webnovel

TJOCAM 2: The Authentic Love

The tragic incident had finally ended but now that Haley Miles Rouge lost all of her memories and became a different person. Magagawa bang maibalik ng mga kaibigan niya ang kanyang alaala? How about her feelings? Nagbago ba o nanatili? Magagawa nga ba ni Reed sabihin ang kanyang nararamdaman lalo na't ngayong ibang-iba si Haley sa kanyang nakilala?

Yulie_Shiori · Teen
Not enough ratings
65 Chs

Seaweed

Chapter 3: Seaweed

Mirriam's Point of View

Kasalukuyan naming 5 minutes water break. Nag-unat ako't gumawa ng tunog. "Ang init init." sambit ko at nagpameywang. Tiningnan ko 'yong lalaking nasa tabi ko na ngayon ay nakabusangot sa isang tabi. Kanina pa talaga siya nagrereklamo dahil dapat daw na sa bahay lang siya't natutulog.

Eh, kung maayos sana 'yung grades niya. Edi sana wala siya rito ngayon.

Nag volunteer lang akong maging leader ng mga players like Jasper na hindi nakaabot sa required na grades dahil wala rin naman akong ibang gagawin masyado sa bahay maliban na lang kung duty ako sa G.Shop.

Bumuntong-hininga ako. What am I doing anyway?

"Ang daya talaga! Bakit ako lang 'yung kailangang mag summer training? Ba't hindi mo pinilit sina Reed?!" patuloy nito sa kanyang pagrereklamo.

Uminum ako ng tubig bago siya sagutin pero dahil sa napakabastos ng lalaking 'to ay tinatawag pa niya ako para sagutin lang ang tanong niya kaya asar ko siyang tiningnan kasabay nung pagbaba ko ng iniinum ko. "Shut up! Ikaw ang gumawa ng rason kaya ka may summer training!" bulyaw ko sa kanya dahilan para bigla siyang magtago sa ilalim ng lamesa na parang isang aso na pinagalitan ng amo. Nasa lulong lang kami-- sa gilid ng Track and Field.

Sasabay sana akong kumain sa iba pa naming kasama pero naisip ko kasi na baka tumakas ang Jasper na ito kaya heto't magkasama kaming dalawa.

"Mirriam. Baka gusto mong tumakas kahit ngayon lang?" pagdedemonyo niya sa akin kaya tinapunan ko siya ng masamang tingin kaya mas lalo siyang nagtago sa ilalim ng lamesa. "Sabi ko nga, sabi ko nga."

Tumayo na ako at saka pumalakpak ng tatlong beses senyales na mag ready na ulit sa training. "Okay guys, balik tayo sa practice!" Bumalik na nga ang mga kasama ko sa pwesto nila. Samantalang napa-bored look na lang ako noong tingnan ko si Jasper na kasalukuyang nakahiga na ro'n sa pahabang upuan.

Sa inis ko ay kinuha ko 'yung mahaba kong notebook na kakabili ko lang last week at ni-roll iyon para ipanghampas sa ulo ni Jasper. Mabilis naman siyang napatayo at mabilis na tumakbo papunta sa puwesto niya.

"Okay, Boss!" Kaagad nitong pagsunod.

I tsked. Pumunta na nga lang ako sa line para tingnan ang muling pagtakbo ng team. Pinagmamasdan ko lang ang paraan ng mga paa nila noong mapakunot-noo ako sa paa ng isang player. Nang i-angat ko 'yon ay nalaman kong si Jasper iyon na akala mo'y nagjo-jogging lang.

May pumitik na kung ano sa sintido ko't inangat ang nakakuyom kong kamao. "Ayusin mo 'yang pagtakbo mo, JASPER!" Sigaw ko sa kanya at pumunta kung nasaan siya. Sinabayan ko ang pag jogged niya. "Gusto mo bang mag push-up hanggang sa matapos tayo, huh?!" may awtoridad kong sabi.

Nagbuga siya nang hininga. "Mirriam. Gusto ko na talagang umuwi..." Parang napapagod nitong sabi 'tapos itiningala ang tingin kung sa'n nakatapat ang araw. "Mamamatay na 'ko sa init..." Muli ko siyang hinampas ng ni-roll kong notebook kanina. Dala-dala ko pa rin siya.

"Ibibilad kita sa raw kung hindi mo aayusin 'yang training mo!" Suway ko sa kanya.

"Gimme motivation, Boss." Tinatamad pa ring sabi ni Jasper.

"Ayaw mo talagang umuwi?!"

"Yes, Boss! Magte-training na, Boss!" At bumilis na rin ang pagtakbo niya. Huminto ako para panuorin ang gagawin niya. Tumalon siya roon sa parang Pole Vault. Sa sobrang taas ay kusa na lamang bumuka ang bibig ko.

Itinaas naman ng isa kong ka-track team ang chin ko upang magsarado ang bunganga ko. "Captain. Baka naman ma-in love ka niyan?" Tanong niya na para namang inaasar ako.

