibig niyang sabihin na hindi niya kilala si Damon? Akala ko ba simula pagkabata magkaibigan na sila ni Lei kaya bakit hindi niya kilala si Damon?

"Hindi mo talaga kilala si Damon, Shania kasi sa Canada na siya lumaki. 'Di ba, Damon?" binalingan ko ng tingin ang dalawang nasa harapan ko ngayon.

May kakaiba sa mga kinikilos nila. Base sa mukha ngayon ni Lei ay alam kong may itinatago ito ngayon.

"Five years old pa lang ako noong nag-migrate ang family ko sa Canada then noong sixteen ako ay bumalik kami rito sa Pilipinas." kwento ni Damon sa amin.

Gusto kong tumawa sa kwento niya dahil halata namang hindi totoo ang mga sinasabi niya. Habang nagkwekwento siya kanina ay hindi siya mapakali kaya alam kong nagsisinungaling lang ito.

"Bakit bumalik kayo ng Pilipinas?" tanong na naman sa kanya ni Shania.

Hindi na nasagot ni Damon ang tanong niya dahil tumunig na ang school bell hudyat na magsisimula na ang klase.

"Mamaya na lang ulit. Nice meeting you guys." paalam niyo at tumakbo na ito paalis.

Napa-iling na lamang ako habang nakatingin sa papalayong pigura ng lalaking iyon. Nang wala na sa paningin ko si Damon ay dumako naman ang mga mata ko sa babaeng nasa harapan ko. Si Lei.

"Tara na." tawag ko sa dalawa at nagsimula na akong maglakad.

Ang akala ko si Lei ang sumunod sa akin pero nagulat ako nang makita ko si Shania sa tabi ko habang naglalakad patungong classroom.

Sinenyasan ko naman siya gamit ang mga mata ko na lumayo siya sa akin at tawagin si Lei.

"Hindi ba mahilig ka sa K-drama, Triton?" tanong sa akin ni Shania.

Naihilamos ko na lamang ang mga palad ko sa mukha ko.

"Mahilig ka sa mga mystery, right? Try to watch Memorist! It's super ganda at bago lang!"

Nilingon ko na naman si Lei na nasa likuran namin. Nakasunod lang siya sa amin habang sa sahig ang kanyang tingin.

"Triton!" nagulat naman ako nang bigla akong hinampas sa braso ni Shania. "Hindi ka naman nakikinig e!"

Hindi ko na lamang siya pinansin at tumigil ako sa paglalakad at tinawag si Lei.

"Lei..." inangat naman niya ang kanyang ulo at napatingin ito sa akin. "bakit ba nandiyan ka sa likod namin? Halika ka rito. " tawag ko sa kanya sa tabi ko pero umiling lang siya.

"Okay lang ako rito. Sige, usap lang kayo." sagot nito at saka niya ako nginitian.

Okay lang para kay Lei na mag-usap pa rin kami ni Shania? Ibig sabihin ba niyan hindi niya pa alam ang tungkol sa nangyari sa amin ni Shania? Hindi niya alam ang tungkol sa picture na naghahalikan kami ni Shania?

"Sure ka, Lei?" tanong naman sa kanya ni Shania. "Lika na rito sa tabi ko."

"Hindi, okay lang talaga ako." nginitian niya si Shania.

"Okay ka lang ba talaga, Lei?" paninigurado ko. Baka kasi mamaya hindi pala talaga siya okay.

Tumango lang naman siya sa akin kaya naman tumalikod na ako at nagsimula na akong maglakad kasabay si Shania.

Nang makarating kami sa classroom ay agad ko namang hinanap si Apollo. Kailangan ko siyang makausap. I need his advice.

Nakita ko naman agad siya. Nakapikit ang nga mata nito habang Nakaupo sa kanyang upuan habang may headphone na nakalagay sa kanyang tainga. Nilapitan ko naman ito at agad na tinanggal ang headphone na suot niya.

