webnovel

To Get Her

Terror. One word to describe CEO Sanjun Alcantara who happens to be Ethina Montoya's new boss. Sanjun has been in love with his childhood friend, Siren Sandoval, for so long that instead of just courting her, he planned a wedding proposal. And he put Ethina in charge to finalize his plan. But Siren didn't show up due to an important matter. So to save his face, the proposal meant for the love of his life was made to Ethina. How will they solve the unexpected turn of events? Can he still get her? TO GET HER is now a published book and available in all leading bookstores nationwide! Grab your copy now!

BadReminisce · General
Not enough ratings
53 Chs

"The Proposal"

Chapter 3. "The Proposal"

Ethina's POV

Pumasok ako kanina sa bago kong trabaho. First day ko rin bilang isang secretary. Itong araw na rin na 'to ang 5th anniversary namin ni Jazzsher ang long time boyfriend ko since college pa kami. Ang sabi niya may dinner date daw kami mamaya. At excited ako 'dun. Pagpasok ko sa office kanina, nakilala ko si Sir Sanjun, ang CEO at magiging boss ko. Marami akong narinig na negative feedbacks tungkol sa kanya pero di ko na lang pinansin 'yun. Inutusan niya akong pumunta sa Shang para magpareserve ng dinner para sa gagawin niyang proposal sa hindi ko namang kilalang babae. Bumili rin ako ng callalily at binigay ang sing-sing na isusuot niya sa babaeng pagbibigyan niya. Pagbalik ko ng office, hinanap ko si Jazzsher, pero ang nadatnan ko, ay isang demonyo habang kahalikan ang isang hipon, take note, sa cubicle pa. Hindi na lang kumuha ng kwarto. Nang malaman ko ang panglolokong ginagawa niya sa akin. Para akong nabuhusan ng isang timba ng tubig na may yelo at nagising sa katotohanang ginagamit niya lang ako.

Wala na ako sa mood at balak ko na lang sanang umuwi at magka-senti sa bahay habang pinapakinggan ang theme song namin ni Jazzsher, o di naman kaya uminom ng Zonrox if ever maisipan kong wakasan ang buhay ko.

Pero pagbalik ko sa office ni Sir Sanjun, nakasalubong ko siya at nakabihis na ng maayos. Pinasama niya ako sa Shang para raw may alalay siya. Ang alam ko secretary ako at hindi maid, pero wala na akong nagawa kaya sumama na lang ako.

Wala na nga ako sa katinuan ito namang si Sir Sanjun panay ang utos sa akin na i-check ang mga dapat kong i-check para sa gagawin niyang kalokohang proposal. Minsan naisip ko, sana gawin din sa akin 'yun ni Jazzsher, but after that incident? No way. Buburahin ko na lang 'yon, papasok na lang ako sa kumbento after ng contract k okay Sir Sanjun.

As the hours goes by, lutang ang isip ko nang tawagin ako ni Sir Sanjun palapit sa kanya. Kanina pa kami naghihintay dito, pero wala pa yung babae. May mga media na rin sa labas na pinagtataka ko.

And the next thing I knew, lumuhod si Sir Sanjun sa harap ko at sinabing pwede niya ba akong pakasalan. Natulala ako sa effect niya, baka naman prank ito? Kaya tinanong ko siya, hindi ko pa naman siya nagiging boyfriend, at tsaka Sir Sanjun, alam ko ang three month rule, wala pa ngang isang araw na nakipag-break ako eh.

Hindi sana ako papaya pero bigla na lamang akong hinalikan ni Sir Sanjun na nagpahinto ng oras ko. Bakit niya ginawa 'yon?

"Hoy! Kanina ka pa tulala diyan!" Natigil ako sa pag-iisip ko habang nakaupo sa sofa, narito ako sa bahay ni Sir Sanjun. Dito kami dumiretso pagkaalis namin kanina sa Shang.

"Sandali lang Sir, hindi ko pa tapos i-narrate ang nangyari kanina, pero—totoo ba ang ginawa mo kanina?" Tanong ko sa kanya. Napansin ko naman ang pagkainis sa mukha niya.

"Hoy kung iniisip mong gusto kita, nagkakamali ka!" Singhal niya sa akin. Nanglaki naman ang mata ko sa ginawa niya.

"Ang kapal, excuse me Sir ah? Dapat nga ako magsabi niyan eh, at tsaka sino bang nanghalik at lumuhod sa harap ko? Sandali nga, pwede bang paki-explain?" Sagot ko rito.

