webnovel

This Girl (Tagalog)

Si Chantal Fay Ackerman ay isang ordinaryong babae pero may nakakahangang abilidad. Maraming nakakapansin ng mga achievements nya ngunit hindi parin nya makuha ang atensyon ng kanyang mga lolo't lola. Lahat ay napapahanga. Lahat ay napapabilib. Ang lahat ay kaya nya kahit di mo inaasahang kaya nya. Ngayon, alamin natin ang kwento ng ating bidang si Chantal. Lahat ay mamamangha. Lahat ay bibilib.

Gummy_Sunny · Teen
Not enough ratings
15 Chs

Chapter 12

- - - Chapter 12 - - -

- Lake's POV -

"Para ka kasing tanga. Paano kung awayin nila si---" bigla akong napatigil sa pagsasalita ng makita kong nandoon na si Faith. "---Faith. Nandito ka na pala." Saad ko. Naghintay kami ng ilang minuto at hindi lumapit si Faith na parang lagi ngang ginagawa.

"Good morning." Saad ni Faith at kumaway lang sa amin.

"Hihi. Faith, asan na ang kiss at hug namin?" Tanong ni Ryan. Tiningnan lang sya ni Faith.

"Good morning!" Sigaw galing sa labas. Lumingon kami doon at nagulat kami dahil si Faith ang sumigaw. "A-anong..." Tanong nito at dahan-dahang lumapit sa Faith na nakaupo. "Sino ka?" Tanong ni Faith sa isa pang Faith.

"Haha. Chantal, tama na ang pagpa-panggap. Anong gagawin mo kapag nalaman ng buong mundo ang sikreto mo?" Nang-aasar na tanong ng nakaupo ng Faith.

"Faith, bakit mo kinakalaban? Ako, ikaw. Ikaw, ako. Iisa lang tayo kaya wag kang nangingi-alam sa plano ko." Saad ni Chantal.

"Fay, Fay, Fay. Tigilan mo na ang katangahan mo, pwede? Tyaka, wag mo na akong idamay sa plano mo dahil mas pinapagulo mo lang ang lahat. Mas nagiging komplekado lang!" Sigaw ni Faith na nakapagpatahimik kay Chantal.

"Bro, umalis na tayo dito." Saad ni Leon at dahan-dahan akong hinila palabas. Nagulat at nagitla kami ng biglang humarap ang dalawang babae sa amin.

"Saan kayo pupunta?" Tanong nila at dahan-dahang lumapit sa amin.

"Hindi na kayo makakaalis dito!" Sabay na sigaw ng dalawa. Bumunot sila ng tag-isang baril at biglang ipinutok iyon sa amin. Nang tumama ang bala ay napahawak ako sa dibdib ko tapos nakarinig ulit ako ng isa pang panibagong putok ng baril.

"Ahhhh!!!!" Sigaw ko at napabalikwas ng upo. Napahawak ako sa dibdib ko at nakahinga ng maluwag ng wala akong makitang dugo. "Panaginip lang pala." Bulong ko at napatingin sa alarm clock ko. 6 A.M. "Ang aga ko palang nagising." Saad ko at tumayo na ako tapos naligo na ako. Pagbaba ko ay nandoon na sila Mommy at Daddy.

"Good morning, Mom, Dad." Masayang bati ko at yumakap sa kanila at hinalikan sila sa pisnge.

"Ang aga mo atang nagising." Saad ni Daddy.

"Oo nga, Dad, ehh." Saad ko at kumuha na ng pagkain.

"Pabayaan mo na. Mas maganda ngang maaga syang nagising, ehh. Para marami syang makain." Saad ni Mommy.

"Hmm. Sabagay." Saad ni Daddy at bumalik ang atensyon nya sa dyaryong binabasa.

"Naniniwala ka bang hindi matalino ang unica hija nila Cendy?" Tanong ni Mommy.

"Si Chantal ba?" Tanong ni Daddy. "Hindi ako naniniwala." Saad ni Daddy.

"Bakit?" Tanong ni Mommy.

