127 HubbyLabs ....

"Khim!"

Tinawag sya ni Ethan ng makita nya ito sa isang souvenir shop.

"Ethan!"

Masayang bati ni Khim.

"Thank goodness I found you!"

Lumukso ang puso ni Khim ng madinig ang sinabi ni Ethan pero saglit lang yun dahil ...

"Have you seen Elise?"

"Bakit mo sa akin hinahanap hindi dun sa asawa nyang si Melabs? Sila ang magkasama diba?"

"Yes I saw them, pero bigla silang nawala! Kailangan ko pa naman syang makausap!"

Lalo tuloy nagngingitngit ang puso ni Khim sa kapatid.

'Bakit ba ganito, ako na nga ang nasa harap nya pero si Ate Kate pa rin ang hinahanap nya?'

'Hmp! Bakit kasi hindi ako naging kasing ganda ni Ate Kate?'

For the first time nakaramdam ng insecurities sa sarili nya si Khim.

Umiiyak itong iniwan si Ethan.

"Anong ginawa mo dun sa bata?"

Sabay hampas ni Eleanor sa anak ng maabutan ito.

"Aw! Mom! Bakit nyo ako sinundan?"

"Para masigurong wala kang gagawing kalokohan!"

"Pero kailangan kong makita si Elise, kailangan ko syang makausap!"

"Bakit Ethan, hindi pa ba obvious, hindi ka gustong makausap ni Kate dahil hindi nga sya si Elise! So stop this nonsense!"

Inis na iniwan ni Ethan ang ina.

"Gosh! Antigas ng ulo nya, manang mana sa tatay nya!"

Pero ang dalawang magasawa na kanina pa sila pinagmamasdan ay hindi nila makikita dahil nagtatago ito.

May treehouse sa resort na itinayo ng Lolo Enzo nya nung bata pa sya. Dito sya nagtatago pag gusto nyang mapagisa at naaalala nya ito ng madaanan nila.

Walang nakakaalam kung paano ito akyatin maliban kay Kate. Hindi nga basta basta mapapansin ang treehouse dahil sa lago ng mga dahong nakapaligid.

Kaya dito nya sa taas inaya si Mel at pinagsaluhan nila ang napakasarap na ice cream. Wala silang pakialam sa nangyayaring kaguluhan sa paligid.

"Oonga pala HubbyLabs, sabi ni Mommy uwi daw tayo ngayon sa Little Manor."

Napatigil si Mel sa pagsubo ng ice cream sa kanya at maluha luhang tiningnan ang asawa.

"Ulitin mo nga ang sinabi mo?"

"Sabi ko nagaaya si Mommy na dun tayo umuwi sa Little Manor."

Sagot ni Kate habang inaantay ang ice cream na isubo ni Mel sa kanya.

"Hindi yun! Yung una!"

"Ha?"

Sabay sunggab sa ice cream na naiwan sa ere.

"Sige na, please ulitin mo na!"

Nagblush si Kate.

Nagulat din sya, kusang lumabas yun sa bibig nya.

"H-HubbyLabs..."

"eeeeiiiii! Kakilig naman! Isa pa nga!"

"Naman eh!"

"Sige na, isa pa please!"

"HubbyLabs..."

At hindi na nakapag pigil si Mel, inakap nito si Kate ng buong pagmamahal.

"Kung alam mo lang kung gaano ko namiss na tawagin mo ako ng ganyan! Salamat WifeyLabs ko!"

Sabay halik kay Kate na hindi naman pinigilan ni Kate.

Mariin at maalab ang mga halik na iyon na tila pinanabikan din ni Kate.

Maya maya hindi na nila napansin na hindi na pala ice cream ang dessert nila.

Kay tagal nilang pinanabikan ito sa isa't isa.

And after so many things that happen they let go and they make love sa taas ng puno ng walang nakakaalam.

*****

"Khim, asan ang Ate Kate mo?"

Tanong ni Nicole.

Hapon na at kailangan na nilang umuwi pero kahit anino nung magasawa ay hindi pa nya nakikita.

"Bakit nyo po sa akin hinahanap? Hindi naman po ako kasama nya at hindi naman sa akin nagpapaalam yun!"

Nakasibangot na sagot ni Khim

Napataas ang kilay ni Nicole sa pabalang na sagot ng pamangkin nya.

"Abat ... Bakit ganyan ka sumagot? Nagtatanong lang naman ako sa'yo? Gusto mo bang tsinelasin kita?"

'Langyang batang 'to kala nya kaya nya kong tarayan eh mas mataray ako sa kanya!'

