webnovel

TJOCAM 2: The Authentic Love

The tragic incident had finally ended but now that Haley Miles Rouge lost all of her memories and became a different person. Magagawa bang maibalik ng mga kaibigan niya ang kanyang alaala? How about her feelings? Nagbago ba o nanatili? Magagawa nga ba ni Reed sabihin ang kanyang nararamdaman lalo na't ngayong ibang-iba si Haley sa kanyang nakilala?

Yulie_Shiori · Teen
Not enough ratings
65 Chs

Savvy

Chapter 43: Savvy 

Reed's Point of View

Nakaunan ako sa sarili kong braso habang nakatitig sa kisame. Hindi pa rin ako umaalis sa kama ko kahit isang oras na lang bago magsimula 'yung klase.

Sadyang napaisip lang kasi ako sa naging tanong ni Irish kahapon.  

"Gusto mo siya, pero ba't hanggang ngayon ayaw mo pa ring lakasan 'yung loob mo para magtapat sa kanya?" Tanong niya sa akin. Noong tanungin niya kasi ako kung may nagugustuhan ako, sinabi ko kaagad. Tinanong din niya ako kung sinabi ko na ba 'yung nararamdaman ko para sa taong iyon-- kay Miles.

Hindi pa kasi talaga ito 'yung tamang oras, eh.

Marami pang iniisip si Miles and I don't think magagawa talaga niya akong masagot lalo na kung hindi pa bumabalik 'yung alaala niya.

"Kung wala kang gagawin ngayon pa lang. Magsisisi ka na hindi ka nagsalita." Napapikit ako at naglabas ng hangin. Alam ko naman kasi 'yun, at alam ko rin na hindi dapat manatili sa ganito na mananahimik na lang ako hanggang sa malaman ko na lang na sa iba na nahuhulog si Miles.

Pero…

"Kung gusto mo, p'wede kitang tulungan." Naalala kong pagbigay alok niya sa akin. "Pwede kitang harutin sa harapan niya, kung iyon ang magiging dahilan para umamin siya sa 'yo."  

Alangan namang pumayag ako sa gusto ni Irish? Baka nga mas lalo pang lumayo ang loob ni Miles kapag ginawa niya iyon.

Saka paano naman kasi niya nasabing aamin si Miles, ni wala nga yatang gusto iyon sa akin? At nakikita ko naman na wala pa siyang nagugustuhan.

…siguro?

Napaupo ako sa pagkakahiga at napailing. "Gusto kong sapakin 'yung sarili ko!" Sigaw ko. "Ang torpe torpe ko! Ba't gano'n?! P*tangina!" Mura ko sa sarili ko kasabay ang pagkatok sa pinto ko at bukas niyon. Sumilip si Manang.

"Ayaw mo pang kumain, Reed?" Tanong ni Manang sa akin kaya napakurap ako't mabilis na tumayo. Pilit na natawa at humawak sa ulo.

Wala naman siyang narinig, 'di ba?

"Ah, opo. Bababa na. Hehe." Sagot ko naman saka siya humagikhik habang dahan-dahang isinasara ang pinto.

"Iba talagang ma-in love ang kabataan." Rinig kong sabi ni manang kaya halos mamula naman ako. Hindi na ako umimik at humawak lang sa batok ko.

***

NALIGO NA MUNA ako bago ako bumaba para kumain. Si Miles lang ang naabutan ko sa dining room at umiinum ng kape.

Umupo ako sa pwesto ko at pinunasan ang kutsara't tinidor ko. "Imbes na mag kape ka, ba't hindi ka uminum ng gatas para tumangkad tangkad ka?" Hindi naman ako nang-aasar. Pinagsasabihan ko lang talaga siya, at tingin ko naman hindi siya magagalit sa akin tulad ni Haley na kaunting salita lang na pwedeng magpa-offend sa kanya. Talagang babatuhin ka na ng kung anu-anong mahahawakan niya.

Sumubo ako ng kanin at ulam.

Iba itong si Miles kay Haley, kahit na iisa lang din naman sila.  

