webnovel

THIS NERD IS MY DREAM GIRL (Completed Novel)

SI NERD - isang unpopular, weird, chaka pero matalino. Yun nga lang, madalas siyang binubully ng mga kapwa niya estudyante dahil sa pagiging nerd niya. But still, she's lucky for having her friends that always saves her day. SI HEARTTHROB - sikat, guwapo, mayaman, habulin ng mga babae, star player pero hindi masyadong matalino. In short, nasa kanya na ang lahat. But still, he's waiting for a girl he loves for many years. Ngunit paano na lang kung malaman nilang pareho ang sikreto ng bawat isa? Is there a complication between them? O mabubuo kayang pagtitinginan?

JhaeAnn_16 · Teen
Not enough ratings
81 Chs

CHAPTER TWENTY FIVE

(Villas's Mansion, after one day)

(Kath Rence's POV)

GOOD MORNING UNIVERSE!

Ehem, napansin ko lang, sa lahat ng umaga ko, 'eto na siguro ang masasabi kong pinakamaganda kong gising.

Tumayo ako kaagad sa kama ko at humarap ako sa salamin. Oh well, ako pa rin naman ito eh, medyo malaki nga lang ang ipinagbago. Feeling ko nga, iba nang Kath Rence Villas ang nakikita ko ngayon.

Pumunta ako sa banyo para maligo pero napansin kong bago na ang shampoo, conditioner at sabon na gagamitin ko. Pampakinis daw ng balat ang sabon na yun ayon kay Yogo at pampaganda naman ng buhok ang shampoo at conditioner ayon kay Mikki. Pagkatapos kong maligo ay naglagay ako ng lotion para hindi magmukhang dry ang balat ko. Maputi naman ako eh pero dahil na rin sa pagpapabaya ko sa sarili ko noon ay medyo naging dry ang balat ko. 

Haay. Nakakapanibago tuloy. 

Sinuklay ko yung buhok ko at tinalian at natutuwa ako dahil hindi na buhaghag ang buhok ko. 

Pagkatapos kong mag-ayos ay isinuot ko na ang bagong uniform na ibinigay sa akin ni Lola Mart. Hindi na ito katulad ng uniform ko dati na sobrang luwang tsaka sobrang haba ng palda. Etong bagong uniform ko ngayon ay fit na fit tsaka sakto lang ang palda sa tuhod ko. Yung sapatos ko ay may heels pero hindi naman ganun ka-taas at ang medyas ko ay hindi na rin kasinghaba ng ginagamit ko noon. Naglagay ako ng pulbos at tsaka ng lipgloss dahil hindi talaga ako mahilig mag-make up.

Humarap ulit ako sa salamin at...wow. Ako ba talaga ito? Dalagang-dalaga na yata ang dating ko dito sa itsura kong 'to. At sa tingin ko ay kahanay ko na ulit sina Rhian, Yhannie, Khendra at Erich. At isang bagay ang inilagay ko sa utak ko: ibabalik ko ang The Empress na kinababaliwan ng mga lalaki at kinaiinggitan at pinangingilagan ng mga babae. Wala akong pakialam kahit na lumaki pa ang ulo ko, basta't ang mahalaga ay muli nilang makilala kung sino talaga ako.

Nung makaramdam na ako ng gutom ay bumaba na ako.

Pagbaba ko ay nakita ko sina Daddy, Mommy at Kuya Leonard na nag-aagahan na. Lumapit ako sa kanila.

"Good morning Daddy, Mommy and Kuya!" bati ko sa kanila.

"Good morning Kit-kat! Wow, talagang nagbalik na ang The Empress huh." ang humahangang sabi sa akin ni Kuya Leonard.

"Thank you Kuya! I really appreciate it." sabi ko naman sabay upo ko sa upuan sa tabi ni Mommy.

"Sige na, kumain ka na anak. Nakahanda na ang favorite mong milk cereal with strawberries tsaka yung whole wheat bread na may Nutella." sabi ni Mommy sa akin.

"Okay Mommy." at sumubo ako ng cereal. "Anyways, kamusta naman ang new look ko? Bagay ba?"

"Anong bagay lang? Bagay na bagay talaga sayo anak!" sabi ni Mommy.

