Chapter 18: Catastrophic
Kei's Point of View
Noong maimulat ko ang aking mga mata ay dahan-dahan akong napaupo kasabay ng aking pag-unat. Naaamoy ko 'yung air freshener na nanggagaling sa Water globe purifier ko. Luminga-linga ako para igala ang tingin sa paligid. Nandito na pala ako sa kwarto ko-- Kwarto ko?
Saglit? Kwarto ko?!
Napahawak ako ro'n sa pisngi ko pero kaagad ding inalis nang maramdaman ko ang hapdi nito. "Aray..." paanas kong sabi at napatingin sa mga palad ko. Ang ibig lang sabihin nito ay totoo ang nangyari kahapon. Pero pa'no ako nakabalik dito?
Bigla ko namang naalala si Mirriam at Harvey dahil 'yung dalawang iyon ang nakatanggap ng malalang sakit sa katawan dahil sa nangyari kahapon. Kaya umalis kaagad ako sa kama at tumakbo palabas ng kwarto. Ngunit dahil sa kamamadali ko noong papaliko ako ay nabangga ko na si Reed.
"Ouch" hawak ko ang aking pwet, malakas kasi ang pagkakabagsak ko kahit pa na carpet ang pinagbagsakan ng pwet ko. Inabot ni Reed ang kanyang kamay kaya kinuha ko iyon para matulungan akong makatayo.
Tiningnan ko ang mukha niya na may daplis sa pisngi. "Mag-ingat ka nga." Nakasimangot na wika nito at saka inilagay ang isa niyang kamay sa bulsa.
Hinawakan ko ang mag kabilaang balikat nito. "Y-you're okay."
Mas napasimangot siya. "Of course, I am. Hindi naman pwedeng magpatalo ako sa mga ugok na 'yon, 'no? T*ngina ng mga 'yon. Kung hindi dumating 'yung mga police, uupakan ko pa 'yong mga iyon, eh." Kumamot siya sa ulo niya. "Pero nakatakas si Ray. 'Yung mga tauhan lang niya 'yung nakuha ng mga polisya."
Walang lumabas sa bibig ko't nakatingin lang sa kanya. Mayamaya pa noong maalala ko sina Haley.
"N-nasaan sina Haley?" Natataranta kong tanong pero inalis lamang ni Reed ang mga kamay ko na nanginginig saka ako pinantayan ng tayo.
"Calm down" Pagpapatahan niya sa akin dahil habang tumatagal ay mas lalong nanginginig ang katawan ko sa takot at kaba. Niyakap niya ako at tinapik-tapik sa likuran. "They're fine. They are fine. No need to worry. Na sa mga kwarto lang sila't nagpapahinga. Gano'n din si Mirriam."
Lumayo ako sa kanya. "How is she? Na sa bahay na ba siya?" Tukoy ko kay Mirriam pa pero umiling siya bilang sagot.
"Na sa kwarto ni Haley. Hindi pa kasi siya nagigising simula kahapon."
Napatingin ako sa bintana na nasa kisame. "Anong oras na? How 'bout her parents? Hindi pa siya tinatawagan?" Sunod-sunod kong tanong.
Tumungo siya at naglabas ng hininga. "I know medyo mali 'yung ginawa ko pero I used her phone to text her parents na nandito si Mirriam para maki-sleepover. Her parents were also trying to call her pero hindi ko na nagawang sagutin dahil hindi pa rin nga nagigising si Mirriam." Sagot niya at tumingin sa kaliwang bahagi at muling nagbuga ng hininga. "Good thing at nag text naman ang mom niya na umuwi na lang daw mamaya dahil mag go-grocery raw sila."
Nagtakip ako sa bibig ko nang hindi pa rin tumitigil ang aking pagnginig.
Ano bang nangyayari sa 'min? Hindi na tumitigil sa kakahabol 'yong disgrasya. Wala akong ideya kung saan kami lulugar. Kung magpapatuloy pa 'to at nalaman ng mga magulang namin.
