webnovel

Throne Ring [battle of two kingdom]

Ring for god, book for darkness, power for man, throne for king. Singsing para sa mga diyos at libro para sa kadiliman at kapangyarihan para sa kalalakihan,trono para sa hari. Bawat lahi ay may mga tungkolin na kailangang gampanan sa nuhrim eartin at bawat hari ay may karapatang pamunuan ang kanyang masasakop. Ang singsing ng mga diyos ay pipili ng karapat-dapat na magiging hari ng white mountain, ang singsing ang magsasabi kung sino ang itinakdang mauupo sa gintong trono ng mga elves. Written by Chris servano

iamkuyachris12 · Fantasy
Not enough ratings
49 Chs

chapter 8

Tinungo ni tamberow laurhim ang harden ng white counsel. Ang puting dahon ng akasya ay unti unti ng nalalagas gayun ding natutuyo na ang ilog sa paligid ng kastilyo, habang ang mga puno't halaman sa bundok ng white counsel ay unti unti ng naglalaho.

Walang nilikhang ingay si tamberow laurhim papasok ng puting bulwagan. Tinungo nya ang silid pulongan ng mga hari at doon nya nasaksihan ang tunay na nangyayari sa diyos ng puting bundok.

"Hindi maaari!"

Nilalamon ng itim na anino si lord airin enirin isang aninong pagala-gala. Pilit nyang nilalabanan ang bulong ng aninong iyon ngunit malakas ito, walang sandatang makapagpapaalis sa itim na anino.

Pinapaligiran si lord airin ng aninong iyon habang patuloy naman na nilalabanan ni lord airin ang itim na mahika gamit ang kanyang espada, Ngunit hindi iyon nasusugatan.

Makikitang unti unting pumasok ang itim na anino sa bibig ni lord airin enirin at sa pagmulat nito ang kanyang wangis ay nag-iba.

Mula sa kasuotan nitong kulay puti ay unti unting naging itim habang ang korona nitong ginto ay nabalot ng pula.

Ang mata na kulay bughaw ay naging itim, Ang buhok na kulay puti ay unti unting nabalot ng kadiliman. Ang diyos ng puting bundok ay nasa mga kamay na ni lord teraiziter dejirin.

"Kailangan kong ipaalam ito sa mga hari na wala na ang diyos ng puting bundok!"

Akmang aalis na sana si tamberow laurhim nang biglang tangayin siya ng isang malakas na hangin papunta sa kinaroroonan ni lord airin.

Kaharap nya ngayon si lord airin na wala sa sarili.

"Hangal!sa tingin mo mapipigilan ng mga hari ang plano ni lord teraiziter? Ang kanyang muling pagkabuhay ay nalalapit na!"

"Lord airin enirin anak ni lord vorin mula sa lahi ni aninrin! Gumising ka at labanan ang itim na salamangka ni lord teraiziter!"

"Walang silbi! Malakas siya at hindi ko kaya ang kanyang kapangyarihan! Hindi! Hindi!"

Biglang napatingin si tamberow laurhim sa likoran ni lord airin, ang talon ay unti unting naging kulay pula dahil sa nagbabagang bato na dumadaloy dito, Ang tubig ay napalitan ng apoy.

"Panoorin mo! Panoorin mo ang aking hukbo na sasakop sa buong nuhrim eartin! Ang hukbo ng puting bundok ay aanib sa kadiliman! Sino ang diyos ng digmaan? Hindi ba't ang aking diyos na si lord teraiziter?"

"Wala kana nga sa sariling pag-iisip diyos ng mga bundok! Kapayapaan ang hatid mo noon ngunit ngayon ay digmaan!"

"Kapayapaan?paano magkakaroon ng kapayapaan sa mundo? Kung ang bawat isa'y walang pagkakaisa't pagdadamayan? Hindi nakikita ng mga mahihinang nilalang kung ano ang ginagawa ng kasamaan,ginagawa lamang namin ang aming nais, gusto namin baguhin ang mundo na matagal nang nalason at nasilaw at naging ganid dahil sa nakikita sa paligid! Bakit hindi ninyo maunawaan ito?"

"Dahil kami ay naniniwalang habang may mabubuting nilalang ang gustong lumaban sa kadiliman! May pag-asang darating! 'yon ang pagbabago na kahit kailan hindi mo mauunawaan!"

Hindi magawang makaalis ni tamberow laurhim mula sa itim na usok na nakapalibot sa kanyang katawan. Hanggang sa tumama sa dibdib ni lord airin enirin ang puting liwanag mula sa likod ni tamberow laurhim.

Bumagsak ang matandang salamangkero sa sahig at ininda nito ang sakit dahil sa pagtama ng katawan nya sa sahig.

"Namer khrin saner tarzanaria eboker na rin"

(Ang libro ang dahilan kung bakit may digmaan sa tarzanaria)

Hindi maunawaan ni tamberow laurhim ang sinasabi ni lady qenhrin,diyosa ng buwan, Ang alam ni tamberow laurhim nasa mga kamay ng mga diwata ang itim na aklat.

"My lady! Lady of moon! Nur inru sader kon eboker"

(Nasa mga diwata ang aklat)

"Umalis kana at ipagbigay alam ang nangyari dito! Takbo!"

Mabilis na kumaripas ng takbo ang matandang salamangkero palabas ng kunseho. Ang mga mabubuti at tapat na kawal ng white counsel ay nakaabang sa labas ng palasyo habang nakasakay sa kabayo.

"Sasama kami! Kami ay tapat at pinaglilingkuran lamang namin ang aming diyos ngunit hindi siya ang aming diyos" Saad ng isang kawal kay tamberow laurhim.

"Kung gano'n maglakbay na tayo pabalik ng tarzanaria at may kailangan pa tayong taposin!"

-BATTLE OF TWO KINGDOM-