"Alam mo, sa lahat ng secretary ko, ikaw ang kakaiba, Alien ka ba?" Inis niyang tanong. Sinamaan ko naman siya ng tingin. "Ganito, hindi dumating si Siren kanina, hindi ko rin naman kasi sinabing may proposal akong gagawin. That was supposed to be a surprise, pero ako ang na-surprise, and since may secretary akong Alien, may mga median na dumating. What should I do? Kaysa masira ang reputation ko at ma-scandalo ang company, I did that shit!" Napaurong ako sa sinabi niya.

"Ano what? Shit ang tawag mo 'don?" Sigaw ko.

"Eh ano ba? Tsaka pwede ba, wag kang OA? Ganito, magpapakasal tayo, it's afake marriage, at after six months, mag-a-anull din tayo." Seryosong sabi niya.

"Ano what? Ako magpapakasal? Sayo? Di na noh! Diyan ka na nga Sir!" Sigaw ko tsaka kinuha ang shoulder bag ko at naglakad palabas ng bahay niya. Pero paglabas ko ng bahay niya, ang dami agad na flash ng camera ang bumungad sa akin. Agad kong sinara ang pinto, at tinignan si Sir Sanjun. "Ano 'yon?"

"As I expected, they're everywhere. Sa tingin mo makakalabas ka pa niyan?" Saad nito. Nag-make face naman ako sa pinagsasabi niya. Nakakainis. Paano ako uuwi nito?

Sinilip ko ulit sa bintana ang labas pero ang dami pa ring reporter. Tinignan ko si Sir Sanjun, nakaupo na siya sa sofa at binuksan ang TV.

Pagbukas niya ng TV, kami agad ang bumungad sa balita. 'Yung kanina sa Shang habang nakaluhod siya at yung parteng hinalikan niya ako ang naka-flash sa screen ng TV.

"Ugh, I can't take it anymore. This is absurd." Iiling-iling niyang sabi at tsaka pinaty ang TV.

"Oh? San ka na pupunta Sir?" Tanong ko sa kanya.

"Matutulog? Bakit?"

"Ano what?" Gulat kong sigaw.

"Will please stop that 'ano what'? ano na nga may what pa? Redundant?" Inis niyang sabi habang nakabusangot ang pagmumukha.

"Sandali lang Sir, paano ako? Paano ako uuwi? At tsaka anong gagawin natin sa kalokohang ginawa mo?" Natatarantang sabi ko.

"Ginawa ko? Hoy, first of all, ikaw ang nagtawag ng media, kaya lumaki ang gulo!"

"Ano? Hoy Sir, first of all and not of all the all of the rest, ikaw ang nagsimula nito! Sino bang nanghalik? At tsaka kung ako 'yon okay lang na indianin ako, wala namang masisirang reputation chuchu sa akin, eh ikaw? At tsaka pwede ba, tigilan mo yang sungit effect mo, para kang babaeng may dalaw!" Singhal ko sa kanya at tsaka siya tinalikuran. "Asar, ang dami pa ring tao sa labas." Ani ko habang nakamasid sa labas.

"Okay fine, let's talk about it tomorrow. Matulog ka lang diyan sa couch, bahala ka sa buhay mo." Napalingon ako sa kanya. Wala talagang kwenta.

"Grrr! Sana bangungutin ka!" Inis kong sabi habang pinagmamasdan siyang naglalakad papunta sa kwarto niya.

Hay nako, paano naman na ako nito? Bigla akong nakaramdam ng lungkot sa sarili ko. Nakakainis naman, broken hearted na nga ako. Tapos napasok pa ako sa gulong 'to. Di pa ko makauwi dahil sa kalokohan na 'to. Ano na bang gagawin ko?

Kinabukasan. Nagising ako ng maramdaman kong may yumuyugyog sa akin. Ang sarap pa nga ng tulog ko eh.

"Hoy! Gumising ka na!" Mabilis akong napatayo dahil sa narinig kong sigaw. Pagtingin ko, si Sir Sanjun, nakabihis na at papasok na sa office, napansin ko ring maliwanag na pala. "Tsk, umuwi ka na at pumasok sa office, wala ng mga reporter sa labas. Bilisan mo, may paguusapan tayo." Seryosong sabi nito't umalis agad.

Inambahan ko naman siya pag-alis niya. Naku, kung pwede lang pumaslang.

Umuwi muna ako sa bahay para maligo at magbihis. Pagpasok ko sa bahay, ang tahimik. Ako nga lang pala ang nakatira dito. Dumiretso ako sa kwarto ko, pagpasok ko, napatingin ako agad sa side table ko at nakita ang picture ni Jazzsher, biglang kumulo ang dugo ko at kinuha ang frame tsaka hinagis sa trash bin.

"Sumama ka na sa hipon mong leche ka!" Sigaw ko.