Ibinaba ni Miles 'yung mug niya at inangat ang tingin sa akin. Nagulat ako kasi itong ito ang paraan ng pagtingin ni Haley, tiger look.

"Sino ka para pagsabihan ako?" Maangas na tanong niya na hindi ko kaagad inimikan.  

Nagulat ako sa paraan ng pananalita niya gayun din sa tono ng kanyang boses.

Bumaba ang mga balikat ko. "Uhm--"

"Just kidding." Bigla niyang pag ngiti kaya namilog kaunti ang mata ko 'tapos pilit na natawa.

"Oo nga naman, there's no way that you will have your memories back--"  

Naglaho na ulit 'yung matamis na ngiti na nakalinya sa labi niya. "Bumalik na." Simpleng sambit niya na nagpatahimik sa akin. What?

"Bumalik na." Ulit niya at pinikit ang mata. "I remembered everything. From the day I met you 'till now." Dagdag niya kaya unti-unti nanamang nanlaki ang mata ko.

Bumalik na 'yung alaala niya, ibig sabihin ba nito…?

Narinig namin ang nagmamadaling si Jasper na tinatawag si Miles. "Haley! Haley!" Tawag ni Jasper hanggang sa makarating siya rito sa dining room. "May problema tayo." Saad niya na parang natataranta.

Napatayo si Miles sa kinauupuan niya, at sa mukha pa lang nito ay parang alam niya 'yung sinasabi ni Jasper kaya napaka seryoso ng kanyang tingin. "Sa labas tayo." Udyok ni Miles, magtatanong sana ako pero bigla akong hinila patayo ni Jasper.

"Sumama ka sa amin." Wika ni Jasper na ipinagtaka ko naman.

Napatingin si Miles kay Jasper at nagsalubong 'yung kilay. "Hindi natin siya kailangang isama."  

Ako naman itong nagsalubong ang kilay dahil sa sinabi ni Miles. "Ano ang ibig mong sabihin diyan? Totoo, hindi ko alam kung ano 'yung nangyayari at nagkakaganito kayong dalawa pero--"

"Wala na tayong oras para riyan. Tara na!" Iginiya na ako ni Jasper na siya namang sinunod ni Miles. Or should I just call her by her first name again?  

***

DITO KAMI dumiretsyo nila Jasper sa tambayan. Kaming tatlo lang dito, ipinaliwanag nila kung ano 'yung nangyayari at galit ako dahil ngayon ko lang nalaman na nagbalik pala ang Ray na iyon. Pagkatapos ng ginawa niya sa mga kaibigan ko, babalik balik ulit siya?

Sumuntok ako sa pader. "F*ck! Why didn't you tell me earlier?!" Galit na sigaw ko sa kanilang dalawa. Hindi umimik si Haley at nakapikit lamang na nakaupo ro'n sa single sofa.

Nagpameywang si Jasper at ngumuso. "May oras ka pang magalit sa 'min, eh sinasabi na nga namin, oh?" Parang sinasabi pa niya na parang ako 'yung may kasalanan na hindi ko alam.

"Shut up, you two." Pagpapatahimik ni Haley sa amin na animo'y naiirita sa ingay namin 'tapos ibinaling ang tingin sa amin. "Walang naitutulong 'yang mga dada n'yo." Sabay lipat ng tingin kay Jasper. "Ituloy mo na 'yung dapat mong sabihin."

Tumango naman si Jasper, samantalang bumaba ang mga balikat ko't nag-iwas ng tingin. Bumalik na 'yung alaala ni Haley, I'm glad. I'm happy.

Pero sa ngayon, saka ko na iisipin kung ano 'yung pwede pang mangyari sa aming dalawa. Sa ngayon, kailangan muna naming isipin kung ano ang gagawin namin kay Ray dahil 'di malabo na baka atakihin niya kami.

'Di na kami pwedeng umasa sa mga police.

Ayoko sa kanila… Mga wala silang pakinabang, 'di nila sineseryoso 'yung nangyari sa kapatid ko. Kaya pa'no pa kung sabihin pa namin 'yung tungkol kay Ray? Baka nga isipin pa nila na niloloko lang namin sila o prank lang ito. 

