webnovel

Three Jerks, One Chic, and Me

Haley Miles Rouge described herself as oblivious and unflinching-- isang mataray na babae. Pero ang gusto lang naman niyang malayo sa gulo at magkaroon ng tahimik na buhay. Kaya para tuluyan nang makaiwas, lumipat siya sa Enchanted University.  Mula noon, inasahan niyang magiging tahimik na ang takbo ng buhay nya-- walang gulo o unfortunate events.  Pero noong makilala niya sina Harvey, Jasper, Keiley, at Reed, mas lumala pa ang sitwasyon.  Sa una lang ba ito? O magiging daan din sila para makuha ang hinahangad ni Haley?  Saan nga ba patungo ang itinadhana nilang pagkikita?

Yulie_Shiori · Teen
Not enough ratings
74 Chs

Whispering You a Love Song

Chapter 53: Whispering You a Love Song

Haley's Point of View 

Tatlong araw kong hindi kinausap si Reed sa klase at ngayong free time namin ay lumabas kaagad ako para iwasan siya. Noong una, hindi lang pinapansin 'to ng mga kaibigan ko pero dahil sa medyo matagal na rin, hindi na napigilan ni Kei na tanungin ako kung ano ang nangyari. Pero sa tuwing gagawin niya iyon, umaalis na lang ako. 

I can't answer her. 

Pati tuloy 'yong tao nadadamay sa pagiging stubborn ko, p'wede ko rin namang sabihin pero kapag ginawa ko 'yon baka iba ang isipin niya. Alam ko rin naman sa sarili ko na mababaw lang iyon pero tila para bang ang bigat sa pakiramdam noong sinabi ni Reed 'yong mga katagang iyon.

Hindi ko tuloy maintindihan ang sarili ko kung bakit ako nagkakaganito. Normal pa ba 'to?

Lumabas ako ng building tapos mabigat na bumuntong-hininga, "Haley!" tumaas ang balahibo ko pagkarinig ko pa lang sa boses na iyon. Sa tatlong araw na hindi ko pinapansin ang Reed na iyon, itong Jude naman ang pumalit kay Reed para guluhin ang buhay ko.

Kung ipagpapatuloy niya ito, masisiraan na yata ako ng ulo. Palagi siyang nakabuntot sa akin. Kahit saan ako magpunta, nandoon siya. Wala ba siyang klase?

Kaibigan? Wala ba siya no'n?

Hay naku, usap-usapan tuloy ako ngayon sa campus na ito.

Dahan-dahan akong lumingon, nandoon siya't tumatakbo palapit sa akin. Kamuntik-muntikan pa nga siyang matalisod dahil sa batong nakaharang sa semento.

Nai-imagine ko siya bilang aso, 'yung aso na kapag nakita ang amo ay hindi mapigilan ang sarili sa sobrang saya?

Huminto na siya sa tapat ko, hindi talaga siya nangangawit sa kakangiti niya, huh?

"Uwi ka na? Hatid kita sa inyo." mabait naman si Jude and everything, but the way he acts is like you know? Hindi na normal sa pagiging mag kaibigan. Sa sobrang bait niya, naiinis na lang ako. "Bakit?" nagtataka nitong tanong.

"Jude, wala akong imik kapag magkasama tayo at hinahayaan kita sa kung ano ang gusto mong gawin pero napapaisip ako kung bakit ganito ka sa aki--"

Lumapit siya sa tainga ko upang bumulong. "Gusto kasi kita," pakanta niyang sabi na nagpataas sa balahibo ko. Lumayo siya sa akin habang ako naman ay pulang-pula ang mukha dahil sa kanyang pag-amin. Teka, seryoso ba siya ro'n?

"Huh?" reaksiyon ko lang. Wala akong alam na p'wedeng sabihin sa kanya. Well, he kept on telling me weird things like itinadhana kami at kung ano pa but I didn't expect that he'll tell me this without hesitation. No, baka 'yong pagkagusto niya sa akin is as a friend.

Humalukipkip akong tumagilid sa kanya't pineke ang pagtawa, "A-ah! Alam ko na, as a friend. I see, I see! Now, I unders--"

"No, not a friend but as a person." muli akong tumigil sa pagsasalita dahil sa kanyang idinagdag. Hoy! Tulong! Hindi ko alam kung ano ang dapat kong i-react tungkol dito!

May mga umaamin sa akin pero usually sa mga Facebook chats lang! Kaya hindi ko talaga alam kung paano ko 'to sasagutin.