Binigyan ko siya ng masamang titig kaya humalakhak ito na bumalik sa kanyang pwesto. "Umayos ka!" Hindi lang ito nagsalita at patuloy pa rin sa katatawa niya kasama 'yung iba pa niyang kaibigan.

"Yieeeeh!" Pang-aasar pa nila kaya hindi ko na napigilan ang maging mapula.

Jasper's Point of View

Natapos na ang training namin. At sinasabi ko sa inyo, hindi siya ganoon KADALI.

Bawat segundo, minuto, at oras ay palagi na lang may sermon galing kay Mirriam! Para lang siyang si mom, eh. Pero mas malala lang siyang magalit

Tapos sinipa pa niya itong pwet kong napaka sexy at puti. Paano kung magkapasa na lang ito? Paano na?

Tiningnan ko ang balat kong medyo namumula. Mangingitim yata ulit ako. Pero 'di bale, mabilis din naman akong pumuti.

Pinatapos ko ang mga kasama kong maligo dahil baka pag trip-an pa 'yung peklat na nasa likod ko. Mahirap na. At isa pa, masyado na kasing siksikan kung sasabay pa ako sa kanila.

Humikab pa ako at naghintay pa ng ilang minuto.

Hanggang sa matapos na ang mga kasama ko kaya pumasok na ako sa shower room para mawala na 'yung malalagkit na feeling.

Hindi rin naman ako nagtagal dahil din natapos din ako matapos ang ilang minuto. Inalis ko kaunti ang basa sa mukha ko sa pamamagitan ng paghilamos. Kukunin ko na sana 'yung tuwalya ko sa may sabitan noong ma-realize kong nakalimutan ko 'yung tuwalya ko. Napasapo na lamang ako sa mukha. Tanga! Ngayon, ano na ang gagawin ko?

Binuksan ko ang pinto at sinilip ang kaliwa't kanan ko. Wala kasi akong cellphone, eh!

Muli kong inumpog ang sarili ko sa nakakuyom na kamao. Tanga! Tanga!

Wala naman na sigurong mga tao ngayon dahil nauna naman silang maligo kanina.

Lumunok ako ng sariling laway at dahan-dahang umalis sa cubicle. "Okay lang naman sigurong lumabas ng nakahubad, 'di ba?" tanong sa sarili at walang nagawa kundi ang dali-daling lumabas ng banyo para kunin ang gamit ko sa labas. Wala naman ng halos estudyante dahil umuwi na kaya baka naman...

Baka lang!

Mirriam's Point of View

Bumaba ako ng hagdan para kunin ang gamit ko. Pumunta kasi ako ng faculty dahil inilagay ko 'yung attendance namin sa table ng adviser namin sa Track & Field.

Medyo hectic nga rin dahil araw-araw kong gagawin iyon. Ayaw ng coach namin na patagalin iyon ng one week at gustong dinadala ko iyon sa faculty. Okay sana kung sinu-sweldohan ako, 'di ba?

Nang makababa ako ay pumukaw kaagad ang atensiyon ko sa gamit ni Jasper. Kabisado ko 'yung gamit no'n kahit paiba-iba ang gamit niyang bag.

Lumapit naman ako roon at tumingin tingin sa paligid. "Nandito pa pala 'yung taong iyon?" Tinignan ko ang tuwalya, "Tapos hindi pa pala nakakaligo." Walang gana kong wika. Umupo ako sa upuan at napatingin sa shower room noong may maaninagan akong kung ano at laking gulat nang makita ang hubo't hubad na si Jasper.

As in hubad na hubad! Walang suot na kahit na ano! Walang brief o ano pa man. Walang wala!

Nanlaki ang mata niya noong makita ako habang nagtakip naman ako ng mata ko't yumuko kasabay ang aking pagtili. "Woi! 'Wag ka ngang tumili riyan!" Natataranta niyang bulyaw sa akin pero hindi ko siya pinakinggan at tumili pa rin. Ramdam kong lumapit siya sa mga gamit niya.

Pagkatapos ay tumakbo ulit papunta sa shower room. Nalaman ko dahil narinig ko ang malakas na pag echo ng pagsara nung pinto. Inalis ko naman na 'yung kamay ko sa mukha ko.

Totoo bang nakita ko 'yung seaweed?

Nagtakip ako ng mukha dahil sa hiyang nararamdaman. Muling napatili sa huling pagkakataon.

***

NAKAUWI NA AKO ng bahay at naabutan ang mga maliliit kong kapatid na nanonood ng cartoons

Binati ko lang sila na ganoon din naman ang ginawa nila. Aakyat na rin sana ako para makapagpahinga nang tawagin ako ni Julius.

"Ate Mirriam!" Lumingon ako sa kanya.

"Bakit?" Tanong ko sa kanya.

"Brief 'yang nakasabit 'di ba?" tanong niya habang turo turo ako. "Bakit may ganyan ka?"

Tumaas ang kaliwa kong kilay, "Huh? Anong brief?" Takang sabi ko at tumalikod talikod pa.

Pero sa kaka-swing ng bag ko sa likod ay may nakita ako.

