"Gooood morning Pinas!! Whoohooo! I'm alert, awake, alive, enthusiastic. WALANG LABIS. WALANG KULANG"
Kusot ng mata sabay hikab papuntang sala. Masilip nga si Miguel. 'Di ko na kailangan pang mag-hilamos at mag mumog, sya LANG naman eh. Buti sana kung yung KRAS kong si Marcky. *blush*. OPO. INAAMIN KO NA PO, KRAS KO PO SI MARCKY YAN! Ayieeee. Hihi! Pero quiet lang kayo ah. Alam nyo naman yun, FEELER. Kaya shhh lang tayo mga tropa.
Oh? Asan yun?
*Krakkk~*
Sounds broke? Ano yun?!
Galing sa kusina yung tunog eh.. Makapunta nga..
What? Basag na pinggan? Naknang!
"Ano ginagawa mo sa kusina KO?" -Ako.
At bastusan lang, hindi sumasagot at nakatalikod pa sa 'kin? 'Di alam ang GMRC?
"Hoy Luna! Ano na naman ba 'to ah." Sigaw ko with RAWR!
"Sorry naman. Nadulas kasi sa kamay ko kanina e. Pasensya~" Sabi ni Miguel na iba na naman ang katauhan. SORRY daw? Anyare dito? Kayo ba alam nyo?
"Palitan mo yang nabasag mo ah." Sabi ko sabay upo. "At bakit 'di ka humaharap pag kinakausap ka? Ha?"
"I'm busy. I'm cooking. For you." -Miguel.
Hansabeh?
"I just want to say thank you for the last night?" Dagdag pa ni Miguel.
"Fo-for last ni-night?" Gosh! What had happened last night??
"Yeah! " Matipid nyang sagot ng nakangiti pa.
Anyare nga? Ha? Ha?
"Hayup ka! Pinatuloy kita dito tapos ganyan gagawin mo sa 'kin! Ingrato!" Sigaw ko habang sinusuntok suntok ko sya.
"Wait. Let me explain~ Aray! Te-teka.. Aray!" Explain nya mukha nya!! Huhuhu!
Explain explain nya mukha nya. Pagkatapos nyang makuha ang pinaka iingatan kong perlas ng silangan?
"Ansama mo! Hik.. Anong thank hik.. for the hik.. last hik night? hik" Umiyak na ako. Dyahe naman oh!
"Hey. Stop crying. What I mean for the last night is for aiding me. Sa pag-gamot mo ng mga pasa ko. That's it. I. DIDN'T. DO. ANYTHING. TO. YOU. Okay?" Sabi ni Miguel.
Buti naman kung ganun. Hay! Buti naman. Kung hindi... Ayoko ng isipin!
"And one more thing.. YOU. ARE. NOT. MY. TYPE. *smirk*" -Miguel.
"MAS HINDI NAMAN KITA TYPE. CHE! UMALIS KA NA NGA! LAYAS!" Sigaw ko ulit sa kanya with a RAWR!
At ayon gumorabels na nga sya pagkatapos nyang magluto. Tumatawa pa ang loko. Kala mo naman si Adonis eh. Kaloka talaga sya! Tss.
Malamon na nga 'tong ginawa nyang arozcaldo..
"WOW! Hangchalap~"
Ang sarap naman nitooo! Simot-sarap! Namnamnam! Ang galing pala mag luto nung weirdo na yun ah. HEAVEN! =)
Thinking of heaven, musta na kaya ang star of my life na si Marcky? Hihi! Hehehe! Ang landi lang. Bakit ba kasi weekend pa ngayon eh. 'Di ko tuloy sya makikita.
Oh well, balon. Tsaka ko nalang sya iisipin, madami pa akong kalat na lilinisin. Yung basag na pinggan at yung mga utensils na ginamit ni Luna. General cleaning ang peg.