webnovel

Two-timing Jerk

"Hoy babae! Alam mo bang sobra ang pagaalala ko sayo kagabi?! Bigla bigla ka nalang nawala! Akala ko nagang rape ka na! Buti nalang nakita ka ni Anna at sabi na si Ken ang kasama mo! Ano? Sinuko mo na ba ang Bataan?! Naku naku Jessie! Di ko na talaga alam gagawin ko sayo!!!" galit na galit na sabi ni Mattie pagkasagot na pagkasagot ng tawag ni Jessie dito.

"Aray ko naman...masakit sa tenga...hinay naman bes...sorry na oh...to make you feel better...no. Virgin pa ko ok?" Jessie said apologetically

"Haaay buti naman! Naku magingat ka at baka may STD na yun! Oh ano nangyari ha? Pauto ka nanaman? May nalalaman laman ka pang 'I hate him!' I hate him mo mukha mo!"

"Sorry na nga...sabi niya magbabago na siya...sabi niya mahal niya ko...sabi niya mas kaya niyang mawala si Heidi kesa sakin" Sagot ni Jessie habang nakangiti at nakatingin sa iniwang breakfast at gamot ni Ken para sakaniya.

"G*ga! Uto uto ka talaga! Bahala ka sa buhay mo! Pag ikaw tumakbo takbo sakin pag pinaiyak ka nanaman ng tarantadong yan nakuu...siguraduhin mo lang talagang hindi"

"Siguraduhing hindi niya na ko papaiyakin?"

"Hindi! Siguraduhin mong wag kang madadapa...syempre sigurado ako na forever ng g*go yan! Sige na! Bye!"

Pagkatapos ng tawag na iyon ay tinawagan niya si Ken.

"Ken?..."

"Babe! Kamusta hangover? Nakita mo ba iniwan kong food at gamot? Nakain at nainom mo na ba?" Malambing na sabi ni Ken

"Ahm...yeah...I didn't drink much...thanks though..."

"Sure...pasensya na hindi na kita nahintay gumising...naghahanap kasi ako ng work para makapagenroll na ako eh..." Palusot nito kahit nagdodota lang naman siya kasama si Heidi

"Ganun ba...may extra ako dito...gusto mo hiramin? Samahan na din kita magenroll..."

"Nakakahiya naman..."

"Ok lang. Para sa ikabubuti mo naman...nasaan ka ba? Puntahan kita..."

"Ah-ahm...p-pauwi na...kita nalang tayo sa dati?" Natatarantang sagot ni Ken

"Ok. On the way na...see you" Walang pagdududang sagot ni Jessie.

Pagkababa ni Ken ng tawag ni Jessie ay nagmamadali siyang nagpaalam kay Heidi.

"Mahal...makikipagkita lang ako kay Jessie ah? May maibibigay daw siyang pera eh...don't worry...ikaw lang mahal ko ok?" Pangungumbinsi nito sa kasintahan.

"Ok sige mahal...magingat ha? Make sure na ako lang at talagang ginagamit mo lang siya ok?"

Next chapter