Baka ito pa 'yung maging dahilan para maghiwa-hiwalay kaming anim. And what's worse kung bibigyan pa kami ng mga bodyguard. Wala na kaming freedom to do whatever we want.
Kaso alangan namang hintayin pa namin na may mangyaring 'di maganda?
Ayoko ng maulit 'yung nangyari kay Rain at Haley. Tama na. Ayoko na.
Pero ano ba'ng dapat gawin?
"Reed... I don't know, what should we do?" Humawak ako sa magkabilaan kong tainga't tumungo. "Paano kung bumalik si Ray?" Tanong ko't napailing. "Masisiraan ako ng ulo kung may mangyayari nanaman sa inyo."
Hindi nakapagsalita si Reed. He didn't know what to say nor what to react.
Pero seryoso siyang nakatingin sa 'kin at ipinatong ang kamay sa aking ulo. Nanatili pa rin akong nakayuko. "Alam mo, wala rin akong ideya kung ano ang nangyayari sa 'tin. Natatakot ako na baka may mangyari nanamang 'di maganda sa isa sa atin." Pagkasabi niya no'n ay naramdaman ko ang kaunting pagnginig ng kamay niya. Inangat ko ang tingin ko, he's looking at me, smiling. "But no matter what happens, I will do anything just to protect those people who are precious to me. 'Di ko hahayaan na mapahamak nanaman kayo dahil sa walang kwentang dahilan."
Napaawang-bibig ako ngunit napakagat-labi rin pagkatapos.
What am I doing? Hindi lang naman ako ang natatakot. Sina Reed din naman!
"We won't let that happen again." Pareho kaming napatingin ni Reed kay Haley na kararating lang din.
Namilog ang mata ko dahil tulad nung kay Reed ay mayroon din siyang daplis sa kanyang pisngi. "Haley." tawag ko sa pangalan niya saka patakbong lumapit sa kanya para siya'y yakapin. "You're safe!"
Naramdaman ko ang pag ngiti niya.
"Yes." Tugon niya saka ako lumayo sa kanya. "Wala bang masakit sa 'yo?" Nag-aalala kong tanong at hinawakan ang pisngi niya kung nasaan ang kanyang daplis. Nag react siya kaya inalis ko rin kaagad ang kamay ko ro'n. "Sorry!"
Umiling naman siya. "Don't worry. I'm fine." Sagot niya saka ibinaling ang tingin kay Reed na may seryosong ekspresiyon. "I want to talk to you for a minute."
Napanganga naman si Reed kaya tumango ako. "Maiwan ko muna kayo. Iche-check ko lang din si Mirriam."
"Please do. Na sa kwarto ko siya." Tinanguan ko si Haley saka ako naglakad paalis sa harapan nila.
Naisip ko rin si Harvey noong maalala ko 'yung pagbanggit niya sa pangalan nung Ray na iyon.
Magkakilala na ba sila?
And how 'bout Haley? Pa'no niya nagawang makipaglaban sa mga lalaki kahapon kung wala pa siyang memorya bago siya magkaro'n ng amnesia? Instinct?
No, impossible.
Pasimple akong lumingon kung nasa'n si Haley. Nandoon pa rin sila ni Reed sa harapan ng pinto ko bago sila naglakad papunta sa hagdan.
Nanliit ang aking tingin.
O baka naman mayroon na talagang naaalala si Haley?
Pero kung gano'n, ba't ayaw niyang sabihin sa 'min?
Jasper's Point of View
Nasa kwarto ako at nakatuon lang ang tingin sa kisame. Itinaas ko ang kamay ko't saka tinignan ang palad ko.
I'm...
Biglang lumitaw sa utak ko 'yung paraan ng pagbaon ko ng kutsilyo sa tagiliran ng lalaki kahapon kaya napatakip ako sa mukha ko't napalunok. He's unidentified, hindi ko na rin nagawang tanungin kung ano ang pangalan niya at ang alam ko lang ay na sa ospital siya para gamutin 'yung sugat niya habang bantay bantay s'ya ng mga police.