Nilibot ko pa ang tingin ko sa buong kwarto ko. Nakita ko pa yung mga ibang bagay na binigay sa akin ni Jazzsher, yung stuff toy, box ng chocolate na di ko tinapon, yung mga photo album, yung mga scrap book namin. Kinuha ko lahat ng 'yon at tinapon lahat. Mamaya ko na lang 'to susunugin.

Pero natigil ako sa paghahalungkat ko nang mapansin ko ang isang box. Ito yung box na naglalaman ng mga love letter namin ni Jazzsher noong college kami. Itong mga love letter na 'to ang witness sa relationship namin for 5 years.

Kinuha ko ang box, pero ng bibitawan ko na siya para itapon sa trash bin, hindi ko magawa. Para kasing, mahirap isang walang bahala na lang ang isang bagay na nakasanayan ko na. Ang hirap naman. Pero, niloko niya lang ako. Nakakalito naman.

Napaupo ako sa sahig at napayuko. Iiyak na sana ako ng biglang nag-ring ang phone ko. Natigil tuloy ang moment ko. Kinuha ko ang phone ko at tinignan ang panira ng pang-FAMAS kong drama scene. Si Sir Sanjun pala.

Sinagot ko agad ang phone ko.

"Yes Sir?" Tanong ko.

"Where the hell of earth are you? Marami kang gagawin ngayon!" Nailayo ko ang phone ko sa tainga ko sa pagkakasigaw ni Sir sa kabilang linya.

"Galit galit? Sandali lang po, on the way na."

"On the way? O baka naman nagdadrama ka pa diyan sa bahay mo dahil niloko ka ng boyfriend mo? If I were you, cut it out! Pumasok ka na or else I'll kill you!" Nailayo ko ulit ang phone ko kasabay ng pag-click nito gawa na pinatay na ni Sir ang tawag.

"Paano naman niya nalamang nag-dadrama ako?"

Pumunta ako agad sa office. Pagpasok ko, matalim agad ang tingin ni Sir Sanjun sa akin.

"Ano po bang mga meetings mo Sir?" Tanong ko.

"Wala, were going to prepare about our wedding."

"Ano? Pero, akala ko joke lang 'yon?"

"Joke? Huh, hoy kung iniisip mong nasa palabas ka, nagkakamali ka. Fake lang ang wedding na 'to, dahil kalat na sa buong Pilipinas ang nangyari kagabi." Paliwanag niya. Inismiran ko naman siya dahil sa kagaspangan ng ugali niya.

"Hindi ako papayag" Sabi ko.

"Anong hindi? Sa ayaw o sa gusto mo papayag ka." Utos niya. Tinignan ko naman siya ng masama.

"Bakit ba akala mo lahat ng bagay nakokontrol mo? Kung ayaw ko ayaw ko!" Singhal ko, napatayo naman siya mula sa upuan niya.

"How could shout at me like that? I'm the boss!" sigaw niya.

"Boss mo mukha mo, pwes ako na magsasabi sayo, I RESIGN!" Sigaw ko at tsaka tumalikod sa kanya. Lalabas na sana ako ng office niya ng bigla niya akong hilain. Hindi naman sinadayang na-out of balance ako kaya napahiga ako sa kanya. Napahiga naman siya sa sofa na nasa tapat ng table niya. Ngayon, nakadagan ako sa kanya habang nakahiga siya sa sofa, magkalapit ang mukha at gulat na gulat sa nangyari.

"Sanjun dear!" Sabay naman kaming napatingin sa pinto ng marinig namin ang pagbukas nito, at pagtingin namin. Isang magandang babae ang pumasok at nagulat sa nadatnan niyang posisyon namin ni Sir Sanjun. "Oh Gosh, I'm so sorry! I didn't mean to interrupt you guys! Sorry!" Agad namang lumabas ang babae.

"Sandali lang Siren!" Tinulak naman ako ni Sir Sanjun paalis sa katawan niya at hinabol yung babae. So Siren pala ang pangalan 'nun. Ano namang effect ni Sir dun?

Ilang sandali lang, bumalik na ulit si Sir Sanjun. Blangko ang mukha.

"Oy Sir, ipapasa ko na lang bukas ang resignation letter ko, sige bye!" Sabi ko rito't naglakad na palabas kaso bigla naman akong hinablot sa braso nito.

"Marry me Ethina." Nanglaki ang mata ko sa sinabi niya. Seryoso ito, at binanggit niya pa ang pangalan ko. "Marry me to make Siren jealous."

"Ano?"

"Please..." Nang tignan ko ang mukha ni Sir Sanjun, kitang kita ko ang pagmamakaawa sa mukha niya. Para bang, may kung ano sa puso at nasasaktan ako sa hitsura niya.

At doon, sinabi ko sa kanya ang isang matamis na 'Oo'.