"Mabuti naman at bumalik na ang self confidence mo sa sarili mo. I'm so proud of you Kath." ang nakangiting sabi ni Daddy. 

"Thank you po Daddy." 

"O siya, kumain na kayo at baka ma-late pa kayo sa school." sabi ni Mommy. Agad na kaming kumain para makaalis na kami kaagad. 

Pagkatapos naming kumain ay nag-drive ako ng kotse at hindi ko na muna isinama si Mang Rodel papasok sa school.

(Kensington High School)

(Kath Rence's POV)

PAGPASOK ko sa loob ng school ay pansin kong pinagtitinginan ako ng mga estudyante, mapa-lalaki man o babae. Hindi ko maiwasang manibago sa mga nangyayari sa akin dahil hindi naman nila ako pinapansin dati. Pero okay na rin ang ganito para unti-unti na akong masanay.

Habang naglalakad ako sa corridor ay may tatlong lalaking humarang sa akin.

"Hi Miss Beautiful..." bati nila sa akin.

Hindi ko sila inimikan.

"Bago ka lang ba dito?" tanong nung isa sa kanila.

"No." matipid kong sagot.

"Talaga? Sa ganda mo kasing yan, for sure, napansin na kita. Well, I'm Jay."

"Sorry pero hindi ako interesadong makilala ka. Excuse me." at nilagpasan ko na sila. 

"Pare, wala ka pala eh!"

"Tablado!"

"Akala ko ba, malakas ka sa chicks, Jay?"

Halatang nainis sa akin yung Jay. Oh well, inihanda ko na ang sarili ko sa mangyayari. Ewan ko na lang kung hindi manindig ang mga balahibo nila sa takot. 

* evil grin *

"Alam mo Miss, wala pang humihindi sa akin. For sure naman, nagpapakipot ka lang eh. Pero okay lang, yan naman yung gusto ko eh."

I gave him a death glare. A deadly glare, dahilan para bigla silang matigilan.

"T-teka Pare....y-yan ang..."

"Empress Eye." I said sarcastically at them.

Nanigas sa sobrang pagkagulat ang tatlo.

"Siguro naman...pwede nyo na akong paalisin." at umalis na ako. Hindi na ako tinangkang habulin pa ng mga lalaking yun.

Habang naglalakad ako sa classroom ay unti-unti na akong namumukhaan ng lahat. May mga humahanga at may iba nga na hindi makapaniwala dahil nagbalik na ang tunay na Kath Rence Villas. At mas nagulat sila nang nilapitan ako ni Rhian.

"Good morning beautiful!" bati sa akin ni Rhian.

"Good morning gorgeous." bati ko rin sa kanya.

"Omigosh! Is that their nerd friend?" - Girl 1.

"Si Kath Rence ba yan?!" - Girl 2.

Tinignan ako ng dalawang babaing yun at nakumpirma nilang ako nga yun.

"Siyanga! Omigosh! She's so beautiful!" - Girl 1.

"Gawa tayo ng fansclub niya!" at nagtitiling nagtakbuhan palayo ang dalawang babaing yun.

"As I expected..." at napabuntung-hininga na lang ako. 

"Masanay ka na Kit-kat. Talagang pagkakaguluhan ka na ng mga yan." and Rhian smiled at me.

"Oo nga Katy."

Napalingon kami sa likod namin at nakita namin si Satchel na may hawak na bulaklak at nakangiti sa amin.

"Hey handsome! Sa wakas at nandito ka na rin! Nami-miss ka na kasi ni Katy eh." sabi ni Rhian.

"Really? You missed me Katy?" he asked so sweetly.

"Yes my Bebeyonce." at piningot ko ang ilong niya.

"Flowers for you." at ibinigay niya sa akin ang bulaklak na hawak niya.

"Thank you Bebeyonce ko." and I smiled at him.

"You're welcome, my queen." and he held my hand. "Tara na sa classroom."

"Sige." at magkaakbay kaming naglakad. 

"Huy, sandali! Hintayin nyo naman ako. Sandali!" at hinabol kami ni Rhian.

