webnovel

Last Chance

Jessie pondered over all the things Mattie have said and realized that she did deserve better. She decided to give Ken one last chance before she moves on.

She called Ken's phone using Mattie's, only to be answered by a girl's voice, and she was very sure that it was Heidi.

"Uhm hello? Who's this?...Hello? Hoy sino to?? Anong kailangan mo sa asawa ko?...Hoy may tao ba jan?"

As she listened to what Heidi said, she immediately ended the call.

"Oh ano? Last chance pa?" Mattie asked

"Hindi na. Tara boyhunting na sa club!"

"Sure na ba yan? Baka atakihin ka ng sakit mo?"

"Anong sakit? Wala naman akong hika"

"Ay ok lang kung hika eh. Pero mas malala sakit mo teh...uncurable...ang pagkapokmaru! Masyado kang marupok!!!"

"Tse! Promise! Hindi na ko hihiwalay sayo kahit saan ka magpunta sa club!"

They partied all night, talked and flirted with guys and got drunk. Well actually only Jessie...Mattie didn't drink that night to take care of Jessie.

For the first time for so long, Jessie actually had fun meeting different kinds of people inside the bar. She learned that it was fun and it wasn't so bad after all. So, she partied every time na walang pasok kinabukasan.

Days went well for Jessie. Slowly but surely, she started to move on, still without Ken knowing. She disposed all her belongings that has sentimental value regarding Ken. She started deleting pictures, and so on.

Nakahalata na si Ken nang mapansin niyang walang nangungulit, walang nagpapapansin, wala na yung mabilis magreply pag may kailangan siya at lahat ng mga ginagawa ni Jessie para sakaniya. Kaya naisipan niya itong itext.

"Babe? Jessie? Galit ka ba? May nagawa ba ko?" Pagkukunyari ni Ken

Hindi ito nagreply agad tulad ng dati. Dati rati ay siya itong matagal magreply, at kahit umabot ito ng 2 oras, si Jessie ay magrereply agad sa loob ng 2 segundo. Kaya naman ay tinawagan na niya ito.

Hindi sana sasagutin ni Jessie and tawag kaso feeling niya ay nahalata na ni Ken.

"Wow...1 buwan...1 buwan bago niya narealize...lupet talaga..." Sabi nito sa sarili.

Sinagot na niya ang tawag bago pa ito maputol.

"Yes? Why?"

"Ahm...nabasa mo na ba text ko?"

"Hindi pa. Ano yun?"

"Ah ganun ba...ahm tinatanong ko kung galit ka ba at kung may nagawa ba kong mali?"

"No. Why?"

"Kasi yan...ganyan ka. Ang tipid mo magreply at di na tulad ng dati..."

"Sorry, I'm just busy. Doble kayod kasi ako ngayon. Ayoko kasi maging palamunin at pabigat lalo na kung kaya ko naman. Kaya nga ako tumigil sa pagaaral. Kasi nakakahiya sa mga kapatid at magulang ko na nagpapakahirap para sa pamilya namin. So, bakit ka napatawag? May kailangan ka ba?" Jessie said hitting his ego.

Ken was beyond shocked. Nasaktan ang pride niya, natamaan siya sa lahat ng sinabi ni Jessie. Pero dahil wala naman siyang hiya, siya pa ang nagalit sa pagaakalang titiklop si Jessie.

"Ano pinaparating mo?! Na palamunin ako?! Na pabigat ako?!"

Natahimik sandali si Jessie para huminga ng malalim at akala ni Ken ay nagwagi na siya. Pero bago pa siya magapagsalita, nagsalita na si Jessie

"No. Ang pinaguusapan dito pamilya KO diba? Nagtanong ka, kaya sinagot ko lang. If what I said hit a nerve, that is definitely not my fault anymore right?" Pangaasar pa lalo ni Jessie

Ken never thought that she'll talk back. He was dumbfounded. Kaya pinalala niya pa ito at binantaan si Jessie.

"Kung ganyan lang pala tingin mo sakin, tapusin na natin to! Break na tayo!"

"Ok."

"Ok?! Yun lang masasabi mo?! May bago ka na noh?! Niloloko mo ko! Sabi na malandi ka din eh! Slut! Whore! Haliparot! Siguro nabigay mo na sa iba virginity mo? Sakin na matagal mong kilala, at naging boyfriend mo pa hindi mo maibigay tapos sa kakakilala mo lang nabigay mo agad?! Ganyan ka ba kakati ha?! Akala ko iba ka!"

"Are you done talking about yourself? Or kausap mo sarili mo? I'm so proud of you! Buti kilala mo ugali mo? Keep it up! I'll support you..."

"T*ngina ka! Anong pinagsasasabi mo?! Ikaw ang tinutukoy ko! Wag mo ipasa sakin kalandian mo!" pagmamaang maangan ni Ken

"Ahhh...akala ko pa naman...oh well, try mo tanungin si Heidi, baka siya alam niya ugali mo..."

"A-ano? B-bakit napasok si Heidi dito?! Matagal ko ng hindi nakakausap yun! Huwag ka mandamay ng iba!" Ken still keeps denying

"Alam mo? Walang katuturan na itong pinaguusapan natin, niloloko mo nalang sarili mo. Break na tayo diba? Ikaw mismo nagsabi diba? Kaya wag mo ipasa sakin mga katarantad*han mo and leave me alone...ok?" Kalmadong sabi ni Jessie bago ibinaba ang tawag.

Next chapter