webnovel

This Girl (Tagalog)

Si Chantal Fay Ackerman ay isang ordinaryong babae pero may nakakahangang abilidad. Maraming nakakapansin ng mga achievements nya ngunit hindi parin nya makuha ang atensyon ng kanyang mga lolo't lola. Lahat ay napapahanga. Lahat ay napapabilib. Ang lahat ay kaya nya kahit di mo inaasahang kaya nya. Ngayon, alamin natin ang kwento ng ating bidang si Chantal. Lahat ay mamamangha. Lahat ay bibilib.

Gummy_Sunny · Teen
Not enough ratings
15 Chs

Chapter 7

- - - Chapter 7 - - -

- Lake's POV -

Nakaalis na si Miss Chantal pero nakatanaw parin kami sa dinaanan ni Miss Chantal.

"Grabe... Kamuhla talaga sya ni Faith..." Mahinang saad ko.

"Sino ba si Faith? Bakit pinagkamalan nyo sang anak ko?" Tanong ni Mrs. Ackerman. Humarap naman kaming lahat sa kanya.

"Kamuhka pi kasi talaga sya ni Faith. Kung wala lang pimples si Faith at hindi sya magsasalamin. Baka pagkamalan silang kambal ni Miss Chantal." Saad ko.

"Talaga? May picture ba kayo ng babaeng iyon?" Tanong ni Daddy.

"Dad, that girl has a name. And her name is Faith." Saad ko at inilabas ang phone ko tapos pinakita ko sa kanila ang picture ni Faith.

"Oo nga. Magkahawig nga sila ni Faith." Saad ni Chad.

"Gusto kong makita ang babaeng yan." Saad ni Chad tapos tumingin sa akin. "Alam nyo ba ang address ng babaeng to?" Tanong ni Chad.

"Chad, ano ba? May pangalan nga sya, ehh. Faith nga ang pangalan nya. Faith." Saad ko.

"Bakit ba ang depensive nyo pagdating sa Faith nayan?" Tanong ni Mommy tapos ngumiti na parang may masamang balak. "Ayieee... Honey, nagbibinata na ang anak mo." Saad ni Mommy kay Daddy habang nakangiti sa akin.

"Akin sya." Sabat ni Leon.

"Tsk, ako ang BabyRy nya." Sabat naman ni Ryan.

"Hoy, ako ang...."

"Ano? Ikaw lang ang may pangit na nickname." Saad ni Ian.

"Bakit? Ano ba nickname ni Lake?" Tanong ni Chad.

"Unggoy." Sabay-sabay na saad ng tatlo. Hindi ko mapigilang iikot ang mga mata ko.

"Ang pangit nga non, Bro." Saad ni Chad at tumawa-tawa.

"Tsk. Ako kasi mas gusto nya sa inyong tatlo. Ako ang leader diba? Ako ang pipiliin nya." Saad ko na punong-puno ng pagmamalaki.

"Walang mapipili sa atin. Meron pa tayong Brent na papabagsakin." Saad ni Ian habang nakatingin sa may pinto.

"Sino naman si Brent?" Tanong ni Mr. Ackerman.

"Ahh. Si Brent po, best friend po sya ni Faith tapos feeling ko po may gusto sya kay Faith." Saad ko.

"Anong feeling mo lang. Literal na may gusto sya kay Faith. Si Faith lang talaga ang manhid." Saad ni Ian.

"Baka naman gold digger ang babaeng iyon?" Sabat ni Beana.

"Hindi sya ganon. Kumain nga kami ng restaurant tapos sya pa nagbayad." Saad ko.

"Owemji?! Kayong lima?!" Maarteng saad nito.

"Tsk. Shempre, hindi. Apat silang babae. Actually kahapon yon. Tapos kasama namin sila Ivy, Angel, And Ashley. Syaka si Brent." Saad ko.

"Oww. Yung Ivy ang binully mo diba, Beana?" Tanong ng mommy nila.

"Tsk!" Singhal ni Beana at umalis ng sala.

- Chantal's POV -

"Matagal ba ako?" Tanong ko kila Ivy.

"Hindi naman." Saad ni Ivy at ngumiti.

"Ahm... Muntik na ako mahuli kanina." Saad ko na ipinagtaka nila. "Nandoon sa bahay ang pamilya nila Lake, Ryan, Leon, at Ian. Nakakahiya. Kailangan ko pang magtanga-tangahan para di lang ako mahalata ng mga tao doon." Saad ko at hinilot ang sintido ko.

"Ate, kanino po--- wow! Is this your house, ate?" Tanong ni Chandler.

"Yes, baby. Ahm... This is my friends. Ate Ivy, Ate Angel, and Ate Ashley." Saad ko.

"Saan ba pwedeng pumunta dito, Fay? Ang boring kasi dito sa kusina at living room ehh." Saad ni Ashley.