Sa totoo lang, 'di ko na alam. Bahala na kung ano ang mangyari. 

Jasper's Point of View

"Mukhang may kinalaman din si Harvey sa nangyayari." Panimula ko na nagpaawang-bibig ni Reed, si Haley naman ay wala pa ring imik na nakikinig sa akin. "Nagkaro'n ng atraso si Harvey kay Ray kaya ngayon, gumaganti siya at dinadamay tayo. Nalaman ko lang 'yan sa bata niya nung pumunta ako sa prisinto kahapon matapos ang training."

Flash Back

Seryoso lang ang tingin ko sa kanya matapos kong tanungin kung ano ang pinaka kailangan ni Ray sa amin at inaatake nila kami. Pero galit na galit lamang itong nakatingin sa akin nang hindi inaalis ang hawak sa mga metal na pumapagitan sa amin.

"Bakit ko kailangang sabihin sa batang katulad mo? Wala kang naiintindihan sa boss namin, tandaan mo 'yan." Nanggagalaiti nitong sabi pero nagawa ring mapangisi. "Pero sige, sasabihin ko sa 'yo."

'Di ako umimik. Hinintay ko lang 'yung sasabihin niya.

"Kasalanan 'to ni Harvey Smith." Sambit niya dahilan para magsalubong ang mga kilay ko pero nagawa rin siyang nginitian.

"Kay Harbeh? Hindi n'yo ba alam kung ano 'yung pwedeng mangyari sa inyo kapag kinalaban n'yo pa ulit siya?" Pang-aasar kong tanong kahit gusto ko ring tanungin kung ano talaga ang ginawa ni Harvey. Pero kung mamadaliin ko, mas lalo niyang hindi sasabihin sa akin.

"Masyado n'yo kaming minamaliit. Hintayin mo na may mamatay sa inyong magkakaibigan!" Sigaw niya at nagsisimula ng humalakhak kung saan natatalsikan pa ako ng kanyang laway. Nawala na rin ang ngiti sa labi ko.

Pinunasan ko ang damit ko at tumalikod sa kanya kasabay ang paglabas ko ng hangin sa ilong.

Ngunit bago pa man ako lumabas sa area kung saan siya nakapwesto ay huminto ako. Lumingon sa kanya para bigyan siya ng nakamamatay na tingin. "Ako mismo ang papatay sa kanya kapag may nangyaring hindi maganda sa mga kaibigan ko. At ihuhuli kita, magsama tayo sa impyerno."

Napaurong siya at nakita ko ang biglang pagtulo ng pawis mula sa kanyang ulo.

End of Flash Back

"Wala na akong nalaman kundi iyon lang." Pagtatapos ko sa kinukwento ko. Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Haley 'tapos tumayo.

"I see." Nasabi lang niya bago kunin ang kanyang bag at naglakad.

Tumayo na rin si Reed sa kinauupuan niya. "Sa'n ka pupunta?" Tanong ni Reed, bakas sa kanya ang pag-aalala.

Tuloy-tuloy lang sa paglalakad si Haley hanggang sa buksan niya ang pinto. "Papasok na." Tipid niyang sagot bago lumabas ng tambayan. Hindi naman makapaniwala si Reed dahil sa naging arte ni Haley.

"Iyong babaeng 'yun. Ba't para siyang walang pakielam?" Naiirita ni Reed.

Nagpamulsa ako. "Alam mong 'di iyon totoo." Sambit ko kaya nakita ko sa peripheral eye view ko ang paglingon ni Reed sa akin. Labas sa ilong akong ngumiti kung saan lumabas si Haley. "Knowing her, marami ng pumapasok sa utak niya sa kung ano ang pwedeng gawin lalo na't bumalik na 'yung alaala niya. Hintayin na lang natin 'yung mangyayari, saka tayo sumabak sa isa nanamang gulo kung kinakailangan." Litanya ko kaya bumaling na rin ang tingin ni Reed.

"Yeah."