"Anong kailangan mo?" umupo ito ng maayos at nilagay nito sa kanyang leeg ang headphone na tinanggal ko sa tainga niya kanina.

"I need your advice."

Nakita ko namang kumunot ang noo niya sa sinabi ko.

"Advice?"

Tumango lang naman ako.

"May kasalanan ako kay Lei..." panimula ko at nilingon si Lei na nakaupo hindi kalayuan sa amin.

"Ano naman ang kasalanan na nagawa mo sa kanya?"

"Ano kasi..." hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang dumating na si Mrs. Tamani.

"Meron na ba si Miss Vizconde?" tanong nito sa klase at tumingin sa direksiyon ni Lei."O, mabuti naman at maaga ka ngayon? Takot ka ma-drop-out?" biro nito.

Nakita ko namang napayuko si Lei nang sabihin iyon ni Mrs. Tamani. Kahit kailan talaga mainit ang ulo ni Mrs. Tamani kay Lei at lagi niya itong pinapahiya sa klase.

"Mali pala itong aklat na nakuha ko. Sino sa inyo ang gustong kumuha ng aklat ko sa faculty?" tanong nito sa klase.

Tumayo naman si Lei at nagprisinta na siya ang kumuha ng aklat nito pero tinanggihan lang ni Mrs. Tamani

"Nevermind."

Nang sabihin iyon ni Mrs. Tamani sa kanya ay umupo na lamang ulit siya sa upuan niya. Nakita ko naman na tumayo sa kinuupuan niya si Mrs. Tamani at nagsimula itong naglakad papunta sa gitnang bahagi ng klase at doon na nagsimula ng magkwento na naman tungkol sa buhay niya.

"Ganito ba talaga pag nagkaka-edad ka na?" bulong ko sa sarili ko at napapailing na lamang.

"Kaya kung ayaw niyong magaya sa mga taong tambay lang diyan, mag-aral kayo ng mabuti. Magsumikap kayo. Hindi iyong lagi kayong na-l-late sa pagpasok sa eskwelahan at hindi nakikinig habang nagsasalita ako ngayon dito sa harapan. 'Di ba Eileithyia?" litanya ni Mrs. Tamani.

"Po?" wala sa sariling tanong naman sa kanya ni Lei pero hindi na siya sinagot pa no Mrs. Tamani.

Bakit ba lagi na lang si Lei ang binabanggit ni Mrs. Tamani sa tuwing may sasabihin ito? May galit ba siya kay Lei at ganoon na lamang ang pakikitungo ng matandang iyon kay Lei?

Napatingin naman ako sa ibang kaklase ko na ngayon ay palabas ng classroom. Vacant kasi namin ngayon dahil wala na kaming subjects na papasukan.

"Saan ka pupunta?" tanong ko naman sa kaibigan ko nang makita kong paalis na ito.

"Hospital."

"Sama mo naman ako. Gusto kong makita si Hades..."

"You can't. Kasama ko ngayon si Astraea papuntang hospital because today? I will fight for her." pagkasabi niya iyon ay naglakad na ito palabas ng classroom.

Si Astraea ay ang babaeng matagal na niyang gusto.

Nang wala na sa paningin ko si Apollo ay kinuha ko naman sa bulsa ko ang cellphone ko nang maramdaman kong nag-vibrate ito. May mensahe galing kay Shania.

From: Shania

May gagawin ka ba ngayon?

Tarang computer laboratory?

Let's have fun! <3

Nilingon ko naman siya at hindi na ako nagulat nang makita kong nakatingin ito sa akin.

'Let's go?' she mouthed.

Tinalikuran ko lang siya at ni-reply-an ang text nito kanina.

To: Shania

Stop, Shania! I have no time to play with you.

Please stop.

Ayaw ko nang madagdagan pa iyong kasalanan ko kay Lei.

Pagka-send ko iyon kay Shania at sakto namang tinawag ako ni Lei.

