webnovel

There is US not You and I

Ang sabi ng lahat hindi raw tayo 'BAGAY' para sa isa't isa. Pero sino ba sila para pakialaman tayong dalawa? Sya lang ang lalaking nagparamdam sa akin what really loves is! As long as we hold our hands together, kahit ano mang dumating kakayanin natin ng magkasama!

trimshake · Urban
Not enough ratings
154 Chs

Are You Thinking What I'm Thinking Right Now?

Airport.

Sa isang VIP lounge mapapansin sa isang sulok ang isang babae na mag isang nakaupo.

Hindi ito nakaharap sa lahat kaya walang nakakapansin na lihim itong umiiyak.

'Huhuhu! Hindi na nya ko mahaaal!'

'Siguro ..... meron na syang iba!'

'Waaaaah!'

'Akala ko talaga may forever e, totoo palang wala, WALA! Waaaaah!'

Si Nicole ang babaeng yun at narito sya sa airport dahil lumayas sya sa bahay nila sa Little Manor.

'Hindi ko akalain na magagawa mo sa akin ito! Waaaahhhh!'

'Kaya aalis na lang ako! Good bye Honey! Waaaahhhh!'

Pero magpahanggang ngayon, hindi pa rin nya alam kung saan sya pupunta, uuwi ba sya sa Zurgau o lalabas sya ng bansa?

Kaya dalawang tiket ang binili nya, isang patungong Zurgau, ang bayan kung saan sya ipinanganak at isa patungong Australia.

Kanina pa sya dito pero hindi pa sya makapag decide kung saang destinasyon sya tutungo dahil umaasa sya na darating ang asawa nyang si Edmund at aamuin syang bumalik sa bahay nila.

Dahil ang totoo nyan, hindi talaga buo ang loob nyang umalis, gusto lang nyang magpahabol kay Edmund.

'Huhu! Kanina pa ko dito, pero bakit wala pa rin sya? Hindi na ba nya talaga ako mahal?!'

Nagiwan sya ng sulat sa side table ng kama nila para sabihing lumayas sya pero magaanim na oras na sya dito sa airport wala pa ring Edmund na dumarating.

'Waaaaaahhh! Hindi na talaga ako mahal ng Honey ko!'

'Pag wala pa rin sya dito pag announce ng boarding, sorry na lang sya! Tuluyan ko na syang lalayasan! Hmp!'

Pero bumilang pa ang oras ni anino ni Edmund wala pa rin hanggang sa ...

"Flight AUS0123 for Australia is now ready for boarding!"

'Hmp! Bahala sya! Kala nya hindi ko sya kayang iwan!'

Sabay tayo ni Nicole.

Pero bago sya tuluyang umalis ay nagselfie muna ito na ipinakita pa ang airline tiket nya at saka ipinost sa kanyang social media account na may caption na:

I am leaving .....

Pero hindi napansin ni Edmund ang post nya dahil busy ito sa mas malaking problema.

May nag leak ng news tungkol sa virus.

Nagpanick tuloy ang mga tao lalo na sa lugar kung saan namatay ang tauhan ni Don Miguel na si Zac.

Marami ang biglang nagkaroon ng parehong mga sintomas na meron si Doña Isabel at Don Miguel at Zac kahit hindi naman nila nakahalubilo ang mga ito.

Napuno tuloy ng pasyente ang mga ospital at nataranta na rin ang mga duktor sa dagsa ng tao.

******

"Anak ng .....!"

"Anong nangyayari, bakit biglang nagkaganyan?"

Naiiritang tanong ni Edmund sa kausap.

"Sir, mukhang may sadyang nagpapakalat para magpanic ang mga tao!"

"Pero ano ang intensyon ng taong ito at sino ang taong ito?"

Tanong ni Edmund sa sarili.

"Si Tito George po!"

"Huh?"

Nagulat si Edmund ng biglang madinig ang boses ni Kate sa kabilang laptop.

Tatlo ang laptop na nakaharap kay Edmund kung saan nya kinakausap sila.

"Si Tito George po Ninong ang nag leak ng news at nagpapakalat din nito!"

Sagot ni Kate.

"Huh? Paano mo nalaman?"