I didn't mean it, but the anger I felt yesterday nang makita ko ang paghagis ng lalaking iyon kay Mirriam. Dumilim ang paningin ko, naging blanko ang utak ko't nawala sa control ang katawan ko kaya nagawa ko iyon.
Napahilamos ako sa mukha ko.
Kung magsasalita ang lalaking iyon sa mga police. Hindi na magiging maganda ang record ko sa mga polisya. Hindi ko rin alam kung makukulong ako kung 'di ko pa gagamitan ng pera.
I don't know, ginawa ko lang din iyon to protect her. To protect Mirriam.
Ano ba'ng masama ro'n?
Dew's Point of View
Nakahiga ako sa hospital bed habang tini-treat ang sugat ko. Malay ko rin ba kung nasa'n ako! Basta na sa lintek na ospital ako!
Nasa pintuan 'yung dalawang polisya at 'di pinapakinggan ang sinasabi ko at deadma lang.
"Hanapin n'yo siya! Hanapin n'yo iyong lalaking iyon! Si Jasper! Si Jasper Kyle Villanueva ang gumawa nito sa ak-- Aray ko naman!" Asar kong sabi sa doctor na nagtatahi pa rin ng sugat ko.
"Sir, mas maganda kung mananahimik ka na lang diyan nang 'di bumuka 'yang sugat mo." May awtoridad na sabi ng nagngangalang Jerwin na in-charge rin sa pagbabantay sa akin.
"T*ngina mo! Hindi lang ako ang pwedeng makulong--" Hindi ko na naipagpatuloy 'yung sasabihin ko dahil bigla akong tinurukan ng pampatulog.
Jasper's Point of View
"Mirriam..." Tawag ko sa pangalan niya. Okay ka na ba? Gising ka na kaya?
Tanong ko sa isip at napatayo sa pagkakahiga sa kama.
Pumunta sa drawer para kumuha ng damit dahil nakahubad lang talaga ako.
Dumiretsyo ako kina Harvey para kumustahin si Mirriam. Hindi matahimik 'yung utak ko, ang daming pumapasok. Sobrang ingay.
Pinagbuksan ako ng gate ni manang-- isa sa mga kasambay nila Harvey at binati ako. Tumango lamang ako dahil ramdam ko pa rin ang matinding pagod sa katawan ko na pati pagsasalita ay hindi ko magawa.
Pumasok na ako sa loob at naabutan si Haley at Reed na seryosong nag-uusap.
"Nasa'n si Mirriam?" Hanap ko sa babaeng iyon.
Tumingin si Haley sa itaas. "Na sa kwarto ko. Kumanan ka lang. Makikita mo naman 'yung pangalan ko sa pinto."
Tumango naman ako at saka patakbong naglakad para makarating sa kwarto ni Haley. Kaya nang makarating ako sa harapan ng kwarto niya ay hindi na ako kumatok at binuksan ko lamang iyon.
Laking gulat nang maabutan ko na gising na pala si Mirriam. Hindi ko alam kung ano ba'ng ire-react ko. Gusto ko siyang lapitan para yakapin but at the same time, gusto ko na ring tumalikod dahil nagbibihis pala siya.
Nakita niya ako using her peripheral eye view but she didn't anything. Mayroon siyang cold na aura na 'di ko maintindihan kung saan nanggagaling. Is it because I'm watching while she's changing her clothes?
"Get out." Malamig na udyok niya na may ngiti sa kanyang labi.
"Mirriam. I just want to say--" Pinutol niya ang sasabihin ko dahil binigyan na niya ako ng matalim na tingin. Nakasuot naman na siya ng T-Shirt at magsusuot na lamang ng pantalon.
Umatras ako at inabot ang doorknob para isara iyon. "I'm glad, you're safe." Ngiti kong sabi bago pa man siya humarap sa akin.