Ipinasok ko ang kaliwa kong kamay sa bulsa ng aking blazer at tinarayan siya, "Pathetic." nasabi ko lang at naglakad. Sumunod ulit siya sa akin.

"Wala ka bang ipagagawa sa akin?" tanong niya na para bang isang alalay ko.

Inis ko siyang tiningnan gamit ang peripheral eye view, "Kailan pa kita naging alalay?" irita kong tanong.

Binigyan niya ako ng thumbs up, "Gagawin ko ang lahat para sa taong mahal ko kahit maging alalay pa 'ko." nakatingin lang ako sa kanya nang bigla akong malungkot. Is this how love works?

"I-text mo na lang ako kung may kailangan ka. Nandiyan naman na 'yong number ko sa phone mo." ngisi niyang sabi na nagpagulat sa akin.

"What, what?! When did you use my phone?" gulat na gulat kong tanong pero tumakbo lang siya't nauna.

"I love you! Wo Ai Ni! Aishiteru! Saranghae yo!" paraan niya ng pagpapaalam saka na nga umalis. Napahinto ako sa paglalakad at nanatili lamang sa kinatatayuan ko. Nakatuon lang ang atensiyon ng ibang estudyante sa akin kaya halos gusto kong ingudngod 'yong sarili ko sa lupa. 

Damn you, Jude! Pero, 

...Bakit nga ba madalas nating binabalewala ang mga taong nagmamahal sa atin at mas minamahal pa natin 'yong mga taong hindi naman tayo magawang mahalin?

Reed's Point of View 

Pagod na pagod akong pumasok sa mansiyon at pabagsak na umupo sa sofa. Kauuwi ko lang galing practice kaya medyo ginabi ako. Naglabas ako ng hininga 'tapos inis na tumingin sa kung saan.

Nakalaro ko kanina si Jin-- 'Yong kapatid ni Mirriam, hindi ko maipagkakaila na magaling din siyang player sa batch niya. Pero hindi ako p'wedeng magpatalo lalo na't alam kong may something siya kay Haley. Ipapakita ko kung sino ang lalaki sa aming dalawa.  

May nagbukas ng pinto, nagulat na si Haley pala ito. Kauuwi lang din pala niya, saan siya nanggaling?

Nakasuot pa rin kasi siya ng school uniform, kaya mukhang hindi pa ito umuuwi at ngayon lang nakarating.

Dahan-dahan niyang isinara ang pinto nang mapatingin ito sa akin. Nawala ang sigla ng mukha niya at bumusangot. Medyo namilog  ang mata ko dahil hindi pa pala ako umiiwas ng tingin. Kaso ano itong awkward na namamagitan sa amin?

Nakatitig lang siya sa akin nang pairap siyang pumaharap ng tingin at naglakad para siguro bumalik sa kwarto niya. Gusto ko sana siyang kausapin pero umurong na ang dila ko. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat na salita ang dapat kong ilabas sa bibig ko para lang bumalik kami sa dati.

I've said too much… I can't blame her.

Muli nanamang nagbukas ang pinto kung saan sinalubong ako ng hayop na 'to ng isang pagkalawak lawak na ngisi. "Nandito ka lang pala, eh! 'Di mo sinasagot 'yong text ko!" pagkalapit pa lang ni Jasper sa akin ay inakbayan na niya ako. Inamoy pa niya ang buhok ko na itinulak din ako pagkatapos, "Ang baho mo, Reed! Maligo ka na nga!"

Inis ko namang inayos ang buhok ko, "May sinabi ba kasi akong amuyin mo? Bakla ka ba?" iritable kong tanong. 

Nagpameywang siya, "Dude, chill ka lang. Kapag hinalikan ko si Kei, panis 'yang pang-aasar mo sa akin." taas-noo nitong wika na nagpaawang sa akin. Kaasar, hindi pa pala nasasabi nila Harvey 'yong tungkol sa kanila ni Kei. Argh! Dami namang kailangang ayusin! 

Shet talaga, bakit pinapatagal pa nila? Hindi ko naman puwedeng sabihin 'yong nalalaman ko kay Jasper dahil problema nila ito, eh. Sila dapat ang lumutas-- Kaso hindi ko naman p'wedeng hayaan na maging tanga ang kaibigan ko na 'to.

Sumeryoso ang mukha ko. Sabihin ko na lang ba?

