webnovel

Syempre Inspired Ako!

Pero kahit na nagkalat ang balita, hindi nagsasalita ang magkabilang kampo, parehong nanahimik.

Ilang araw ang lumipas pero tahimik pa rin ang bawat isa. Gusto parehong matapos ang issue ng tahimik.

Syempre, hindi papayag si VP Sales ng ganito.

"Kailangan magpatuloy ang ingay. Hehe!"

"Ano na naman pong balak nyo, Vice?"

Tanong ng assistant nya.

"Saan ba nagkukumpulan ang mga reporters na nagco cover sa issue?"

"Sa gate po ng kampo."

"Good. Then doon tayo pupunta!"

"Ano naman pong gagawin nyo dun, Vice?"

"Kailangan pa ba ng dahilan para magtungo roon? Ako ang Vice President ng bansa, may karapatan akong magtungo duon ng walang dahilan."

"Okey po, sinabi nyo eh!"

Marami ang mga reporters na laging naka abang sa kampo, yung iba halos duon na natutulog. Lahat sila matyagang naghihintay at nagbabakasakali makita sino man kila Jaime o Gen. Pasahuay.

Kaya duon nagtungo si VP Sales, kunwari, nadaan lang.

"Ano ba ang meron at ang daming reporters dito?"

Tanong nya sa isang sundalo na nagbabatay sa gate ng kampo.

"Inaantay po nila si Gen. Pasahuay at si Gen. Santiago,Sir."

"Ganun ba?"

Pero hindi nito itinaas ang bintana at sinilip silip ang mga reporters na kunwari nakikiosyoso pero ang totoo gusto nya lang na mapansin sya ng mga ito.

"Si Vice, ayun!"

Tumakbo ang isa at ng madinig sya ng iba nagsisunod ang mga ito sa kanya.

"Vice, Vice! Konting interview lang po! Bakit po kayo nagpunta dito? Sino po ang pupuntahan nyo?"

"Ha? Wala napadaan lang ako! Bakit ba kayo nagkakagulo ng ganyan? Sige papasok na ako sa loob!"

Pero hindi naman nakilos ang driver na assistant din nya at hindi pa rin naman nya tinataas ang bintana, kaya nagpatuloy sa pagtatanong ang mga reporters.

"Eh, Vice sino pong pupuntahan nyo sa loob? Si Gen. Pasahuay po ba o si Gen. Santiago?"

"Hahaha! Kayo talaga! Hindi nga ako sigurado kung nandyan ba sa loob ang dalawa!"

Sagot ni Vice pero sadyang ayaw pang umalis.

"Eh, Vice ano po bang masasabi nyo sa sinampang kaso ni Gen. Santiago laban kay Gen. Pasahuay. Naniniwala po ba kayo dito?"

"Well, as far that I know, naghain na ng reklamong assault si Gen. Santiago laban kay Gen. Pasahuay kaya malamang may katotohanan ito! Alangan namang idemanda nya ang tao ng walang dahilan!"

"Pero di po ba si Gen. Pasahuay ang naghain ng warrant of arrest kay Gen. Santiago dahil sya ang itinuturo na pinuno ng sindikato?"

"May mga ebidensya nga na nagtuturo kay Gen. Santiago na pinuno ng sindikato pero ang alam ko under investigation pa ito."

"Vice, mukhang may alam kayo sa kaso ni Gen. Santiago? Kayo po ba ang nakadiskubre ng bagay na ito?"

"Well as a matter of fact... YES! Pero on going pa ang investigation kaya hindi pa dapat ito malaman ng lahat pero may nangyari ngang ganito."

"Vice, si Gen. Pasahuay po ba ang tumutulong sa inyo para maibestigahan ang kasong ito?"

"Syanga! Kaya lang hindi ko inaasahan ang mga sumunod na pangyayari kaya narito ako para sana makausap sya!"

Napatingin ang assistant ni Vice sa rearview mirror.