"Triton..."

"Hmm?" lingon ko sa kanya.

"Saan ka pala nagpunta matapos kitang iwan sa gate kahapon? Umuwi ka ba kaagad sa bahay niyo?"

Humigpit ang pagkakahawak ko sa cellphone nang marinig ko ang tanong niya.

Anong sasabihin ko?

Sasabihin ko ba sa kanya na pumunta ako sa lugar ng kaibigan niya?

Huminga na muna ako ng malalim bago ko siya sinagot.

"Hindi agad ako umuwi sa bahay..." panimula ko at saka ibinulsa ang hawak kong cellphone at naglakad ako papunta sa kinaroroonan niya. "Sa bahay nila Apollo ako dumeretso kahapon at nakipagkwentuhan sa kanya hanggang alas-syete ng gabi." pagsisinungaling ko.

Nakita ko namang lumamlam ang mga mata nito.

"Bakit mo pala natanong?" tanong ko pero nginitian niya lang ako at umiling ito.

Sorry, Lei kung kailangan kong magsinungaling sa'yo. Patawarin mo sana ako.

"Ngayon pala ang labas ni Lola sa hospital." nilingon ko siya. Nakatingin lang siya ng diretso sa harapan ng classroom.

"Talaga? Mabuti naman kung gano'n. Anong sabi ng Doctor sa kanya?"

"Mamaya ko pa malalaman. Susunduin ko siya mamaya sa hospital." sagot nito at saka may isinulat ito sa kanyang kwaderno. Hindi ko mabasa ang sinusulat niya dahil puro guhit-guhit lang ang ginagawa niya kaya naman naisipan ko na lamang siyang tanungin.

"Bakit ka pala tumawag sa akin kahapon? Iyon ang unang beses na tinawagan mo ako." tanong ko at lumapit ako sa kanya.

Mali yata ang ginawa ko dahil sobrang lapit ng mga mukha namin sa isa't isa nang lumingon ito sa akin. Kitang-kita ko ng malapitan ang maganda niyang mukha lalo na ang kanyang mapupungay na mata.

Sabay naman kaming lumayo sa isa't isa nang mapagtanto namin kung gaano kami kalapit.

"Wrong dial." sagot nito sa tanong ko kanina.

Napangisi naman ako sa sagot niya. Kahit kailan talaga hindi siya marunong magsinungaling.

"Why are you smiling?"

"Nothing. I'm just happy." sagot ko naman sa kanya.

"Happy for what?"

"I don't know. I'm just happy now."

Bakit nga ba ako nakangiti? Bakit ako masaya? Dahil siguro sa nalaman kong tinawagan ako ni Lei hindi dahil wrong dial siya kundi gusto niya ako kausapin kahapon.

Kilala ko si Lei. Hindi siya iyong babaeng nagsisinungaling, basang-basa ko na siya lalo na kaninang sinabi niyang wrong dial siya. Ang sarap pisilin ng pisngi niya kanina dahil sa sobrang pula na nito. Ganoon siya sa tuwing nagsisinungaling. Para siyang kamatis sa sobrang pula.

"Bes, Tara ngayon sa sinasabi ko sa'yo na bagong nagtitinda ng mga damit malapit sa amin?" napatingin naman ako sa babaeng lumapit sa amin. Si Shania.

"Sorry, ngayong araw kasi ma-d-dis-charge si Lola sa hospital e. Bukas na lang kaya? I promise, free ako bukas."

"I'm busy tomorrow, e. Anniversary kasi nila mama at papa bukas kaya need kong ngayon na pumunta para makabili ako ng gifts para sa kanilang dalawa." anito at umupo sa isang upuan malapit sa kay Lei. "How about you, Triton?" nagulat naman ako nang marinig ko ang pangalan ko.

"Pwede mo ba akong samahan mamaya para bumili ng gifts para sa mga magulang ko?" tanong muli nito.