"May isang staff dito na binubuyo ang mga tao na mag aklas para paalisin sila Lola Issay at Lolo Miggy!

Pinaimbestigahan ko na po sya at nalaman namin na kinontak sya ni Tito George para gumawa ng paraan para mailabas sila Lola Issay at Lolo Miggy mula po dito sa Sinag!"

"Anong intensyon ni George bakit gusto nyang mailabas yung dalawang matanda?"

Naguguluhan tanong ni Edmund.

"At bakit nya ipinagkakalat ang tungkol sa virus?"

Muling tanong ni Edmund sa sarili pero this time isinatinig na nya.

May ilang linggo na rin nyang iniimbestigahan ang tungkol dito at sumasakit na ang ulo nya sa madaming ganap.

Pero hindi pumasok sa isip nya na may posibilidad na may kinalalaman ang panganay na anak ni Miguel sa una nyang asawa na si George.

"Ninong, I also found out na nag tempt din pumasok ng Sinag si Tito George not only once but many times!"

Pahabol ni Kate.

"But obviously he failed. Hindi sya makapasok kaya gumagawa sya ng paraan para mailabas ng Sinag Island ang dalawang matanda!"

Pagdugtong ni Edmund sa sinabi ni Kate.

"Pero ang curious ako, paano nalaman ni Eman ang sintomas nila Lola Ganda at Lolo Don Miggy?"

Sabat na tanong ni Mel na nakaupo sa malapit ni Kate.

Pero sinasabi nya ito sa sarili nya, hindi nya inaasahan na madinig ng dalawa.

"Ano yun hubbylabs?"

Tanong ni Kate sa asawa.

"Huh?"

Gulat na tanong na tugon ni Mel sa asawa ng mapansing biglang nasa kanya ang atensyon ni Kate.

"Sorry WifeLabs hindi ko gustong istorbohin ang meeting mo with Tito Ninong pogi, napaisip lang talaga ako!

Nakapagtataka kasi e!"

"Ang alin ang nakapagtataka Mel?"

Tanong ni Edmund.

Aware syang andun si Mel sa tabi ni Kate kahit hindi nya ito nakikita sa monitor at kanina pa nakikinig, kaya hindi na sya nagtataka ng madinig ang boses nito.

At ngayon ay curious sya sa iniisip nito.

"Kasi po Ninong Pogi, paano nalaman ni Eman ang tungkol sa kalagayan nila Lola Ganda at Lolo Ser Miggy e super higpit ang security natin para walang makaalam nga nito? Sino ang magsasabi sa kanya?"

Paliwanag ni Mel sa iniisip nya.

Bagay na napaisip din bigla si Kate at si Edmund ng madinig ang paliwanag ni Mel.

Masyado ngang mahigpit ang security sa dalawang matanda. Sila lang ang pwedeng makaalam ng sitwasyon.

Si Edmund, Si Kate, si Mel, si James at si Vicky ang may access na makalapit sa dalawa.

Si James ang nagaasikaso at nagmomonitor sa mga vitals nila at si Vicky ang kumukuha ng dugo at iba pang samples at tumutulong din kay James para mamonitor ang kalagayan ng dalawang matanda.

May dalawang nurse silang itinalaga sa kanila para makatulong sa kanila at may isang med tech silang kinuha para gawin ang mga test.

Pero lahat sila ay ibinukod sa mga kasamahan nilang staff at bantay sarado ng mga personal security ng dalawang matanda at binigyan ng isang matutuluyan para masiguro na walang magli leak na impomasyon.

"Kaya paano?"

Muling tanong ni Mel.

Sa sobrang focus ni Mel sa pagpapaliwanag, hindi nya kaagad nakita ang pagbabago sa reaksyon ng mukha ng asawa.

'Anyari dito kay KateMyLabs? May nasabi ba akong hindi maganda kaya ganito ang reaksyon nya?'

Kita kasi sa mukha ni Kate ang kaba at takot bagay na hindi nya madalas makita sa asawa.

"Ninong, are you thinking what I'm thinking right now?"

Yes Kate!"

Kita rin ang pagalala sa mukha ni Edmund.

'Si George ang may gawa ng lahat ng ito!'