'Haaay Josme, ano na naman bang pinapasok nitong si Vice? Bakit nya sinabi yun eh wala naman talaga syang alam dun?'

'Ang tanging alam lang nya ay may ebidensyang nagtuturo kay Gen. Santiago, pero hindi nya alam ang mga ito!'

'Haaay si Vice talaga, mapagusapan lang!'

*****

Dahil sa ginawa ni Vice, muling umingay ang paligid.

•Vice Confirmed! Ginulpi nga ni Gen. Pasahuay si Gen. Santiago!

•Vice Confirmed! Si Gen. Santiago ang tinuturo ng ebidensya na syang ulo ng sindikato at may hinain ng warrant!

Lahat ng kanto pinaguusapan ito at pati sa social media trending ito.

Hanggang tenga ang ngiti ni VP Sales ng mabasa ang mga headlines.

"Hahaha! Kita mo naman, ako ngayon ang hero!

Marami ang nagpapasalamat ng dahil sa akin, nabunyag din ang totoo!

Hahahaha! Wala silang kamalay malay na laway lang ang puhunan ko dito!"

"Vice, nakausap nyo na po ba si Gen. Pasahuay? Baka po mag react sya sa sinabi nyo sa media na kayo ang nagutos sa kanya pero ang totoo, wala naman kayong alam sa issue!"

"Huwag kang maingay dyan! Hindi mahalaga kung may alam ako o wala! Ang mahalaga ang nakakarating sa tenga ng mga tao. At ang alam nila ngayon, ako ang taong responsable para mahuli ang pinuno ng sindikato!"

"Pero ang dinig ko po, hindi pa po confirm yung mga evidence na si Gen. Santiago nga ang utak ng sindikato! At.... wala pa pong warrant na nilalabas!"

"Teka, may sinabi ba akong warrant?"

"Ewan ko po, pero yan ang sabi sa headlines at kayo ang nag confirm!"

"Huh? Kinonfirm ko yun?"

'Haaay jusmiyo si Vice! Kabaliw!'

Kung si VP Sales natutuwa, si Gen. Pasahuay naman ay naghihimutok sa galit.

"Anong pinagsasabi ng taong ito na sya ang nagutos sa akin?"

"Sabi ko sa'yo kakamkamin nya lahat ng credits."

Paalala sa kanya ni Sen. Reyes.

"AAAARRRG! BWISIT SYA!"

*****

Sa pagdaan ng araw hindi pa rin nawawala ang usap usapan sa issue, katunayan, nagsanga sanga pa ito at mas lalong hindi lumilinaw kung ano na talaga ang totoo.

Dahil dito, naisipan ng senado na magkaroon ng senate hearing para dito.

Pinilit itong kontrahin ni Sen. Reyes pero sa huli, wala pa ring nangyari, natuloy pa rin ang Senate hearing.

"Huwag kang magaalala, Eddie Boy, malinis ang pagkakagawa ko ng ebidensya kaya wala ng kawala yang si Santiago!"

"Siguraduhin mo dahil pag may nakita silang mali, makakalaya si Santiago at malamang sa mga oras na ito, alam na nya na ako ang kasabwat mo hindi si Vice!"

Well, tama naman si Sen. Reyes.

Dahil sa mga oras na ito, inaasahan na nila Kate at Eunice ang mangyayari at handa na sila.

At sa mga oras na ito, kumpleto na rin ang ebidensya na magtuturo sa totoong pinuno ng sindikato na si Sen. Edward "Eddie Boy" Reyes.

"Ang galing talaga ng WifeyLabs ko!"

"Syempre naman! Inspired ako kay Junjun, marunong na syang tumayo! Malapit na kong makapag dessert ulit! Hehehe!"

"Junjun...?"

Sabay turo ni Kate sa pagitan ng dalawang binti ni Mel

'Jusmiyo, nabinyagan na naman pala nya si Utoy ko! Sya na pala si Junjun!'

Next chapter