Sasamahan ko ba siya?

Nilingon ko naman si Lei. Nakatingin ito sa akin. Iyong tingin niya ay parang sinasabi nito na samahan ko ang kaibigan niya kaya naman pumayag na lamang ako.

"Sure, hindi naman ako busy mamaya."

"Talaga?"

Tumango lang naman ako.

Mabilis ang takbo ng oras at hapon na naman at uwian na. Ngayon din ang pagsama ko kay Shania para bumili ng regalo para sa mga magulang niya para bukas.

"Ingat kayo. Ingat ka sa pag-d-drive mo, Triton." tumango lang naman ako kay Lei at saka pinaandar ang motor na sakay namin ni Shania.

"Ingat ka rin. Ikumusta mo rin ako sa Lola mo." tumango lang naman siya. Ilang saglit ka ay pinaandar ko na ang motor paalis sa harap ng eskwelahan.

Nakita ko naman sa side mirror ng motor ko na hindi na nagtagal pa si Lei sa harapan ng eskwelahan at sumakay na ito sa sasakyan na kanina pa naghihintay sa kanya papuntang hospital.

Habang nasa biyahe kami ni Shania ay pansin kong sobrang lapit niya sa akin at ang higpit ng pagkakayakap niya sa bewang ko.

"Puwede bang huwag ka masyadong malapit?" sambit ko na kaming dalawa lang ang makakarinig.

Naramdaman ko namang lumayo siya at lumuwag ang pagkakayakap niya sa akin.

"I'm sorry, I thought I was going to fall. This is the first time that I ride a motor." mahinang bulong nito sa akin.

Nilingon ko lang naman siya at nakita ko kung gaano siya kabado habang nasa likuran ko kaya naman binagalan ko ang pagpapatakbo ng motor.

"Relax, you're not going to fall, okay? I'm here." sambit ko nang lingunin ko siya.

Tumango lang naman siya at nginitian niya ako.

Ilang minuto pa ang lumipas nang makarating kami sa tinutukoy ni Shania na tindahan. Isang maliit na tindahan lang iyon pero napakaraming pwedeng bilhin sa loob nito. Kahit maliit lang ang espasyo sa loob ay makikita mo pa rin kung gaano kaganda ang mga tinda sa loob nito. May mga damit, bracelet, relo, at maraming iba pa at higit sa lahat ay mura ang mga ito.

"For you." nagulat naman ako ng may itinapat si Shania sa mukha ko. Isang kwintas iyon na may pendant na infinity.

Kinuha ko naman sa kamay niya ang kwintas at tiningnan ko siya.

"Shania, please stop. Stop liking me. Hanggang kaibigan lang talaga ang kaya kong ibigay." nagmamakaawa na ako sa kanya. Ayaw kong sa huli ay may masaktan ako sa kanilang magkaibigan lalo na si Lei.

"I understand, Triton and I'm sorry for liking you. Don't worry, simula ngayong araw na ito titigil na ako sa pangungulit at pagpupumilit ko ng sarili ko sa'yo." tiningnan niya ako ng mabuti sa mga mata ko. Walang kumukurap sa aming dalawa habang nakatingin kami sa isa't isa.

Hindi ako tanga para hindi ko mabasa ang sinasabi ng mga mata niya. Mapupungay ang mga mata nitong nakatingin sa akin at may bahid ito ng lungkot at sakit.

"Alam ko naman kasi na kahit ilang beses na akong umamin sa'yo na gusto kita at pilit ko pa rin na pinipilit ang sarili ko sa'yo na ako na lang sana alam ko namang hindi mo ako magugustuhan. Wala kang pakiaalam sa akin lalo na sa nararamdaman ko. Alam kong hindi mo magawang gustuhin ako dahil may isang tao ng nagmamay-ari sa puso mo at iyon ang kaibigan ko." ngumiti ito sa akin ng tipid. "Alam kong mali na magkagusto ako sa'yo pero wala e, hindi ko kayang pigilan ang nararamdaman ko para sa'yo." para akong poste na nakatayo ngayon sa harapan niya nang makita kong may luhang lumabas sa mga mata niya.