(IV-1 Classroom)

(Kath Rence's POV)

PAGPASOK namin sa loob ay bumulaga sa amin ang babaing classmate namin na nanlait sa akin dati nung mapili akong Ms. Campus Princess.

"Excuse me Miss, bago ka ba dito?" tanong niya sa akin.

"No." matipid kong sagot sa kanya.

"And why you're with Prince Satchel and Princess Rhian? Kaibigan ka ba nila?"

"Yes. Close friend nila ako. As in very very close." sabay dikit ng daliri ko sa daliri ni Satchel.

"Ha?! D-don't tell me..." at napasinghap sa gulat ang classmate namin. "I-Ikaw si...K-Kath Rence?!" 

"What?! Siya si Kath Rence?!" sabad nung isa sa mga classmates namin.

"Yes. I am." and I smiled triumphantly.

"KATH RENCE!!!!" ang gulat na gulat na sabi ng buong klase na dinaig pa nila ang nakakita ng alien. 

"P-paanong ang panget na k-katulad mo ay..." at mas natigilan ang classmate namin nang pinanlisikan ko siya ng mga mata. Napaurong siya sa sobrang takot.

"Natatandaan mo pa ba ang mga matang ito...Floral?" ang nakangising tanong ko habang unti-unti nang nandidilim ang paningin ko sa kanya at anytime ay pwede ko na siyang saktan at ipahiya sa lahat.

"T-that's...the...E-Empress Eye..." ang nanginginig sa takot na sabi ng classmate namin.

"Good. Mabuti't natatandaan mo pa yun. Ano nga pala ako noon Floral?" tanong ko pa sa kanya.

"Y-you're the...E-Empress Sweetheart." uutal-utal na sabi niya.

"Very good. Now, ano ang pagkakakilala mo sa akin noon?" tanong ko ulit sa kanya.

"Y-you're the m-most s-superior of the C-Campus S-Sweethearts. I-ikaw ang p-pinaka-l-leader nila." 

"Good. Now get out of my face, bitch!" pasigaw kong sabi sa kanya. Takut na takot siyang bumalik sa upuan niya.

"At kayo, subukan nyo lang sirain ang araw ko...dahil alam nyo na ang mangyayari sa inyo. Understand fellas?"

Nanginginig na tumangu-tango silang lahat.

"Very good. Madali naman pala kayong kausap." at umupo na ako sa upuan ko. Sumunod naman sa akin sina Satchel at Rhian.

"Haay, finally makakapagpahinga na muna ako sa mga estudyanteng bwisit!" ang nakangising sabi ni Rhian sabay ngiti niya ng nakakaloko sa mga classmates namin. Hindi nakaimik ang mga classmates namin sa sobrang hiya.

"As you said Rhian." at nag-appear silang dalawa.

Nung dumating na si Ms. Nicdao ay nag-check sila ng attendance. Nung tawagin na nila ang pangalan ko ay sumagot ako ng present. Gulat na gulat din sila nang makita nila ako.

"Waah! Really?! Ikaw na talaga yan Kath?!" shocked na tanong ni Ma'am sa akin.

"Yes Ma'am." sabi ko naman.

"Gosh...you're so beautiful! Yang gandang iyan ang hinahanap ko sa Ms. Campus Princess! Mabuti naman at nagpabago ka na ng itsura mo!" sabi pa ni Ma'am.

"Thank you Ma'am." I said formally.

"Yan. Nakita nyo na kung gaano kaganda si Kath Rence. Siguro naman...hindi nyo na siya lalait-laitin pa." ang diretsahang sabi ni Ma'am sa kanila.

Hindi nakapagsalita ang buong klase sa sobrang hiya.

"Okay, so let us discuss about our new lesson. Open your books on page 44."

Binuklat na namin ang libro namin at inumpisahan na ni Ma'am ang discussion.

(Cafeteria, Lunch break)

(Kath Rence's POV)

PAGDATING ko sa cafeteria ay nakita kong nakatingin ang lahat ng estudyante sa akin at sinusundan nila ang bawat galaw ko. At dahil punuan ang counter ay pumila ako. Pero nagulat na lang ako nang tumabi ang mga estudyante hanggang sa ako na lang ang matira sa gitna ng counter.