"Meron kasi akong kasunduan kay Chantal na hindi ko pwedeng sabihin sa kahit kanino ang nalalaman ko. Kaya nga ako tahimik habang nag-uusap sila tungkol kay Chantal, hindi ba?" Saad ni Daddy. "Pero yung tungkol doon sa Faith Irish at Chantal. Hindi ko na alam ang tungkol doon. Ang alam ko lang, napakaswerte ng pamilyang Ackerman dahil kay Chantal. Dahil si Chantal, sa edad nyang disi-syete, kaya nya nang doblehin ang isang milyong nakukuha ng lolo at ng pamilya nila. Pwede ngang maTriple nya pa iyon sa loob lang ng isang oras, ehh." Saad ni Daddy at mahinang natawa tapos ibinalik ang atensyon sa dyaryong binabasa nya.

Triplehin ang isang milyon sa loob ng isang oras? Sinong tao ang makakagawa non? Baka illegal naman iyon?

Wala sa sariling tumayo ako at nagpaalam kila Mommy tapos pagsakay ko ng kotse ay doon ko di-nial ang number ni Chad.

"Ohh, napatawag ka? Ang aga pa, ahh?"

"Pwede ba tayong magkita? May nalaman akong kakaiba kay Chantal. Hindi sya about kay Faith. About sya sa totoong pagkatao ni Chantal." Saad ko.

"Sige, magkita tayo." Saad nito at binaba na ang tawag.

A Few Moments Later. . .

"Yon lang daw ang alam ni Daddy, ehh." Saad ko.

"Milyon milyon ang perang pumapasok sa bangko naming mga Ackerman. Tapos si Chantal makakaya nyang triplehin iyon sa loob ng isang oras? Parang napakaimposible naman? Kasi, hindi nga yon marunong mag-ayos ng pagsasalita." Saad ni Chad.

"What if... Nagkukunwari lang si Chantal na ganon? Na hindi pala talaga sya ganon?" Tanong ko.

"Hindi, kilala ko ang kapatid ko. Alam kong hindi sya matalino, at noong bata pa sya ay sinabi na ng doktor na mabagal mag-progress ang utak nya. Kaya imposible ang sinasabi mo. Minsan nga, kailngan mo pa syang i-correct para maintindihan nya ng maayos, ehh." Saad nito.

So, imposibleng galing sa masamang gawain ang mga perang iyon.

"Mauna na ako. Baka malate ako." Paalam ko saka ko sya iniwan doon sa cafe.

- Chantal's POV -

"Ohh. Lake? Bakit ngayon ka lang?" Tanong ko. "7:00 na. Buti hindi mo nakasalubong si Ma'am Gordon. Haha. Lagot ka don." Natatawang saad ko. Yumakap ako sa kanya at hinalikan sya sa pisnge. "Upo kana. Baka lumpuhin kita dyan." Saad ko at mahinang natawa. Umupo na sya at tinitigan ako.

"Hoy, Lake. Hindi mawawala yan si Faith kaya wag mong titigan masyado. Baka matunaw yan, sige ka." Pang-aasar ni Angel.

"Idyuta ka talaga. Inaasar mo nanaman si Lake." Saad ko tapos humarap na sa harapan at tumayo. At binati ang guro naming bagong dating.

"Good morning, students. May representative na ba tayo sa beauty contest?" Tanong ni Ma'am.

"Ma'am, hindi pa po tayo namimili." Saad ni Miss Pres.

"Ok. Mamili na tayo ngayon." Saad ni Ma'am nagulat ako ng bilang magtaas ng kamay sila Ivy, Angel, Ashley. "Yes, Ivy?"

"Ma'am, I nominate Faith as one of our representative." Saad ni Ivy at nginitian ako.

"Sige. Sino pa?"

"Ma'am, I nominate Ivy!" Sigaw ko.

"Sige. Meron pa?"

"Ma'am, Si Ashley!" Sigaw ni Angel.

"Sya din po, Ma'am!" Sigaw pa ni Ashley.

"Ok. Apat na, isa nalang." Saad ni Ma'am. Lumingon ako at napalingon kay Miss Pres.

"Ma'am si Miss Pres. po!" Sigaw ko.

"Ano?! Hoy, Faith, ano ba?!" Sigaw ni Miss Pres.

"Sige, Meron na tayong five candidates. Yung sa Boys, meron din. Sinong pwedeng maging Candidates?" Tanong ni Ma'am. Lumingon ako sa likod at tumama kay Javen ang mata ko.

"Ma'am, si Javen po." Saad ko. Lumingon naman si Ma'am kay Javen.