Bakit ganoon? Nasasaktan ako habang nakikita ko siyang umiiyak ngayon sa harapan ko.

Nakita ko na lamang ang sarili ko na lumapit sa kanya at pinupunasan ang basa nitong pisngi.

"Tahan na. Huwag ka ng umiyak." pag-aalo ko sa kanya.

Nagulat naman ako sa ginawa niya. Niyakap niya ako ng mahigpit at umiyak siya sa dibdib ko.

"Shania..." tawag ko sa kanya at hinawakan siya sa balikat niya para sana ilayo siya sa akin baka kung anong isipin ng mga kasama namin sa loob ng tindahan nang magsalita ito kaya natigilan ako sa gagawin ko.

"I like you, Triton I really do." anito at niyakap ako ng mahigpit.

"I know." wika ko at saka ko naman siya tinapik sa balikat niya habang nakayakap pa rin ito sa akin.

"Thank you for liking me, Shania..."

"Akala ko ba bibili kayo ng regalo?"

Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang boses na iyon.

"Bes..." kumalas ang mga kamay ni Shania na nakayakap sa akin at tumayo ng matuwid at hinarap ang kaibigan niya na ngayon ay nasa likuran ko.

"Ano meron? Bakit magkayakap kayo?"

Dahan-dahan naman akong lumingon at hinarap siya. Kitang-kita ko kung gaano pumula ang buong mukha nito at malamig ang bawat titig nito sa akin.

"Lei..." tawag ko sa kanya at naglakad papunta sa direksiyon niya. "magpapaliwanag ako. Iyong nakita mo wala lang iyon..."

"Stop." mariing saad nito kaya hindi ko natapos ang sasabihin ko.

"Bes, magpapaliwanag ako. Walang kasalanan si Triton." lumapit sa kanya si Shania at hinawakan niya ang kamay nito pero inalis niya lang ang pagkakahawak sa kanya ni Shania.

"I thought you were my best friend?" tiningnan niya ng malamig ang kanyang kaibigan na kulang na lang ay maging yelo ito.

"And you..." napatingin siya sa akin. "I trusted you, Triton but what did you do?"

Pagkasabi niya iyon ay lumabas na ito ng tindahan kaya naman agad ko siyang sinundan.

"Triton..." natigilan naman ako sa pagbukas ng pinto nang pigilan ako ni Shania. "huwag mo muna siyang sundan."

Umiling lang naman ako at dahan-dahan kong inalis ang kamay niyang nakahawak sa akin at lumabas na ako ng tindahan.

Nakita ko naman si Lei na papasok na ng sasakyan kaya tumakbo ako para pigilan siya. Agad ko siyang hinila sa kanyang braso nang makalapit ako sa kanya at niyakap ko siya ng mahigpit.

"I'm sorry." mahinang sambit ko habang yakap ko pa rin siya.

"Ano ba!" sigaw nito at itinulak niya ako dahilan para mapaatras ako.

"Lei..." tawag ko sa kanya at akmang lalapitan ko na siya ng muli itong magsalita.

"Just stay there. Don't you dare come near me, Triton." pagbabanta nito at saka pumasok siya sa loob ng sasakyan at tuluyan na nga siyang umalis.

Napasabunot na lamang ako sa sarili kong buhok dahil sa nangyari ngayong araw. Kung hindi lang sana ako pumayag na sumama kay Shania edi sana hindi mangyayari ang rebelasyon na ito ngayon.

"Are you okay?" nilingon ko naman siya nang marinig ko ang boses nito.

"Get lost, Shania."

Pagkasabi ko iyon sa kanya ay naglakad na ako papunta sa motor ko at agad na pinaharurot ito palayo sa lugar na iyon.