"Bakit? May problema ba?" tanong ko sa kanila.

"Princess Kath Rence, mauna ka nang um-order para hindi ka na mahirapan." sabi nung nerd na babae sa gilid.

"Thanks." at pumunta na ako sa counter. Um-order na ako ng favorite kong mango shake, pasta at chicken salad.

"Sige po Miss Kath Rence. Ako na lang po ang magdadala." sabi nung waiter.

"Salamat." at umalis na ako sa counter habang nakatingin pa rin sila sa akin. Humanap ako ng mauupuan at saktong nakita ko sina Riri at ang kanyang tatlong alipores na napakatahimik habang kumakain. Muli kong naalala ang kanilang atraso sa akin nung isang gabi. 

Mapag-trip-an nga sila.

Lumapit ako sa kanila.

"Hi girls. What a nice lunch." bati ko sa kanila habang naglalaro ang mapamintas na mga ngiti sa labi ko.

"P-Princess Kath Rence...a-anong kailangan mo sa amin?" ang uutal-utal sa takot na tanong ni Riri habang ang tatlong kasama niya ay hindi na maituloy ang kanilang pagkain dahil sa takot nila sa akin.

"Wala naman akong kailangan sa inyo. Ang gusto ko, umalis kayo dyan dahil pwesto namin itong inuupuan ninyo." sabay turo ko sa mismong mesa na kinakainan nila.

"P-pero...n-nauna kami dito..." katwiran ni Yarra pero dahil muli akong napikon sa kanila ay sinabunutan ko ang buhok niya. Sasaklolo na sana sina Riri pero pinalibutan sila nina Rhian na nasa tabi ko na pala.

"Sasagot ka pa talaga noh? Wala akong pakialam kung nauna kayo dito. Basta ang gusto ko, umalis kayo. Alis!" sabay bitaw ko sa buhok ni Yarra. Takut na takot silang umalis dala ang pagkain nila habang tinatawanan sila ng mga estudyante sa paligid.

"Kawawa sina Riri noh. Maski sila na mga queen bees sa school na ito, hindi umubra kay Princess Kath Rence." - Boy 1.

"Pano kasi, nakakatakot siyang kalaban. Lalo na kung panlilisikan ka nyan ng mga mata, naku, tumakbo ka na palayo dahil malilintikan ka talaga sa kanya." - Girl 1.

"Sinabi mo pa. Pero nakakainggit talaga siya, kasi girlfriend siya ng ultimate prince ng school natin." - Girl 2.

Eh di mainggit kayo. Who cares?

Naupo na ako sa upuang inalisan nina Riri at gayundin sina Rhian.

"Haay! Gutum na gutom na ako! Hindi ko na mahintay pa ang order ko!" at bahagyang hinimas-himas ni Yhannie ang tyan niya. "Ikaw Kit-kat, naka-order ka na ba?"

"Yes. In any minute, dadalhin na dito ang order ko." sabi ko naman sa kanila.

"How's your first day of being a princess? Nag-e-enjoy ka ba?" tanong sa akin ni Khendra.

"Yup. Pero mukhang mas malala pa yata ngayon kesa noon." ang biro ko sa kanya.

"Haha! Ganun talaga, pero pasasaan ba't masasanay ka rin." sabi naman ni Erich sa akin.

"Salamat talaga dahil napaka-supportive ninyong kaibigan sa akin." ang nakangiting sabi ko sa kanila.

"You're welcome! Kaya lang naman namin ginagawa yun kasi mahal na mahal ka namin." sabay pisil ni Rhian sa pisngi ko. "Haay, ang cute cute mo talaga! Sobra!"

"Uy Rhian, grabe ka naman kung makapangigil dyan kay Kit-kat!" sabad ni Erich. 

"Pano kasi, ang cute cute ng bestfriend natin!" depensa ni Rhian. Nagtawanan kaming lahat.

Habang nagtatawanan kaming lima ay nasa amin ang atensyon ng lahat.

"Ang cute pala ni Princess Kath Rence kapag hindi siya nakasuot ng pambaduy." - Boy 1.

"Oo nga Pare, ang ganda niya." - Boy 2.