"Eh, kasi naman po lagi na lang si Ate Kate ang hinahanap nyo, puro na lang sya, eh andito naman po ako!"

"Aysus, nagdadrama! Anong problema at may hugot ka dyan?"

"Lola Cole siguro po binasted sya ni Tito Wafu kaya po ganyan face nya!"

"Hoy tumigil kang bubwit ka ha!"

Inambahan nito si Karla na lulusubin kaya agad nagtago sa likod ni Nicole ang bata.

"Tumigil ka na nga dyan Khim! Umayos ka kungdi papaluin na talaga kita!

Kung may problema ka sabihin mo ng maayos hindi ganyan napipikon ka pati sa bata! Bakit ka ba naka sibangot dyan?"

"Eh kasi po, Tita si Ate... huhuhu!"

"At anong problema mo sa Ate mo?"

"Kasi po naiinis ako kay Ate Kate!"

"At bakit ka naman naiinis sa Ate mo, anong ginawa nun sa'yo?

"Kasi naman po bakit hindi ako kasing ganda ni Ate? May Melabs na nga sya pati ba naman si Ethan ko sya pa rin ang gusto! Huhuhu!

Siguro kung kasing ganda ako ni Ate Kate magugustuhan rin ako ni Ethan!"

"So ang ibig mong sabihin naiinis ka sa Ate mo dahil sya ang gusto ni Ethan at hindi ikaw?

Nagseselos ka sa kanya dahil hindi mo magawang makuha ang pansin ng lalaking gusto mo ganun ba?"

"Parang ganun na nga po!"

"Eh sira ka pala eh! Bakit sa Ate Kate mo galit dyan hindi dun kay Ethan? Bakit, sa tingin mo ba magkakagusto yang Ate Kate mo kay Ethan e, sobrang in love yun kay Melabs!

Hindi ba parang unfair naman ata para sa Ate Kate mo na magalit ka sa kanya eh hindi naman nya hawak ang puso't isipan ni Ethan?"

Natahimik si Khim, tila napahiya.

May punto ang Tita Nicole nya.

Pero paano naman nya magagawang magalit kay Ethan eh labs na labs nya ito?

*****

"Hoy kayong dalawa saan kayo galing at ngayon lang kayo?"

Tanong ni Nicole kay Kate at Mel na magkaholding hands ng dumating sa lobby ng resort.

"Eh dyan lang po sa tabi tabi Tita Mommy!"

Ngiting ngiti na parang kinikilig pang sagot ni Mel.

Kahit si Kate ay namula din bigla at parang kinikilig din ng maalala ang ginawa nila kanina.

Sa itsura at pasimpleng ngitian ng dalawa mukhang alam na nya kung ano ang ginawa ng mga ito.

"Ehem! Tama na yan! Tara na at gagabihin na tayo pabalik sa Little Manor!

Asan nga pala si Ethan?"

"Ay baka po kasama ng Mommy nya. nagkita po kasi sila kanina!"

"Nope, I'm here!"

Biglang litaw ni Ethan.

Kanina pa sya paikot ikot sa buong resort pero hindi nya makita ang dalawa. Buti na lang naisipan nyang magtungo sa lobby ng resort.

"Elise, I need to talk to you!"

"Hephep! Ethan please tama na yang kaka Elise mo pwede ba? Sya si Kate ang WifeyLabs ko! Kung hindi mo sya kakausapin bilang si Kate na WifeyLabs ko, hindi kita papayagang kausapin sya!"

Matapang na sabi ni Mel.

"Pwede ba Mel, huwag ka munang makialam! It's between me and Elise! So back off!"

Singhal ni Ethan na ikinagulat ng lahat lalo na ni Kate.

"Ethan, stop this! There is nothing between us and there will never be anything between us!"

Napataas naman ang kilay ni Nicole.

'Lintek na batang ito may attitude! Kala ko pa naman ke bait bait at kay galang!'

Sasabat na sana si Nicole pero mapilit di Ethan.

"Elise, gusto ko lang naman na makausap ka dahil may mahalaga akong sasabihin sa'yo!"

Mapilit si Ethan dahil pakiramdam nya pag hindi nya nasabi ang nararamdaman nya kay Kate tuluyan na itong mawawala sa kanya.

"Wala na tayong dapat pagusapan Ethan. Malaki ang utang na loob ko sa'yo sa pagligtas mo sa akin pero kailangan ko ng bumalik sa family ko!

Tita Ninang, tara na po!"

"Wait! Your not leaving me, right? Sasama ko!"

Nakaramdam ng inis si Nicole. Sasagot na sana ito kaso, may dumating.

avataravatar
Next chapter