"Uy, Reed? Nakakatakot ka naman, joke lang 'yo--"

"Jasper." seryoso kong tawag sa kanya, "May kailangan akong sabihin sa 'yo."

Humawak siya sa batok niya, "Sa totoo lang ako rin, eh." sabi niya't napakamot pa roon. Pinauna ko na nga lang siya dahil kailangan ko rin ng bwelo, ngunit hindi  ko naman inaasahan na mawawalan ako ng pagkakataon para sabihin ang dapat na sabihin. "Liligawan ko na si Kei bukas, tutal wala namang pasok."

Crap…

Naging seryoso na rin ang tingin niya, "Gusto kong tulungan mo 'ko sa gagawin kong surpresa." dugtong niya. Iniiwas ko ang tingin ko sa kung saan.

Bigla pa akong naipit sa sitwasyon. Ano ng gagawin ko? Paano ko na masasabi 'yong dapat kong sabihin?

Kainis, kaibigan ko si Jasper pero kaibigan ko rin si Harvey kaya… Hindi p'wedeng may kampihan ako sa kanila. Hindi ako puwedeng sumama sa side na 'to dahil sa rason na ganyan at hindi rin naman ako puwedeng pumunta sa side ng isa dahil sa alam kong may mali.

Sumimangot na si Jasper noong hindi na ako sumasagot, "Oy p're? Ano na? Tutulungan mo ba ako o hindi?" tanong niya at ipinatong ang kamay niya sa balikat ko. 

Yumuko na ako, "H-hindi puwede…" nagmarka ang pagtataka sa mukha n'ya dahil sa sinabi ko. Inalis niya ang nakapatong na kamay sa balikat ko.

"Ano? Hindi ko narini--" pinutol ko ang sasabihin niya. 

Inangat ko ang tingin para makita niya ang pagiging concern ko, "Do you really think Kei will take back your feelings?" I asked him just to make sure he'll consider his decision. 

Hindi sa dina-down ko ang kaibigan ko, I just want him to realize that the girl she likes has already someone she like.

Nagsalubong ang kilay niya, "Hindi ko malalaman kung hindi ko susubukan." sagot niya, "Kaya ano'ng problema?" naghihinala na tanong nito.

Sasagot pa lang ako nang biglang tumunog ang phone ko. Yes! Right timing!  

Tumayo ako at kinuha ang phone sa aking bag, "Sandali lang, p're." lumayo ako sa kanya at sinagot ang tawag. Si Mirriam ito, ibinigay ko kasi sa kanya 'yong number ko kahapon dahil may pinabili ako sa kanya. Pero siyempre, sinabihan ko kaagad siya na huwag niyang ibibigay sa mga kaibigan niya dahil hindi sa pagmamayabang pero gustung-gusto nga naman talaga nila ako.

Buti pa nga kamo si Mirriam, medyo naiiba sa kanila. Gusto niya si Jasper pero 'yong paraan ng pagkagusto niya sa tao, 'di tulad ng ibang estudyante sa Enchanted University. Masyadong obssess na matatakot ka na lang na lumapit sa kanila. 

Hindi papansin si Mirriam kaya madali na lang din naging magaan ang loob ko sa kanya. Hindi ko naman ibibigay ang number ko kung hindi ako kumportable sa kanya, eh.  

"Oh, Mirriam. Bakit?" tanong ko.

Tumikhim siya bago sumagot, "Nakalimutan ko 'yong pinapabili mo, ano nga iyon?" nahihiya nitong sabi na tinawanan ko.

"Ah, 'yong para sa portfo--"

"Si Kei 'yon, ha? Hala, kasama rin pala niya si Harvey--" bigla siyang napatigil kaya napatanong ako kung ano ang problema. Nabanggit niya si Harvey, nakita niya kaya 'yong dalawa?

Naging seryoso ang tono ng boses ni Mirriam, "Reed, aminin mo nga."

Bigla akong kinabahan sa paraan ng pananalita niya, "Si Harvey and Kei… Sila na ba?" isa nanamang tanong na hindi ko kaagad masagot. Nilingon ko si Jasper na hinahalungkat ang gamit ko. Sasabihan ko sana siya nang magsalita ulit sa kabilang linya si Mirriam. "No, nevermind. Bibili na ako para makauwi na 'ko."

Ngumiti ako, "Salamat, pasensiya na rin" wala na siyang sinabi at in-end lang ang call. Ibinaba ko na ang kamay ko at muling sinulyapan si Jasper.