"Punta na tayo ng Movie Theater. Sa second floor yon." Saad ko at umakyat na. "Doon na tayo sa elevator. Mas mabilis doon." Saad ko at itinuro sa kanila ang pinto ng elevator.

"Wow. Hindi namin nakita to kanina, Fay." Saad ni Angel.

"Haha." Tawa ko nang makalabas kami sa elevator ay kinausap ko ang pinsan at kapatid ko.

"May request si ate. Pwede bang wag nyong sabihin kila Mommy, Daddy, Kuya, Kuya Bert, Kay Beana, kay tito at kay tita?" Saad ko.

"Ok po, ate." Sabay na sigaw nila at pumasok na ng Movie Theater. Pagkatayo ko ay lumapit naman sa akin sila Ivy.

"Grabe. Ang ganda talaga ng lahi nyo, Fay." Saad ni Ivy habang tinatanaw ang kapatid at pinsan ko.

"Haha. Salamat kay Grandma and Grandpa." Biro ko at pumasok na ng Movie Theater. "Ano ba magandang panoorin?" Tanong ko sa kanila.

"Avengers!" Sigaw ni Chandler.

"Barbie!" Sigaw ni Bea.

"Lego nalang!" Sigaw ni Ivy. Napalingon naman kami sa kanya.

"Haha. Sige. Tapos Tom and Jerry tapos Spongebob tapos... Tapos... Ahh, basta! Manonood tayo ng cartoons." Sigaw ko at i-plinay na ang papanoorin naming Movie.

Nanood kami ng Tom and Jerry, Spongebob, Avengers, Barbie, Lego tapos naglaro kami ng videogames sa labas ng Theater. Pagkatapos ay kumain kami ng tanghalian. Nang mag-alas-tres na ng hapon ay nagpaalam na sila Ivy na uuwi na sila.

Napag-desisyonan kong ihatid na din ang mga bata dahil muhkang pagod na sila pareho. Kanina pa kasi sila naglalaro ng lego.

"Tara na? Uwi na tayo?" Tanong ko.

"Ate, babalik pa po ba kami dito?" Tanong ni Chandler.

"Yes, baby. Babalik pa kayo dito ni Bea." Saad ko at ginulo ang buhok nila. "Tara na? Uwi na tayo?" Tanong ko ulit. Tumango naman sila pareho tapos sumakay na kami ng kotse.

A Few Moments Later. . .

Ipinarada ko ang kotse at nakita kong nandoon parin sila sa sala lahat. Pagdumngaw ko ay nandoon pa nga ang pamilya nila gonggong at shempre sila din. Pagbukas ko ng pinto ay agad na tumakbo ang dalawang bata papasok sa loob.

"Wag kayong tumakbo!" Sigaw ko. "Tsk. Mga pasaway." Bulong ko at naglakad na papasok ng bahay. Pagpasok ko ay agad akong binato ng tanong ni Mommy.

"Bakit ang aga nyo umuwi?" Tanong ni Mommy.

"Nabored na kasi sila. Kaya inuwi ko nalang." Sagot ko at tumabi ng upo kay Lake na nakatingin na sa akin ngayon.

Muhka syang tubol. Hihi.

"Ano ba?" Inis kunwari kong tanong. "Tutunawin mo ba ako?" Tanong ko at tumingin sa kanya.

"Alam mo bang yan din ang sinasabi ni Faith kapag tinititigan namin sya?" Tanong ni Lake.

"Ahh..." Saad ko.

Shit! Kinakabahan ako!

"Magkamuhka talaga kayo ni Faith, Miss Chantal. Tapos yung palayaw mo katunog ng pangalan nya. Fay... Th." Saad ni Ryan.

Wa!!!! Gusto ko nang hawakan pisnge nya!!!!

"Ano ba kasing meron sa babaeng yon at parang baliw na baliw kayo?" Mahinahon kong tanong, mahinhin. Bigla naman ngumiti ang mga loko.

"Basta gusto ko sya." Sabay-sabay nilang saad na ikinagulat ko.

M-may gusto sila sakin?! Owemji!! Hindi pa ako ready!! Waaa!!

"Ok. Sige. Uuwi na po ako." Paalam ko ay saka lumabas na ng bahay at sumakay ng kotse ko.

"Tanginang yan. G-gusto nila ako?" Tanong ko sa sarili ko habang nagdi-drive. "Ang plastic nila! Akala ko kaibigan ko lang sila, gusto na pala nila ako. Hmp!" Saad ko at bumuntong-hininga. "Ok. Relax. Ehhh! Hindi pa ako na-i-inlove!! Hu! Shit!" Saad ko at bumuntong-hininga ulit. "Ok. Relax lang. Magkukunwaring walang narinig ok? Magkukunwaring walang nalaman ok? Ok." Saad ko at umiling-iling.

Nababaliw na ako.

- - - To Be Continued - - -