webnovel

Walloping

Chapter 40: Walloping 

Lara's Point of View 

Nakahilata na ang karamihan kaya tinapos ko na kaagad ang paghihirap nitong lalaking pasugod pa lamang sa akin. Tumalon ako at pumaikot sa ere kasabay ang malakas na pagsipa sa mukha nito dahilan para mawalan siya ng malay. Lumakad ako palapit sa kanya at ibinaon sa kanyang lalamunan ang hawak-hawak kong patalim. Kung kaya't tumalsik sa mukha ko ang dugo nito, unti-unti na ring nagbabaha sa pulang tubig ang simentong tinatapakan ko dahil sa mga nagtatalsikang dugo mula sa kanilang leeg, doon ko sila tinira. 

Dinig ko ang pagsinghap ng isa pang natitira. 

Ito 'yung lalaking may hawak na baril kanina't tinutukan ako. Marahan akong tumayo para lingunin siya. Kitang kita mula rito kung gaano siya nanginginig habang nakatulala sa akin. 

Noong humarap ako sa kanya ay muli nanaman niyang itinutok sa akin ang kanyang baril. "H-Hu-Huwag kang lalapit sa akin!" Takot niyang udyok pero walang buhay lamang akong nakatingin sa kanya bago ako dahan-dahang humakbang palapit.

Subalit sa takot niya ay naputok niya ang baril dahilan para dumaan sa buhok ko kanyang bala. Huminto na ako na siyang mag nagpanginig sa lalaking na sa harapan ko. 

Pumikit siya nang mariin at ikinuyom ang mga kamao. Pagkatapos ay tumakbo pasugod sa akin at ipinutok ang mga natitirang baril. Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko at naka stand-by lamang. 'Di magawang tumama ang bala sa akin dahil wala sa focus ang aiming niya.

Hinagis na niya sa gilid ang baril noong bumaba na sa simento ang mismong magazine, senyales na ubos na ang bala. 

Nakarating na siya sa mismong harapan ko kasabay ang kanyang paglabas ng Dagger, bago pa man niya pwersang isaksak iyon sa akin ay inunahan ko na siya. 

Humawak ako sa pulso niya para malakas pigilan ang gagawing pananaksak sa akin, tinuhuran ko ang sikmura niya na siyang nagpalabas ng dugo sa bunganga niya, nabitawan din niya ang hawak na Dagger subalit hindi iyon ang dahilan para siya'y tumigil at akma pa niya akong susuntukin na inilagan ko naman. 

Sunod-sunod iyon, nanggigigil na tamaan ako ng kanyang mga kamao. 

Tumalon ako paatras at kumuha ng bwelo para bigyan siya ng mataas na sipa sa kanyang panga na siyang nagpatalsik sa ere. Tumalsik din ang iilan sa mga ngipin niya 'tapos ay mabigat na bumagsak sa malamig at basang simento. 

Narinig ko rin ang kaunting pag crack ng bungo niya. Ulo kasi niya ang unang tumama sa simento kaya ngayon ay hindi na niya magagawang makagalaw. 

Huminga ako nang malalim saka tumingala noong bumagsak bigla ang ambon. 

Maririnig kaagad 'yung tunog ng pagpatak ng ulan sa dugo.

Wala akong imik na nakatingin sa makulimlim na ulap bago ako unti-unting umalis sa lugar. 

*** 

HINDI AKO DUMIRETSYO sa Rouge Residence at pumunta kaagad ako sa confinement chamber ng White Stone Organization kung nasa'n si Haley.

Naligo muna ako para mawala lahat ng mga nagkalat na dugo sa aking katawan, na alam ko namang hindi pwedeng mawala-wala sa balat ko. 

Binuksan ko ang pinto at ang kapatid ko kaagad ang bumungad sa akin pagkaangat ko pa lang ng aking tingin. Nakaupo lang siya ro'n sa kanyang kama't nakasandal sa headboard habang yakap-yakap ang unan. 

Nang mapansin niya ako ay tumingala siya, laking gulat noong makita ako. 

Pumasok na ako sa loob at tumuloy sa paglalakad, automatic na nagsara ang pinto. 

Huminto ako sa harapan ni Haley at inabot ang pagkain niya. "Eat." Tipid kong sambit pero hindi niya kinuha at masama lamang siyang nakatingin sa akin. "Pumapayat ka na, Haley. Kumain k--" 

Inilayo niya ang tingin kaya napatigil ako sa sinasabi ko. "Ikaw ang kumain, wala akong gana." Pagsusungit niya na hindi ko nagawang imikan. 

Iniwan ko na lang sa side table niya 'yung dinala kong pagkain sa kanya. "Kainin mo na lang kung nagutom ka." Bilin ko at tumalikod upang umalis. Pupunta muna ako sa office ni General Royale. 

"Hey." Tumigil ako sa paglalakad pagkatawag niya. Lumingon ako sa kanya na ngayon ay nakatungo na. "Okay lang ba sila Mama?" Pangangamusta niya kay Mama kaya sandali akong napaawang-bibig na itinikum ko rin naman kaagad. 

Bumaling ako. "They're doing fine," Sagot ko. "You'll see them soon, sandali na lang 'to." Dagdag ko. 

Narinig ko ang pagkusot niya sa kanyang kumot. "Come back to us." Mahina ang pagkakasabi niya kaya hindi ko narinig. "Ate…" Tawag niya kaya muling bumigat ang pakiramdam ko. 

Umalis siya sa kama niya at patakbong naglakad palapit sa akin. Humarap ako sa kanya at laking gulat nang yakapin niya ako na siyang mas nagpalala sa nararamdaman ko. 

Nakapalupot ang mga kamay niya sa leeg ko, ilang sandali pa noong maramdaman ko ang pagbasa ng likod ko. She's crying again… 

"When will it be end?" Tanong niya. May ideya ako sa kung ano ang ibig niyang sabihin subalit wala akong mailabas na salita. 

Our fate were already divided into two, even if I will be killed at the hands of the unknown enemies. Presumming that this is the only way to protect you-- my punishment for killing numerous human being, I shall take it upon myself. . 

***** 

Just a short update.

By the way, may virtual meeting ako this November 28, 2020 sa PSICOM. If interested, you may visit the Facebook page and hope to see you there. :')

Yulie_Shioricreators' thoughts
Next chapter