Nilingon ko ang likuran ko kung sa'n pagkatingin ko pa lang ay nakalawit na roon ang brief ng kung sino.

Nanlalaki ang mata kong inalis ang pagkakaipit sa brief na iyon sa zipper ng bag ko. Dahan dahan kong inangat iyon para makita kong mabuti. "A-ano'ng ginagawa niyan dito?" Tumaas ang dugo ko hanggang mukha.

Don't tell me...

Tinignan ko ang labas bago inilipat ang tingin sa susi na nakasabit doon sa cabinet.

Dali-dali akong tumakbo palabas. "Ate gagamitin nila daddy 'yan mamaya" sabi ni Ricka pagkalagpas ko sa kanya.

"Saglit lang ito" sambit ko at malakas na isinara ang pinto.

Pumunta ako sa garahe at binuksan ang pinto ng kotse. "Humanda ka talaga sa akin!" pinaandar ko na ang makina ng kotse at inilabas iyon mula sa garahe para paharurutin iyon kina Jasper.

Isinuksok ko 'yung wireless earphone sa tainga ko at nag dial sa number ni Jasper.

Sinagot niya nga rin iyon kaagad. [Mirriam! Nawawala 'yung brief ko! Ninakaw mo 'no?!] Aba't ang kapal naman ng mukhang pagbintangan ako ng taong ito! Ano ako? Manyakis?!

Dahil sa inis ko, binabaan ko na lang siya ng phone. Nanggigigil ako!

***

MGA ILANG MINUTO pa ang lumipas nang makarating ako sa mansion nila. Bumaba ako ng sasakyan at nag martsa papunta sa gate.

Nag door bell ako. "Jasper!" Tawag ko pero walang sumagot. Pinindot ko ulit 'yung doorbell pero 'yung isang katulong lang niya ang bumungad sa akin.

"Ano po iyon ma'am?" Magalang na tanong nito sa akin at nang makita ako ay ngumiti siya.

"Ah, hi miss Mirriam, kung hinahanap n'yo po si Jasper. Nandoon siya sa mansiyon ng Smith." sagot niya dapat na tatanungin ko.

Tumango ako para naman dumiretsyo sa Smith Mansion. "Thank you, Manang!"

T*nginang Jasper iyon. Bakit ganoon kalaki 'yung underwear niya?! G-gaano ba kalaki 'yung ano niya at...

Umiling-iling ako't pinapasok kaagad ng maid ng Smith noong makarating ako sa harapan pa lang nung mansiyon. Kilala naman ako kaya hindi na sila nagtanong tanong pa.

Nang nasa tapat na ako ng pinto nila ay malakas kong binuksan iyon. Tinignan ko ang paligid ko at hinahanap si Jasper, hanggang sa mapatingin na ako mismo SA KANYA.

"Please, spare me!" Sabi niya nang makapunta sa likod ni Harvey bilang shield niya. Pero nag martsa ako papunta sa kanya. Umiinit ang dugo ko! Ilang tao kaya ang nakakita sa akin na may dala-dalang underwear?! Parang nang-aakit ako ng lalaki dahil sa unintentional situation katulad ng gano'n! Nakakahiya 'to! P*tangina!

Winagway ko pa sa publi-- F*ck sh*t! I'm gonna kill this jerk!

Umalis si Harvey sa harap ni Jasper kaya kaagad na tumakbo ang hinayupak paakyat para makalayo sa akin samantalang hinabol ko naman ito

"Joke lang 'yon! Huwag ka nang magalit!" Sabi niya habang patuloy pa rin sa pagtakas sa akin.

"Manahimik ka! Itong brief mo!" sabay labas niyon mula sa bulsa ko. Pinagkasya ko talaga 'yung underwear niya dahil wala na 'kong time kumuha ng maliit na bag. Punyeta siya.

"Sinasadya mong ilagay sa sabitan ng bag ko para pagtawanan ako ng mga tao, tama ba?!"

Umiling siya nang mabilis tapos lumingon sa akin. "Hindi, hindi! Hindi ko ginawa 'yon! Alangan namang umuwi ako ng walang brief?! Ayokong lumawlaw si birdi--" Hinagis ko sa kanya 'yung suot kong sapatos. Nailagan lang niya kaagad habag pino-protektahan ang ulo niya ng dalawa niyang kamay. "I swear! Hindi ko naman alam na sa 'yo iyong brief ko!"

Tumulin na ang pagtakbo ko kaya nagsisisigaw na siya rito sa second floor. Paikot-ikot lang talaga kami. "Bakit ka ba nagagalit sa akin?!" Walang ideya niyang tanong nung bumaling ang tingin niya sa harapan. "Kung nakita mo man ang ibon na aking iniingatan..."

I let off my guard. Muling umakyat ang dugo sa mukha ko. "Kalimutan mo na lang 'yon para maging virgin ulit 'yung eye--" Naputol ang sasabihin niya nung sipain ko na ang likod niya.

"Don't say such embarrassing things, you perverted jerk!"