"Ok, may isa na. Sino pang pwede? Four Kings? Gusto nyo bang sumali?" Tanong ni Ma'am. Tumango naman ang apat na lalaki pagkatapos ay nagsimula na syang magturo.

DISCUSS

DISCUSS

DISCUSS

LUNCH BREAK

"Tangina nyo. Tigilan nyo ako." Saad ko tapos inirapan ko sila.

"Faith, bakit mo naman ginawa yon?" Tanong galing sa kung saan. Lumingon ako sa likod ko at nakita kong nandoon si Javen at Miss Pres.

"Bakit mo ginawa yon? Ayaw nga namin, ehh." Saad ni Javen.

"Ok lang yon. Akong bahala sa inyo." Saad ko at nginitian sila. Bakas parin ang disgusto sa muhka nila. Bumuntong-hininga ako at hinawakan ang kamay nilang dalawa. "Magtiwala lang kayo sa akin. Akong bahala sa inyo." Saad ko at nginitian ulit sila. "Wag nyo na masyadong isipin yon. Ako nang bahala sa inyo." Saad ko. "Sabay na kayo sa amin?" Nakangiti alok ko sa kanila. Ilang minuto pa silang tumayo bago sila naupo at sumabay sa akin.

- Chad's POV -

"Totoo ba yan?" Gulat na tanong ni Grandpa.

"Ano bang nangyayari sa kapatid mo? Masyado na syang misteryosa." Saad ni Mommy.

"Sa tingin ko, kailangan din nating bantayan ang Faith na iyon. Paano kung iisa lang talaga sila ni Chantal?" Saad ni Daddy.

"Bakit naman?" Tanong ni Grandma.

"Kasi masyadong friendly si Chantal. Baka sa mga tinuturing nyang kaibigan ay mapahamak sya." Saad ni Daddy. "Masyado daw clingy ang Faith na yon. Mahilig daw nyang yakapin at halikan ang mga kaibigan nya." Saad ni Daddy.

"Ano namang problema doon?" Tanong ni Mommy.

"Honey, may pito syang kaibigan. Sila Lake, hinahalikan nya sa pisnge. Pano kung sya talaga si Chantal? Pababayaan mo bang maging ganon ang prinsesa mo?" Tanong ni Daddy.

"May picture na pinadala sa akin ang investigator ko." Saad ni Mommy tapos may lapag na picture sa lamesa. "Dyan daw nakatira ang Faith na iyon." Saad ni Mommy.

"Oww, yung bahay ni Ate!" Sigaw ni Bea. "Chandler! Yung bahay ni ate Chantal, ohh!" Sigaw ni Bea at kinuha ang isang picture sa lamesa. Nagkatinginan naman kaming lahat.

"Kaninong bahay yan, baby?" Tanong ko.

"Kay Ate po. Kasama po namin sila Ate Ivy. Paglaki ko po, papakasalan ko si Ate Ivy." Saad nito na ikinangiwi ko.

"Haha. Nagbibinata na ang bunso ko." Saad ni Daddy.

"Daddy, 7 palang ako." Saad ni Chandler at inirapan si Daddy tapos sabay silang umalis ni Bea.

"Ok. Another 2 Clues. Malapit na tayo." Saad ni Daddy.

"Sabi ng investigator ko ay may security system daw ang bahay nayon. So, ibig sabihin pwede nating mahack yon?" Saad ni Mommy.

"Mom, hindi na pwede yon. Wala na syang Privacy non." Saad ko.

"Pero yun nalang ang tanging paraan." Saad ni Mommy na parang mawawalan na ng pag-asa.

"Marami tayong choices, Mom. We don't have to take the risk." Saad ko.

"Basta. Bantayan nyo nalang si Faith. Feeling ko talaga, sya si Chantal, ehh. Ayoko namang mapahamak ang anak ko. Baka samantalahin iyon ng ibang tao." Saad ni Daddy.

"Hindi namang ganong tao ang mga kaibigan ko, Daddy." Saad ko.

"Oo, hindi sya sasamantalahin ng mga kaibigan mo. Pero ang ibang tao?" Tanong ni Daddy.

"Ahhh!! Nakakainis na talaga." Saad ni Mommy.

Chantal, mag-ingat ka. Po-protektahan ka ni Kuya.

- - - To Be Continued - - -