"Tara, lapitan natin siya." - Boy 3.

"Sige, at nang masipa tayo ni Princess Rhian palabas ng school na 'to." - Boy 4.

Talaga. Kung gusto nyo, ako pa ang sisipa sa inyo palabas eh. 

Nung dumating na ang order namin ay agad na kaming kumain. Habang kumakain kami ay napansin kong medyo kinikilig si Rhian habang may binabasa siyang letter.

"Hoy lukaritang babae, anong inginingiti mo dyan?" tanong ni Yhannie sa kanya.

"Ha? Wala. Wala akong nginingitian noh." pag-de-deny pa ni Rhian pero tinawanan lang namin siya.

"Bakit? Anong nakakatawa sa sinabi ko?" takang tanong niya sa akin.

"Anong nakakatawa sa sinabi mo? Ikaw. Ikaw mismo ang nakakatawa. Ang galing mo ding mag-deny noh! Aminin mo na kasing kinikilig ka sa love letter ng secret admirer mo!" kantyaw ni Erich.

"What? Secret admirer? Kayo talaga, masyado nyo akong ni-ra-rattle sa mga kalokohan ninyo." ang patuloy pang pagtanggi ni Rhian pero laking gulat niya nang agawin ko ang sulat at binasa ko ito.

"Kit-kat, ibalik mo sa akin yan!" tarantang sabi ni Rhian pero ipinasa ko kay Yhannie ang sulat at binasa naming dalawa ang laman ng sulat.

"Hoy, unethical yang ginagawa ninyo ha!" sita pa ni Rhian pero hindi namin siya pinansin. Habang binabasa namin ang sulat ay bigla kaming natigilan ni Yhannie, hindi dahil sa message na nais iparating ng sulat, kundi dahil pamilyar sa aming dalawa ang penmanship ng nagpapadala ng sulat kay Rhian. Dahil nga saglit kaming natulala ay agad naming ibinalik kay Rhian ang sulat.

"Haay, akala ko, hindi nyo na ibabalik ito." sabi ni Rhian sabay tupi niya sa sulat. 

"Rhie, kilala mo ba kung sino ang may-ari ng penmanship na yan?" tanong ni Yhannie.

"Hindi eh. Bakit?"

"Kasi kilalang-kilala namin ang may-ari ng love letter na yan." sabay labas ko ng notebook ni Kuya Leonard na hiniram ko sa kanya. Binuklat ko ang notebook ay kinuha ko ang sulat kay Rhian. Pinagkumpara ko ang penmanship ni Kuya sa penmanship na nasa sulat at napadilat ako ng mga mata sa sobrang gulat...pagkat nag-match ang penmanship ni Kuya sa penmanship ng may -ari ng sulat. 

In short...

SI KUYA ANG MAY-ARI NG SULAT.

WAAAH!!!

TOTOO BA 'TO?!

SI KUYA...

MAY GUSTO SA AMAZONANG BESTFRIEND NAMIN?!

"O, ano na? Pareho ba?" tanong ni Khendra.

"Yes." ang magkasabay na sagot namin ni Yhannie.

Muntik nang malaglag si Rhian sa upuan sa sobrang gulat at mukhang gayundin si Erich.

"W-weh? Y-yung totoo? S-si Leonard talaga...yun?" ang halos mautal na sa gulat na sabi ni Rhian.

"Oo. Sigurado akong siya yun!" Yhannie exclaimes.

"Girls, kilala ko ang kuya ko. Kahit na siya ang may-ari ng sulat ay hindi niya aaminin yun sa atin." sabi ko sa kanila.

"Eh anong gagawin natin? Paano natin mapapaamin ang kuya mo?" tanong ni Khendra.

"Basta, kami na ni Yhannie ang bahala dun." at nagkindatan kaming dalawa.

"Haay, siguruhin nyo lang yan ha." sabi ni Rhian sabay tingin niya ulit sa notebook ni Kuya at sa sulat.

Hmm...seems that my dear kuya needs help. Pero bago ako kumilos, aalamin ko muna kung si Kuya talaga ang nagpapadala ng sulat...and the same time, para matulungan ko na rin siya kung paano siya makakapagtapat ng personal kay Rhian.